Friday, August 7, 2009

Nabobits akong bigla

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagsusulat (note: nagkukumahog na pagsusulat) ng aking proposal nang natigilan ako dahil sa isang salita. Alam ko ibig nung sabihin at ang rules sa paggamit nun, pero ang hindi ko maisip ay kung anong part of speech yun.

At ang word na 'yun ay.... dyarrrrraaaaaannnnnnnn!!!

"Taga-"

... as in "Taga-saan ka? Taga-Laguna." hahaha! Mahalagang concept yan sa thesis ko kaya kelangan kong malaman kung anong tawag diyan kasi ieexplain ko siya dapat. Hehehe, nag-email na tuloy ako sa friend kong Language teacher. E since impatient ako at nagkukumahog nga ako, ay nagsearch na ako sa net, kasi asa pa ako sa library namin dito na makahanap ako ng Filipino Grammar book diba. And then napunta ako sa site na 'to: PinoyExchange.com. Forum siya actually na ang thread topic ay "You're and Your", how Pinoys make mistakes sa paggamit ng dalawang words na 'yan, hanggang sa dumating na rin sa topic ng Filipino grammar, like use ng "ng" ant "nang", difference ng pang-uri at pang-abay, mga ganung tipo ba. Katuwa siya, really kasi mga pinoy yung nagpapalitan ng opinyon, hindi lang sa Filipino language pero kung paano natin gamitin yung English. Natutuwa naman ako, kasi malaking bahagi ng identidad natin bilang Filipino yung wika.

Tulad ng term natin na "Taga-". Sabi dun sa nakita kong source sa net, "Taga-" daw is a noun-forming prefix meaning 'a native of' or 'coming from'. Diba kapag sinabi mong "Taga-Laguna ako", most likely kaakibat niya yung ethno-linguistic background mo. Meaning kung "taga-Laguna" ka, malamang Tagalog ka at dun ang hometown mo. (I still have to research kung tama ito sa lahat ng pagkakataon o hindi, sa tingin ko hindi sa lahat ng pagkakataon kasi pwedeng Bisaya ka na taga-Baguio, yung ganun ba! hehehe).

Ayun. That's the preview of the 20% of my thesis topic. Hahaha... Pero nawindang talaga ko diyan sa word na yan ha. Pero buti na lang naliwanagan na ako, at least dun kung anong tawag sa kanya. Pero dun sa konteksto niya at mga kaakibat niyang kaetchosan na mahalaga sa thesis topic ko, hindi ko pa rin masyado magets! haaayyyy...

Yun lang. ☺☺☺



3 comments:

  1. hmnmm.... nosebleed... mabasa nga ulit... bweheehe

    ReplyDelete
  2. pwede namang noun yun siguro... yung ginagamit ng mga tambay at mga adik dito sa amin kapag gusto nilang magpatayan... hahaha...

    ReplyDelete
  3. action word naman yun worthy! hehehehe

    ReplyDelete