Tuesday, August 19, 2008

Surviving AIT, Missing UP Diliman

This place is so much different from UP Diliman and even UP Baguio. Walang shopping center na pwede mong mabilhan ng lahat ng pangangailangan mo. Meron nga ditong mga convenience store pero actually, hindi siya convenient puntahan. Bakit? Una, wala naman dun ang mga kailangan mo. Pangalawa, hindi mo maintindihan ang mga nakasulat. At pangatlo, hindi ka nila magets. Oh well, ano ba ang irereklamo ko, hindi naman ako tagarito. So I'm planning to take a crash course on Thai Language this September dito sa school. 1500 baht ang bayad. Sana magkasya ang datung ko diba. Hay.

I can't call my mom. I can't call my friends kahit yung mga nasa Bangkok dahil ang aking mahiwagang sim ay hindi gumagana sa aking mahiwagang phone. Buti pa yung Globe sim card ko na nakaroaming, kahit papaano gumagana at nakakatanggap ako ng messages from the Philippines. Hay...

But fortunately, at God's grace talaga, may mga nami-meet ako na mga astig na tao dito sa campus. Noong monday, habang nagmumuni-muni/super late lunch/ naiiyak moments/ pagod moments dahil sa mga anik-anik at mabigat na bag at pangit na dorm, ay namit ko ang VP for Development and Resources na taga-Burma. Ngachikahan kami at later on ayun, binigay niya yung email address niya at mobile phone, sakali daw na malungkot ako, we can have dinner or something. Actually, inivite niya pa ako sa isang function, Indonesian day daw, e ang lola ninyo, walang dalang pormal-pormalan na damit! Ayun, hindi ako nakasama. She's so nice! ILang beses na daw siya nakarating sa Manila at advice niya sa akin, mag-aral lang ako dahil madali lang ang two years. Pwede ko naman daw siyang tawagan in case na wala akong kasama at gusto ko ng kausap.

And just today, nameet ko yung pinay kong classmate at Adventist pa siya. May Tita siya na dito rin nag-aaral so dun kami naglunch kanina. Dun din ako naki-internet, nakiYM kasi walang YM dito sa computer lab. Ayun.

Then yung dormmate ko na Vietnamese, super nice din. Ahehe. Bumili kami kanina ng planggana kasi hindi namin alam pano namin lalabhan ang aming mga damit. Though may laundry service dito.

Namit ko na rin yung adviser ko (advisor ang tawag nila!) Marami ring Pinoy sa mga offices dito, dun sa CIDA, dun sa Scholarship, dun sa Gender. Haaayyy.

Pero sad pa rin sa room kapag umuuwi ako kaya kapag nakuha ko yung allowance ko, ia-avail ko ang 50% laptop subsidy para sa student na kagaya ko. Ahehehe. So sa mga pinagkakautangan ko, wait lang ng konti ha. Darating tayo sa pagbabayad sa inyo kasi kailangan ng down payment na 6250 baht. yun pa lang naman. Yung other 6250 baht, kahit next year ko na bayaran. ahehehe. Yes, yun lang ang babayaran ko! ahehe. Pero promise, babayaran ko rin kayo. Wait lang ng konti kasi kailangan ko rin ng laptop para sa skul e.

There, para na akong si Rica. Im counting every Sabbath na dadaan kasi makikita ko sina Babes nun or si Zadel. Hay. Sana makasurvive pa ako hanggang May 25, 2010. Or mag-iipon ako para makauwi sa december. There. I'm not having so much fun but what can I do! I chose this so I have to endure! Hay...

Sunday, August 17, 2008

Goodbye Manila, Hello Bangkok




"In a world where gravity rules, I chose to fly"

Windang akong umalis sa Manila at wala talaga akong time mag-isip kung tama ba ang ginagawa ko. Pagdating ko sa airport, ayy! doon ko na-feel ang kaba! Oh well, first time ko sumakay ng eroplano, first ko lumabas ng Luzon, at first time ko lumabas ng bansa. My golly! Tapos mag-isa pa ako. Oh well, I lurv it! Ahehehe... With Zadel's idiot guide, ayun, hindi naman ako nagpakatanga sa NAIA at sa Suvarnabhumi. Ahehehe

Dumating ako sa Bangkok mga 12mn (Bangkok time) at sinundo ako nina Babes. Super tagal na kaming hindi nagkikita kasi nagpunta na nga siya dito 4 years ago. Sa kanila muna ako nagstay kagabi hanggang ngayon. Kanina, nagpunta kami sa Pratunam, Platinum Mall at Pantip. At biglang mahal ko na agad ang Bangkok! Ahahaha! Punta kayo dito para malaman nyo bakit. :D

Punta na ako sa AIT bukas ng umaga. Nameet ko rin yung isa pa naming AMiCUS friend dito, si Oyeng, at sasamahan niya ako sa Pathumthani dahil dun din siya nagwowork. Nameet ko na rin 'yung ibang friends nina Babes at Sonny dito. They're so nice. At palagi akong pinapakain ni Babes! Goodluck sa pagpapapayat ko!

Hay... Ang saya! This is just the beginning! :D

Saturday, August 16, 2008

Blogging from Bangkok

Hello philippines and hello world!!! I'm blogging from Bangkok! Hehehe! I'm staying at my friends house here in Bangkok. She's so nice! At maggagalakami ngayon dahil hindi pa akomakapunta sa school dahil Sunday! Ayun! Babye!!!

Tuesday, August 12, 2008

Foodtrip sa UP (august 10. 2008)





Photobucket

Kelan ba naman kami nagkapera? Pero kahit wala kaming pera, gora pa rin sa katatawa. Foodtrip sa SC, tambay sa sunken, picture-picture, meeting people, eating tipid na dinner! Ayun lang ang pinaggagawa namin pero masaya naman (kahit naligaw kami sa Krus na Ligas. At least nalaman namin ang bahay ni Jesser. E sino ba si Jesser?) Ahahaha

Saturday, August 9, 2008

Lahat Tayo Nasasaktan





When the day is long and the night, the night is yours alone
when you're sure you've had enough of this life, well hang on.
Don't let yourself go, everybody cries and everybody hurts sometimes.

Sometimes everything is wrong. Now it's time to sing along.
When your day is night alone, hold on, hold on
if you feel like letting go, hold on
when you think you've had too much of this life, well hang on.

Everybody hurts. Take comfort in your friends.
Everybody hurts. Don't throw your hand. Oh, no. Don't throw your hand.
If you feel like you're alone, no, no, no, you are not alone

If you're on your own in this life, the days and nights are long,
when you think you've had too much of this life to hang on.

Well, everybody hurts sometimes,
everybody cries. And everybody hurts sometimes.
And everybody hurts sometimes. So, hold on, hold on.

Friday, August 8, 2008

Pop Stars





Courtesy of PhotoFunia.com


Photobucket
Thai Pop Star


Photobucket
Pop Star


Photobucket
Ongbak The Series


Photobucket
Rico Mambo

Wednesday, August 6, 2008

Bungol


"Nakakasawa rin palang mag-ilusyon 'no?"

Haayyyy... (sabay hikab) nakakatamad! Parang tugtog sa media player na naka-loop, paulit-ulit lang, at nakakasawa. Hindi mo naman kailangang pakinggan pero dahil noong una ay naaaliw ka, 'yun lang ang pinakinggang mo hanggang sa nasusuya ka na. Gusto mo nang isuka ang kantang pinapakinggan mo.

Humanap ka ng ibang mapaglilibangan. 'Yung bago, 'yung mas exciting. Sa madaling salita, 'yung mas mahirap kaysa sa dati, 'yung mahirap maarok, mahirap maunawaan, mahirap maabot. Pero sa kalaunan, tinamad ka na rin. Nagsawa. Paulit-ulit ka lang na tinatamad, na nagsasawa.

Hanggang ilusyon mo na lang ang binalingan mo. Pero kung akala mo masu-sustain ka ng imahinasyong hindi nasasaklaw ng realidad, medyo nagkamali ka rin doon. Dahil mas nakakabato pala 'yun. Kasi kaya mong gumawa ng sariling ending. Dahil ilusyon mo lang. At walang kahit anong excitement. Dahil nahuhulaan ng sarili mo ang plot ng ilusyon mo. Sisimulan mo pa lang, nababato ka na.

Wala. Hindi mo na tuloy alam ang gagawin mo. Kaya katahimikan at kawalan na lang ang pinagdiskitahan mo. Hinila ka sa pagkakatulog. At buong magdamag kang natutulog na hindi nananaginip. Napagod ka sa katamaran mo. Pati panaginip mo wala nang lakas na magpatuloy sa gabi. Pero mas mabuti 'yun para kahit minsan, manahimik naman ang nag-aalburuto mong isipan, at nang sa paggising mo, makalimutan mong ikaw ang ilusyon, at hindi ka umiiral.

 

Tuesday, August 5, 2008

Bonggang Word of the Month


expedite \ˈek-spə-ˌdīt\ transitive verb; ex·pe·dit·ed, ex·pe·dit·ing; Latin expeditus, past participle of expedire;  (1) to execute promptly (2) to accelerate the process or progress of : speed up (3) issue, dispatch

In other words, ngaragin lahat ng pwedeng ngaragin, mapa-DFA pa 'yan, o UP Registrar, o Munisipyo sa kung saan man, o kahit magulang, kapatid, kaibigan; o kahit 'yung nagse-xerox, o nagpi-picture, sama mo na 'yung mga manong driver, pati na rin 'yung MRT. Pati sarili mo, sama mo! Lahat ng pwedeng ngaragin at pumapayag magpangarag, go! Dahil una wala naman talaga silang ginagawa; pangalawa, makulit ka lang talaga; pangatlo, 'pag hindi mo ginawa 'yun, patay ka talaga!
 
Expedite. I love the word! Haha.
 
 

Friday, August 1, 2008

Wala-Lang Post

August na! Oh My Golly Mami!

Kakagising ko lang, mga 430pm. Kasi ba naman kakatulog ko lang din ng mga 2pm. Yes, gising ako buong maghapon, magdamag, at maghapon ulit. May tinatapos kasi akong commitment, mahirap layasan 'yun ng ganun-ganun na lang. Hay naku, tapos may meeting ako sa kaninang mga 11am, nagtaggal 'yun hanggang 130. Kaya naman 2pm na ako nakatulog. Gosh, antok pa ako. Pero super dami pa ng gagawin.

Ako ang mag-special feature sa church bukas.

Kailangan ko tapusin script sa Estragel 4. (may chance sa Albada Arjay!!!)

Revisions nung ginagawa namin ni Lau.

Uwi Laguna para i-inform si Mama na lalaboy na ako, at malapit na 'yun. Tipong mga 2 weeks na lang yata. Ganyan.

Mag-ayos ng mga papeles, etc.

Mag-impake.

I-meet ang mga friends. Dalawang taon din 'yun 'day. E ang dami nila. Oh my!

Pumuntang Baguio. Wala lang.

Aasikasuhin pa ang SSS ni Papa at ang mana! (Ahahaha, 'yan ay kung hindi magsuswapang ang mga kapatid niya!)

Etc. Etc. Etc.

Sandamukal na gagawin. Kakapiranggot na panahon. Oh my...

Kasya naman wala kang ginagawa, boring 'yun diba?

'Yun lang. Ngarag lang ako.