"Sha, hindi ito Laguna. At kahit nasa Laguna ka, wala pa rin naman kami dun."
Ang comfi ng pakiramdam kapag may kaibigan kang bumibisita sa lugar na hindi ninyo bayang kinagisnan. Ilang kaibigan ko na rin ang napunta ng Baguio at kung ako man ang pangunahing rason ng pagpunta nila ng Baguio o hindi, ang mahalaga nagkita kami dito, sa lugar na ngayon ay kinalalagyan ko.
Isa si Terine sa malalapit kong kaibigan noong highschool, ilan sa taong nagtiyaga sa kabaliwan ko noong mas bata pa ako. Siyempre, isa siya sa mga taong nakakaalam ng mga pinakatatago kong sikreto. Ahehehehe... Magaling siyang kumanta, sa katunayan, madalas namin siyang ipanlaban sa mga singing contest sa school. Magaling din siyang magsulat at kasama namin siya sa student paper noong highschool. Matalino rin ito, nakuha niya ang best thesis noong highschool. Ikaw ba naman ang mag-alaga ng SILK WORM diba? Oo, kahayupan at kahalamanan ang thesis namin nung highschool. Meron pa kaming subjects na plant physiology and morphology, soil science, at ang mga quiz at contest sa amin ay mga estimation of live weight (estimation ng weight ng baboy), seed identification, laying-out an orchard, mga ganun klase. Ang cute diba. Si Terine din ang isa sa may pinakamagandang mukha sa batch pero hindi siya mahilig sa ka-batch namin. MAs gusto niya 'yung mga mas matanda sa kanya. Nagka-boyfriend siya nung 3rd year highchool kami, si Marlon, na college student na sa parehong school namin. Laboratory highschool kasi yung school namin so may college at may highschool. At pagpapalayan ang aming libangan. kamusta naman 'yun!!!
Anyway, hindi taga-Siniloan si Terine pero hindi hadlang 'yun para hindi kami makatambay sa kanila, lalong-lalo na't malapit ang bahay ni Bernie sa kanila. Para-paraan lang 'yan e. Ahihihihi... Ayun, pero siyempre, after highschool, hindi ko na siya madalas makita kasi magkaiba kami ng school na napasukan. UST siya nakapagtapos ng Legal Management. But still, we remain friends. Medyo maaga rin siya nag-asawa at ngayon ay 4 years old na ang baby girl niya na si AJ.
Before kami magkita kahapon dito sa Baguio, nagkita kami kina Che sa Pangil, holy week last year. Pero hindi kami masyadong nakapagkuwentuhan dahil late na siya dumating from work. So ayun. Pagdating niya dito, sinigurado kong makakapagkuwentuhan kami.
Mineet ko siya sa Starbucks mga ala-una ng hapon kahapon. Kahit may klase ako, ay go ang lola n'yo kasi bihira lang ang ganitong pagkakataon. At writing class naman yung klase ko ng 1pm e kaya okay lang. Kasama niya si Rex, ang kanyang special some"thing" ahehehe... ayun. Nagkuwentuhan, tawanan, hanggang sa kinailangan ko munang bumalik sa klase ko ng mga 4pm. Pero nagkasundo kaming magbi-videoke sa gabi. And knowing na magaling kumanta si Terine, alam kong magiging masaya ang laboy kong ito.
So ayun na nga. Kahit umuulan, go pa rin sa pagkanta ang mga lola n'yo. Ang nakakatawa, since magaling nga siyang kumanta, hinamon ko siyang ang mga kakantahin ay 'yung mga kantang uso noong highschool kami. Ako ang nagbibigay ng mga kakantahin niya. Sinimulan ko yata sa "Remember Me This Way" at ginantihan naman ako ng "Parting Time" Ahahahaha. Ang cute. Naaalala tuloy namin ang mga kagagahan namin nung highschool. And of course, namiss namin si Aileen at si Ruth. Kaming apat kasi ang laging magkakasama noon. Magkakatabi sa upuan, magkakakuntsaba sa mga kalokohan. At pare-parehong naghakot ng medals noong highschool. Naalala ko noong third year kami, magkakalapit na kaming apat sa likod ng klasrum. Tapos nung fourth year, front row seats naman ang kinuha namin. Wala lang, to assert that we are the brightest in our class! Ahehehe... Joke lang 'yun. GUsto lang naming magseryoso kasi fourty year na kami nun. Ayun. Bigla kong silang namiss lahat.
Sabi ko kay Terine, kung nandito lang silang lahat sa Baguio, hindi na talaga ako bababa. Pero tulad nga ng katotohanan na sinabi niya, hindi naman kasi Laguna ang Baguio at kahit sa Laguna ay hindi ko rin naman sila matatagpuan. That means, inevitable ang paglalayas at paghihiwalay ng mga tao, kahit ganaano n'yo pa gustong magsasama-sama. Bahagi ito ng paglago at kailangang lumago araw-araw. Hindi rin naman ibig sabihin na ang paghihiwalay ang katapusan ng lahat. Bilog lang ang mundo, malaki ang posibilidad para sa muling pagtatagpo.
Sino ba naman ang mag-aakalang lalaboy pala kaming dalawa sa Baguio, e noong mas bata kami Paete lang ang mapuntahan, okay na kami. Kahit na once a year lang kami magkita, ayos na. Alam ko naman na kahit hindi kami nagkikita e nandiyan pa rin lahat ng friends ko para sa akin. :D
Miss you Ails. :D
Wednesday, February 27, 2008
Tuesday, February 26, 2008
Thursday, February 21, 2008
HOW TO CONTROL EMOTIONS
(galing sa email)
This would give you guides on how to control your emotions towards your better-half, friends, officemates and all the people around you, especially your "boss ". The rules of practicing "ugaling langit, ugaling kaaya-aya."
#1 Ang naunang magalit ang may karapatang magalit. Pag naunahan ka na ng galit niya, tumahimik ka na lang muna.
#2 Walang taong nag-aaway mag-isa. Pag hindi kayo sumagot o pumatol, titigil din daw ang taong nakikipag- away sa inyo.
#3 Ang taong galit, bingi. If someone is angry, wala raw pinakikinggan, so, don't try to explain and fight back. Hindi ka niya iintindihin dahil wala siyang naririnig kundi ang sarili nya.
#4 Ang taong galit, abnoy. Ayon sa pastor, Biblical daw ito? because the Lord said when He was crucified, "Father, patawarin mo sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa." Modern term for these kinds of people are abnoys, so you better not get angry para huwag kang matawag na abnoy.
You should also know and realize that the persons who make your day bad are jewel, because you need them for you to mature. Hangga't andyan daw sila at kinaiinisan mo, ibig sabihin, immature ka pa. God will not take away those people; it's for you to take away your bad feelings towards them. You'll know na mature ka na pag dumating 'yung time na hindi ka na naiinis sa mga taong ito because you have learned to accept them and to have patience with them.
#5 Finally, the best part of this is to tell yourself na, because of this person, "I will grow mature," and that DAHIL SA CONTRIBUTION NIYA SA MATURITY MO, KUKUNIN DIN SYA NI LORD.
Ahehehe... :D

Saturday, February 16, 2008
There are friends who pretend to be friends, but there is a friend who sticks closer than a brother. (RSV, 1952)
"A friend loves at all times..." Proverbs 17:17
"In the End, we will remember not the words of our enemies,
but the silence of our friends."
~ Martin Luther King Jr.
"Friendship without self - interest is one of the rare
and beautiful things of life."
~ James F. Byrnes
"Friendship is always a sweet responsibility,
never an opportunity."
~ Kahlil Gibran
"Friendship is neither a formality nor a mode:
it is rather a life."
~ David Grayson
"If a man does not make new acquaintances as he
advances through life, he will soon find himself left alone;
one should keep his friendships in constant repair."
~ Samuel Johnson
"Stay is a charming word in a friend's vocabulary."
~ Louisa May Alcott
"If we would build on a sure foundation in friendship,
we must love friends for their sake rather than for our own."
~ Charlotte Bronte
"A true friend is someone who thinks that you are a good
egg even though he knows that you are slightly cracked."
~ Bernard Meltzer
"A friend is someone who sings your heart's song
back to you when you have forgotten the words."
~ David Coppola, Ph.D.
"When you ask God for a gift,
Be thankful if he sends,
Not diamonds, pearls or riches,
but the love of real true friends."
~Helen Steiner Rice
from http://www.gagirl.com/friends/friends.html

Xiaui, Amer and Mac
Friday, February 15, 2008
Sa Araw ng mga Puso
Iisang pag-ibig lang ang kayang humugot sa tao mula sa kanyang kahibangan, ang kayang magbigay ng buong-buong pagmamahal na hindi mamamatay, at kayang magbuwis ng sarili kahit pa Kanyang ikamatay para lang masagip ang Kanyang mahal. At madalas ang pag-ibig na ito at ang kayang magbigay nito ang nakakalimutan natin lalo na sa panahong pag-ibig ang ipinagdiriwang.
Kahapon, ipinagdiwang ng buong mundo ang Araw ng mga Puso. Naglipana ang mga lovers na may hawak-hawak na rosas at balloons. Uso ang surpresa, uso ang cards, uso ang pula. Pag-ibig ang sinasambit ng buong madla. Uso rin ang mga nagluluksa, iyong walang kasama, iyong mag-isa, at iyong nagbibitter-bitter-an sa buhay; 'yung mga naglilitanyang "walang nagmamahal sa akin." Kung iisipin, isang normal na araw lang naman ang ika-14 ng Pebrero. Nagiging kakaiba na nga lang dahil pinauso ng mga kapitalista para magkamal ng salapi, at magpaawa sa mga taong hindi nakakasunod sa usong ito. Pero sa kabilang banda, ano naman ang masama sa pagse-celebrate ng araw ng mga puso, tutal natural na kaganapan naman sa buhay ng tao ang magmahal at mahalin.
Tulad ng karamihan, mag-isa lang din ako kahapon (hindi tulad noong isang taon kasi may event ang Baguio Writers Group noon, hindi masyadong naramdaman ang pag-iisa) at pinili ko na lang ding mag-isa. Pero hindi tulad ng ibang taong kontento sa kanilang pag-iisa, dinamdam ko ang mga sandaling iyon dahil sa pag-aakalang walang nagmamahal sa akin, at kahit kailan ay walang magpapahalaga. Hay naku, sa mga nakakakilala sa akin, malamang ang sasabihin n'yo ay forever ko nang litanya ito. Oo, at nakakatawa nga na nakakahiya lalo na doon sa nagmamahal at nagpapahalaga sa akin.
Aminin man natin o hindi, may mga moments sa buhay natin na isinasawalang-bahala natin ang mga taong nagmamahal sa atin, lalo na 'yung source ng lahat ng pagmamahal na meron sa mundo. At ito lang talaga ang pinag-uugatan ng lahat ng problema ko -- masyado na akong malayo sa Kanya na pati pag-ibig Niya ay hindi ko na nakikita, hindi ko na nakikilala.
Naisip ko tuloy, kung ako nga naiinsulto kapag 'yung taong mahalaga sa akin ay hindi nakikita ang pagpapahalaga ko, e Siya pa kaya na nandiyan lagi para sa akin, na nagbigay ng Kanyang buhay para lang sa akin? Ang kapal naman ng mukha ko para mag-angas na walang nagmamahal sa akin samantalang ayan Siya, nakatangyod, nagmamasid. Hindi ko lang napapansin kasi iba ang hinahanap ko.
Pero kung tutuusin, sa Kanya naman galing ang lahat-lahat ng klase ng pag-ibig sa mundong ito. At sa tingin ko, kung hindi mo alam ang love na galing sa Kanya, hindi mo magagawang mahalin ang sarili mo, mas lalong hindi mo magagawang magmahal ng ibang tao. Kaya siguro ako mag-isa dahil hindi ko naman nire-recognize ang presence Niya. Kaya siguro hindi pa dumarating ang taong magmamahal sa akin (romatically) ay dahil ako mismo ay hindi pa kaya (ulit) magmahal.
Naaalala ko 'yung sinabi ni Lau sa akin nung weekend. May letter daw siya sa akin dati, years ago, at nakalagay daw sa letter na 'yun kung gaano ko nakakayang magmahal kahit wala nang rason para magmahal. Sabi ko sa kanya, ganun nga ako dati. At natatakot akong baka hindi ko na ulit kayang magawa 'yun dahil sa sakit na naramdaman ko dati. Baka napiga na lahat, wala na akong kaya pang ibigay. Unfair naman 'yun para sa taong darating sa buhay ko, diba. At kung ngayon siya darating, masasaktan ko lang siya kasi hindi ko pa talaga kayang magmahal ng buong-buo. Hindi dahil takot akong magmahal, kundi hindi ko nakikita ang pagkukuhanan ko ng pagmamahal na nag-uumapaw. Kailangan ko munang makita si God, at muli Siyang mahalin, at tanggapin ang pagmamahal na ibinibigay Niya bago ko matutunang magmahal muli.
Uuwi na ako sa Kanya. Tama ang pagiging pasaway.
"Love cannot be commanded. It cannot be won by force or authority. Only by love is love awakened."

Wednesday, February 6, 2008
='(
"Hindi lahat ng pag-ibig ay kailangang lagyan ng malisya. Minsan, mas matimbang pa ang pag-ibig sa kaibigan kaysa pag-ibig na may pagnanasa. At madalas, mas nakakapanakit ito."
Tuesday, February 5, 2008
Mga Regalo noong Pasko
Ang dami kong natanggap na regalo noong nakaraang pasko, at iilan lamang ang mga ito sa mga regalong 'yun.
BAGS
Si Steyfi ang nakakuha ng pangalan ko sa exchange gift namin sa college noong disyembre 21, 2007. At ito ang binigay niya sa akin. Ang dami nang napuntahan ng bag na ito mula Baguio papuntang Manila, dumeretso ng Laguna, at nag-Sagada pa. Thanks Steyfi. :D
Next bag na natanggap ko ay ang bigay ni Joy. PopCulture ang dating at astigin siya. Bagay sa rakistang tulad ko. Thanks Joy.
And this bag, galing pa 'yan ng Bicol. Sabi ni Amer kailangang magpakababae na daw ako, sa isip, sa puso at sa gawa (ahehehe) kaya binigyan niya ako ng kikay bag na ito. Babae naman ako e... hindi lang halata! Ahehehe. Isa lang 'yan sa maraming gift ni Amer sa akin nung christmas season. Thanks a lot Amer. Promise, gagamitin ko rin 'to kapag feel kong babae ako. :D
JOURNAL AT HEADSET
The reason bakit hindi ako nakipagpalit sa nanay ko ng celepono ay para magamit ko 'yung binigay sa akin ni Atez na headset (?) sa celphone. :D Thanks Atez! At si Atet, sakto ang pagbibigay niya ng journal na ito dahil hindi ko naabot ang quota sa starbucks para magkaroon ng journal na maganda! Ahehehe Thank you po ngay! :D
FROM THE NETHERLANDS WITH LOVE
Galing si Fifi sa Netherlands nung holiday. Sabi ko sa kanya bago siya umalis, kahit bato lang from The Netherlands masaya na ako. Pero, pagdating niya, hindi bato ang bnigay niya kundi ito. May ganito si Hemingway dati. At sa isang manunulat na tulad ko, mahalaga ang maliit na notebook na madadala mo kung saan-saan at pwede mong sulatan kapag namamalirong na ang utak mo ng mga kataga. O diba, lumelevel ang lola n'yo sa mga great writers of the world! Thanks Fifi for the Moleskin! I LOVE IT!!! :D
SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGREGALO SA AKIN!!! mwah!

Huling Buwan
BUWAN XII
Sharon Feliza Ann P. Macagba
Kung ang pagsulyap sa iyo'y
Ikinasusuklam mo,
Heto, halika!
Tanggapin mo ang mga mata ko,
Dinukot ko na para sa'yo.
Durugin mo.
Sunugin mo.
Itapon mo ang abo.
Hindi na ako makakatitig sa'yo.
Hindi ko na mananakaw ang hibla ng liwanag mo.
Hindi ko na matatapos ang pagtatahi sa tulang ito.
Huwag lamang tangayin ng hangin ang abo
At matagpuan ako ng labi ng mata ko.
At multuhin ako ng sakit ng pagkasuklam mo.
--Pebrero 6, 2008, Lungsod Baguio

Monday, February 4, 2008
Ang Bagong Justice League
Sira ulo lang talaga ako 'no. Alas sais na ng umaga ako natulog kanina dahil tinapos ko ang layout ng Buwan Series ko, at napag-alaman kong ISANG tula na lang pala ang kailangan ko para matapos na ang seryeng ito na 1999 ko pa nasimulan. Dahil limitado ang resources kagabi (walang Photoshop ang Mac na gamit ko kagabi) ito lang ang nagawa ko. HIndi pa ito ang final na itsura niya. Sinubukan ko lang kung pwede. Pero malamang, magdodrowing na lang ako, or kung may gustong mag-volunteer mag-drowing para sa BUWAN SERIES 1 collection ko, mas okay sana 'yun. :-)
Pagkatapos ko 'tong gawin, ito naman ang pinagkaabalahan ko:

Subscribe to:
Posts (Atom)