"Sha, hindi ito Laguna. At kahit nasa Laguna ka, wala pa rin naman kami dun."
Ang comfi ng pakiramdam kapag may kaibigan kang bumibisita sa lugar na hindi ninyo bayang kinagisnan. Ilang kaibigan ko na rin ang napunta ng Baguio at kung ako man ang pangunahing rason ng pagpunta nila ng Baguio o hindi, ang mahalaga nagkita kami dito, sa lugar na ngayon ay kinalalagyan ko.
Isa si Terine sa malalapit kong kaibigan noong highschool, ilan sa taong nagtiyaga sa kabaliwan ko noong mas bata pa ako. Siyempre, isa siya sa mga taong nakakaalam ng mga pinakatatago kong sikreto. Ahehehehe... Magaling siyang kumanta, sa katunayan, madalas namin siyang ipanlaban sa mga singing contest sa school. Magaling din siyang magsulat at kasama namin siya sa student paper noong highschool. Matalino rin ito, nakuha niya ang best thesis noong highschool. Ikaw ba naman ang mag-alaga ng SILK WORM diba? Oo, kahayupan at kahalamanan ang thesis namin nung highschool. Meron pa kaming subjects na plant physiology and morphology, soil science, at ang mga quiz at contest sa amin ay mga estimation of live weight (estimation ng weight ng baboy), seed identification, laying-out an orchard, mga ganun klase. Ang cute diba. Si Terine din ang isa sa may pinakamagandang mukha sa batch pero hindi siya mahilig sa ka-batch namin. MAs gusto niya 'yung mga mas matanda sa kanya. Nagka-boyfriend siya nung 3rd year highchool kami, si Marlon, na college student na sa parehong school namin. Laboratory highschool kasi yung school namin so may college at may highschool. At pagpapalayan ang aming libangan. kamusta naman 'yun!!!
Anyway, hindi taga-Siniloan si Terine pero hindi hadlang 'yun para hindi kami makatambay sa kanila, lalong-lalo na't malapit ang bahay ni Bernie sa kanila. Para-paraan lang 'yan e. Ahihihihi... Ayun, pero siyempre, after highschool, hindi ko na siya madalas makita kasi magkaiba kami ng school na napasukan. UST siya nakapagtapos ng Legal Management. But still, we remain friends. Medyo maaga rin siya nag-asawa at ngayon ay 4 years old na ang baby girl niya na si AJ.
Before kami magkita kahapon dito sa Baguio, nagkita kami kina Che sa Pangil, holy week last year. Pero hindi kami masyadong nakapagkuwentuhan dahil late na siya dumating from work. So ayun. Pagdating niya dito, sinigurado kong makakapagkuwentuhan kami.
Mineet ko siya sa Starbucks mga ala-una ng hapon kahapon. Kahit may klase ako, ay go ang lola n'yo kasi bihira lang ang ganitong pagkakataon. At writing class naman yung klase ko ng 1pm e kaya okay lang. Kasama niya si Rex, ang kanyang special some"thing" ahehehe... ayun. Nagkuwentuhan, tawanan, hanggang sa kinailangan ko munang bumalik sa klase ko ng mga 4pm. Pero nagkasundo kaming magbi-videoke sa gabi. And knowing na magaling kumanta si Terine, alam kong magiging masaya ang laboy kong ito.
So ayun na nga. Kahit umuulan, go pa rin sa pagkanta ang mga lola n'yo. Ang nakakatawa, since magaling nga siyang kumanta, hinamon ko siyang ang mga kakantahin ay 'yung mga kantang uso noong highschool kami. Ako ang nagbibigay ng mga kakantahin niya. Sinimulan ko yata sa "Remember Me This Way" at ginantihan naman ako ng "Parting Time" Ahahahaha. Ang cute. Naaalala tuloy namin ang mga kagagahan namin nung highschool. And of course, namiss namin si Aileen at si Ruth. Kaming apat kasi ang laging magkakasama noon. Magkakatabi sa upuan, magkakakuntsaba sa mga kalokohan. At pare-parehong naghakot ng medals noong highschool. Naalala ko noong third year kami, magkakalapit na kaming apat sa likod ng klasrum. Tapos nung fourth year, front row seats naman ang kinuha namin. Wala lang, to assert that we are the brightest in our class! Ahehehe... Joke lang 'yun. GUsto lang naming magseryoso kasi fourty year na kami nun. Ayun. Bigla kong silang namiss lahat.
Sabi ko kay Terine, kung nandito lang silang lahat sa Baguio, hindi na talaga ako bababa. Pero tulad nga ng katotohanan na sinabi niya, hindi naman kasi Laguna ang Baguio at kahit sa Laguna ay hindi ko rin naman sila matatagpuan. That means, inevitable ang paglalayas at paghihiwalay ng mga tao, kahit ganaano n'yo pa gustong magsasama-sama. Bahagi ito ng paglago at kailangang lumago araw-araw. Hindi rin naman ibig sabihin na ang paghihiwalay ang katapusan ng lahat. Bilog lang ang mundo, malaki ang posibilidad para sa muling pagtatagpo.
Sino ba naman ang mag-aakalang lalaboy pala kaming dalawa sa Baguio, e noong mas bata kami Paete lang ang mapuntahan, okay na kami. Kahit na once a year lang kami magkita, ayos na. Alam ko naman na kahit hindi kami nagkikita e nandiyan pa rin lahat ng friends ko para sa akin. :D
Miss you Ails. :D
Waaahhhhh! Buti pa si Terine! Natuloy na sya jan! Xiaui, lumabo ang plano kong pagpunta jan bukas.... :-( Liit kasi ng sinahod ko eh. Di kakasya hanggang sa next sahod ko (mar 10-14 probably).... :-(
ReplyDelete