Tuesday, February 5, 2008

Huling Buwan

BUWAN XII
Sharon Feliza Ann P. Macagba

Kung ang pagsulyap sa iyo'y
Ikinasusuklam mo,
Heto, halika!
Tanggapin mo ang mga mata ko,
Dinukot ko na para sa'yo.
Durugin mo.
Sunugin mo.
Itapon mo ang abo.

Hindi na ako makakatitig sa'yo.
Hindi ko na mananakaw ang hibla ng liwanag mo.
Hindi ko na matatapos ang pagtatahi sa tulang ito.
Huwag lamang tangayin ng hangin ang abo
At matagpuan ako ng labi ng mata ko.
At multuhin ako ng sakit ng pagkasuklam mo.


--Pebrero 6, 2008, Lungsod Baguio

7 comments:

  1. ang deep! will u publish your buwan poems?!

    ReplyDelete
  2. yey! finally! Congratulations dear! :-D

    ReplyDelete
  3. yup! yup! maganda yung idea mo na 12 artists. kaya lang mukhang di ako kasma dun. di naman ako artist e. artistahin, oo pero di totoong artist. hahaha ang kapal ko. eniweis, i'll wait for your email. :-)

    ReplyDelete