Ang dami kong natanggap na regalo noong nakaraang pasko, at iilan lamang ang mga ito sa mga regalong 'yun.
BAGS
Si Steyfi ang nakakuha ng pangalan ko sa exchange gift namin sa college noong disyembre 21, 2007. At ito ang binigay niya sa akin. Ang dami nang napuntahan ng bag na ito mula Baguio papuntang Manila, dumeretso ng Laguna, at nag-Sagada pa. Thanks Steyfi. :D
Next bag na natanggap ko ay ang bigay ni Joy. PopCulture ang dating at astigin siya. Bagay sa rakistang tulad ko. Thanks Joy.
And this bag, galing pa 'yan ng Bicol. Sabi ni Amer kailangang magpakababae na daw ako, sa isip, sa puso at sa gawa (ahehehe) kaya binigyan niya ako ng kikay bag na ito. Babae naman ako e... hindi lang halata! Ahehehe. Isa lang 'yan sa maraming gift ni Amer sa akin nung christmas season. Thanks a lot Amer. Promise, gagamitin ko rin 'to kapag feel kong babae ako. :D
JOURNAL AT HEADSET
The reason bakit hindi ako nakipagpalit sa nanay ko ng celepono ay para magamit ko 'yung binigay sa akin ni Atez na headset (?) sa celphone. :D Thanks Atez! At si Atet, sakto ang pagbibigay niya ng journal na ito dahil hindi ko naabot ang quota sa starbucks para magkaroon ng journal na maganda! Ahehehe Thank you po ngay! :D
FROM THE NETHERLANDS WITH LOVE
Galing si Fifi sa Netherlands nung holiday. Sabi ko sa kanya bago siya umalis, kahit bato lang from The Netherlands masaya na ako. Pero, pagdating niya, hindi bato ang bnigay niya kundi ito. May ganito si Hemingway dati. At sa isang manunulat na tulad ko, mahalaga ang maliit na notebook na madadala mo kung saan-saan at pwede mong sulatan kapag namamalirong na ang utak mo ng mga kataga. O diba, lumelevel ang lola n'yo sa mga great writers of the world! Thanks Fifi for the Moleskin! I LOVE IT!!! :D
SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGREGALO SA AKIN!!! mwah!
congrats dear! :-)
ReplyDelete