Wednesday, August 27, 2008

Bloopers Na Naman Ako

Lagi talaga kong nabibiktima ng mga ganito.

Sabi ni Zadel, never pa ako nagkaroon ng crush na hindi nalaman ng crush ko na sruch ko siya. Masyado daw kasi akong halata kapag nagkaka-crush. At ganun na naman ang nangyari this time, though hindi ako 100% sure. Medyo 90% lang ganyan. Ganito kasi ang nangyari:

Tumawag si Zadel sa akin kasi break time niya sa class niya. Wala rin naman akong ginagawa kasi kakatapos lang naming mag-lunch ni Kissy. I was planning to go to the computer lab to finish our assignment for Dr. Nowarat's class pero since tumawag si Zadel, chika-chika muna.

So chinika ko na sa kanya na may crush nga ako dito. So kinuwento ko sa kanya kung paano ko nakilala, at kung bakit ko siya crush. Kinuwento ko rin sa kanya na nakita ko siya kagabi doon sa film showing ng Dark Knight sa AITCC, at kung gaano ka-cute ang smile niya kagabi sa akin. Mga ganyang tipo. Kinuwneto ko rin sa kanya na magkakilala si Kissy at si crush, at super available pa si crush.

Hanggang sa napasarap na ang kuwentuhan. Hindi ko alam kung gaano kalakas ang boses ko, pero alam ninyo naman na malakas talaga ang boses ko (at base pa ang tone.) Tapos, sinabi ko rin ang mga "pointers" na binigay ni Kissy. Sabi ni Zadel, parang "How to win a (insert nationality here)'s heart" ang drama. E namali si Zadel ng nationality na binanggit. Kinorek ko. After a few seconds... as in few seconds...

SUMULPOT NA LANG SIYA!!! NAKASMILE SA AKIN!!! Galing siya dun sa may bandang library e nakatalikod ako dun kaya hindi ko siya napansin na paparating pala siya sakay ng bike niya!!!

Waaaaaaaaaahhhhhhhh...

Hay naku, the whole time na nagchichikahan kami ni Zadel e nagpi-Filipino ako para nga naman madali ko matago ang chika ko sa mga tao dito. Kung kelan naman ako ng English saka naman dumaan! At malamang narinig niya yung sinabi ko kasi malakas nga akong magsalita!

Damn! Ano ba yan...

Tapos kakaiba pa 'yung pagsmile niya kanina! Para bang sinasabi sa'yo na, "Uy, narinig ko 'yun! Crush mo ako nu?" Waaaahhhh... Anuvayan!!!

Oh well... nagsusumixteen lang!!! ahehehe

Monday, August 25, 2008

Don't smile, baka mahulog ako



Hindi kita kilala. Hindi ko nga alam ang first name mo e. Kilala lang kita sa apelyido mo at madalas, mali pa ang pagbigkas ko sa pangalan mo. Pero natutuwa ako kapag nakikita kita.

Hindi mo rin naman talaga ako kilala pero sa tuwing nakikita mo ako lagi mo akong tinatanong kung kamusta na ako. And you're always telling me that I will be fine here and that I don't need to worry that much.

And I appreciate that.

But still, I don't know you...


(Kanina ko lang naisip na gwapo ka pala... :D)

Saturday, August 23, 2008

First Week Gaga




I had one tough week. As in gusto ko nang lumipad pauwing Pilipinas, pero siyempre, hindi ko pwedeng gawin yun. These are the photos I took while killing time. Most of the time mag-isa lang ako at pakalat-kalat sa AIT. Kahapon, friday, nawala pa ako paghahanap ng masasakyan papuntang Bangkok. Buti na lang mabait si Oyeng at hinintay pa rin niya ako sa BTS (Bangkok Train Station.)

Wednesday, August 20, 2008

When It rains, it pours!

Ahahaha... "when it rains, it's four!" Ka-level niyan ang "I told you not to go to but you go to. Now look at!" (in tagalog, "sabi ko sayo wag kang pumunta dun pero pumunta ka pa rin. Ngayon tingnan mo!) Ahahahaha. Baliw!

Wala akong pasok ngayong araw na ito. Parang yung dating gawi sa UP, wednesday walang pasok. Pero hindi ibig sabihin walang pasok lahat. Hehe, nagkataon lang na wala akong pasok kapag wednesday. So, nagpunta ako sa Language Center dahil "required" ang lahat na kumuha ng English Test kahit 'yung mga Kano at European. Hmmm... weird nu! But anyway, so ayun na nga. Pero bago ako pumunta doon, dumaan muna ako sa computer lab at nagcheck ng mails. After nun, bumaba na ako para nga pumunta na diyan sa exam kiorvs na yan. Pagbaba ko, asus! May nakita akong super-mega familiar na face! Si KISSY!!!

Yes, mga kapatid, si Kissy Sumaylo na dating AMiCUS na matagal nang hindi nagpapakita ay nandito pala sa mahiwagang kaharian ng Thailand! At nasa AIT pa siya. Graduate na daw siya at nagtatrabaho na dito. Hindi ko lang sure kung staff siya or nagtuturo na rin. Hindi kami masyadong nakapagchikahan kasi late na ako sa exam na yan pero at least, nung makita ko siya, parang mas gumaan ang mundo! Yun lang. super tagal ko nang kakilala si Kissy. Third year pa lang ako sa college kilala ko na siya. Nakarating na rin siya sa bahay namin sa Laguna at madalas naming kachikahan sa tambayan, sa church, sa kung saan-saan. Pero siyempre after niyang grumadweyt, medyo hindi na kami madalas magkita at ang pagkikita naming ito ay super surprise sa aming dalawa. Of course nagtataka siya anong ginagawa ko sa E-AY-TE (AIT, hehehe) samantalang alam niya na writing talaga ang course ko dati. Oh well, ako rin nagtataka bakit ako nandito. Pero hindi naman ako mapapadpad dito kung walang purpose diba? Ahehehe...

Ayun, bukod kay Kissy, kinukulit ko na lahat ng Pinoy na makita ko dito. Actually kahit yung hindi pinoy kinukulit ko na rin. Tawa nang tawa sa akin yung dormmate ko na Vietnamese, si Hang. Nagchikahan kasi kami kagabi at ayun, pareho kaming mahilig sa Japanese culture particularly anime and manga. Ahahaha! Sabi niya gusto niya raw makarating sa Pilipinas kaya lang pareho kaming under scholarship at kailangan naming mapasa 'yung mga subjects namin bago kami makapagliwaliw. Sabi ko sa kanya, ipapasa namin yung mga yun! Para makagala naman siya sa Pilipinas. At para makarating na rin ako sa Vietnam at nang tama na ang costume ko sa next time na mag-Vietnamese outfit ako para hindi naman na ako mapagkamalan ni Isko na Cambodian! Ahahahahaha

Oh well, hindi pa tapos ang araw ko. Mamaya, pupunta ako sa Future Park (mag-aadventure ako papunta doon. Sasakay ako ng public transport! Ngiiii... good luck sa akin! Igagala daw kasi ako ni Oyeng at para na rin makabili ng plantsa! Ahahaha! Naaalala ko tuloy ang dalawang kikay housemates kong sina arjay at amer, na kahit saan pumunta, mapa-Sagada pa 'yan o Bontoc, plantsa talaga ang unang dala-dala! Ahahaha)

Wish me luck! Hihihihi

Tuesday, August 19, 2008

Surviving AIT, Missing UP Diliman

This place is so much different from UP Diliman and even UP Baguio. Walang shopping center na pwede mong mabilhan ng lahat ng pangangailangan mo. Meron nga ditong mga convenience store pero actually, hindi siya convenient puntahan. Bakit? Una, wala naman dun ang mga kailangan mo. Pangalawa, hindi mo maintindihan ang mga nakasulat. At pangatlo, hindi ka nila magets. Oh well, ano ba ang irereklamo ko, hindi naman ako tagarito. So I'm planning to take a crash course on Thai Language this September dito sa school. 1500 baht ang bayad. Sana magkasya ang datung ko diba. Hay.

I can't call my mom. I can't call my friends kahit yung mga nasa Bangkok dahil ang aking mahiwagang sim ay hindi gumagana sa aking mahiwagang phone. Buti pa yung Globe sim card ko na nakaroaming, kahit papaano gumagana at nakakatanggap ako ng messages from the Philippines. Hay...

But fortunately, at God's grace talaga, may mga nami-meet ako na mga astig na tao dito sa campus. Noong monday, habang nagmumuni-muni/super late lunch/ naiiyak moments/ pagod moments dahil sa mga anik-anik at mabigat na bag at pangit na dorm, ay namit ko ang VP for Development and Resources na taga-Burma. Ngachikahan kami at later on ayun, binigay niya yung email address niya at mobile phone, sakali daw na malungkot ako, we can have dinner or something. Actually, inivite niya pa ako sa isang function, Indonesian day daw, e ang lola ninyo, walang dalang pormal-pormalan na damit! Ayun, hindi ako nakasama. She's so nice! ILang beses na daw siya nakarating sa Manila at advice niya sa akin, mag-aral lang ako dahil madali lang ang two years. Pwede ko naman daw siyang tawagan in case na wala akong kasama at gusto ko ng kausap.

And just today, nameet ko yung pinay kong classmate at Adventist pa siya. May Tita siya na dito rin nag-aaral so dun kami naglunch kanina. Dun din ako naki-internet, nakiYM kasi walang YM dito sa computer lab. Ayun.

Then yung dormmate ko na Vietnamese, super nice din. Ahehe. Bumili kami kanina ng planggana kasi hindi namin alam pano namin lalabhan ang aming mga damit. Though may laundry service dito.

Namit ko na rin yung adviser ko (advisor ang tawag nila!) Marami ring Pinoy sa mga offices dito, dun sa CIDA, dun sa Scholarship, dun sa Gender. Haaayyy.

Pero sad pa rin sa room kapag umuuwi ako kaya kapag nakuha ko yung allowance ko, ia-avail ko ang 50% laptop subsidy para sa student na kagaya ko. Ahehehe. So sa mga pinagkakautangan ko, wait lang ng konti ha. Darating tayo sa pagbabayad sa inyo kasi kailangan ng down payment na 6250 baht. yun pa lang naman. Yung other 6250 baht, kahit next year ko na bayaran. ahehehe. Yes, yun lang ang babayaran ko! ahehe. Pero promise, babayaran ko rin kayo. Wait lang ng konti kasi kailangan ko rin ng laptop para sa skul e.

There, para na akong si Rica. Im counting every Sabbath na dadaan kasi makikita ko sina Babes nun or si Zadel. Hay. Sana makasurvive pa ako hanggang May 25, 2010. Or mag-iipon ako para makauwi sa december. There. I'm not having so much fun but what can I do! I chose this so I have to endure! Hay...

Sunday, August 17, 2008

Goodbye Manila, Hello Bangkok




"In a world where gravity rules, I chose to fly"

Windang akong umalis sa Manila at wala talaga akong time mag-isip kung tama ba ang ginagawa ko. Pagdating ko sa airport, ayy! doon ko na-feel ang kaba! Oh well, first time ko sumakay ng eroplano, first ko lumabas ng Luzon, at first time ko lumabas ng bansa. My golly! Tapos mag-isa pa ako. Oh well, I lurv it! Ahehehe... With Zadel's idiot guide, ayun, hindi naman ako nagpakatanga sa NAIA at sa Suvarnabhumi. Ahehehe

Dumating ako sa Bangkok mga 12mn (Bangkok time) at sinundo ako nina Babes. Super tagal na kaming hindi nagkikita kasi nagpunta na nga siya dito 4 years ago. Sa kanila muna ako nagstay kagabi hanggang ngayon. Kanina, nagpunta kami sa Pratunam, Platinum Mall at Pantip. At biglang mahal ko na agad ang Bangkok! Ahahaha! Punta kayo dito para malaman nyo bakit. :D

Punta na ako sa AIT bukas ng umaga. Nameet ko rin yung isa pa naming AMiCUS friend dito, si Oyeng, at sasamahan niya ako sa Pathumthani dahil dun din siya nagwowork. Nameet ko na rin 'yung ibang friends nina Babes at Sonny dito. They're so nice. At palagi akong pinapakain ni Babes! Goodluck sa pagpapapayat ko!

Hay... Ang saya! This is just the beginning! :D

Saturday, August 16, 2008

Blogging from Bangkok

Hello philippines and hello world!!! I'm blogging from Bangkok! Hehehe! I'm staying at my friends house here in Bangkok. She's so nice! At maggagalakami ngayon dahil hindi pa akomakapunta sa school dahil Sunday! Ayun! Babye!!!

Tuesday, August 12, 2008

Foodtrip sa UP (august 10. 2008)





Photobucket

Kelan ba naman kami nagkapera? Pero kahit wala kaming pera, gora pa rin sa katatawa. Foodtrip sa SC, tambay sa sunken, picture-picture, meeting people, eating tipid na dinner! Ayun lang ang pinaggagawa namin pero masaya naman (kahit naligaw kami sa Krus na Ligas. At least nalaman namin ang bahay ni Jesser. E sino ba si Jesser?) Ahahaha

Saturday, August 9, 2008

Lahat Tayo Nasasaktan





When the day is long and the night, the night is yours alone
when you're sure you've had enough of this life, well hang on.
Don't let yourself go, everybody cries and everybody hurts sometimes.

Sometimes everything is wrong. Now it's time to sing along.
When your day is night alone, hold on, hold on
if you feel like letting go, hold on
when you think you've had too much of this life, well hang on.

Everybody hurts. Take comfort in your friends.
Everybody hurts. Don't throw your hand. Oh, no. Don't throw your hand.
If you feel like you're alone, no, no, no, you are not alone

If you're on your own in this life, the days and nights are long,
when you think you've had too much of this life to hang on.

Well, everybody hurts sometimes,
everybody cries. And everybody hurts sometimes.
And everybody hurts sometimes. So, hold on, hold on.

Friday, August 8, 2008

Pop Stars





Courtesy of PhotoFunia.com


Photobucket
Thai Pop Star


Photobucket
Pop Star


Photobucket
Ongbak The Series


Photobucket
Rico Mambo

Wednesday, August 6, 2008

Bungol


"Nakakasawa rin palang mag-ilusyon 'no?"

Haayyyy... (sabay hikab) nakakatamad! Parang tugtog sa media player na naka-loop, paulit-ulit lang, at nakakasawa. Hindi mo naman kailangang pakinggan pero dahil noong una ay naaaliw ka, 'yun lang ang pinakinggang mo hanggang sa nasusuya ka na. Gusto mo nang isuka ang kantang pinapakinggan mo.

Humanap ka ng ibang mapaglilibangan. 'Yung bago, 'yung mas exciting. Sa madaling salita, 'yung mas mahirap kaysa sa dati, 'yung mahirap maarok, mahirap maunawaan, mahirap maabot. Pero sa kalaunan, tinamad ka na rin. Nagsawa. Paulit-ulit ka lang na tinatamad, na nagsasawa.

Hanggang ilusyon mo na lang ang binalingan mo. Pero kung akala mo masu-sustain ka ng imahinasyong hindi nasasaklaw ng realidad, medyo nagkamali ka rin doon. Dahil mas nakakabato pala 'yun. Kasi kaya mong gumawa ng sariling ending. Dahil ilusyon mo lang. At walang kahit anong excitement. Dahil nahuhulaan ng sarili mo ang plot ng ilusyon mo. Sisimulan mo pa lang, nababato ka na.

Wala. Hindi mo na tuloy alam ang gagawin mo. Kaya katahimikan at kawalan na lang ang pinagdiskitahan mo. Hinila ka sa pagkakatulog. At buong magdamag kang natutulog na hindi nananaginip. Napagod ka sa katamaran mo. Pati panaginip mo wala nang lakas na magpatuloy sa gabi. Pero mas mabuti 'yun para kahit minsan, manahimik naman ang nag-aalburuto mong isipan, at nang sa paggising mo, makalimutan mong ikaw ang ilusyon, at hindi ka umiiral.

 

Tuesday, August 5, 2008

Bonggang Word of the Month


expedite \ˈek-spə-ˌdīt\ transitive verb; ex·pe·dit·ed, ex·pe·dit·ing; Latin expeditus, past participle of expedire;  (1) to execute promptly (2) to accelerate the process or progress of : speed up (3) issue, dispatch

In other words, ngaragin lahat ng pwedeng ngaragin, mapa-DFA pa 'yan, o UP Registrar, o Munisipyo sa kung saan man, o kahit magulang, kapatid, kaibigan; o kahit 'yung nagse-xerox, o nagpi-picture, sama mo na 'yung mga manong driver, pati na rin 'yung MRT. Pati sarili mo, sama mo! Lahat ng pwedeng ngaragin at pumapayag magpangarag, go! Dahil una wala naman talaga silang ginagawa; pangalawa, makulit ka lang talaga; pangatlo, 'pag hindi mo ginawa 'yun, patay ka talaga!
 
Expedite. I love the word! Haha.
 
 

Friday, August 1, 2008

Wala-Lang Post

August na! Oh My Golly Mami!

Kakagising ko lang, mga 430pm. Kasi ba naman kakatulog ko lang din ng mga 2pm. Yes, gising ako buong maghapon, magdamag, at maghapon ulit. May tinatapos kasi akong commitment, mahirap layasan 'yun ng ganun-ganun na lang. Hay naku, tapos may meeting ako sa kaninang mga 11am, nagtaggal 'yun hanggang 130. Kaya naman 2pm na ako nakatulog. Gosh, antok pa ako. Pero super dami pa ng gagawin.

Ako ang mag-special feature sa church bukas.

Kailangan ko tapusin script sa Estragel 4. (may chance sa Albada Arjay!!!)

Revisions nung ginagawa namin ni Lau.

Uwi Laguna para i-inform si Mama na lalaboy na ako, at malapit na 'yun. Tipong mga 2 weeks na lang yata. Ganyan.

Mag-ayos ng mga papeles, etc.

Mag-impake.

I-meet ang mga friends. Dalawang taon din 'yun 'day. E ang dami nila. Oh my!

Pumuntang Baguio. Wala lang.

Aasikasuhin pa ang SSS ni Papa at ang mana! (Ahahaha, 'yan ay kung hindi magsuswapang ang mga kapatid niya!)

Etc. Etc. Etc.

Sandamukal na gagawin. Kakapiranggot na panahon. Oh my...

Kasya naman wala kang ginagawa, boring 'yun diba?

'Yun lang. Ngarag lang ako.