Wednesday, June 29, 2011

Yun lang.

"If it's a broken part, replace it. If it's a broken arm then brace it. If it's a broken heart then face it." --Details in the Fabric, Jason Mraz


Narealize ko lang na kapag tumatanda ka na pala, hindi mo na kinakatakutan ang mga bagay na dati mong kinakatakutan. Yun nga lang, may mga bagay rin na dating hindi mo kinakatakutan ang ngayo'y kinakatakutan mo na, nang bongga.

Tulad halimbawa ng rejection. Kung dati ayos lang mabasted ng makailang ulit kasi fresh pa naman ang puso mo, kaya mo pang i-take ang lahat ng sakit. Kasi alam mong sa kinabukasan, nagrerefresh lang ng kusa ang puso mo.

Kaya lang habang tumatagal, marami kang natutunan. Natututo kang lumaban sa sakit. natututo kang umiwas sa sakit. Natututo kang matakot sa sakit. Hanggang sa ayaw mo na sa sakit, dahil pwede namang hindi masaktan.

Yun nga lang, hindi ka naman pwedeng magmahal nang hindi sumusugal na masaktan.

Kaya mo pa bang magmahal?

Friday, June 24, 2011

Ayoko ng Ulan

Ayoko ng ulan. Dahil para akong nilulunod nito sa dagat ng kalungkutan.

Hindi ako marunong lumangoy. At hindi ako siguradong may sasagip sa akin o kung gusto nila akong sagipin. Ang iba'y para lang nakakita ng basurang tinatangay ng alon.

Walang gustong humawak ng basura. Walang gustong sumagip ng basura. Ang basura, tinatapon. Sinusunog. Hinahayaang matangay ng hangin. Ng tubig. Ng pagkaagnas. Ng paglimot.

Ayoko ng ulan. Dahil kaya ako nitong lunurin.

At walang sasagip sa akin.

:,(

Pwede bang umayaw na lang? 'Yung tipong isang araw hindi ka na gigising? Tutal parang walang silbi na rin naman ang lahat. Hindi ka rin naman nakikita. Wala ka rin lang namang matinong ginagawa. So bakit hindi ka na lang umayaw? O di kaya'y maglaho na lang? Tutal wala rin namang pagkakaiba kung nandito ka o wala.

Pwede bang umayaw na lang?