Sunday, July 6, 2008

28 Things That Never Fail to Make me Smile

as requested by ails...

1. ice cream pagkatapos ng depressing na exam
2. tambay sa sunken habang pinagmamasdan ang mga gumagalaw na tao, halaman, sasakyan, ulap, etc.
3. starry, starry night
4. falling star
5. blue moon
6. rainbows and sunshine after the rain
7. feel-good movies
8. nature trekking
9. day-dreaming
10. travelling, exploring new places
11. icedtea
12. putanesca sa umaga
13. huge and furry teddy bear
14. giving gifts
15. receiving gifts
16. surprises
17. books
18. hanging out with friends
19. pakikinig sa mga stories ng mga matatanda lalo na sa mga kuwento ng nanay ko
20. Baguio memories
21. korning jokes
22. paychecks and bonuses
23. libreng pagkain
24. kapag nakikita ko ang/ ang mga crush ko tapos bigla akong ngingitian (asus!!!)
25. a kiss
26. accomplishing a task
27. discovery
28. possibilities

 

Wednesday, July 2, 2008

28 Lalaki sa Buhay ko

Hindi nangangahulugan na ganito karami Ex ko ha!  Wala rin sa ayos 'to ha. Kung sino lang 'yung naaalala ko. ahehehe

1. STEPHEN - kababata, anak ng pedia ko dati. First crush ko 'to kaya hindi ko siya makakalimutan. Nasa friendster ko siya at architect na siya ngayon, nasa US. Hihihi

2. Arjay COLADILLA - Si Jumong ng aking buhay! Ahahahaha! Peace Arjay!

3. BERNIE - like ko siya nung Highschool pero di na ngayon. Ang rason? Secret! Galugarin n'yo multiply ko, malalaman n'yo sagot! Ahehehehe

4. the boy we call JOMOND - hehehe. School-mate ko nung highschool. 2nd year ako, first year siya. Ayy, kaloka ito kasi nakaharbat ng picture niya si Terine tapos binigay sa akin. Tapos nakita ng kapatid ko. Isusumbong daw ako kay Mama, ayun, binibigyan ko siya ng puiso araw-araw para lang hindi niya sabihin kay Mama. Kotongan daw ba ako? Hehehe

5. "PAPASTOR" - before ma-coin ang term na "papastor" may crush na akong nagpapastor, kapatid ng churchmate ko dati. hehehe

6. Papastor's COUSIN - may gusto siya sa akin. Period. hahaha e yung cousin niya ang gusto ko. Ahehehe

7. DONG, ang machong-masungit na PepSquad

8. ANDREI, ang gwapong mabait na PepSquad

9. PEDRO, ang mahiwaga kong blockmate. Maraming nagkakagusto dito, naku!

10. MR. PAPEL - kasing puti siya ng bond paper. Intsik kasi. hindi ko na maalala kung kaklase ko ba siya o pareho lang kami ng teacher sa HumII.

11. GWAPO - Beta Sigman, at hindi ko alam ang pangalan niya. Kamukha niya si Richard Gomez, promise!

12. MR. MUSIC CIRCLE - Jumong the 2nd 'to hehehe... magaling pang maggitara at magkinanta. Kapit-tambayan namin yung org niya dati e. Madali lang makasilay! Ahehehe

13. VOORDUX - heheheh... hi dux! Crush kita dati, pero konti lang! Mas crush ka kasi ni Ate Apol e. Ahehehe. Date ko 'to nung banquet namin at siya ang nagyayaya. May "ATE" nga lang na kasama sa pagyaya. Napaka-magalang!!! Ahehehe

14. MJOLNIR XOCE - ganda ng name niya nu? Kulit din 'to e. Short-lived lang ang pagkagusto ko dito. di na kami nagkita e

15. DON, kapatid ni Ate Eva. Ahehehehe. Bata siyang di hamak sa akin. Wala lang, mahilig ako sa bata e. Tahimik 'to pero astig sa pagtugtog ng gitara. Music Major sa UP 'to e. :D

16. KEN. Dati ha! DATI! Nung college pa ako! Di na ngayon, please lang!!! Ahehehe

17. CHICHI - hehehe. orgmate.

18. KUYA LOYNE!!! ahehehehe... parang may koneksiyon ang #17 at #18. Anu kaya un? ahehehehe... nagkagusto sila sa parehong babae, at HINDI ako 'yun! Keri lang! Ahehehehe

19. Bestfriend WINJO! napangasawa niya yung roommate ko dati at abay ako sa kasal nila. Ang cute-cute ni sashi, yung baby nila at magkakaroon ulit sila ng bago. hehehe

20. KELVS - bago nag-asawa sina Kelvs at Win, sila talaga! Ahahahaha! Charoz! Grabe naman 'to! Marami na-link sa lalaki na 'to! Grabe! Ahehehe. (Paging Ms. Dagum!!!!)

21. WENDELL, ang pinsan ni WINJO! Ahehehe. Super like ko talaga 'to hanggang ngayon!

22. He who MUST NOT BE NAMED! Period. Ahehehehe

23. MR. ESTUDYANTE #1. Estudyante ko dati, AY 2006-2007 ahehehe... taga...secret!

24. MR. ESTUDYANTE #2. Estudyante ko dati, AY 2006-2007 ahehehe... taga...secret ulit!!!

25. MARK, na officemate ko dati, na boyfriend ni faith na ngayon ay asawa na niya. ahehehe. crush lang naman yun, konti lang!

26. KUYA SHERMAN. Ahehehe. May asawa na rin 'to e kaya sorry na lang sa akin! Ahehehe

27. PING MEDINA. Naman! Di ba naman! May Buwan IX pa nga ako sa kanya! Ahehehe

28. AMERIGOS da BOGUS! Ahehehe!!! Sino naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Sige nga? Bang gwapo kaya, Bang galing pang magsasaya-sayaw! Dibha naman!!! HAhehehe...


'Yun! Marami pang iba, nakalimutan ko na! Ahehehe



28 Anik-Anik

Malapit na birthday ko. Kainis. Baka gusto ninyong chikahin ang buhay ko, may naisip akong something. Maglilist ako ng 28 things/whatever sa mga ibibigay n'yong topic. Example: 28 favorite cartoon character, ganun. Wala lang, para lang masaya. Hehehe

So, reply-an nyo na lang 'tong post na'to para sa mga gusto nyong topic na ililista ko tapos yun. Hanggang july 22 lang kasi may nakasked na sa july 23. Hehehe... Sige na! Para masaya! :D

Hihintayin ko 'yan ha! :D

'I'm yours' daw



Tinutugtog ang "I'm Yours" dito sa Isko: Ang Kompyuteran ng Iskolar ng Bayan (hehe). Bigla kong naalala ang nakaraang buhay-Baguio ko at siyempre ang mga tao. Hehe.. wala lang! :D

Tuesday, July 1, 2008

Daybreak

"I'm thankful for the One who made
the sunshine and the rain..."



My ermitanya days are over. Finally, lumabas na ako sa lungga ko at nagsimulang makipagsapalarang muli sa mundo. First day ng pinakapaborito kong buwan sa kalendaryo, lumarga ako papuntang Maynila. Tinantanan ko na ang pag-iinarte ko, tulad ng sabi ni Arjay. Early morning, kakasikat pa lang ng araw nang nilisan ko ang lugar kung saan kumportable akong nagkukulong. Dumating ako sa Diliman, super early sa appointment ko. Naisip ko, "this is it! Kakayanin ko 'to."

After ng appointment ko na may kasamang chika with a friend, napagdesisyunan na na maglalagi ako dito sa Maynila. Wala nang atrasan. Bahala na sa kung anong mangyayari. Kailangan ko nang buuin muli ang mundo ko. Living in Baguio was great but Baguio was over. This is where I chose to be now.

Minit ko si Lau after. Nagkita kami sa SC after ng class niya at after kong mangolekta ng curriculum sa mga kolehiyo sa UP. Si Lau 'yung isa sa mga friends ko na napagtitiyagaan talaga ang kakulitan at kagagahan ko. And I am really grateful for her. Actually, kung hindi dahil sa sinabi niyang "Go!", baka nagkukulong pa ako sa Laguna ngayon.

Nag-fishball kami then naglakad papuntang Sunken Garden. Ahehehe. Ang tagal na kasi mula nang huli kong tambay sa Sunken e. Sabi niya sa akin, may exam daw siya bukas. Sabi ko naman sa kanya, "Aral ka lang. Dadaldal lang ako dito kahit di mo ako pakinggan." Ahehehe. Obviously, hindi naman siya nakaaral ng sobra dahil ang daldal ko!

Tapos nakita namin si Mei. Ayun, mas lalo siyang hindi nakaaral. Tinext namin si Grapes, na nasa Law dahil may class. After ng class niya, pinuntahan niya kami.

Chikahan forever.

Then uwian na.

It's great seeing them and talking with them as if kahapon lang kami huling nagkita. Namiss ko 'yun. Namiss ko sila. Namiss ko 'yung ganito, 'yung hindi ako nagkukulong, 'yung makulit ako, 'yung may kausap ako.

I'm thankful for this day and for days to come.

Sunday, June 29, 2008

Limot


Nakakalimot ang tao. Kahit gaano siya mangako ng walang-hanggang pag-alala, makakalimot pa rin siya. Makakalimutan niya ang pangako, ang ipinangako, at ang rason sa binitawang pangako. Dahil mas madali para sa tao ang lumimot kaysa indahin ang sakit ng pag-alala at maghintay sa pagtupad ng pangakong lulunurin lang din naman ng panahon.

Naaalala pa rin kita...

Wednesday, June 4, 2008

Papa Died

Papa's sister called just this morning. "Patay na Papa n'yo, kaninang umaga lang."

*blank stare. blank reaction*

"Sige po, sasabihin ko po kay Mama. Tatawag na lang kami ulit," sabi ko na lang.

Hindi ko kasi alam kung paano magre-react. O malamang, wala lang talaga akong maramdaman. The last time na nagkita kami ni Papa, alam ko may sakit na siya, and in fairness naman sa akin, mabait naman ako sa kanya noon. Well...

Nasanay lang siguro ako na wala siya. He left us when I was three years old. Next time na nagkita kami highschool na ako. Mabibilang lang sa kamay ko ang beses ng pagkikita namin. Karamihan pa doon, medyo puno ng tensyon dahil sa mga kiorvs ng pamilya. Later ko na lang narealize na indifferent na pala ako sa tatay ko. At ngayon ngang patay na siya, i don't feel anything at all. I'm not sad, but I feel sorry for him for having made decisions he regretted only later in his life, pero hindi niya 'yun aaminin dahil ma-pride siya. Kung sinuportahan niya lang sana ako noong nga-aaral ako e di sana hindi naging mahirap ang school life ko. Oh well,  oh well! Past is past. Okay naman na ako sa buhay ko, though medyo marami pa ring trials and all. And he's dead now. Wala na siyang magagawa. At wala na rin akong magagawa to lessen the gap between us. Honestly, I did try to love him. Pero tulad rin ng iba pang klase ng pag-ibig, kailangan mutual. E sa kaso niya, ipagpalagay na natin na mahal naman niya kaming dalawa ni Bon, pero hindi naman niya naipakita. Mas pinairal niya 'yung napakatayog niyang pride kaysa mag-sorry. Hay naku naman. Sakit talaga 'yan ng pamilya namin!

I don't know how my mom will react to this news. I suspect he still loves him after everything. Sabi ni Mama dati, hahayaan na lang daw niya si Papa sa kung sinong gusto nitong makasama pero kapag namatay na, kailangang ibalik sa kanya. Hmmm... mahabang lakbayin 'yun ha. Malayo ang La Union at Laguna. Paano kaya 'yun? O baka "tayutay" lang ni Mama 'yun? Hehehe

Thursday, May 22, 2008

For the Love of It

My mom teaches alternative learning education. Meaning, mga tumigil sa pag-aaral na gusto muling makapagtapos ng elementary o highschool ang tinuturuan niya in preparation para sa pagkuha nila ng exam na magpapapasa sa kanila sa elementary o highschool. Walang age limit 'yun at depende sa availability ng mga estudyante dahil ang iba sa kanila ay maaaring may anak na o may pamilya, o may trabaho. Libre lang din ang pag-aaral na ito.

Isang buwan na ang nakalipas noong bumaba ako mula Baguio at niyakap ang panibagong hamon ng buhay ko, na magpasahanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung anong hamon ba 'yun. Sa loob ng dalawang taon, sobra kong nagustuhan ang pagtuturo at wala na yata akong ibang gusto pang gawin kundi magturo. Kaya naman nahihirapan akong tumanggap ng ibang klaseng trabaho. Naisip ko na rin na pwde ko namang ipagpatuloy ang pagtuturo, kung hindi ngayon, sa mga susunod na panahon. Kailangan ko lang mag-ipon ng pera ngayon dahil sobrang negative na ang networth ko. Hindi na lang muna kaya ako magturo. Hanap kaya ako ng ibang trabaho.

Pero kanina, since dakila naman akong tambay at hindi naman ako bopols sa Math ay pinakiusapan ako ng Mama ko na magturo ng Math sa mga estudyante niya. Ayun, sumugod ako sa school at winindang ang utak nila sa mga kaetchosan ng Math. Natuwa naman sila, at siyempre proud si mudrabelle sa akin. Ahehehe. Nabuhayan ako ng loob kasi pagtuturo talaga ang gusto kong gawin at ito ang trabaho na masasabi kong fulfilling. Ang saya ng feeling na nakapagbahagi ka ng kaalaman mo at kahit wala kang nakuhang bayad, masaya ang pakiramdam.

Ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay mag-apply sa mga schools at magdasal na sana'y matanggap. O kung hindi man ngayon talaga, gagawin ko pa rin ito kapag nabigyan na ako ng financial freedom, kahit 'yung freedom na lang mula sa mga kautangan and all. hehehe.

Magtuturo ulit ako at walang makakapigil sa akin. :D

Friday, May 2, 2008

Lilipad Na Ako




Para lang akong ibon na napadpad sa ibang gubat. At dahil malaya ako, lilipad na naman ako pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako lilipad at kung saan ako makakakita ng pwedeng madapuan. Nakakapagod lumipad nang walang pupuntahan. Pero nakakapagod ding hindi gamitin ang mga pakpak. Kaya, lilipad na lang ako -- makikipagniig sa himpapawid na kumakalinga sa akin, susuungin ang hanging maaaring makasugat o makahilom. At bahala na ang araw at buwan kung gusto nilang mangulit, maging ang ulap kung gusto nilang magtanggol o mang-api.

Hindi ko na mabibitbit ang mga dati kong bagahe. Iiwan ko na 'yun. Hindi ko na rin naman 'yun magagamit. Ang iba nun ay tinangay na ng hangin, ang iba kinain na ng uod, 'yung isa naibaon na sa limot. Bago ang mga bibitbitin ko, magagaan lang para mas madali akong makakalipad. At mas madali kong maaalala ang daan papunta dito.

Salamat sa lahat, sa mga nagpawala ng mga mabibigat kong bagahe, sa pagbibigay ng bagong babauning alaala, sa mga taong nagmahal at minahal, sa lahat ng meron at wala dito. Salamat sa pagkakataon na magkaroon ng saysay sa buhay, kahit hindi ganoon kalaki ang dating ko at mga naibahagi ko, masaya na ako na may saysay ang pananatili ko dito sa loob ng dalawang taon.

Hanggang sa  muling paglipad at pagkakapadpad.

Thursday, May 1, 2008

This


"Is there some place far away, some place where all is clear; easy to start over with the one you hold so dear. Or are you left to wonder all alone eternally? This isn't how it's really meant to be... Butterflies are free to fly, and so they fly away and I'm left to carry on and wonder why..." --Always On Your Side, Sheryl Crow and Sting