Friday, August 1, 2008
Wala-Lang Post
Kakagising ko lang, mga 430pm. Kasi ba naman kakatulog ko lang din ng mga 2pm. Yes, gising ako buong maghapon, magdamag, at maghapon ulit. May tinatapos kasi akong commitment, mahirap layasan 'yun ng ganun-ganun na lang. Hay naku, tapos may meeting ako sa kaninang mga 11am, nagtaggal 'yun hanggang 130. Kaya naman 2pm na ako nakatulog. Gosh, antok pa ako. Pero super dami pa ng gagawin.
Ako ang mag-special feature sa church bukas.
Kailangan ko tapusin script sa Estragel 4. (may chance sa Albada Arjay!!!)
Revisions nung ginagawa namin ni Lau.
Uwi Laguna para i-inform si Mama na lalaboy na ako, at malapit na 'yun. Tipong mga 2 weeks na lang yata. Ganyan.
Mag-ayos ng mga papeles, etc.
Mag-impake.
I-meet ang mga friends. Dalawang taon din 'yun 'day. E ang dami nila. Oh my!
Pumuntang Baguio. Wala lang.
Aasikasuhin pa ang SSS ni Papa at ang mana! (Ahahaha, 'yan ay kung hindi magsuswapang ang mga kapatid niya!)
Etc. Etc. Etc.
Sandamukal na gagawin. Kakapiranggot na panahon. Oh my...
Kasya naman wala kang ginagawa, boring 'yun diba?
'Yun lang. Ngarag lang ako.
Wednesday, July 30, 2008
First Love
MAKATI CITY, Philippines--INQUIRER.net multimedia specialist Erika Tapalla interviews Dean Alfar on writing, writer's block and speculative fiction. Dean Alfar has won nine Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature including the Grand Prize for his novel "Salamanca" as well as the Manila Critics' Circle National Book Awards for the graphic novels "Siglo: Freedom" and "Siglo: Passion" and the Philippines Free Press Literary Award.
(source: Inquirer.net)
To view Dean Alfar's interview, click here.
Writing is my first love. Bata pa lang ako nang magsimula akong magsulat, bukod siyempre sa mga doodle na ginawa ko sa mga kasangkapan namin sa bahay. Maaga daw kasi ako natutong magbasa (at kaya malabo na ang mga mata ko bata pa lang ako.)
Mahilig ako sa libro at sa bahay namin ay ginagawang dekorasyon ang mga libro. Kulang na lang pati banyo ay lagyan namin ng libro. Karamihan sa mga libro sa bahay namin ay mga pinaglipasan ng mga tito at tita ko. Sayang nga dahil 'yung iba sa kanila ay nabahaan na. At dahil guro ang nanay ko, nag-a-accumulate ng libro sa bahay so kailangan naming mamigay paminsan-minsan, kasama ng mga damit at laruan. Hindi naman kami mayaman kaya hindi pwedeng maraming gamit, kaya imbis na itapon, ipamigay na lang sa mga nangangailangan.
Nang nagsimula na akong mag-aral, mas lalo nang dumami ang libro sa bahay namin. Bata pa lang ako super close na kami ni Rizal. Naaalala kong nagmumukmok ako sa isang sulok at binabasa ang talambuhay ni Rizal, kids version nga lang. Tapos, bago matapos ang grades school, nagsimula na akong mangolekta ng mga sarili kong aklat. At ngayon nga, highlight ng kuwarto ko sa Laguna ang mga libro ko.
Malaki ang kahalagahan ng pagbabasa sa pagsusulat. Sabi ng mga guro ko sa kolehiyo, hinding-hindi ka magiging magaling na manunulat kung hndi ka nagbabasa. Totoo naman. Dahil sa pagbabasa, na-e-exercise mo ang pag-i-imagine, ang imahinasyon na siyang kailangan sa pagsusulat. At bata pa lang ako, mahilig na akong mag-ilusyon, este, mag-imagine. Pakiramdam ko nga baliw lang talaga ako dahil ang hilig kong kausapin ang sarili ko na para akong nasa ibang mundo -- minsan prinsesa ako na nagbubuga ng apoy, minsan diwatang lumagapak sa lupa at hindi na makabalik sa fairy land, minsan isa akong estatwa na nagiging aswang sa hatinggabi. Ito ang roles na ginagampanan ko dati sa sarili kong mundo, bukod siyempre sa mga extra at aksesorya sa kuwento na ako rin naman ang gaganap.
Bitbit ko ito hanggang ngayon, at siyempre nadagdagan pa dahil sa major ko noong kolehiyo. Ikaw ba naman ang i-train nina Rogelio Sicat, Bienvenido Lumbera, Virgilio Almario, Luna Sicat-Cleto, Ricky Lee, Domingo Landicho, Jimmuel Naval at marami pang iba.
But publishing is a different story. Madugo magpa-publish at dahil may kultura na hindi ka pwedeng tawaging "manunulat" hangga't wala kang naipa-publish, para akong nakikipagbuno sa dragon na may pitong ulo para lang makuha ang pagmamahal ng tagapangalaga ng apoy. Dagdagan mo pa na marami sa mga manunulat ang namamatay na dugyot.
Kaya naman, dalawang bagay lang 'yan. Una, ipagpatuloy ko ang pakikipagbuno, bahala nang mamatay para sa pag-ibig; o kaya'y bumitaw at magsabi ng "Taympers!"
Mas gusto ko yatang "mag-taympers" muna. Hindi naman nangangahulugang iiwanan ko nang tuluyan ang pagsusulat, dahil sabi nga, "first love never dies." Kailangan lang nating tanggapin ang katotohanan, ang ating mga kahinaan, at maghanda para sa susunod na paglaban. Parang 'yung mga underground groups noong Martial Law. After all, ako naman ang bida sa mga kuwento ko at kahit kailan, sa mga ending ng kuwento, panalo pa rin ang bida.
_______________________
* I'm leaving for Thailand this August to pursue a different path, another love. But writing will always be my first love. And I am not willing nor trying to let go of it.
Even When You're Broke and All
"I'll be there for you..."
It was raining the whole afternoon, but that didn't stop them from coming. Puyat si Lau dahil sa tinatapos naming raket. Si Arjay pabalik pa sa Baguio. Si Teops, galing pang Cavite. Si Rose, may sakit. Si Bani, may meeting! At wala akong perang pang-libre sa kanila. Diba naman!
Thanks friends! I love y'all!
By the way, noong 23July pa ang birthday ko. E since weekday 'yun at busy kaming lahat, 27July na lang. Hehehe.
This is so Funny
_______________________
The Leave Applications ;)
Infosys, Bangalore : An employee applied for leave as follows:
'Since I have to go to my village to sell my land along with my wife, please sanction me one-week leave.'
lThis is from Oracle Bangalore:
From an employee who was performing the 'mundan' ceremony of his 10 year old son:
'as I want to shave my son's head, please leave me for two days..'
Another gem from CDAC.
Leave-letter from an employee who was performing his daughter's wedding:
'as I am marrying my daughter, please grant a week's leave..'
From H.A.L. Administration Dept:
'As my mother-in-law has expired and I am only one responsible for it,
please grant me 10 days leave.'
Another employee applied for half day leave as follows:
'Since I've to go to the cremation ground at 10 o-clock and I may not return, please grant me half day casual leave'
An incident of a leave letter:
'I am suffering from fever, please declare one-day holiday.'
A leave letter to the headmaster:
'As I am studying in this school I am suffering from headache. I request you to leave me today'
Another leave letter written to the headmaster:
'As my headache is paining, please grant me leave for the day.'
Covering note:
'I am enclosed herewith...'
Another one:
'Dear Sir: with reference to the above, please refer to my below...'
Actual letter written for application of leave:
'My wife is suffering from sickness and as I am her only husband at home I may be granted leave'.
Letter writing:-
'I am well here and hope you are also in the same well.'
A candidate's job application:
'This has reference to your advertisement calling for a 'Typist and an Accountant - Male or Female'... As I am both(!!!) for the past several years and I can handle both with good experience, I am applying for the post
_______________
Hahaha... ka-level niya ang:
"I'm entering school for about 10 years already..."
Tuesday, July 29, 2008
Eiga Sai 2008 in UP Film Institute
| Start: | Aug 11, '08 |
| End: | Aug 16, '08 |
| Location: | UP Film Institute |
Presented by
The Japanese Foundation Manila, Shangrila Plaza, Cultural Center of the Philippines and UP Film Instititute
In celebration of Philippines-Japan Friendship Month
co-organized with the Embassy of Japan
Schedule
August 11
4:00pm-- We Shall Overcome Someday (Pacchigi)
7:00pm-- Linda Linda Linda (Rinda Rinda Rinda)
August 12
4:00pm-- Juvenile Jungle (Kurutta Kajitsu)
7:00pm-- Hanging Garden (Kuchi Teien)
August 13
4:00pm-- A Stranger of Mine (Unmei ja nai Hito)
7:00pm-- Canary
August 14
4:00pm-- Canary
7:00pm-- We Shall Overcome Someday (Pacchigi)
August 16
4:00pm-- Chibi Maruko Chan (movie)
7:00pm-- A Stranger of Mine (Unmei ja nai Hito)
Eiga Sai 2008 in CCP
| Start: | Aug 7, '08 |
| End: | Aug 10, '08 |
| Location: | CCP |
Presented by
The Japanese Foundation Manila, Shangrila Plaza, Cultural Center of the Philippines and UP Film Instititute
In celebration of Philippines-Japan Friendship Month
co-organized with the Embassy of Japan
Summer Lovin'
These photos were taken last summer when Bani went to Baguio. He was actually going to Tuguegarao, dumaan lang siya sa Baguio kasi nandoon ang sakayan at siyempre para na rin magliwaliw with us.
Sa La Azotea kami nag-lunch since (1) may vegetarian meal doon, (2) wala akong pera. Then naglakad kami papuntang palengke dahil may gagawin si Arjay. Kaya noong nasa palengke kami, kaming tatlo lang nina Amer at Bani ang nagpapakasawa sa picture!
Then dumaan kami sa SM para kumain ulit. Tapos noong medyo maghahapon na, nagkayayaang mag-Camp John Hay. Nilibre kami ni Amer ng Strawberry Parfait na super sarap tapos may pizza pa yata. At itong si Arjay, ay nag-order ng Chocolate Shake. Ang nakakatawa, akala niya blue 'yung shake na 'yun kasi ba naman ang kulay nito sa menu ay blue. Di niya nakita 'yung nakalagay na "NOT BLUE" kaya ayun, brown 'yung chocolate shake niya. Hehehe
Fun, fun, summer fun!
Monday, July 28, 2008
ARJAX
Name: Arjay Arellano
Age: Younger than me ahehehe
Occupation: Instructor
Ambition: To become a MODEL!!!
Ahehehehe... peace jay! mwahmwahmwah!
Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Kulas sa Bayan ng Walang Preno
Ganito 'yun. May isang tao na sobrang gala. Sa sobrang pagkagala niya, napadpad siya isang araw sa lugar na kung tawagin ay "Walang Preno."
Lahat ng tao sa lugar na ito ay walang preno sa pagsasalita, sa pagkain, sa pangungutya, maging sa paggawa ng wala.
Pagdating ni Kulas sa lugar na ito, nagtaka siya at napabulalas, "Hindi yata marunong gumamit ng tuldok 'tong mga 'to. Ano ba 'yan!"
Narinig siya ng isang bata.
"Hoy sino ka anong ginagawa mo sa bayan namin alam mo ba na bawal ang tumugil lang dito nang walang ginagawa alam mo ba na ito ang bayan ng walang preno wala ni isa dito ang pwedeng tumunganga lang"
Sabi nang bata na walang preno.
Napatanga na lang si Kulas nang biglang may dumating na sasakyan na wala ring preno at nasagasaan si Kulas.
Sa lugar ng Walang Preno natuldukan ang pakikipagsapalaran ni Kulas.
_________________
Sinulat ko 'to para lang i-test 'yung blog menu ng isang website. E sabi ni Lau, i-post ko daw sa multiply. Tawa kasi siya nang tawa habang binabasa niya 'to.