Friday, September 28, 2007
Boogsh!!!
Madalas daw akong tumawid sa pagitan ng walang kasiguraduhan at walang katuturan. Ninanamnam ko ang bawat saglit na sinusuong ko ang manipis na lubid ng aking pinipiling tawiran, umaasa na hindi ako mahuhulog sa kawalan.
Madalas rin naman akong madulas, at sa kakulitan, lalambitin pa rin hanggang sa maglapnos na ang kamay sa pagkapit. Kapag hindi ko na kaya, magpapahulog na lang ako. Kawalan ang kinahahantungan, habang panahong nakalutang sa hindi mawaring kalawakan na walang katapusan.
Kung sakalaing makahanap ng kababagsakan, at ng panibagong tatawirin, pareho pa rin ang tinatahak kong daan. At 'yun ang hindi ko maintindihan. Siguro, baliw na lang talaga ako. Sa totoo lang, hindi ko alan kung alin ang mas masakit - ang tumawid sa lubid ng walang-kasiguraduhan at katuturan, o malaglag sa kawalang walang katapusan, o ang lumagapak mula sa kawalang akala mong walang katapusan pero meron pala. O 'yung hindi pagtawid dahil natatakot na lang? Ewan.
O baka naman kaya 'yun ang hilig kong tawirin ay dahil sa alam kong walang-kasiguruhan, para kung sakaling malaglag, hindi masyadong masakit, at para hindi ko lunurin ang sarili sa pag-iisip ng mga what ifs.
Syemay-syopaw na buhay naman o! :D
Sensya na, drama mode lang! Ahehehe
Wirdo ba...
Hanson
Isn't it weird? Isn't it strange?
Even though we're just two strangers on this runaway train.
We're both trying to find a place in the sun.
We've lived in the shadows, but doesn't everyone.
Isn't it strange how we all feel a little bit weird sometimes?
Isn't it hard standing in the rain?
You're on the verge of going crazy and your heart's in pain
No one can hear though you're screaming so loud.
You feel like you're all alone in a faceless crowd.
Isn't it strange how we all get a little bit weird sometimes?
Sitting on the side, waiting for a sign, hoping that my luck will change.
Reaching for a hand that can understand, someone who feels the same.
When you live in a cookie cutter world being different is a sin.
So you don't stand out and you don't fit in.
Weird.
Wednesday, September 26, 2007
Realisasyon ng Isang Pasaway na Bata (At Ako po 'Yun)
"Behold what manner of love the Father has given unto us."
Malalim ang pinag-uugatan ng aking kalungkutan. Hindi lamang siya dahil wala akong karelasyon ngayon, hindi lamang dahil malayo ako sa pamilya ko, hindi lamang dahil walang kasiguraduhan ang buhay ko dito sa UPB, kundi dahil sa ang layo-layo ko na sa Bestfriend ko.
Hindi ko binalak kahit sa hinagap na dito ako sa Baguio mapapadpad. Bago ako mapunta dito, nasa bingit ako ng kamatayan at pagkabuhay. Madali lamang mamatay noon. Isang bitiw ko lang sa lubid na nagdudugtong sa akin at sa aking hininga ay kamatayan na ang kaabbagsakan ko. Pero may kumakapit sa akin, at kahit pakiramdam ko na bibitaw na ako ay Siya ang humahawak, para lang masiguradong hindi ako mahuhulog.
Then Baguio came. It was the opportunity I've been waiting. Sinagot niya ang problema ko sa career, sa lovelife at sa iba pang anik-anik ng buhay ko. Kelangan ko kasi ng time noon nang panibagong buhay.
Noong nandito na ako, akala ko matatagalan kong nasa tabi Niya ako at paglilingkuran Siya. Pero nagkamali ako. Ang hindi ko paglingon at pagiging busy ko ang unang naging dahilan ng aking paglayo. Nagsimula sa pag-attend ng class ng 530-7pm every friday hanggang sa isang buwan na akong hindi nakakasimba ngayon. When you do things on a constant basis, without even knowing it, it becomes a habit. At hindi ko na makontrol ang sarili ko ngayon.
Tapos nagsimula nang magpatong-patong ang lahat. Ang labo ng status ko sa UPB, nababato ako, wala akong magawang matino, nabibitin ang lahat ng trabaho, nagsusungit ako kahit wala naman sa lugar, at ang taas-taas ng self-pity ko ngayon. Parang pakiramdam ko, wala akong kuwentang tao, at dahil wala akong kwenta, wala rin akong pwedeng sandalan. Alam ko namang mali 'yun pero 'yun ang nararamdaman ko kaya ibinabaon ko ang sarili sa pagtulog, palakwatsa at pagkain, na akala ko maiibsan ang nararamdaman kong kalungkutan. Pero hindi naman.
Then, just today, nagkahuntahan kami ni Zadel sa YM. Sinabi niya sa akin na binasa niya ang tula kong "Anino" sa Sabbath School presentation sa Thailand. At nabless ang mga tao. Bigla akong naiyak kasi, may silbi rin naman pala ako, and probably this is my calling. Besides, God gave me this talent so that I can be of service to Him. Lagi ko kasing naiiisip na hindi ko naman naibabalik sa Kanya ang lahat ng binibigay Niyang blessings sa akin. Napaka-ingrata ko pa madalas kasi lagi akong humihingi at nagtatampo sa Kanya. Dahil sa ibinalita ni Zadel sa akin, parang kahit papaano ay nabubuhayan ako ng loob, at kahit sa pamamagitan ng tula ko ay nakakatulong ako sa Kanyang gawain. Shocks.
I should renew my relationship with Him. Baka nagpapakapasaway lang ako. Pero grateful ako kasi kahit ganito katigas ang ulo ko, hindi pa rin Siya nagsasawa sa akin.
Anino
ni Ligay
Nakita ko ang anino mo kagabi,
Naghihintay
Habang halukipkip ko sa aking dibdib
ang kalungkutan ng pag-iisa.
“Anong ginagawa mo,” pabulong kong tanong.
“Sasamahan kita,” ang wika mo,
Sabay upo malapit sa sulok na kinauupuan ko.
Hindi kita sinulyapan,
Ni hindi kita inimikan,
Subalit nakita ko ang anino mo buong gabi –
Sinamahan mo ako.
Nakita ko ang anino mo kagabi,
Nagmamasid
Habang naliligaw ang paa ko
sa hindi maapuhap na kasiguruhan.
“Anong ginagawa mo,” tanong ko sa iyo.
“Alam ko ang daan, hindi ka maliligaw,” sagot mo,
sabay turo sa daan na dapat kong lakaran.
Hindi kita tiningnan,
Ni hindi kita inimikan,
Subalit nakita ko ang anino mo buong gabi –
Sinabayan mo akong maglakbay.
Nakita ko ang anino mo kagabi,
Lumuluha
Habang pilit kong tinatahak
ang nakalululang bangin ng kapahamakan.
“Anong ginagawa mo,” singhal ko pa sa iyo.
“Ililigtas kita,” iyan ang sinambit mo,
Sabay yakap ng buong higpit sa nanginginig kong katawan.
Hindi kita nilingon,
Ni hindi kita inimikan,
Subalit nakita ko ang anino mo buong gabi –
Sinagip mo ako sa pagkakamali.
Nakita ko ang anino mo kagabi,
Umaasa
Habang patuloy ang pagpupumiglas ko
na makawala sa iyong hawak.
“Anong ginagawa mo,” sumbat ko
Sabay tambad sa mata ko ng liwanag,
tumatagos sa butas ng palad mo.
Nilingon kita,
Nahiya akong magsalita.
Ngumiti ka
At ang sabi mo'y
“Anak, mahal kasi kita.”
Pebrero 7, 2007
Baguio City
Tuesday, September 25, 2007
Blue-Bored
Sa sobrang boredome, kulang na lang ay magpagulong-gulong ako mula sa Upper Session hanggang Palengke.
Bored ako. Lahat na nang pwedeng pagkalibangan ay ginawa ko -- videoke with friends, blog the whole day, surf the net, watch films, etc. Pati pagitan ng impossibilities sinusubukan kong tawirin, para lang gamutin ang letseng boredome na nararamdaman ko.
When I'm bored, I know I am sad. Kino-convince ko lang minsan ang sarili ko na bored ako pero sa totoo, malungkot talaga ako. Do I have a reason? Or I'm just making it up as well just to keep me from feeling bored? Damn... nanghihina na reasoning powers ko.
Ewan. Masaya naman ako noong weekend kasi naglakbay ako with my co-faculty up north. Kaya lang, parang after the fun, I felt... sad...
Damn... parang ganito 'yung nararamdaman ko. Parang may gusto akong bilhin na bagay pero hindi siya for sale. As in HINDI siya for sale!!! So what I did was stare at it for the longest time until such time na na-realize ko, hinding-hindi ko siya mabibili. Damn!!! Badtrip diba? And the worst part, hindi talaga siya "IT". Diba mas badtrip 'yun??? Diba???
Hay... But that's not the whole reason why I'm sad. It's just a part of it.
Parang ganito. What if 'yung akala kong gusto kong bilhin ay di ko pala gusto? O diba, ang laki ng problema ko kasi gumagawa ako ng problema na hindi dapat problemahin. Shit.
______________
* Pasensya na sa dami ng mura dito sa entry na ito. I will not make any excuse. Alam ko bad 'yun.
picture reposted from http://texasladywolf.imeem.com/photo/KPtE74l7OQ/
Monday, September 17, 2007
My Bestfriends' Wedding
Buhay Kolehiyo: Balara Chronicles
Ito ang setting ng kahindik-hindik na horror story sa sangka-UP-han - #16 L. Wood St., Balara Filters, QC. Dito madalas magmulto ang lagalag na kaluluwa ng mga estudyanteng hindi nagkaroon ng sapat na perang pangrenta ng matinong bahay. Hahaha... Madalas ding gamitin ang bahay na ito para sa pelikula... yung mga pinapasabog. Hahahaha
Buhay Kolehiyo: Ifugao 2002
May 2002. After graduation, sumama ako sa Med and Dental Mission ng AMiCUS UPD at UPM sa Ifugao. Hindi pa uso digital camera noon kaya 'yung mga pix namin, hindi ko alam kung saan hahagilapin. Pero, magandang experience ito (e.g., si lau wid bungal na aleng magpapabunot daw ng ngipin, ang "5 minutes na lang" na litanya ng mga nakakasalubong namin sa bundok kapag tinatanong namin kung malayo pa ba ang lalakarin namin sa bundok, ang "ang saya ng summer" na isinisigaw namin sa sobrang saya, at marami pang iba). Gusto ko ulit bumalik ng Ifugao. Hehehe
Thursday, September 13, 2007
Sunday, September 9, 2007
PenPen de Sarapen
Kung Friday at may Bagong Laptop
Wednesday, September 5, 2007
Nginig Factor
"Miss Gagamba..."
"Ahm, Macagba po 'yun, hindi Gagamba."
Iilang bagay lang ang nagpapanginig sa akin. Kung natatakot ako at kung kinakabahan.
Iisang beses pa lang nanginig ang tuhod ko nang dahil sa crush. Nagdidistribute ako ng invitation para sa debut ko noon, mga 1998 'yun (oo na, matanda na ako, shet! hehe). Invited ang crush ko sa debut ko, of course. So pagpunta namin ni Aileen sa bahay niya, inentertain naman niya kami pero sa hindi ko maintindihang dahilan, may ilang minuto siyang nakatitig sa akin. E palaban ako. Tititigan mo ako, tititigan din kita. So titigan kami. Sabi ko sa sarili ko, tingnan natin kung sinong matatalo. E ako ang natalo kasi sa sobrang gwapo niya, tapos nakatitig pa siya sa akin, nanginig na ang tuhod ko. Para akong mahihimatay. Buti na lang kasama ko si Aileen at si Joop, kundi naku. Isang malaking kahihiyan. Siya lang ang nag-iisang crush ko na nagpanginig talaga sa akin. Wala nang iba.
Sunod na rason sa aking panginginig ay ang pagkatakot. Well, marami akong kinatatakutan na bagay sa mundo pero hindi 'yun dahilan para manginig ako. Ang hindi ko talaga ma-take ay ang presence ng gagamba kahit na lumaki akong kaulayaw ang mga alagang gagamba ng kapatid ko. At kagabi, ang kahindik-hindik na pangyayari. Habang nananahimik ako sa aking bahay, may gagambang bumisita sa bahay ko. Hindi ko alam paano siya nakapasok, sarado lahat ng pasukan sa bahay. At hindi lang siya basta gagamba, isa siyang malaking gagamba, kulay itim, at mabalahibo. Parang may puti pa siya sa likod. Shemay talaga. At siyempre, nagtatarang ang lola n'yo. Hindi ko alam kung anong gagawin. Napaiyak na ako sa sobrang takot. Habang sumaklolo ang mga kapitbahay ko, nanginginig ako sa isang tabing pinagmamasdan kung magtatagumpay sila sa pagkuha sa napakalaking gagambang naligaw sa bahay ko. Grabe, ayoko ng ganun.
May naalala rin akong isa pang katulad na pangyayari, hindi gagamba pero ahas. Nasa Heizer St., Balara kami noon. Saktong nag-aaway yata kami noon ng dati kong "kaibigan". Emote nang emote ang lola n'yo maya-maya'y may sumisilip na ulo ng ahas. Ayun, tatarang ulit ang lola n'yo. Nagbati tuloy kami. Ahehehe...
Ayun. So sa sinumang gustong magpanginig ulit sa akin, pwede ba, sana wag gagamba ang rason. Sana kasing-gwapo ka ni ___ at titigan mo rin ako tulad ng pagtitig ni ___ sa akin para manginig ako sa kilig. Ahahaha... :D
Tuesday, September 4, 2007
Monday, September 3, 2007
Kalabog: Isang Kuwentong Baliw
Baliw-baliwan na naman si Ligay. Nakatakas na naman mula sa kanyang mga bantay. Tumakbo siyang tila wala nang bukas. Umakyat siya sa tuktok ng pinakamataas na gusaling kanyang nakikita. Gusto niyang maramdaman ang hanging umiihip ng malakas sa tuktok ng gusali. Tumingala siya sa kalangitan, sinipat ang langit na nagmamasid sa kanyang kabaliwan.
"Ang saya-saya naman, nararamdaman ko ang hangin, nakikita ko ang langit. Tao pa rin ako!"
Pagkatapos ng kanyang pagkamangha sa hangin at langit, napayuko siya sa ibaba. Isang kabaliwan ang kanyang naisip...
"Tumalon kaya ako? Hmmm..."
Gustong-gusto niyang maramdamang may pakiramdam pa siya. Hindi sapat ang pagkaakit sa langit at pagyakap ng hangin. Kailangan niyang maramdamang nakakaramdam pa siya. At ano pa nga ba ang pinakamagandang paraan upang makaramdam kundi ang pagtalon mula sa pinakamataas na gusali.
"Gaga ka talaga!" Isang antipatikang tinig ang kanyang narinig.
"Ikaw na naman, bakit ka nandito? Sinusundan mo ako 'no... Siguro may crush ka sa akin," wika ni Ligay na animo'y nang-aasar.
"Ay, gaga nga. Paano naman ako magkakagusto sa isang baliw na tulad mo, tsaka, di tayo talo," sabi ni Xiaui with the badidang accent.
"E bakit ka nga nandito? At may palipad-lipad ka pang nalaman diyan. In fairness, ang ganda ng pakpak mo ha. kulay pink! S'an mo 'yan binili?"
"Ay talaga, nagagandahan ka sa pakpak ko? Libre lang 'to e. Nakuha ko lang sa pagtalon ko nung isang araw."
"Wow, tumalon ka rin? Saan?
"D'yan lang sa kabilang kanto. May lumang building doon, e sa katangahan, medyo nadulas. Ayun, napatalon ng wala sa oras."
"A... so katangahan lang pala 'yan. Kailangan bang tanga ka muna bago ka magkapakpak?"
"Actually, depende. May nakausap kasi akong tanga rin pero hindi siya nagkapakpak. Hindi kasi siya lumagapak e. Nasabit sa poste, ayun. Nasagip ng bumbero."
"Ay, ang corny naman nun."
"Gusto mo rin ba?"
"Ahmm.. hindi ko alam e. Ang tanging gusto ko lang ay tumalon. Ang tagal ko na kasing hindi tumatalon e."
"Ay, kamusta naman 'yun. Hindi pwedeng ganyan lang. Kasi kapag tumalon ka, lalagapak ka. UNLESS... magbounce ka sa sobrang katabaan mo. Hehehe... Masakit 'yan. Kaya mo na ba?"
"Ha? Gaano kasakit? Mapipilayan, sasabog ang utak, luluwa ang baga... ano?"
"Ahh... ganito... Kung ganito kataas, naku, hindi mo rin mararamdaman ang sakit kasi pagkalaglag mo, patay ka na. Matutuwa ka lang sa sobrang excitement ng proseso ng pagkalaglag. Pero kapag lumagapak ka na, as in super lagapak, wala ka nang mararamdaman kasi mamamatay ka na. Tapos after a few seconds, dyaraaaannnnn!!! May pakpak ka na. Marami kang colors na pagpipilian," wika ni Xiaui habag lumilipad-lipad at paikot-ikot kay Ligay, nagmamaganda sa kanyang pakpak na pink.
"Parang ang gusto ko lang 'yung malaglag. Wala na akong pakialam kung mamamatay ba ako o hindi. Pero parang masayang magkalasog-lasog muna 'yung katawan mo, o kaya sumabog ang utak mo habang nalalaglag ka, o kaya e binabaril ka habang nalalaglag tapos biglang uulan, malakas na malakas na ulan pero hindi babaha. At pagkalaglag mo, mangingisay ka muna tapos sasagasaan ka ng 10-wheeler truck tapos makikita mo ang crush mong may kayakap na iba. Tsaka ka pa lang mamamatay." ani Ligay sa pagkabilis-bilis na pananalita, umangat tuloy ang sarili niya sa lupa.
"Ay, baliw ka na nga. Ikaw ang bahala. Gusto mo ba talagang tumalon? Sigurado ka?"
"Hindi ko alam. Ayoko naman ng pink na pakpak. Gusto ko brown para ipis. Hahaha."
"Bahala ka. Sasabayan na lang kita kung sakaling tumalon ka na para hindi naman lonely ang iyong pagbagsak. Ang sweet ko 'no?
Nag-isip si Ligay. Mataimtim na pag-iisip. Sinubukan niyang iangat ang kaliwa niyang paa, nais pakawalan sa lupang naghihintay ng kanyang pagkabagsak. Natakot. Napaluha. Naalala ang huling beses na tinangka niyang tumalon.
"E hindi naman ako magkakapakpak pag tumalon ako e. Babalik lang din ako sa mental. Sasabihin nilang baliw ako, at pipiliting patinuin. Tingnan mo, inaabangan na nila ako sa baba. Ilipad mo na lang ako sa ibang mataas na gusali. Baka sakaling hindi na nila ako masundan."
"Sige, pero siguraduhin mong tatalon ka kasi baka ibagsak lang kita sa pagkainis ko sa'yo. Ayusin mo ang utak mo."
"Pano ko kaya aayusin e baliw nga ako diba?"
"Ewan ko sa'yo basta magdecide ka na. Ang labo mo kasi e."
At nagpatuloy ang kanilang pagtatalo habang lumilipad sila gamit ang pink na pakpak ni Xiaui. Tinahak nila ang papalubog na araw, naghahanap ng mataas na gusaling pwedeng talunin ng nababaliw na si Ligay.