"Miss Gagamba..."
"Ahm, Macagba po 'yun, hindi Gagamba."
Iilang bagay lang ang nagpapanginig sa akin. Kung natatakot ako at kung kinakabahan.
Iisang beses pa lang nanginig ang tuhod ko nang dahil sa crush. Nagdidistribute ako ng invitation para sa debut ko noon, mga 1998 'yun (oo na, matanda na ako, shet! hehe). Invited ang crush ko sa debut ko, of course. So pagpunta namin ni Aileen sa bahay niya, inentertain naman niya kami pero sa hindi ko maintindihang dahilan, may ilang minuto siyang nakatitig sa akin. E palaban ako. Tititigan mo ako, tititigan din kita. So titigan kami. Sabi ko sa sarili ko, tingnan natin kung sinong matatalo. E ako ang natalo kasi sa sobrang gwapo niya, tapos nakatitig pa siya sa akin, nanginig na ang tuhod ko. Para akong mahihimatay. Buti na lang kasama ko si Aileen at si Joop, kundi naku. Isang malaking kahihiyan. Siya lang ang nag-iisang crush ko na nagpanginig talaga sa akin. Wala nang iba.
Sunod na rason sa aking panginginig ay ang pagkatakot. Well, marami akong kinatatakutan na bagay sa mundo pero hindi 'yun dahilan para manginig ako. Ang hindi ko talaga ma-take ay ang presence ng gagamba kahit na lumaki akong kaulayaw ang mga alagang gagamba ng kapatid ko. At kagabi, ang kahindik-hindik na pangyayari. Habang nananahimik ako sa aking bahay, may gagambang bumisita sa bahay ko. Hindi ko alam paano siya nakapasok, sarado lahat ng pasukan sa bahay. At hindi lang siya basta gagamba, isa siyang malaking gagamba, kulay itim, at mabalahibo. Parang may puti pa siya sa likod. Shemay talaga. At siyempre, nagtatarang ang lola n'yo. Hindi ko alam kung anong gagawin. Napaiyak na ako sa sobrang takot. Habang sumaklolo ang mga kapitbahay ko, nanginginig ako sa isang tabing pinagmamasdan kung magtatagumpay sila sa pagkuha sa napakalaking gagambang naligaw sa bahay ko. Grabe, ayoko ng ganun.
May naalala rin akong isa pang katulad na pangyayari, hindi gagamba pero ahas. Nasa Heizer St., Balara kami noon. Saktong nag-aaway yata kami noon ng dati kong "kaibigan". Emote nang emote ang lola n'yo maya-maya'y may sumisilip na ulo ng ahas. Ayun, tatarang ulit ang lola n'yo. Nagbati tuloy kami. Ahehehe...
Ayun. So sa sinumang gustong magpanginig ulit sa akin, pwede ba, sana wag gagamba ang rason. Sana kasing-gwapo ka ni ___ at titigan mo rin ako tulad ng pagtitig ni ___ sa akin para manginig ako sa kilig. Ahahaha... :D
No comments:
Post a Comment