"Eyes that do not cry, do not see."
Madalas daw akong tumawid sa pagitan ng walang kasiguraduhan at walang katuturan. Ninanamnam ko ang bawat saglit na sinusuong ko ang manipis na lubid ng aking pinipiling tawiran, umaasa na hindi ako mahuhulog sa kawalan.
Madalas rin naman akong madulas, at sa kakulitan, lalambitin pa rin hanggang sa maglapnos na ang kamay sa pagkapit. Kapag hindi ko na kaya, magpapahulog na lang ako. Kawalan ang kinahahantungan, habang panahong nakalutang sa hindi mawaring kalawakan na walang katapusan.
Kung sakalaing makahanap ng kababagsakan, at ng panibagong tatawirin, pareho pa rin ang tinatahak kong daan. At 'yun ang hindi ko maintindihan. Siguro, baliw na lang talaga ako. Sa totoo lang, hindi ko alan kung alin ang mas masakit - ang tumawid sa lubid ng walang-kasiguraduhan at katuturan, o malaglag sa kawalang walang katapusan, o ang lumagapak mula sa kawalang akala mong walang katapusan pero meron pala. O 'yung hindi pagtawid dahil natatakot na lang? Ewan.
O baka naman kaya 'yun ang hilig kong tawirin ay dahil sa alam kong walang-kasiguruhan, para kung sakaling malaglag, hindi masyadong masakit, at para hindi ko lunurin ang sarili sa pag-iisip ng mga what ifs.
Syemay-syopaw na buhay naman o! :D
Sensya na, drama mode lang! Ahehehe
hehehegusto ko yan. dinaranas ko yan ngayon. ang sarap ng feeling. hehehe
ReplyDeletehahaaha... ang daming pwedeng maging interpretasyon dito, pero hahayaan ko na lang ang mga utak ninyong mag-isip ng anik-anik para masaya!!! Hhahaha
ReplyDelete