Thursday, March 20, 2008

My Mom's Sister

Noong mga bata sina Mama, si Tita Pura ang tagapagtanggol ni Mama sa mga kalaro nila. At hanggang sa lumaki sila at nagkaasawa, si Tita parati ang tagapagtanggol ni Mama, mula sa mga tindera sa Divisoria na nandadaya at maging sa mga kamag-anak na pasaway.

Life of the party si Tita. Makulit, maingay, mataray pero behind these, sobrang lovable siya. Walang dull moment kapag siya ang kasama. Matapang siya pero maalaga. Noong naisip ni Mama na mag-abroad, si Tita ang nagko-convince sa akin na maging responsable dahil panganay ako. Noong nag-college ako, sa kanila ako tumira at never ako nagutom sa bahay nila. Noong nag-graduate ako, kasama si Tita sa mga napaiyak. :D Noong na-brokenhearted ako, sa tinanggap lang ulit ako ni Tita sa bahay nila para maghilom. Ang laki-laki ng bahagi niya sa buhay ko.

Kaya naman masakit para sa akin na dalawang taon na ang nakalipas mula nang huli kaming nakapagkuwentuhan. Nagkasakit na kasi siya at hindi na nakarespond sa mga conversations. Kung siguro hindi siya nagkasakit, lagi siyang nasa Baguio with my Mom, nag-uukay! :D at sana kasama siya sa entourage ng kasal ko.

But then, may ibang plan si God sa lahat ng tao. Birthday niya kahapon. 55 siya. She passed away peacefully. Para lang siyang natutulog.

We will remember her for all the wonderful things she did.

I love you Tita. I'll see you soon!

2 comments: