Saturday, March 15, 2008
Reality Bites
"Pramis, hindi ako iiyak..."
Isang buwan na lang ang ilalagi ko dito sa Baguio. At tulad ng iba kong paglisan, ayoko pa ring umiyak, ayoko pa ring malungkot. Pero tulad pa rin ng dati, hindi ko naman matutupad ang hindi pag-iyak lalo pa nga't marami akong kailangang bitawan sa pag-alis kong ito.
I love living here in Baguio. Bukod sa malamig, bagay na bagay siya sa lifestyle ko -- hindi masyadong mabilis tulad ng Manila, hindi rin mabagal tulad ng Siniloan. Tamang timpla kumbaga. Pero, hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili ko sa lugar na alam kong hindi ako kailangan, lalo na sa mga taong alam ko rin naman naiinip na sa aking pag-alis. Gustuhin ko mang ipaglaban ang kagustuhan ko, wala rin namang mangyayari dahil hindi ko hawak ang pagkakataon. Ang tanging hawak ko ay ang magagawa ko para sa sarili ko, sa Baguio man o sa ibang lugar.
Last day ng class ko kahapon. Malungkot talaga ako pero hindi ko pa rin ipinapakita. Eksaherado pa nga ang kakulitan ko kahapon e. Kagabi, bago mag-perform sa I aM JAM, naiiyak na ako. Ito ang huling mga moments na magkakasama kami nina Amer at Arjay. Sabi pa ni Amer sa akin, ginawa nila 'to para sa akin kasi aalis na ako. Pagkatapos naming mag-perform, kinukulit ko si Arjay na mag-away kami, kunyari. Sabi niya, hindi niya ako aawayin kasi paalis na ako. Sabi pa ni Arjay sa akin, ang galing kong magdrama samantalang lagi namang ako ang nang-iiwan.
Well, tulad rin ng sabi ko sa kanya, hindi ko talaga ito ginusto. Kung may pagpipilian lang ako, mas pipiliin kong manatili dahil gusto ko dito sa Baguio.
Pero siguro nga'y may ibang nakalaan para sa akin. Hindi ko man gustuhin ang nangyayari ngayon, maiintindihan ko rin pagdating ng tamang panahon. Nanghihinayang lang ako sa mga kailangan kong bitawan at iwan dito, at natatakot sa madadatnan ko sa lugar na pinilit kong kalimutan.
Marami akong kailangang bitawan, pero sigurado ako na marami rin akong bibitbitin -- mga alaala ng dalawang taon kong pamamalagi dito sa Baguio.
Syet, ayoko pa ring umiyak pero nanggigilid na sa mga mata ko ang luha.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ang daya. sabi ng disclaimer, "pramis, hindi ako iiyak." Ako naman yung umiiyak ngayon =( Grabe naman to oh!
ReplyDeletemaam!!!! tandaan mo nalang ung pinag-usapan natin nung i.M jam! alang-alang sau, sisikapin kong mangyari un bago ka umalis. salamat at naging teacher pa kita. not only once, but twice! hehe. kas1 at pi. yey! hehe. :) sabi sa song na one hello, "endings are beginnings of beautiful things.. " at sabi naman sa song ng bread na goodbye girl.. "goodbye doesn't mean forever" magkikita at magkikita pa tau..
ReplyDelete:(
ReplyDeleteang ganda naman ng version ni Dave Matthews ng In My Life. may mala-Canon pang kasama. :-) kaka-touch. kaka-iyak.
ReplyDeletebawal umiyak, baka mag-smear ang eyeliner mo! hehehe MAMIMISS KO KAYO!!! graveh!!!
ReplyDeletesiguraduhin mo 'yan ha!!! :D ahehehe
ReplyDeletedon't be sad... :(
ReplyDeletema'am, ibitin kaya kita ng patiwarik??? andrama!!! ano ka ba, hindi bagay. hehehe...
ReplyDeleteseriously ma'am... yung I aM JAM na yun talagang target ko na magperform kayo kasi yun nalang yung magagawa ko for you kasi una sa lahat, d naman kita naging teacher ever. sa penguin lang naman tayo naging close. (close naman di ba?? papasa na sa level na yun?) e yun, ung nasa nevada talaga tayo ramdam ko na talagang gusto niyo. so at least in my own little way napasaya ko kayo kahit papaano (sana, kaso iiyak iyak ka jan). sayang lang at hindi nbigyan ng chance na maging teacher kita. sayang talaga. aaww ma'am nakakalungkot. kasi ma'am kahit di niyo ko naging student kinausap mo pa rin ako. hahaha. yung ganon. nakakatuwa lang ma'am. waaahhhh.... ayoko na corny na. saka na yung iba. basta sana labas tayo uli ha... =(
luto na ba yung puttanesca?!
ReplyDeleteay, sa wakas, naluto na. Ang lakas kasi ng apoy ng gasul e... grabhe!!! :D
ReplyDeletego!!! gusto kong maranasan yun. Never pa ako nabitin patiwarik e... ahehehehe
ReplyDeletenaiiyak na ako!!! huhuhuhu... *sniff* *sniff*
ReplyDeleteoh? e isilid sa sako ma'am? ako nasilid na sa sako! hahahaha.
ReplyDeleteahahaha! corny mo ma'am!
ReplyDeletehindi pa rin. pero mapalo ng dos por dos, na-experience ko na. Ahahahaha! :D
ReplyDeleteokay lang corny, wag lang horny! Ahahahahahaha! lumilinya! ahehehe
ReplyDeletehahaha! love it! o sige, from now on tatandaan ko yan. at pag may nagsabi sa king corny, yan ang isasagot ko! thanks ma'am! (ay talagang nag thank you? hehehehe)
ReplyDeletehehehe. old skool. =)
ReplyDeleteNakakainis.After ng dalawang taon, saka ko iiyakan tong post na 'to? ganun? Not fair!!! Hahaha...huhuhuhuhu... I miss Baguio!!! :((
ReplyDelete