Thursday, March 27, 2008

SONETO 17

ni Pablo Neruda (salin ni Sharon Feliza Ann P. Macagba)

Ang pag-ibig ko'y di tulad ng sa anumang bato tulad ng topasyo,
O kahit ng sa bulaklak na napupuno ng bango.
Mahal kita gaya ng mga bagay na madidilim,
Sa pagitan ng anino't kaluluwang kimkim.

Mahal kita tulad ng halamang di namumukadkad
Ngunit taglay ang sinag ng tagong rikit ng mga bulaklak.
Salamat sa iyong pag-ibig, 'sang laksang halimuyak
Ang umuusbong at nabubuhay sa aking katauhan.

Mahal kita, kung paano o kailan o saan ay hindi ko alam.
Mahal kita, walang bahid ng kabuktutan o pag-aalinlangan.
Datapwa't mahal nga kita dahil wala na akong alam pang iba
Maliban dito... na maging ang ako at ang ikaw ay di umiiral:

Na ang bisig mo sa dibdib ko ang aking sandalan;
Na sa iyong pagpikit, ako ang nahihimlay.

3 comments:

  1. ligay panakaw icicite ko yung blog mo ha mwah!

    ReplyDelete
  2. hello my dear!
    can you be my friend?
    add me po sa friendster mo,
    john_prince143ver@yahoo.com
    add me po ha, ako sana mag add sa'yo kaya lang wala me email add mo.

    ReplyDelete