Wednesday, July 30, 2008

First Love

MAKATI CITY, Philippines--INQUIRER.net multimedia specialist Erika Tapalla interviews Dean Alfar on writing, writer's block and speculative fiction. Dean Alfar has won nine Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature including the Grand Prize for his novel "Salamanca" as well as the Manila Critics' Circle National Book Awards for the graphic novels "Siglo: Freedom" and "Siglo: Passion" and the Philippines Free Press Literary Award.
(source: Inquirer.net)

To view Dean Alfar's interview, click here.

Writing is my first love. Bata pa lang ako nang magsimula akong magsulat, bukod siyempre sa mga doodle na ginawa ko sa mga kasangkapan namin sa bahay. Maaga daw kasi ako natutong magbasa (at kaya malabo na ang mga mata ko bata pa lang ako.)

Mahilig ako sa libro at sa bahay namin ay ginagawang dekorasyon ang mga libro. Kulang na lang pati banyo ay lagyan namin ng libro. Karamihan sa mga libro sa bahay namin ay mga pinaglipasan ng mga tito at tita ko. Sayang nga dahil 'yung iba sa kanila ay nabahaan na. At dahil guro ang nanay ko, nag-a-accumulate ng libro sa bahay so kailangan naming mamigay paminsan-minsan, kasama ng mga damit at laruan. Hindi naman kami mayaman kaya hindi pwedeng maraming gamit, kaya imbis na itapon, ipamigay na lang sa mga nangangailangan.

Nang nagsimula na akong mag-aral, mas lalo nang dumami ang libro sa bahay namin. Bata pa lang ako super close na kami ni Rizal. Naaalala kong nagmumukmok ako sa isang sulok at binabasa ang talambuhay ni Rizal, kids version nga lang. Tapos, bago matapos ang grades school, nagsimula na akong mangolekta ng mga sarili kong aklat. At ngayon nga, highlight ng kuwarto ko sa Laguna ang mga libro ko.

Malaki ang kahalagahan ng pagbabasa sa pagsusulat. Sabi ng mga guro ko sa kolehiyo, hinding-hindi ka magiging magaling na manunulat kung hndi ka nagbabasa. Totoo naman. Dahil sa pagbabasa, na-e-exercise mo ang pag-i-imagine, ang imahinasyon na siyang kailangan sa pagsusulat. At bata pa lang ako, mahilig na akong mag-ilusyon, este, mag-imagine. Pakiramdam ko nga baliw lang talaga ako dahil ang hilig kong kausapin ang sarili ko na para akong nasa ibang mundo -- minsan prinsesa ako na nagbubuga ng apoy, minsan diwatang lumagapak sa lupa at hindi na makabalik sa fairy land, minsan isa akong estatwa na nagiging aswang sa hatinggabi. Ito ang roles na ginagampanan ko dati sa sarili kong mundo, bukod siyempre sa mga extra at aksesorya sa kuwento na ako rin naman ang gaganap.

Bitbit ko ito hanggang ngayon, at siyempre nadagdagan pa dahil sa major ko noong kolehiyo. Ikaw ba naman ang i-train nina Rogelio Sicat, Bienvenido Lumbera, Virgilio Almario, Luna Sicat-Cleto, Ricky Lee, Domingo Landicho, Jimmuel Naval at marami pang iba.

But publishing is a different story. Madugo magpa-publish at dahil may kultura na hindi ka pwedeng tawaging "manunulat" hangga't wala kang naipa-publish, para akong nakikipagbuno sa dragon na may pitong ulo para lang makuha ang pagmamahal ng tagapangalaga ng apoy. Dagdagan mo pa na marami sa mga manunulat ang namamatay na dugyot.

Kaya naman, dalawang bagay lang 'yan. Una, ipagpatuloy ko ang pakikipagbuno, bahala nang mamatay para sa pag-ibig; o kaya'y bumitaw at magsabi ng "Taympers!"

Mas gusto ko yatang "mag-taympers" muna. Hindi naman nangangahulugang iiwanan ko nang tuluyan ang pagsusulat, dahil sabi nga, "first love never dies." Kailangan lang nating tanggapin ang katotohanan, ang ating mga kahinaan, at maghanda para sa susunod na paglaban. Parang 'yung mga underground groups noong Martial Law. After all, ako naman ang bida sa mga kuwento ko at kahit kailan, sa mga ending ng kuwento, panalo pa rin ang bida.

_______________________
* I'm leaving for Thailand this August to pursue a different path, another love. But writing will always be my first love. And I am not willing nor trying to let go of it.

Even When You're Broke and All




"I'll be there for you..."



It was raining the whole afternoon, but that didn't stop them from coming. Puyat si Lau dahil sa tinatapos naming raket. Si Arjay pabalik pa sa Baguio. Si Teops, galing pang Cavite. Si Rose, may sakit. Si Bani, may meeting! At wala akong perang pang-libre sa kanila. Diba naman!

Thanks friends! I love y'all!

By the way, noong 23July pa ang birthday ko. E since weekday 'yun at busy kaming lahat, 27July na lang. Hehehe.


Photobucket

This is so Funny

Galing kay Ails 'to, in-email niya sa akin.

_______________________
The Leave Applications ;)

Infosys, Bangalore : An employee applied  for leave as follows:
'Since I have to go to my village to sell my land along with my wife, please sanction me one-week leave.'

lThis is from Oracle Bangalore:
From  an employee  who was performing the 'mundan' ceremony of his 10 year old son:
'as I want to shave my son's head, please leave me for two days..'  


Another gem from CDAC.
Leave-letter from an employee who was performing his daughter's wedding:  
'as I am  marrying my daughter, please grant a  week's leave..'

From  H.A.L. Administration Dept:  
'As my mother-in-law has expired and I am only one responsible for it,
please grant me 10 days leave.'  

Another employee applied for half day  leave as follows:
'Since I've to go to the cremation ground at 10 o-clock and I may not return, please grant me half day casual leave'    

An incident of a leave  letter:
'I am suffering from fever, please declare one-day holiday.'    

A leave letter to the  headmaster:  
'As I am studying in this school I am suffering from headache. I request you to leave me today'  

Another leave letter written  to the  headmaster:
'As my headache is paining, please grant me leave for the day.'  

Covering note:  
'I am enclosed herewith...'  

Another one:
'Dear Sir: with reference to the above, please refer to my below...'  

Actual letter written for  application of leave:
'My wife is suffering from sickness and as I am her only husband at home I may be granted leave'.  

Letter writing:-
'I am well here and hope you are also in the same well.'  


A candidate's job  application:  
'This has reference to  your advertisement calling for a 'Typist and an  Accountant - Male or Female'... As I am both(!!!) for the past several years and I can handle both with good experience, I am applying for the  post

_______________

Hahaha... ka-level niya ang:
"I'm entering school for about 10 years already..."


Tuesday, July 29, 2008

Estragel 4

Start:     Oct 19, '08

Eiga Sai 2008 in UP Film Institute

Start:     Aug 11, '08
End:     Aug 16, '08
Location:     UP Film Institute
Film Showing of Japanese Movies

eiga sai

Presented by
The Japanese Foundation Manila, Shangrila Plaza, Cultural Center of the Philippines and UP Film Instititute

In celebration of Philippines-Japan Friendship Month
co-organized with the Embassy of Japan

Schedule
August 11
4:00pm-- We Shall Overcome Someday (Pacchigi)
7:00pm-- Linda Linda Linda (Rinda Rinda Rinda)

August 12
4:00pm-- Juvenile Jungle (Kurutta Kajitsu)
7:00pm-- Hanging Garden (Kuchi Teien)

August 13
4:00pm-- A Stranger of Mine (Unmei ja nai Hito)
7:00pm-- Canary

August 14
4:00pm-- Canary
7:00pm-- We Shall Overcome Someday (Pacchigi)

August 16
4:00pm-- Chibi Maruko Chan (movie)
7:00pm-- A Stranger of Mine (Unmei ja nai Hito)

Eiga Sai 2008 in CCP

Start:     Aug 7, '08
End:     Aug 10, '08
Location:     CCP
Film Showing of Japanese Movies

Presented by
The Japanese Foundation Manila, Shangrila Plaza, Cultural Center of the Philippines and UP Film Instititute

In celebration of Philippines-Japan Friendship Month
co-organized with the Embassy of Japan

Summer Lovin'




These photos were taken last summer when Bani went to Baguio. He was actually going to Tuguegarao, dumaan lang siya sa Baguio kasi nandoon ang sakayan at siyempre para na rin magliwaliw with us.

Sa La Azotea kami nag-lunch since (1) may vegetarian meal doon, (2) wala akong pera. Then naglakad kami papuntang palengke dahil may gagawin si Arjay. Kaya noong nasa palengke kami, kaming tatlo lang nina Amer at Bani ang nagpapakasawa sa picture!

Then dumaan kami sa SM para kumain ulit. Tapos noong medyo maghahapon na, nagkayayaang mag-Camp John Hay. Nilibre kami ni Amer ng Strawberry Parfait na super sarap tapos may pizza pa yata. At itong si Arjay, ay nag-order ng Chocolate Shake. Ang nakakatawa, akala niya blue 'yung shake na 'yun kasi ba naman ang kulay nito sa menu ay blue. Di niya nakita 'yung nakalagay na "NOT BLUE" kaya ayun, brown 'yung chocolate shake niya. Hehehe

Fun, fun, summer fun!

Photobucket

parfait yum

foreigners kuno

Monday, July 28, 2008

ARJAX




Name: Arjay Arellano
Age: Younger than me ahehehe
Occupation: Instructor
Ambition: To become a MODEL!!!

Ahehehehe... peace jay! mwahmwahmwah!



arjax

Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Kulas sa Bayan ng Walang Preno

Ganito 'yun. May isang tao na sobrang gala. Sa sobrang pagkagala niya, napadpad siya isang araw sa lugar na kung tawagin ay "Walang Preno."

Lahat ng tao sa lugar na ito ay walang preno sa pagsasalita, sa pagkain, sa pangungutya, maging sa paggawa ng wala.

Pagdating ni Kulas sa lugar na ito, nagtaka siya at napabulalas, "Hindi yata marunong gumamit ng tuldok 'tong mga 'to. Ano ba 'yan!"

Narinig siya ng isang bata.

"Hoy sino ka anong ginagawa mo sa bayan namin alam mo ba na bawal ang tumugil lang dito nang walang ginagawa alam mo ba na ito ang bayan ng walang preno wala ni isa dito ang pwedeng tumunganga lang"

Sabi nang bata na walang preno.

Napatanga na lang si Kulas nang biglang may dumating na sasakyan na wala ring preno at nasagasaan si Kulas.

Sa lugar ng Walang Preno natuldukan ang pakikipagsapalaran ni Kulas.

_________________
Sinulat ko 'to para lang i-test 'yung blog menu ng isang website. E sabi ni Lau, i-post ko daw sa multiply. Tawa kasi siya nang tawa habang binabasa niya 'to.


Saturday, July 26, 2008

Jontue the Rocker

Ito ang pinagkakaabalahan ni Jontue ngayon... rock star na siya ngayon! Ahahahaha

O diba, may future ang lolo n'yo? Ahehehe

 

Tuesday, July 22, 2008

Thank God for This Day

"Cusps of the World Unite! You have nothing to lose but your diapers!"

Good morning everybody! It's my 28th birthday. At kahit malapit na akong magtrents, hindi ko siya feel! Nasa kalendaryo pa rin ako, mapa leap-year man yan o hindi. O diba, ang saya-saya. Though of course, may mga bagay na kailangang tumanda, o pagkatandaan, deadma pa rin ako sa fact na i'm not getting younger. Tulad ng sabi sa kantang pinapakinggan ko ngayon, "umaga na, sumisikat ang araw..." Ayun, umaga na kaya kailangan nang bumangon at magpasalamat sa lahat ng biyaya (tulad ng mabilis na internet connection sa bahay ni lau.)

Thank you sa lahat ng bumati, at sa mga babati pa lang.  Wala akong load so hindi ako makakareply sa inyo. Pero alam n'yo namang  ko kayo e, diba naman?

Enjoy the day! Kunyari na lang nanlibre ako!

 

Friday, July 18, 2008

Nawawala


"May tatlong dahilan bakit ka nawawala.

Una, hindi mo alam kung nasaan ka.

Pangalawa, hindi mo alam kung saan ka pupunta.

At pangatlo, hindi mo alam paano umuwi.
"

Xiaui Macagba, 2008


Napipikon Ako

Ayoko sa mga schedules kasi ayokong naghihintay sa wala, at dahil marami pa sanang pwedeng ibang gawin.

Ayoko ng promises kasi ayokong umaasa.

Ayokong nagpaplano kasi nakakafrustate 'yun ng sobra-sobra kapag hindi natutupad lalo na kung dahil sa mga bagay na hindi ko makontrol.

Ayokong nawawalan ng options.

Pero minsan, mas gusto ko na lang na walang option para wala akong choice. Mahirap mag-isip ng tamang desisyon lalo na kung magkasing-bigat ang dalawang options.

Gusto ko pa rin ng surprises, yun tipong magugulat ka kasi hindi mo talaga inakala. I've had many "surprises" in life at gusto ko pa ng maraming-maraming surprises. Ako lang yata ang hindi surprise e. (Oh well, surprise pa rin actually.) Planned kasi ang pagbubuntis sa akin ng nanay ko. Two years na silang kasal ni Papa at wala pa silang anak. So ang sabi ng doctor kay Mama, magmedicaton for a month then i-stop yung medication after isang buwan. At ayun, nabuo na ako! Ahehehe Isa pa rin akong "Ji Nian Phin" kasi carbon copy ko ang tatay ko! Ahahaha.

Gusto kong maniwala sa forever "but forever's too good to be true..."

Gusto kong kumain ng fishballs pero ayokong kumain mag-isa.

May gusto akong i-meet ngayon pero hindi ko magawa dahil hindi ko pa nakukuha ang dapat ay nasa akin na ngayon.

Gusto kong magjacket para ma-hide ang katabaan pero ang init dito sa diliman!!!

Gusto kong matulog pero tinatamad ako.

Gusto kong mag-fast-forward na ang buwan na ito, pero hindi naman DVD ang buhay ko na pwedeng i-choose ang chapters at 'yun lang ang gagana.

Gusto kong umuwi sa amin pero walang akong pera at marami akong kailangang tapusin dito.

Gusto kong ngumawa pero wala naman akong rason.


Shoot! Nakakapikon lang...

Sunday, July 6, 2008

28 Things That Never Fail to Make me Smile

as requested by ails...

1. ice cream pagkatapos ng depressing na exam
2. tambay sa sunken habang pinagmamasdan ang mga gumagalaw na tao, halaman, sasakyan, ulap, etc.
3. starry, starry night
4. falling star
5. blue moon
6. rainbows and sunshine after the rain
7. feel-good movies
8. nature trekking
9. day-dreaming
10. travelling, exploring new places
11. icedtea
12. putanesca sa umaga
13. huge and furry teddy bear
14. giving gifts
15. receiving gifts
16. surprises
17. books
18. hanging out with friends
19. pakikinig sa mga stories ng mga matatanda lalo na sa mga kuwento ng nanay ko
20. Baguio memories
21. korning jokes
22. paychecks and bonuses
23. libreng pagkain
24. kapag nakikita ko ang/ ang mga crush ko tapos bigla akong ngingitian (asus!!!)
25. a kiss
26. accomplishing a task
27. discovery
28. possibilities

 

Wednesday, July 2, 2008

28 Lalaki sa Buhay ko

Hindi nangangahulugan na ganito karami Ex ko ha!  Wala rin sa ayos 'to ha. Kung sino lang 'yung naaalala ko. ahehehe

1. STEPHEN - kababata, anak ng pedia ko dati. First crush ko 'to kaya hindi ko siya makakalimutan. Nasa friendster ko siya at architect na siya ngayon, nasa US. Hihihi

2. Arjay COLADILLA - Si Jumong ng aking buhay! Ahahahaha! Peace Arjay!

3. BERNIE - like ko siya nung Highschool pero di na ngayon. Ang rason? Secret! Galugarin n'yo multiply ko, malalaman n'yo sagot! Ahehehehe

4. the boy we call JOMOND - hehehe. School-mate ko nung highschool. 2nd year ako, first year siya. Ayy, kaloka ito kasi nakaharbat ng picture niya si Terine tapos binigay sa akin. Tapos nakita ng kapatid ko. Isusumbong daw ako kay Mama, ayun, binibigyan ko siya ng puiso araw-araw para lang hindi niya sabihin kay Mama. Kotongan daw ba ako? Hehehe

5. "PAPASTOR" - before ma-coin ang term na "papastor" may crush na akong nagpapastor, kapatid ng churchmate ko dati. hehehe

6. Papastor's COUSIN - may gusto siya sa akin. Period. hahaha e yung cousin niya ang gusto ko. Ahehehe

7. DONG, ang machong-masungit na PepSquad

8. ANDREI, ang gwapong mabait na PepSquad

9. PEDRO, ang mahiwaga kong blockmate. Maraming nagkakagusto dito, naku!

10. MR. PAPEL - kasing puti siya ng bond paper. Intsik kasi. hindi ko na maalala kung kaklase ko ba siya o pareho lang kami ng teacher sa HumII.

11. GWAPO - Beta Sigman, at hindi ko alam ang pangalan niya. Kamukha niya si Richard Gomez, promise!

12. MR. MUSIC CIRCLE - Jumong the 2nd 'to hehehe... magaling pang maggitara at magkinanta. Kapit-tambayan namin yung org niya dati e. Madali lang makasilay! Ahehehe

13. VOORDUX - heheheh... hi dux! Crush kita dati, pero konti lang! Mas crush ka kasi ni Ate Apol e. Ahehehe. Date ko 'to nung banquet namin at siya ang nagyayaya. May "ATE" nga lang na kasama sa pagyaya. Napaka-magalang!!! Ahehehe

14. MJOLNIR XOCE - ganda ng name niya nu? Kulit din 'to e. Short-lived lang ang pagkagusto ko dito. di na kami nagkita e

15. DON, kapatid ni Ate Eva. Ahehehehe. Bata siyang di hamak sa akin. Wala lang, mahilig ako sa bata e. Tahimik 'to pero astig sa pagtugtog ng gitara. Music Major sa UP 'to e. :D

16. KEN. Dati ha! DATI! Nung college pa ako! Di na ngayon, please lang!!! Ahehehe

17. CHICHI - hehehe. orgmate.

18. KUYA LOYNE!!! ahehehehe... parang may koneksiyon ang #17 at #18. Anu kaya un? ahehehehe... nagkagusto sila sa parehong babae, at HINDI ako 'yun! Keri lang! Ahehehehe

19. Bestfriend WINJO! napangasawa niya yung roommate ko dati at abay ako sa kasal nila. Ang cute-cute ni sashi, yung baby nila at magkakaroon ulit sila ng bago. hehehe

20. KELVS - bago nag-asawa sina Kelvs at Win, sila talaga! Ahahahaha! Charoz! Grabe naman 'to! Marami na-link sa lalaki na 'to! Grabe! Ahehehe. (Paging Ms. Dagum!!!!)

21. WENDELL, ang pinsan ni WINJO! Ahehehe. Super like ko talaga 'to hanggang ngayon!

22. He who MUST NOT BE NAMED! Period. Ahehehehe

23. MR. ESTUDYANTE #1. Estudyante ko dati, AY 2006-2007 ahehehe... taga...secret!

24. MR. ESTUDYANTE #2. Estudyante ko dati, AY 2006-2007 ahehehe... taga...secret ulit!!!

25. MARK, na officemate ko dati, na boyfriend ni faith na ngayon ay asawa na niya. ahehehe. crush lang naman yun, konti lang!

26. KUYA SHERMAN. Ahehehe. May asawa na rin 'to e kaya sorry na lang sa akin! Ahehehe

27. PING MEDINA. Naman! Di ba naman! May Buwan IX pa nga ako sa kanya! Ahehehe

28. AMERIGOS da BOGUS! Ahehehe!!! Sino naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Sige nga? Bang gwapo kaya, Bang galing pang magsasaya-sayaw! Dibha naman!!! HAhehehe...


'Yun! Marami pang iba, nakalimutan ko na! Ahehehe



28 Anik-Anik

Malapit na birthday ko. Kainis. Baka gusto ninyong chikahin ang buhay ko, may naisip akong something. Maglilist ako ng 28 things/whatever sa mga ibibigay n'yong topic. Example: 28 favorite cartoon character, ganun. Wala lang, para lang masaya. Hehehe

So, reply-an nyo na lang 'tong post na'to para sa mga gusto nyong topic na ililista ko tapos yun. Hanggang july 22 lang kasi may nakasked na sa july 23. Hehehe... Sige na! Para masaya! :D

Hihintayin ko 'yan ha! :D

'I'm yours' daw



Tinutugtog ang "I'm Yours" dito sa Isko: Ang Kompyuteran ng Iskolar ng Bayan (hehe). Bigla kong naalala ang nakaraang buhay-Baguio ko at siyempre ang mga tao. Hehe.. wala lang! :D

Tuesday, July 1, 2008

Daybreak

"I'm thankful for the One who made
the sunshine and the rain..."



My ermitanya days are over. Finally, lumabas na ako sa lungga ko at nagsimulang makipagsapalarang muli sa mundo. First day ng pinakapaborito kong buwan sa kalendaryo, lumarga ako papuntang Maynila. Tinantanan ko na ang pag-iinarte ko, tulad ng sabi ni Arjay. Early morning, kakasikat pa lang ng araw nang nilisan ko ang lugar kung saan kumportable akong nagkukulong. Dumating ako sa Diliman, super early sa appointment ko. Naisip ko, "this is it! Kakayanin ko 'to."

After ng appointment ko na may kasamang chika with a friend, napagdesisyunan na na maglalagi ako dito sa Maynila. Wala nang atrasan. Bahala na sa kung anong mangyayari. Kailangan ko nang buuin muli ang mundo ko. Living in Baguio was great but Baguio was over. This is where I chose to be now.

Minit ko si Lau after. Nagkita kami sa SC after ng class niya at after kong mangolekta ng curriculum sa mga kolehiyo sa UP. Si Lau 'yung isa sa mga friends ko na napagtitiyagaan talaga ang kakulitan at kagagahan ko. And I am really grateful for her. Actually, kung hindi dahil sa sinabi niyang "Go!", baka nagkukulong pa ako sa Laguna ngayon.

Nag-fishball kami then naglakad papuntang Sunken Garden. Ahehehe. Ang tagal na kasi mula nang huli kong tambay sa Sunken e. Sabi niya sa akin, may exam daw siya bukas. Sabi ko naman sa kanya, "Aral ka lang. Dadaldal lang ako dito kahit di mo ako pakinggan." Ahehehe. Obviously, hindi naman siya nakaaral ng sobra dahil ang daldal ko!

Tapos nakita namin si Mei. Ayun, mas lalo siyang hindi nakaaral. Tinext namin si Grapes, na nasa Law dahil may class. After ng class niya, pinuntahan niya kami.

Chikahan forever.

Then uwian na.

It's great seeing them and talking with them as if kahapon lang kami huling nagkita. Namiss ko 'yun. Namiss ko sila. Namiss ko 'yung ganito, 'yung hindi ako nagkukulong, 'yung makulit ako, 'yung may kausap ako.

I'm thankful for this day and for days to come.