Monday, November 23, 2009

It's the thought that counts

Funny.

Last Saturday evening, kumain kami ng dinner ng friend kong si Vera somewhere in SM Baguio. Siyempre, magkaiba inorder namin. Chika-chika habang hinihintay ang food (habang nakita ko pa si Atty. Crush ulit). Nang dumating ang food, ang order ni Vera ang inilagay sa tapat ko, at ang order ko ang nilagay sa tapat ni Vera. Ang nakakatawa dun, medyo marami yung order ni Vera, maraming food sa plate. Yung sa akin, iisang putahe lang tapos maliit pa yung lalagyan. Diba naman? So ibig sabihin nasa itsura ko ang lalafang ng marami??? hahahahahahaha Oh well, hindi ko naman masisi si Ading Crew dahil ang diperensya ng katawan namin ni Vera ay medyo may kalakihan!

Ang moral lesson of the story: MAGPAPAYAT KA NA XIAUI DAHIL ANG TABA-TABA MO NA, AND IT SURE SHOWS! hehehe

Fine!

Friday, November 20, 2009

Baguio Blues



Ilang metrong alikabok na ang iyong nalanghap? Ilang kalye na ang iyong nalakad? Hindi pa tayo tapos sa ating paggagalugad, kaya bagong laso na lang muna ang sa'yo'y alay.



Malamig na panahon.
Mag-isang paglalakbay.
Walang makausap.
Walang makasama.
Mag-isa.
Daan-daang tao.
Dumaraan.
Dinaraanan.
Nakayuko.
Nakatingala.
Mabungo ma'y wala pa rin salita.

Ang buhay ng isa,
nangatog sa lamig
mag-isa.

Thursday, November 19, 2009

Bloopers

I went to this office in City Hall where I was looking for this certain person. I was so confident pa when I asked the receptionist, "Nandito po ba si Mr. ------?" with matching smile pa with uber-polite tone of voice. The girl cut my query. She corrected me from saying a different surname of the person I was looking for. Oh gosh! it was so nakakahiya, considering na that person was just 5 inches away from me! Damn! Malay ko ba, someone from another office referred me to that person and that was the name that was given to me.

And the funnier thing pa, the name I said was the exact antonym of his surname, something like i said bukas and it was really sara. Something like that. Di ba nakakahiya?

Wednesday, November 18, 2009

Explanasyon kung bakit walang nagaganap sa blog ko

Nangangalawang na ang blogsite na ito. Ano bang nangyayari?

May dalawang bagay kung bakit hindi makapag-blog ang isang tao: una, wala siyang iba-blog kasi boring/ monotonous ang buhay niya, yung tipong sa lahat ng umaga, tanghali, hapon at gabi ay pare-pareho lang ang nagaganap; at pangalawa, sobrang daming nagaganap i.e., masaya, malungkot, busy, etc., na wala nang oras para man lang bumisita sa blog o di kaya'y hindi maisilid sa mga salita ang nagaganap. Sa kadalasan, parehong buntong-hininga lang ang nagagawa sa parehong sitwasyon. Isang buntong-hininga na uber-lalim ng pinaghuhugutan pero walang magawa kundi iyon, at indahin ang kung ano mang nagaganap sa buhay-buhay, at mag-intay na sa tamang panahon ay makakasulat muli at ang nangangalawang na blog ay unti-unting nawawalan ng kalawang.

Sana lang hindi pa nabubulok. heheheh