Sunday, June 29, 2008

Limot


Nakakalimot ang tao. Kahit gaano siya mangako ng walang-hanggang pag-alala, makakalimot pa rin siya. Makakalimutan niya ang pangako, ang ipinangako, at ang rason sa binitawang pangako. Dahil mas madali para sa tao ang lumimot kaysa indahin ang sakit ng pag-alala at maghintay sa pagtupad ng pangakong lulunurin lang din naman ng panahon.

Naaalala pa rin kita...

Wednesday, June 4, 2008

Papa Died

Papa's sister called just this morning. "Patay na Papa n'yo, kaninang umaga lang."

*blank stare. blank reaction*

"Sige po, sasabihin ko po kay Mama. Tatawag na lang kami ulit," sabi ko na lang.

Hindi ko kasi alam kung paano magre-react. O malamang, wala lang talaga akong maramdaman. The last time na nagkita kami ni Papa, alam ko may sakit na siya, and in fairness naman sa akin, mabait naman ako sa kanya noon. Well...

Nasanay lang siguro ako na wala siya. He left us when I was three years old. Next time na nagkita kami highschool na ako. Mabibilang lang sa kamay ko ang beses ng pagkikita namin. Karamihan pa doon, medyo puno ng tensyon dahil sa mga kiorvs ng pamilya. Later ko na lang narealize na indifferent na pala ako sa tatay ko. At ngayon ngang patay na siya, i don't feel anything at all. I'm not sad, but I feel sorry for him for having made decisions he regretted only later in his life, pero hindi niya 'yun aaminin dahil ma-pride siya. Kung sinuportahan niya lang sana ako noong nga-aaral ako e di sana hindi naging mahirap ang school life ko. Oh well,  oh well! Past is past. Okay naman na ako sa buhay ko, though medyo marami pa ring trials and all. And he's dead now. Wala na siyang magagawa. At wala na rin akong magagawa to lessen the gap between us. Honestly, I did try to love him. Pero tulad rin ng iba pang klase ng pag-ibig, kailangan mutual. E sa kaso niya, ipagpalagay na natin na mahal naman niya kaming dalawa ni Bon, pero hindi naman niya naipakita. Mas pinairal niya 'yung napakatayog niyang pride kaysa mag-sorry. Hay naku naman. Sakit talaga 'yan ng pamilya namin!

I don't know how my mom will react to this news. I suspect he still loves him after everything. Sabi ni Mama dati, hahayaan na lang daw niya si Papa sa kung sinong gusto nitong makasama pero kapag namatay na, kailangang ibalik sa kanya. Hmmm... mahabang lakbayin 'yun ha. Malayo ang La Union at Laguna. Paano kaya 'yun? O baka "tayutay" lang ni Mama 'yun? Hehehe

Thursday, May 22, 2008

For the Love of It

My mom teaches alternative learning education. Meaning, mga tumigil sa pag-aaral na gusto muling makapagtapos ng elementary o highschool ang tinuturuan niya in preparation para sa pagkuha nila ng exam na magpapapasa sa kanila sa elementary o highschool. Walang age limit 'yun at depende sa availability ng mga estudyante dahil ang iba sa kanila ay maaaring may anak na o may pamilya, o may trabaho. Libre lang din ang pag-aaral na ito.

Isang buwan na ang nakalipas noong bumaba ako mula Baguio at niyakap ang panibagong hamon ng buhay ko, na magpasahanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung anong hamon ba 'yun. Sa loob ng dalawang taon, sobra kong nagustuhan ang pagtuturo at wala na yata akong ibang gusto pang gawin kundi magturo. Kaya naman nahihirapan akong tumanggap ng ibang klaseng trabaho. Naisip ko na rin na pwde ko namang ipagpatuloy ang pagtuturo, kung hindi ngayon, sa mga susunod na panahon. Kailangan ko lang mag-ipon ng pera ngayon dahil sobrang negative na ang networth ko. Hindi na lang muna kaya ako magturo. Hanap kaya ako ng ibang trabaho.

Pero kanina, since dakila naman akong tambay at hindi naman ako bopols sa Math ay pinakiusapan ako ng Mama ko na magturo ng Math sa mga estudyante niya. Ayun, sumugod ako sa school at winindang ang utak nila sa mga kaetchosan ng Math. Natuwa naman sila, at siyempre proud si mudrabelle sa akin. Ahehehe. Nabuhayan ako ng loob kasi pagtuturo talaga ang gusto kong gawin at ito ang trabaho na masasabi kong fulfilling. Ang saya ng feeling na nakapagbahagi ka ng kaalaman mo at kahit wala kang nakuhang bayad, masaya ang pakiramdam.

Ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay mag-apply sa mga schools at magdasal na sana'y matanggap. O kung hindi man ngayon talaga, gagawin ko pa rin ito kapag nabigyan na ako ng financial freedom, kahit 'yung freedom na lang mula sa mga kautangan and all. hehehe.

Magtuturo ulit ako at walang makakapigil sa akin. :D

Friday, May 2, 2008

Lilipad Na Ako




Para lang akong ibon na napadpad sa ibang gubat. At dahil malaya ako, lilipad na naman ako pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako lilipad at kung saan ako makakakita ng pwedeng madapuan. Nakakapagod lumipad nang walang pupuntahan. Pero nakakapagod ding hindi gamitin ang mga pakpak. Kaya, lilipad na lang ako -- makikipagniig sa himpapawid na kumakalinga sa akin, susuungin ang hanging maaaring makasugat o makahilom. At bahala na ang araw at buwan kung gusto nilang mangulit, maging ang ulap kung gusto nilang magtanggol o mang-api.

Hindi ko na mabibitbit ang mga dati kong bagahe. Iiwan ko na 'yun. Hindi ko na rin naman 'yun magagamit. Ang iba nun ay tinangay na ng hangin, ang iba kinain na ng uod, 'yung isa naibaon na sa limot. Bago ang mga bibitbitin ko, magagaan lang para mas madali akong makakalipad. At mas madali kong maaalala ang daan papunta dito.

Salamat sa lahat, sa mga nagpawala ng mga mabibigat kong bagahe, sa pagbibigay ng bagong babauning alaala, sa mga taong nagmahal at minahal, sa lahat ng meron at wala dito. Salamat sa pagkakataon na magkaroon ng saysay sa buhay, kahit hindi ganoon kalaki ang dating ko at mga naibahagi ko, masaya na ako na may saysay ang pananatili ko dito sa loob ng dalawang taon.

Hanggang sa  muling paglipad at pagkakapadpad.

Thursday, May 1, 2008

This


"Is there some place far away, some place where all is clear; easy to start over with the one you hold so dear. Or are you left to wonder all alone eternally? This isn't how it's really meant to be... Butterflies are free to fly, and so they fly away and I'm left to carry on and wonder why..." --Always On Your Side, Sheryl Crow and Sting


Tuesday, April 1, 2008

Insignificant

It's funny. Nauna ako nagpunta sa Baguio pero halos karamihan ng friends ko sa baba, ang alam lang ay si Arjay ang nasa Baguio. Oh well, thankful ako sa pagdating ni Arjay at super love ko ang friend ko na'to pero natatawa lang talaga ako dahil wala yatang nakaaalam o nakaaalala na kasama niya ako dun. Siguro dahil:

1. Nagtago lang talaga ako sa Baguio; or

2. Hindi ako ganoon ka-friendly; or

3. Wala lang talagang pakialam ang mga tao sa akin kung saan man ako mapadpad; or

4. Insignificant person ako sa mundo.

Lilipat na naman ako and i'm sure, after a few days, wala na namang makakaalala na dalawang taon pala ako doon, at sobrang minahal ko ang lahat ng meron sa Baguio, at nahihirapan akong magpaalam.

 

Thursday, March 27, 2008

SONETO 17

ni Pablo Neruda (salin ni Sharon Feliza Ann P. Macagba)

Ang pag-ibig ko'y di tulad ng sa anumang bato tulad ng topasyo,
O kahit ng sa bulaklak na napupuno ng bango.
Mahal kita gaya ng mga bagay na madidilim,
Sa pagitan ng anino't kaluluwang kimkim.

Mahal kita tulad ng halamang di namumukadkad
Ngunit taglay ang sinag ng tagong rikit ng mga bulaklak.
Salamat sa iyong pag-ibig, 'sang laksang halimuyak
Ang umuusbong at nabubuhay sa aking katauhan.

Mahal kita, kung paano o kailan o saan ay hindi ko alam.
Mahal kita, walang bahid ng kabuktutan o pag-aalinlangan.
Datapwa't mahal nga kita dahil wala na akong alam pang iba
Maliban dito... na maging ang ako at ang ikaw ay di umiiral:

Na ang bisig mo sa dibdib ko ang aking sandalan;
Na sa iyong pagpikit, ako ang nahihimlay.