Tuesday, November 30, 2010

Adik

"Adik sa'yo..."
Kaadikan lang, nagmamanifest tuloy sa panaginip! haha

Lately, I've been watching Korean dramas and movies of Jang Geun Suk, mula "You're Beautiful" na minarathon ko sa Laguna dahil sira ang cable, hanggang sa "Beethoven Virus" at "Baby and I". Ngayon, inaabangan ko lagi, kahit ang hirap kasi walang nag-o-online stream ng may english subtitle, ang "Mary Stayed Out All Night"/ "Marry Me, Mary", bagong drama ni Geun Suk-a! Hehe

Sa sobrang kaadikan, ayun. Napanaginipan ko tuloy siya kagabi! Haha. Ganito yung panaginip:

Setting: Bahay namin sa Laguna. Maraming tao, hindi ko naiintindihan mga sinasabi ng iba. Inassume ko Koreano sinasabi nila, although di ako sigurado! Hahaha! Busy daw ako sa kung anong ginagawa ko: may paglulutong nagaganap, pag-aasikaso sa bisita. Ewan din kung anong okasyon, basta maraming tao.

Sa pagmamadali ko daw, bigla akong may nakabunggong tao. Natumba. So tinulungan ko daw. Alam mo yung scene sa mga pelikula na magmi-meet yung bidang guy at bidang girl, ganyan, na medyo cheesy ang effect, ganun! Sabi ko kanya, "Are you okay?" Sagot niya sa akin, "I'm Jang Geun Suk."

Hahahahahaha!!! Laftrip!!!

Sagot ko pa sa kanya, "I know, I know." At natatawa daw ako, na medyo nagpapacute!!!

Hahaha! Adik lang!


:P




Friday, November 26, 2010

Bad Day

Dapat walang tao ngayon sa bahay. Uuwi si Lau sa Mindanao, gagala si Sheli sa Palawan, at ako, dapat sana ay nasa Caramoan na ako ngayon. Pero Wednesday pa lang, alam ko na na hindi ako matutuloy dahil may biglang nag-set ng appointment, na obviously, mas priority kaysa sa gala-galore ko sa Caramoan.

So, from zero to one dapat ang drama. Ako ang maiiwan sa bahay buong weekend - magkukulong, mag-e-emo, matutulog, magpapakalunod sa mga series at movies ni Geun Suk.

Umalis si Lau mga 2am, tulog na ako. Si Sheli dapat mga 5am ang alis. Nagpaalam ako before ako pumasok sa kwarto kasi ang alam ko dapat wala na akong aabutan paggising ko kinabukasan. Alas-7 ako nagising, kasi may appointment ng 10am. Paglabas ko ng kwarto, nagulat ako kasi bumungad sa akin si Sheli. Late na daw siya nagising. 9am ang flight niya. Dali-dali naman siyang nag-ayos at maya-maya'y umalis na rin.

So ang appointment ko ay 10am. Hopeful akong pumunta dun, umaasa sa isang magandang balita na maaari kong iuwi bilang pampasaya habang nag-iisa sa bahay. Well, it turned out okay, as in okay lang. Yun nga lang, wala pa ring kasiguraguhan. Hanging pa rin ako. And for the longest time pinipilit ko lang talagang maging hopeful kahit magkabila na ang sampal sa akin na parang hindi naman ako kailangan dito sa Manila. I actually felt like a piece of crap.

Pag-uwi ko, akala ko ako lang ang medyo masama ang naging araw. Yun pala, si Sheli hindi nakaabot sa flight niya until she decided not to go Palawan anymore. Nalate siya ng mga 2 minutes lang. Sa tingin ko talaga kailangan niya ng bakasyon na'to. She's not feeling okay for the past days and this trip could have been a good remedy for her sadness. So medyo pati ako nalungkot na rin for her. Umuwi siya ng bahay, natulog.

Si Lau, natuloy sa Mindanao. Nagtext siya nung nasa bahay na ako, nandun na daw siya. Natuloy nga siya sa pag-uwi, walang aberya. Pero, malungkot pa rin kasi kaya naman siya biglang umuwi kasi namatay na yung lola niya na last week lang e malakas pa. :(

Nakakalungkot. Nakakaasar. Bad trip ang araw.

Nang magising si Sheli, nagkayayaan kaming kumain, pantanggal ng :( . After kumain, naglakad-lakad kami sa UP, para makapag-isip, magmuni-muni, at para maalis ang bad sa araw.