Thursday, November 29, 2007

Wala

Wala.
Wala.
Wala.

Wala talaga.

O sadyang, wala lang.

Ewan.
Wala e,
Ganun talaga.
Laging wala.

Kaya,
Wala na lang.
Para wala.
Wala.

Sagada Trip: The Cave, The People, The Life




Sagada Trip: Yoghurt Breakfast




Sagada Trip: Unang Salta




Last na 'to, Please!!!

Kahit nagkakagulo na sa Makati dahil sa kudeta (daw... di pa ako sigurado kasi hindi pa ako nakakapakinig ng balita, at dahil brown out sa bahay kanina), para akong baliw na kinakabahan nang makita ko ang kanyang mahiwagang larawan. Oo, baliw na kung baliw, pero wala akong pakialam. Siyam na taon ko siyang hindi nakita at ngayon ko na lamang din nakita ang itsura niya dahil nga sa larawan sa friendster.

Medyo mataba na siya kaysa sa dati, at inaamin ko, medyo hindi na siya kasinggwapo tulad ng inaasahan ko. Pero natutuwa pa rin ako't kahit papaano'y nasilayan ko kung anong itsura niya ngayon.

Magkikita kami sa Disyembre, sana, dahil kasal ng pinsan niya na kakaklase ko noong highschool, at reunion din ng batch namin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Siguro dahil sa sobrang tagal na ng huli naming pagkikita. O dahil sadyang siya lang ang taong nagpapakaba sa akin. (shit, ang korni ko!!!)

Alam kong malaki ang kagagahan na ginawa ko dati. Hindi ko ginawa ang dapat sana'y ginawa ko noon. Napakaraming pagkakataon ang pinalampas ko, para makasama siya at makausap. Masyado kasi akong nahiya, iniwasan siya, dinedma na tila ba hindi kami magkakilala. Oh well, dahil lang yun sa simpleng rason -- kinakabahan talaga ako, speechless, at may nginig ng tuhod effect pang kasama!

Pinalampas ko ang pagkakataong magkausap kami pagkatapos ng dalawang taong hindi pagkikita. Dalawang monobloock chairs lang ang pumapagitan sa amin. Bumalik pa siya mula sa labas, umupo na halos magkatabi kami. Naghintay. At naghintay. At ako, nanginginig malapit sa kanya, naghihintay din na magsalita siya. Kahit isang "hi" man lang, o simpleng pagbati, o kaya "huy"... pero wala. Walang natinag sa aming dalawa.

Pinalampas ko rin ang pagkakataong makausap siya nang binigay ko ang imbitasyon para sa kaarawan ko. Tinitigan niya lamang ako. At tumitig lang din ako sa kanya. Hanggang sa nangatog ang tuhod ko. At hindi ko na siya nakausap nang matino.

Pinalampas ko rin ang pagkakataong halikan niya ako, kahit sa pisngi. Pinalampas ko ang pagkakataong makipagkuwentuhan sa kanya, kahit isang gabi.

Pagkatapos nang maraming pagpapalampas na ito, hindi ko na siya nakita. At hanggang ngayon a maasa na muli ko siyang makita.

Madalas ko siyang mapanaginipan sa mga panahong pre-occupied ang utak ko sa ibang mga bagay, o tao. Sumusulpot siya sa panaginip ko, nagpapsaya, at minsan'y nagsasabing "Wag kang mag-alala, love naman kita e."

Kung sana lang ay pareho kami ng nararamdaman.

Sana naman mapagbigyan kami (o ako lang?) ng pagkakataon, kahit huli na, na magkasama, makapagkuwentuhan, magtawanan, magkulitan, tulad ng dati. At bahala na kung may girlfriend siya, o kung hindi niya ako gusto, o kung hindi ko na siya gusto.

Pagkatapos, lulubayan ko na ang pagnanasang ito. Sana lang mapagbigyan ako, kahit last na 'to.

Sunday, November 18, 2007

Untitled #1

Kung langit ang ating hangganan
Hindi tayo mauubusan ng liliparan
Halughugin natin ang buong kalawakan
Hanggang wala nang kalawakang pumapagitan.

Lisan natin ang hangganan ng lupa't langit
Lumipad palayo sa mundong mapanlupig
Simulan ang paglaya ng isip,
Subukan nating lumikha ng himig.

Kung iilan ang salitang kayang bigkasin
at ang imahe ay bibihira kung dumating
wag kang mangamba't iyong silipin
baka nakakadena lamang at napapaalipin.

Igalaw ang naparalisang mata
Iindak ang nawawalang paa
Humayo tayo't magpakasaya
Itanghal natin ang ating mga tula.

Nobyembre 17, 2007
Baguio City

Friday, November 16, 2007

Litanya ng Isang Dukha

Sino ba ang nagsabing
tatlong beses dapat kakain sa isang araw?
Isa lang ang kaya ko --
Konting kanin, konting ulam
Tipid-tipid pa dahil kailangang
may matira,
Para sa alagang daga,
at ipis,
at butiki.

Sino ba ang nagsabing
araw-araw dapat nagpapalit ng damit?
Isa lang ang damit ko -
Nanlilimahid na shorts, nanalilimahid na t-shirt
Tiis-tiis sa amoy na nanikit sa katawan
dahil bukas,
titiising muli ang amoy ko,
na para ng aso,
at pusa,
at ihi ng daga.

Sino ba ang nagsabing
minu-minuto ninyo akong tingnan,
at tingnan lamang?
Dadaanan,
Susulyapan,
Lalagpasan,
Na parang walang nakita,
Na parang walang nangyari,
Na parang walang silbi.
At makikita ko ang aking sarili
Sa pahayagang
Nagpapainit sa aking gabi.

Nobyembre 16, 2007

Sunday, November 11, 2007

Sembreak Chronicles

SEMBREAK- panahong pinakahihintay ng mga estudyante. Noong nasa kolehiyo ako, ito ang pinakamasayang panahon dahil walang klase, walang exam, walang iniisip, pero wala ring baon. Ngayong guro na rin akong, isa ganoon pa rin ang "feel" ng sembreak dahil kung noong estudyante ako ay nangangarag ako at sembreak lang ang tanging pahinga, mas lalo na ngayon. Bakit? Dahil pagkatapos mangarag ng mga estudyante ko sa kanilang final exam at final papers (note: plural) ay ako naman ang mangangarag sa pagtse-check ng kanilang mga kapapelan.

Ngayong Oktubre, hindi lamang sa pagmumukmok sa bahay ang inatupag ko. Bukod sa panonood pa rin ng Anime at kung ano-anong pelikula sa cable, ito ang mga pinagkaabalahan ko sa loob lamang ng dalawang linggo.

VOLUNTEER KAMI!
Masarap ang pakiramdam kapag nakatulong. Bata pa lang ako ay iminulat na nina Lola at Mama ang mata namin (magpipinsan) sa pagtulong sa kapwa na walang hinihinginh kapalit. Noong nasa kolehiyo, ang org kong AMiCUS ay madalas magdaos ng Medical Mission sa kung saan-saan, maging pagbibigay ng libreng tutor sa mga batang nangangailangan ng dagdag na pagtuon sa kanilang pagkatuto.

Hanggang ngayon ay hilig ko talaga ng mga ganitong gawain. Kaya naman noong pumayag si Dean Calinawagan na sasama ako sa Departamento ng Komonikasyon sa kanilang Campus Journalism Workshop ay na-excite talaga ako. Sina Amer, Arjay, Dazzie at Marifi ang nagsipagturo at ako, ako lang naman ang DAKILANG documentor.


Sa mga lugar na nakasama ako bilang "taga-piktyur" ay naramdaman ko ang dedikasyon ng mga gurong ito sa kanilang trabaho at sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga kababayan. Kahit pagod na pagod na sa kasasalita ay hindi nila iniinda. Saludo talaga ako sa mga 'to.


Sobra ko ring na-enjoy ang pagiging documentor. Ang hilig ko rin sa sining ang nagbibigay ng "fuel" sa akin para sumama, magbuhat ng sandamukal na gamit, maglakad ng malayo, etc. At hindi ko pinagsisihan ang pagsama ko.


Bukod sa mga ito, nakakatuwang makihalubilo sa mga batang makukulit at bibo. Sabi nila, kung nasasaktan ka daw at ang iyong puso ay hindi alam kung paano kakayaning ngumiti, makipag-usap ka daw sa isang bata at gagaan ang iyong kalooban. Totoo 'yon! At sa mga pakikisalamuha namin sa kanila, maging kami'y maraming natutunan.

LABOY SESSION


Alangan namang mawala ang laboy, siyemre hindi. Pingad, Mt. Province ang destinasyon ngayong oktubre.

Napakaganda ng natural na ilaw sa lugar na ito. Ang gandang magpiktyur-piktyur! Hindi na kailangan ng flash. :D


Sa tatlong araw ng workshop, hindi pa kami nakagala pero isang katanghaliang tapat ay hinatak kami ni Maam Irene sa Viewdeck para makita ang nakatambad na kagandahan ng kalikasan.

Pagkatapos ng workshop, dumeretso kami sa Sagada para doon i-celebrate ang 25th birthday ni Amer. Sa Sagada:


Naghintay ng alas-12 para sa birthday ni Amer habang patong-patong ang damit,



Nag-agahan sa Yoghurt House,




Nag-caving sa Sumaging Cave,


Tumingin sa Hanging Coffins,


Sinorpresa si Amer ng banana cake,


Sumigaw sa Echo Valley,


At kumain ng Lemon Pie.


INDELIBLE INK
Pag-uwi ko sa amin, akala ko tatambay lang ako tulad ng ginagawa ko dati pero hindi. Dahil sa kinailangan kong rumaket ng pamasahe pabalik ng Baguio at dahil ayoko na ring mag-iniyak dahil sa galit sa mga pesteng @#$%&@#$%#, minabuti ko na lang na mag-serve sa baranggay election sa amin.

Bilang Third member, ako ang naglalagay ng "indelible ink" sa mga bumuboto. Maraming ayaw magpalagay, as if makakalusot sila sa akin. Sabi ko na lang sa kanila, patunay 'yan na isa kayong mahusay na mamamayan ng Pilipinas. Hindi ko nga lang alam kung pinaniwalaan nila ako.

UNDAS
Hindi kami natuloy ni Aileen na magkita dahil uber busy siya sa nalalapit na Milagrosa something sa amin. Saglit lang din ako sa pantyong (tawag sa sementeryo sa amin). Hindi rin nagsidatingan ang iba naming pinsan. Ang mga pinsan ko lang na nandoon ay mga lalaki at busy sa kanilang mga girlfriend. Ako, naiwan sa bahay, lumalamon ng suman na gawa ni Mama habang nagpapakasawa sa Anime.


Ayun. Pagdating ng Nobyembre 4, biyaheng Baguio na naman ako. Balik pagtuturo, at iindahin ang semestreng ng pamumulubi. Pero, keri lang naman. Sabi nga ni Arjay, "kelan naman tayo hindi naghirap?" Ngiti na lang, dahil sa Summer, mas mahabang paglalakbay ang magaganap. :D

Nature's Beauties


Kahit ika'y bato at ako'y kakulay ng iyong kaanyuan.

Isang paglalakbay patungo kung saan kitang-kita si Beauty, at iba pang kagandahan ng kalikasan (op kors, kasama kami dun 'no!)

Saturday, November 10, 2007

LSPC 96 Batch Reunion

Start:     Dec 30, '07
We will be having our batch reunion this coming dec 30. Pls make yourself available and your contribution as well...hehhehehe....

venue:-----(wala pa...to follow pa)

contribution: 200 (pero i know you can afford to give more)

tshirt: kanya-kanya daw bigay ng white tshirt..

CONTACT PERSONS:
theresa serrano - 09194759726

sa ASC wala pa... so dapat may mag organize din sa atin one from siniloan other from pangil...(nde daw pwede si ethel kasi kakapanganak pa lang niya) mag volunteer na kayo mga singles out there...

ethel de leon-nebre
(09209211663 or 09228921663)

Friday, November 9, 2007

Laboy Session: Pingad, Mt. Province


Opening program ng Campus Journalism Workshop with elementary and Highschool Students sa Pingad National High School, Mt. Province.

Kuha ni Amer

Three-day Workshop ng Campus Journalism sa Pingad, Mt. Province. My task was to document the event. At habang nagsasalita ang mga speakers na sina Amer, Arjay, Dazzie at Marifi, ako ay nagpapakaligayang makiniig sa video camera at digital camera ng kolehiyo. Sa sobrang close namin, mukhang magpapalit na ako ng career... hahaha... or magpapalit ng departamento! Wahahahaha!!!

Ang Laboy na Hindi ako Nilubayan ni Rizal (Part 2)




Hayan, ito ang part 2 ng mga pics namin noong nasa Abra at Vigan kami. Wala kaming ginawa kundi mag-picture. :D Kaya eto, sandamukal ang pics! Salamat sa mga kuha at pamumudmod ng copy ng pics ni Amer! mwah!!! :D

Lipat-Bahay

Start:     Nov 12, '07
Location:     Baguio City
Mula Aurora Hill patungong Phil-Am! Yeh!!!