Tuesday, October 6, 2009

Restless, as usual

Para bang bulate o kitikiti na hindi mapakali, gustong lumakad nang lumakad ng mga paa ko, gusto kong pinagpapawisan, gusto kong makakita ng maraming-maraming bagay. Pero hindi ko magawa ngayon dahil sa dami ng mga hadlang, kasama na ang masamang panahon at kawalang ng pagkakataon.

Excuses kung titingnan. Siguro nga. Kaya rin siguro hindi ako mapakali. Kasi sa kabila ng pagiging sugapa ko sa excitement, e isa rin akong dakilang duwag, at tamad. Masamang kombinasyon, diba?

Pati utak ko, nababalisa na ng sobra-sobra.

Haaayyyy...

my life is boring. thank you.