Thursday, March 27, 2008

SONETO 17

ni Pablo Neruda (salin ni Sharon Feliza Ann P. Macagba)

Ang pag-ibig ko'y di tulad ng sa anumang bato tulad ng topasyo,
O kahit ng sa bulaklak na napupuno ng bango.
Mahal kita gaya ng mga bagay na madidilim,
Sa pagitan ng anino't kaluluwang kimkim.

Mahal kita tulad ng halamang di namumukadkad
Ngunit taglay ang sinag ng tagong rikit ng mga bulaklak.
Salamat sa iyong pag-ibig, 'sang laksang halimuyak
Ang umuusbong at nabubuhay sa aking katauhan.

Mahal kita, kung paano o kailan o saan ay hindi ko alam.
Mahal kita, walang bahid ng kabuktutan o pag-aalinlangan.
Datapwa't mahal nga kita dahil wala na akong alam pang iba
Maliban dito... na maging ang ako at ang ikaw ay di umiiral:

Na ang bisig mo sa dibdib ko ang aking sandalan;
Na sa iyong pagpikit, ako ang nahihimlay.

Itakas Mo Ako

Itakas mo ako
doon sa hindi kailangan
ng pakiramdam,
kung saan kaya kong
iwanan ang puso ko
na nakabilad sa araw
hanggang tuluyang manuyo't
mawalan ng saysay.

Ilayo mo ako
doon sa hindi tanaw
ng paningin ng tao,
kung saan kaya kong
maghubad at maglantad
ng katauhang naghihintay
ng pagkaagnas.

At iyong gamutin
ang namamalirong kong isip
mula sa latigo ng panahon,
hanggang ito'y maghilom
at muli akong makapagtanim
ng binhi ng katapangan.

Alisin mo ang langib
na dulot ng kapighatian,
dahil hanggang taglay ko
ang bahid ng lagim,
hinding-hindi sisibol
ang inaasahan kong kasagutan.


Sharon Feliza Ann P. Macagba
Abril 17, 2007
Baguio City

All my bags are packed...

not yet! :D Though I already started packing.

:( It's sad but I have to do this.

Wednesday, March 26, 2008

Better Than Nothing...




I don't want to have to build this.
I don't want to have to fit in.
I don't want to have to need someone
but I do...
I don't want to have to attract boys.
I don't want to have to be here.
I don't want to have to eat to fill a hole
but I do...
But it's better than nothing at all.
I don't want to have to be angry at you.
I don't want to have to blame it on my father.
I don't want to feel sick around you
but I do...
I don't want to ever fall in love.
I don't want to feel so insecure.
I don't want to have to write this to explain
Still I do
This feels better than nothing at all.


*** Kung hindi kaya ng sarili kong mga salita, pwede namang gumamit ng musika at titik ng iba.

Monday, March 24, 2008

Walang Pamagat




Mga kuha sa Laguna, sa mga panahong nais kong tumakas at maramdamang maraming nagmamahal sa akin. Noong Christmas vacation yata 'to, noong mahaba pa ang buhok ko. (I miss my long hair... huhuhu)

Thursday, March 20, 2008

My Mom's Sister

Noong mga bata sina Mama, si Tita Pura ang tagapagtanggol ni Mama sa mga kalaro nila. At hanggang sa lumaki sila at nagkaasawa, si Tita parati ang tagapagtanggol ni Mama, mula sa mga tindera sa Divisoria na nandadaya at maging sa mga kamag-anak na pasaway.

Life of the party si Tita. Makulit, maingay, mataray pero behind these, sobrang lovable siya. Walang dull moment kapag siya ang kasama. Matapang siya pero maalaga. Noong naisip ni Mama na mag-abroad, si Tita ang nagko-convince sa akin na maging responsable dahil panganay ako. Noong nag-college ako, sa kanila ako tumira at never ako nagutom sa bahay nila. Noong nag-graduate ako, kasama si Tita sa mga napaiyak. :D Noong na-brokenhearted ako, sa tinanggap lang ulit ako ni Tita sa bahay nila para maghilom. Ang laki-laki ng bahagi niya sa buhay ko.

Kaya naman masakit para sa akin na dalawang taon na ang nakalipas mula nang huli kaming nakapagkuwentuhan. Nagkasakit na kasi siya at hindi na nakarespond sa mga conversations. Kung siguro hindi siya nagkasakit, lagi siyang nasa Baguio with my Mom, nag-uukay! :D at sana kasama siya sa entourage ng kasal ko.

But then, may ibang plan si God sa lahat ng tao. Birthday niya kahapon. 55 siya. She passed away peacefully. Para lang siyang natutulog.

We will remember her for all the wonderful things she did.

I love you Tita. I'll see you soon!

Tuesday, March 18, 2008

LUMIPAS

Kailangang iwaksi natin ang lumipas
at, tulad ng pagtatayo
nang pala-palapag, binta-bintana
sa isang gusali,
kailangan nating ibagsak
una ang mga basag na tisa,
saka ang mga magarbong pinto,
hanggang mula sa lumipas
ay umalsa ang alikabok
na mistulang kakabog
laban sa sahig,
umalsa ang usok
na mistulang nasusunog,
at bawat bagong umaga
ay kumikinang itong
mistulang isang platong
walang-laman.
Wala, lagi namang wala.
Kailangan itong matigib
sa mga bago't masustansiyang
espasyo,
pagkatapos gumulong
ang araw kahapon
pabagsak --
tulad ng tubig kahapon --
sa isang balon,
sa isang lagakan
ng lahat ng wala nang tinig o ningas.
Hindi madaling
sanayin ang mga kalansay
na maglaho,
ang mga mata
na pumikit
ngunit
ginagawa natin ito
nang hindi iniisip
na lahat ay buhay,
buhay, buhay, buhay
tulad ng isang mapulang isda
ngunit nagdaraan ang panahong
may trapo at gabi
at napapawi
ang isda at ang pusag nito.
Sa tubig, sa tubig, sa tubig
bumabagsak ang lumipas,
kahit ang magusot pang
mga kalansay
at mga ugat.
Wala na, wala na at walang halaga
ngayon ang mga alaala.
Tinatakpan ng antuking pilik
ang liwanag ng mata
at ang nabubuhay noon
ay hindi na buhay.
Tayo noon ay di tayo ngayon.
At ang mga salita, bagaman may kapantay
na linaw at tunog ang mga titik,
ay nag-iiba at nag-iiba ang bibig.
Ang bibig mismo ay ibang bibig na.
Nagpapalit sila ng labi, balat, sirkulasyon.
Iba na ang nagsusuot ng ating kalansay:
ang nasa atin noon ay wala na.
Wala na ang noon, ngunit pagtawag nila, tutugon tayo:
"Narito ako," kahit alam nating iba na tayo.
Ang noon ay noon at nawala na,
nawala na sa lumipas, at hindi na babalik.

Pablo Neruda
(salin ni Virgilio Almario)

Saturday, March 15, 2008

Reality Bites



"Pramis, hindi ako iiyak..."


Isang buwan na lang ang ilalagi ko dito sa Baguio. At tulad ng iba kong paglisan, ayoko pa ring umiyak, ayoko pa ring malungkot. Pero tulad pa rin ng dati, hindi ko naman matutupad ang hindi pag-iyak lalo pa nga't marami akong kailangang bitawan sa pag-alis kong ito.

I love living here in Baguio. Bukod sa malamig, bagay na bagay siya sa lifestyle ko -- hindi masyadong mabilis tulad ng Manila, hindi rin mabagal tulad ng Siniloan. Tamang timpla kumbaga. Pero, hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili ko sa lugar na alam kong hindi ako kailangan, lalo na sa mga taong alam ko rin naman naiinip na sa aking pag-alis. Gustuhin ko mang ipaglaban ang kagustuhan ko, wala rin namang mangyayari dahil hindi ko hawak ang pagkakataon. Ang tanging hawak ko ay ang magagawa ko para sa sarili ko, sa Baguio man o sa ibang lugar.

Last day ng class ko kahapon. Malungkot talaga ako pero hindi ko pa rin ipinapakita. Eksaherado pa nga ang kakulitan ko kahapon e. Kagabi, bago mag-perform sa I aM JAM, naiiyak na ako. Ito ang huling mga moments na magkakasama kami nina Amer at Arjay. Sabi pa ni Amer sa akin, ginawa nila 'to para sa akin kasi aalis na ako. Pagkatapos naming mag-perform, kinukulit ko si Arjay na mag-away kami, kunyari. Sabi niya, hindi niya ako aawayin kasi paalis na ako. Sabi pa ni Arjay sa akin, ang galing kong magdrama samantalang lagi namang ako ang nang-iiwan.

Well, tulad rin ng sabi ko sa kanya, hindi ko talaga ito ginusto. Kung may pagpipilian lang ako, mas pipiliin kong manatili dahil gusto ko dito sa Baguio.

Pero siguro nga'y may ibang nakalaan para sa akin. Hindi ko man gustuhin ang nangyayari ngayon, maiintindihan ko rin pagdating ng tamang panahon. Nanghihinayang lang ako sa mga kailangan kong bitawan at iwan dito, at natatakot sa madadatnan ko sa lugar na pinilit kong kalimutan.

Marami akong kailangang bitawan, pero sigurado ako na marami rin akong bibitbitin -- mga alaala ng dalawang taon kong pamamalagi dito sa Baguio.

Syet, ayoko pa ring umiyak pero nanggigilid na sa mga mata ko ang luha.

Wednesday, March 12, 2008

Halik ng Hangin


Halik ng Hangin
Bayang Barrios

o bilog na buwan liwanag nakamtan

hinalikan ng hangin ang hubad mong katawan
sanga't dahon ng puno ay nag-iindakan
mga ibo'y nagliliparan at nag-aawitan

narinig ko ang taghoy ng iyong hininga
tila baga nagsasabi sa'yo lang ako sinta.

o halik ng hangin ay nadarama ko rin
ang mga yakap mong nagsisilbing sapin
sa katawan kong naghahangad sa'yo
o, aking giliw.

it cannot wait, i'm yours =)



Well you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but you're so hot that I melted
I fell right through the cracks
and now I'm trying to get back
Before the cool done run out
I'll be giving it my bestest
Nothing's going to stop me but divine intervention
I reckon it's again my turn to win some or learn some

I won't hesitate no more, no more
It cannot wait, I'm yours

Well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you're free
Look into your heart and you'll find love love love
Listen to the music of the moment maybe sing with me
i love peaceful melody
It's your God-forsaken right to be loved love loved love loved

So I won't hesitate no more, no more
It cannot wait I'm sure
There's no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I'm yours

I've been spending way too long checking my tongue in the mirror
And bending over backwards just to try to see it clearer
My breath fogged up the glass
And so I drew a new face and laughed
I guess what i'ma saying is there ain't no better reason
To rid yourself of vanity and just go with the seasons
It's what we aim to do
Our name is our virtue

I won't hesitate no more, no more
It cannot wait I'm sure
There's no need to complicate
Our time is short
this is our fate, I'm yours

Well no no, well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you're free
Look into your heart and you'll find the sky is yours
Listen to the music of the moment come and dance with me
A lá one big family
It's your God-forsaken right to be loved love love love

I won't hesitate no more, no more
It cannot wait, I'm sure
There's no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I'm yours

No please, don't complicate
Our time is short
This is our fate, I'm yours

No please, don't hesitate
no more, no more
It cannot wait
The sky is yours!

Tuesday, March 11, 2008

Pictures after the show




Sa sobrang dami ng pics noong run ng penguin, ito na lang muna ang ipo-post ko. Kokolektahin ko muna lahat ng pics from jah and jeng's cam before ako mamunmod at mag-share ng pics. :D

Tuesday, March 4, 2008

Tsismisan Session sa Laguna




plus gupit. Ahehehe

Before and After

One fine Sunday afternoon, I decided to cut my long hair. Why? Wala lang. Boredom. Kaysa naman kung ano pang bahagi ng katawan ko ang gupitin ko o pagdiskitahan ko, e di buhok ko na lang. Tutubo pa naman yan e. :D

Before

AFTER