Thursday, May 21, 2009

Anong gagawin mo kung wala ka ng gagawin?

E di gumawa ng gagawin, tulad halimbawa:



1) Maglinis ng kuwarto: Dahil sa dami ng ginawa mo noong nakaraang buwan, mukha nang landfill ang kuwarto mo. Baka gusto mong linisin para hindi ka naman magmukhang nakatira sa Payatas!



2) Magsauli ng mga overdue na libro: 'Day, hindi lang Php2.00 ang bayad sa overdue book dito. Tandaan, 5 Baht isang araw per libro ang bayad. Sa tingin mo, marami kang pambayad? Wala kang pambayad!!! Purita ka bakla!



3) Maglaba ng damit: Bisitahin ang closet, hija! Wala ka nang madamit, kahit pantulog man lang! Maglaba ka kaya 'no?



4) Basahin ang mga nakatenggang babasahin: Bibili-bili ka ng libro, hindi mo naman binabasa! May mga dinownload ka pa, simulan mo na!



5) Magsawa kakapanood ng Korean drama: Go sa Korean Pop Culture!!! Bonggang-bongga ang Boys Over Flowers! Siguraduhin mo lang na tatapusin mo muna 'yan bago ka maghanap ng iba pang gig ni Kim Hyun Joong kasi 'day, madi-disappoint ka sa kanyang acting abilities. Oh well, singer/dancer naman kasi siya to begin with kaya palampasin na muna natin ang expressionless face niya sa Boys Over Flowers. Pero aminin, nakakahimatay ang smiling face niya!



6) Ma-inlove kay Kim Hyun Joong: Hayan! Sa sobrang wala kang magawa, at walang pwedeng mas realistikong chorvahin diyan sa lugar mo, mag-ilusyon ka na lang. Mabilis naman ang internet! hahaha!!! Ulit-ulitin ang episodes 9-38 ng We Got Married kung saan ka nainlove kay Kim Hyun Joong, tapos hanapin mo pa lahat ng gigs niya, pati yung mukha pa siyang ulaga at maaliw sa katotohanang para siyang mantika kung matulog, at cute siya kapag naka-clip!!! Ilusyunin mong ikaw si Hwang Bo na tinatawag niyang Buin (wife), na ganun ka kaganda at ka-witty (Hindi naman nila alam!) at pangarapin na nagda-date sila ng palihim! Haha! Tapos, kung hindi ka pa masiyahan, galugarin mo ang WWW sa lahat ng impormasyon kung ano na ang pinaggagagawa ni Kim Hyun Joong ngayon... Yah, whatever! Oo na, alam mo na na may bago siyang commercial at taga-endorse siya ng Dynamic Kin (Coca-Cola product). Ewan ko sa'yo!



7) Magpractice ng "Nobody" dance step: "Nobody, nobody but you... nobody, nobody but you..." Haha




8) Magdownload ng mga Kris Allen songs at magpa-party sa kanyang pagkapanalo: 'Yun lang, sama ako sa party! Haha! Go Kris Allen! Sana nga lang wala pa siyang asawa diba? hmpf.



9) Ubusin ang lahat ng pwedeng panoorin: Magtira ka naman, isa-isa lang! Mahaba pa ang mga araw! Haha!



10) Gawin ang layout ng blog-gag ni Arjax: Ayan! May matino kang magagawa! Go!

 


11) Gumising sa katotohanan: MAY THESIS PROPOSAL KA PA INENG, UMAYOS KA!!!


Pero since napagod ka daw, sige na nga! Hahayaan muna kita, pero after ng week na'to hindi na pwede ang papetik-petik!





8 comments:

  1. hahaha. dami mong gagawin dear ah!

    peram ng libros! :-D

    mishu xaui!

    ReplyDelete
  2. hahaha.. 5-9 lang 'yung nagagawa ko e... hhihihihihihi

    ReplyDelete
  3. nice suggestions! ^_^ luv it! but i'm still not liking the korean fad

    ReplyDelete
  4. hahahaha... ayos lang para akin lang si Hyun Joong! Hahaha! :)

    ReplyDelete
  5. cge ma'am tatakan mo na, parang ung mga baka sa rancho na may brand mula sa nagbabagang bakal. oha! ^_^

    ReplyDelete
  6. hahahaha!!! in fairness, hindi siya parang baka kumanta. hehe. magaling pa siyang sumayaw at tumutugtog ng gitara! hahahaha! Mahal ko na siya!!! hehehe

    ReplyDelete