Friday, November 21, 2008

It's Over, Xiaui!

"Lalagapak ka na nga lang, wala ka pang kalaban-laban."

Sabi mo, "I am not going to call you anymore because this is not going anywhere." Pagkatapos mo akong chikahin, sasabihin mo sa akin 'yan? Ang galing mo talaga.

Sige, ganun na lang. WAG NA WAG KA NANG TATAWAG KAHIT KAILAN dahil kapag ginawa mo 'yun, ewan ko lang kung hindi ko isumbat sa'yo ang sinabi mo kani-kanina lang.




Wednesday, November 19, 2008

Grabe...



...ang gulo nating dalawa. Para tayong naglalaro ng taguan. Dati ako taya, ngayon ikaw naman! Kelan ba natin 'to tatantanan? Kelan mo ba kasi sasabihing gusto mo ako? O kaya, kelan mo sasabihin na hindi mo ako gusto?

E kelan ko rin naman kaya sasabihin sayo na gusto kita? Ang gulo.

Magkalinawan nga tayo.

Kelan naman kaya 'yun. Busy ka, busy ako. Kamusta naman. Pero ha, naa-appreciate ko naman ang pagtawag mo sa akin kahit busi-busy-han ka, at kahit alas-dose na ng gabi. Hindi ko lang trip minsan 'yung para mo akong kino-confront sa mga bagay-bagay na hindi ko maamin. Mauna ka kasing umamin, para masaya!!!

Asa pa ako!

Wag ka ring mag-alala, hindi naman ako galit sayo. Akala ko nga ikaw galit sa akin e. Hay naku, para talaga tayong tanga. Mas lalo na ako. Susulat-sulat ako dito sa blog ko para sayo di mo naman mababasa 'to, at kahit na mabasa mo hindi mo rin naman maiintindihan. Ahaha. At wala pa rin naman akong balak ipaintindi sayo e. Shy pa ako.

Or ayoko lang mabutata.

Baka nga naman kasi friends lang talaga turing mo sa akin, nag-iilusyon lang ako.

Anu ba yan, sa dami ng iilusyunin, ikaw pa. My gahd! Sabagay, marami-rami na rin daw naman ang nag-ilusyon sayo. Ewan ko ba bakit wala ka pa ring girlfriend ngayon. Naku ha, baka naman boyfriend gusto mo! Naku... linawin mo na agad!

Natutuwa ka lang ba sa kakulitan ko? O nagugulo ko na buhay mo? Ahahaha. Bahala ka, 'pag ako tinopak at naumpog na naman, pasensyahan tayo. Uuwi ako ng Pinas na magulo buhay mo!

Choz lang!


Tuesday, November 18, 2008

Bangs Galore



After Dr. Sajor's class, On invited me to come with them because P'Men wanted to cut her hair, and the last time she accompanied someone for a new do I wasn't around. I said I don't have money right now but she insisted and told me that it will just cost me 120Baht. I said okay but I'm not yet sure if I want to cut my hair now. Nevertheless, I joined P'Men and On with Ching and Punk.

When we arrived at Thammasat, we scanned the choices for a hairstyle that will fit P'Men. But before she even decided what hairstyle she will have, I said, "Okay, I will cut my hair today."

And here I am now, so korean-ish!

The lady at the salon said I should treat my hair next time because it is so dry. Next time, next time... when I have enough money.

Thanks On!



Friday, November 14, 2008

:-(

i like you so much it makes me sad

because you don't...

and you can't...

and you won't...



Tuesday, November 11, 2008

Wrong Spelling, Wrong!

Hay...

Balik na naman tayo sa hindi pagpapansinan. Nakakainis lang, hindi ka talaga namansin kanina. Pakiramdam ko tuloy ang laki-laki ng kasalanan ko sa'yo. Ikaw nga itong asyumero, kahit na totoo naman ang mga assumption mo madalas. Ayoko lang umamin kasi hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon mo. At sa palagay ko naman, karapatan ko naman 'yun. Ako ang magdedecide kung aamin ako o hindi. Kaya kung magalit ka man, bahala ka na. Wag mo man akong pansinin kapag nagkita tayo, wala na akong pakialam.

Nakakirita lang ang lahat ng nangyari. Sana hindi ka na lang tumawag. Sana hindi ka ganyan kaseryoso. Sana cool ka. Pero ewan ko na lang ngayon.

Ang hirap mong ispelengin. Hay naku.


Monday, November 10, 2008

Wat, Moda at ang Mahiwagang Perskindol




Gala sa Wat Chaiwatthanaram, Ayutthaya with Dazzie, Kissy, and Amer nung nandito sila sa Thailand. Galing sina Dazzie at Amer sa kanilang "Ho Chi Minh-Hanoi-Phnom Penh-Chiang Mai Tour" at siyempre, hindi makukumpleto ang kanilang "Asian Tour 2008" kung hindi nila ako pupuntahan at isasama (actually, itatapon ni Amer mga pinadala kong sapatos from the Phillpines kung hindi ko sila kikitain. hehehe). Kaya eto, nag-photoshoot kami sa Ayutthaya. Mukhang fake 'yung Wat (temple) pero promise, totoo yan! Ni-rent namin si Khun Bunmi at ang kanyang bonggang-bonggang taxi at kinaladkad namin siya sa Ayutthaya, pinaghintay ng pagkatagal-tagal, iniiwan sa kung saan-saan, habang si atez ay nagii-spray ng kayamanan na kanyang natagpuan sa Bangkok -- ang mahiwagang PERSKINDOL!!! Ahaha. Ayun. Hindi pa dito natatapos ang araw...

...next stop, elephant elephant and maraming elephant! chang chang chang... hehehe


Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Thursday, November 6, 2008

Good Morning AIT!!!




Hindi ko ipagpapalit ang umagang ito sa lahat ng umaga ko dito sa AIT. Siyempre, nandito sina Dazzie at Amer! Nag-breakfast kami kina Kissy bago kami tumahak papuntang Ayutthaya.

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Wednesday, November 5, 2008

Volleyball Gaga Plus Punk's Bday




Last day of the month, nagti-trick-or-treat ang mga kids sa community, birthday ni Punk at may laro ang AIT laban sa Thammasat. May mga kasaling Pinoy at mga kaklase ko sa UEM, kaya megacheer ako. Plus, photographer ako ni Ones pero hindi ko pa nakukuha 'yung ibang pics sa napakaganda niyang camera. Na-empty battery kasi 'yun Canon DSLR niya kaya camera ko na lang pang-back-up. Ahehe

Fieldtrips of the Future Basurero Part 3




Lam Tha Kong Hydropwer Plant Nakorn Ratchasima and Wind Turbine in RMUTT.

Fieldtrips of the Future Basurero Part 2




San na nga ba 'to?

Wongpanit Garbage Segregation Plant in Bangbon and AIT-CIDA Community-based Solid Waste Management Site in Bangplee Newtown, Samutprakarn.

As usual, puro kalokohan lang ang pinaggagawa namin. Ahehe

Tuesday, November 4, 2008

Fieldtrips of the Future Basurero Part 1




The class of Dr. Nowarat and Dr. Ranjith went on a fieldtrip in Laem Phak Bia and Piggery Farm in Petchaburi, and Night Soil Treatment Plant and Solid Waste Management Plant in Nonthaburi last 17-18 september 2008. First trip outside AIT! Yehey!

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket