Wednesday, January 2, 2008

Gusto Kong Umiyak...

Bakit wala ka pa?
Kasama ka’y parang nag-iisa
Pangakong magmamahal
Aalis ka rin pala

Sabihin mo na
Kung babalik ka pa
Para di na maghintay
Sabihin mo na
Kung aayaw ka na
Para lang malaman ko

Naririnig mo ba ako?
Sigaw ko ba’y walang tinig?
Nakayukong walang imik
Naririnig naman ako

Iiyak na lang

Bakit wala ka pa?
Naririnig naman ako

***

Ayoko nang iniiwan. Ayokong umasa sa wala. Ayokong masaktan.

2 comments:

  1. oo, nakakaiyak talaga pero na-perfect ko na yata ang pag-iyak na hindi umiiyak e. kaya, eto. :(

    ReplyDelete