Tuesday, September 30, 2008

Waiting in Vain




"Call me stupid or whatever, I don't care. Like kita, bakit ba?"

Isang tanghaling tapat, nagising ako sa maingay na usapang nagaganap sa tapat ng dorm ko. Pagsilip ko, shet, ikaw ang aking nakita. At siyempre, mukha akong tangang nagtago sa mga kurtinang nagkukubli sa katauhan kong may gusto sa'yo, sinisilip ka hanggang sa mawala ka na at dumeresto sa kung saan mang hindi ko alam.

Magmula noon, inaabangan na ulit kita sa bintana ko, nagbabaka-sakali na makita ka ulit sa tapat ng dorm ko, at mag-ilusyong ako ang inaabangan mo. Pero, hindi na yata mauulit ang ganung pagkakataon. Nakakainis.

6 comments: