Wednesday, November 18, 2009

Explanasyon kung bakit walang nagaganap sa blog ko

Nangangalawang na ang blogsite na ito. Ano bang nangyayari?

May dalawang bagay kung bakit hindi makapag-blog ang isang tao: una, wala siyang iba-blog kasi boring/ monotonous ang buhay niya, yung tipong sa lahat ng umaga, tanghali, hapon at gabi ay pare-pareho lang ang nagaganap; at pangalawa, sobrang daming nagaganap i.e., masaya, malungkot, busy, etc., na wala nang oras para man lang bumisita sa blog o di kaya'y hindi maisilid sa mga salita ang nagaganap. Sa kadalasan, parehong buntong-hininga lang ang nagagawa sa parehong sitwasyon. Isang buntong-hininga na uber-lalim ng pinaghuhugutan pero walang magawa kundi iyon, at indahin ang kung ano mang nagaganap sa buhay-buhay, at mag-intay na sa tamang panahon ay makakasulat muli at ang nangangalawang na blog ay unti-unting nawawalan ng kalawang.

Sana lang hindi pa nabubulok. heheheh

1 comment:

  1. never mabubulok yan dear. ikaw pa! ^_^ simula ng maging kaibigan kita, hindi mo pa ko binigo sa creativity mo. ^_^ lab yu!

    ReplyDelete