Thursday, March 17, 2011

Nagsusumixteen Series: Harmless and Innocent

Dalawa ang crush ko ngayon: isang HARMLESS na pagka-crush at isang INNOCENT crush (at pagkacrush na rin).

(At oo, naririnig ko ang sarili kong sumisigaw, "Eeeeewwww, Ligay!!! Crush? Uso pa ba yan sa edad mo? My gulay!!!" Whatever. Age doesn't matter, does it? hahaha *boogsh*)

Anyhoo, si Harmless crush, a.k.a THE CRUSH, ay ang aking THE CRUSH! Hahaha. First time ko siyang nakita somehow nakuha niya agad atensyon ko. Di ko lang inaamin sa sarili ko. Tipong sa isang room na may mahigit 20 na tao, siya lang ang naalala ko paglabas ko ng kwarto. Hehehe... (Partly dahil kamukha niya si The Ex na sabi nina Lau at Sheli ay hindi naman, ay mali HINDI pala ang sabi nila.) Wala (pa) akong masyadong alam sa kanya at nagnanakaw lamang ako ng silay, sulyap, ngiti, SB sa kanya. Hindi rin pwedeng lumagpas ang landi powers to 1% dahil malalagot ako. Kaya harmless. Harmless pa ako! Hehe. May isang pagkakataon lang na nagkasalubong kami sa corridor at sabi niya, "Hi! Sharon, right?" with matching ngiting pagkatamis-tamis! At ako'y natunaw na parang ice cream na nabilad sa araw. LOL!

Si INNOCENT crush naman ay inosente. Hindi niya alam na crush ko siya at wala akong balak sabihin sa kanya dahil ito'y paglabag sa batas sibil ng Pilipinas: corrupting minors! Hahaha! Natutuwa lang ako sa kanyang pagkabibo. At para sa mga nakakakilala sa akin, wag kayong mag-alala hindi ko haharassin yung bata! Hahaha. Wag lang siyang magpapakita ng motibo kundi... :P BOO!!!

Sila ang nagbibigay kulay sa grayscale kong buhay ngayon, At sabi nga ni Lau, dapat daw siya rin magkaroon na ng crush. Hihihihi.

Pero sana si THE CRUSH maging si THE ONE! Hihihi

Ikaw, sinong crush mo?

:)

11 comments:

  1. oo nga, dapat magkaron na rin ng crush si ate lau! bwahahaha... Secret na lang kung sino crush ko! bwahahaha...

    (Ano ba ang pinagsasabi ko?)

    ReplyDelete
  2. hahaha, si worthy may crush!!! hehe ^^

    ReplyDelete
  3. pati sa fezbuk crush ang topic! Bwahahahahahahaha!!!

    ReplyDelete
  4. hoy, hindi lng ako ang ganyan ang topic!!! mostly sulok pips yan ang trip!!! hahahahaha

    ReplyDelete
  5. oo nga... labasan na ng crush ang mga tao... bwahahaha...

    ReplyDelete
  6. ikaw, sino crush mo doon? hahahahaha

    ReplyDelete
  7. no comment ka diyan! daya!!! hahhaha

    ReplyDelete
  8. sabi kasi ni direk, "guard your heart."

    ReplyDelete