Showing posts with label lovelife. Show all posts
Showing posts with label lovelife. Show all posts

Thursday, September 29, 2011

Dahil wala akong mapagsulatang iba...

Tama naman ang kaibigan kong si Deo e. Isa akong malaking duwag. Magaling lang akong magsalita pero wala, kapag nandiyan na mas pinipili ko pa ring magtago o tumakas.

Hayyy...

Pinag-uusapan kasi namin kanina ang tungkol sa pag-ibig, bilang pareho kaming nababato sa aming mga ginagawa sa trabaho. Nasa Thailand pala siya at ako ay, well, basta nasa Pilipinas. Hehe. Hindi ko alam kung paano napunta ang usapan namin sa pag-ibig. Kasi ang alam ko, trabaho ang pinag-uusapan namin e. Pero 'yun, napunta na lang bigla ang usapan sa masalimuot na mundo ng pag-ibig. Madalas naman naming pag-usapan ang mga ganitong bagay pero kanina lang niya natumbok ang totoong estado ng aking pagkatao.

Ang sabi ko sa kanya, kanya-kanya namang kaduwagan 'yan. Sumang-ayon naman siya. Kung siya ang kinatatakutan ay ang pagkabaliw, ako ang kinatatakutan ko ay pag-ibig. Takot daw akong umibig. Takot daw akong tumalon. Nilalabanan ko daw sa tuwing dumarating ako sa puntong ganito.

Hindi ko rin alam bakit hindi na ako makasalita o makabawi sa kanyang sinabi dahil sa mga nakaraan naman naming usapan, lagi lang akong bumabalikwas kapag nako-corner na. Wala, kanina hindi na ako nakapanlaban pa at inamin ko na lang na duwag ako. Plus tawa, siyempre.

E ano naman ba naman pang gagawin kong pagtanggi e nakita na niya ang tunay kong kulay. Sabi ko na lang na huwag niyang ipagsasabi.

E bakit nga ba ako natatakot?

...

Hindi ko rin alam.

Siguro, tulad ng sabi ko sa kanya kanina, kakaunti na lang kasi ang natitirang tapang sa akin at kung lagi't lagi kong gagamitin at isusugal ang tapang na yun sa pagtalon, baka wala nang matira kung kailan kailangang-kailangan ko ng tapang na yun. Hindi rin naman dapat basta-bastang tumalon.

At totoo rin naman na hindi pa ulit ako bumabagsak sa napakatagal na pagkahulog na ito. Parang habang-buhay na lang yata akong mahuhulog, habang-buhay na lang akong matutuwa sa konsepto ng pag-ibig pero wala naman talagang totoong kinababagsakan, wala namang totoong minamahal.

O baka naman kasi ayaw ko naman talagang bumagsak. Dahil masakit yun. Pero nakakabato at nakakapikon na ang walang-katapusang pagkahulog na ito. Nagiging manhid na ako at baka sa oras na mahulog na ako ay hindi ko na mapansin dahil nasanay na lang ako sa pakiramdam nang laging nahuhulog na walang kinababagsakan.

Hindi ko alam.

Pero kung sakaling iibig akong muli, pwede naman kasing hindi ako mahulog diba? Pwede namang may magpapatigil lang sa walang-katapusang pagkahulog na ito.

Knight in Shining Armor?

So ang peg ko ay isang Damsel-in-Distress. Yuck, ayoko pa naman nun. Pero anong magagawa natin, minsan naghahanap lang tayo ng mala-Robin Padilla na sasagip sa atin mula sa saksakan nang tarik na bangin. Oh well...

Kung pang-leading lady lang siguro ang karakter ko, pwede. Pero hindi bagay sa akin yun e. Pang-extra o kontrabida lang ang karakter ko. At karaniwan sa mga istorya, dedma ang buong mundo kung anong mangyari sa mga extra at kontrabida.

Ako lang naman lagi ang nagkakagusto sa mga kontrabida at extra.

:(

Friday, April 10, 2009

Tongue Twister



"Sa
lahat
ng
salitang
pinagbubuhol-buhol,
sa 'yo
lamang
talaga
ako
nabubulol."




choz!



Sunday, February 8, 2009

AIT-FILA's Flower-gram

Calling everyone from AIT, Thailand, especially my beloved KABABAYANS!!


Please support the FILIPINO COMMUNITY!

Salamat!




Tuesday, January 20, 2009

Hate ko si Cinderella

Hate ko ang kuwento ni Cinderella.

Imagine, inaapi na siya't lahat wala pa rin siyang ginagawa para ipagtanggol man lang yung sarili niya pati karapatan niya.

Tapos, kelangan pa niyang mag-rely sa powers ni Fairy God Mother para lang ma-meet niya si Prince Charming! Haller? Pwede naman niyang takasan yung step-mom niyang walang-hiya at lumarga sa party. Kung hindi 'yun aanga-anga, naisip niya sana 'yung naisip ni Fairy God Mother. Or... dapat na-anticipate na niya na magpapaka-kontabida yung pamilya niyang hilaw. Hello naman, sa araw-araw ba namang ginagago siya nung pamilya niyang hilaw e hindi pa niya naisip na hindi pa nagsasawa 'yung mga 'yun sa pangbu-bully sa kanya? Gosh.

Tapos, ayan na nga. Kunyari nagmamagandang-loob itong si Fairy God Mother. Patitikimin siya ng chance, ng opportunities. Tapos, si Cinderella naman, ayun. Uber ang pagkailusyunada! Alam naman niyang ang kabilin-bilinan ay hanggang 12 midnight lang. Ay naku, Nag-enjoy. Anuveh! Hindi pa marunong mag-budget ng time. Anong oras ba siya dumating dun sa party ni Prince Charming? Ang tagal naman nilang nagsisinaw-sayaw dun. Wala bang curfew nun? Hay naku.

Pwede naman siyang hindi tumakbo. Ganun din naman itsura niya kahit walang powers ni Fairy God Mother. Lamang nga lang ng mga ilang paligo yung "photoshopped" version niya (kasi may powers nang kasama! Ganun!)

Hay naku.

Tapos, nung nagkatakasan na, forever lang siyang naghihintay na hindi bobito si Prince Charming at mahahanap siya. Hello?? Pano kung sadyang tatanga-tanga yung prince. E sa simula pa lang, tatanga-tanga na yun e.

Tsaka glass slippers??? Pwede bang ipangsayaw yun? Hindi ka kaya mabubog dun?

Kaya pwede ba, tantanan ang mga Cinderella story.* Never nagkatotoo 'yung mga ganun.

________________________
* Ang pagka-asar na ito is brought to you by this article.
hehehe

Wednesday, January 7, 2009

Sergio and Kim Sam Soon

Okay. Due to public demand, nagkaroon ng SP (as in special episode) sina Sergio at Kim Sam Soon! Ang shooting, saan pa e di sa Thailand!!!! Ahahaha

Nag-assist kasi ako sa WEM (Water Environmental Management) para sa conference nila on "An International Perspective on Environmental and Water Resources" para may magawa buong break at para hindi rin ako masyadong malungkot ngayon pasko. So, nagsimula ang conference noong Lunes, Enero 6, 2009 pero Linggo pa lang nandun na kami sa AITCC, yung venue ng conference kasi start na ng registration. Around 6:30pm, may mamang dumating. Pauwi na dapat ako nun e. Nagparegister. Gwapo. Nakuha agad ang atensyon ng lola n'yo, pero quiet lang ako. Tapos lumapit sa desk namin kasi kami yung nag-aayos at nagsa-save ng mga presentations ng mga speakers. Nagtanong siya kung pwede daw ba siyang magprint ng something para sa presentation pero edit muna niya. Si Ate Mimi naman, nakahalata yata na type ko si mama kaya ayun ang sabi niya sa kanya, ako daw ang tutulong sa mama. So dapat sasamahan ko na siya, e sabi niya punta muna siya sa room niya tapos balik siya. Ako naman, di ko na siya nahintay kasi hinihintay ako ni Kissy nun.

Oh well, pagdating ko kina Kissy mega-kuwento ako sa kanila na may bagong lalaki sa buhay ko, pero super panandalian lang kasi tatlong araw ko lang siya makikita. Hahaha. Biglang naloka ang mga tao kasi ang akala nila, gusto ko pa rin yung dati kong gusto. Nga pala, nakalimutan kong sabihin, hindi ko na gusto yung dati. Tagal na! Ahaha.

So ayun na nga, kuwento ako, na Mexicano si mama at Said ang pangalan. Sabi ko pa, "sasaidin ko ang kagwapuhan ni Said." Siyempre etchos lang yun, para naman keri ng beauty ko ang mga ganung bagay-bagay at parang ang ganda ko naman masyado, konti lang naman! Ahaha.

E di ayun, dumating ang Lunes, nabusy ang mga bakla!!! Sa kalagitnaan ng kangaragan ko, biglang may napakagandang tanawin ang bumungad sa harapan ko, tapos nagsalita. Shet, siya pala yun. Todo ngiti naman ako. Nagpa-chek kung tama yung Thai version ng "Thank you" kasi daw he can't afford to make mistakes at that time. Ayyy, seryoso ang lolo mo!!! Well, tama naman ang version niya.

Presentation niya ng 10:30 am. I was planning to see his presentation pero stuck ako sa post ko sa registration. So walang nangyari pero nagkasalubong kami sa corridor at nagpalitan ng friendly na ngiti. Haha. Duda ako sa pagka-friendly ko.

Tuesday, hinanap ko siya. Akala ko kasi naglagalag na si mama. Wala na siyang gagawin e. Mamaya-maya, nasa ayun, nakita ko ulit. Ang gwapo. Naka-long sleeves si mama. Sabi ko kay Ate Mimi, may kahawig siya e. Tapos yun na nga, natagpuan ko ang mahiwagang larawan niya na kuha ni Kuya Ruel, ang official photographer ng conference. Copy paste. Photoshop. Multiply. Instant blog.

During lunch time, muntik na akong tumabi sa kanya pero nakita ko yung mga Pinoy na participants so, dun na lang ako. E katapat lang ng table namin yung table niya. Ahaha. Nakikita niya akong naaanghangan, actually. Nagkakatinginan kami e nag-iinarte pa ako. Hay naku, ewan ko. E sa dinner magri-river cruise kami. Akala ko makaka-score na ako, hmp. Hindi pala. Pagdating namin sa River Cruise, ang layo niya sa akin. Kainis. Oh well.

Last day ng conference, Wednesday.Naku, busy si mama. Laging nagsosolo. Simula nung Lunes, nagsosolo lang talaga siya. Busy mag-internet sa lobby. Naka-MAC si mama, ganda ng laptop.

Nag-lunch, naku, nakita ko mag-isa siya sa table. e kasama ko si Kuya Aldrin. Wala. Dun ako kay Kuya Aldrin lumapit. Dumating si Ate Mimi, sabi niya, bakit hindi ko raw lapitan si mama, walang kasama. Sabi ko, "lapitan mo na lang tapos lapit ako sa'yo mamaya." Style ba, para di masyado obvious. Nagsusumixteen e. ahaha

After nun, sabi ni Kuya Aldrin, go na, wag na akong mahiya. Nung nihatid ko si Ate Ruth sa table niya, tinawag ako ni Ate Mimi. Lapit naman ako. Ayun na. Ahaha. PInakilala kami ni Ate Mimi. "Said, this is my friend, Sharon. She helps me with the registration," sabi ni Ate Mimi sa kanya.

Inabot niya kamay niya sabay sabi, "Hi. Yah, I know."

Tapos ayun na. Start na ng usapan. At napagkasunduan na lalabas kami, siyempre with Ate Mimi and Ate Ruth since may sasakyan si Ate Mimi. Sabi kasi ni Said, 20 oras ang biyahe niya pabalik ng Mexico at 8am ang flight niya, mamaya yun. So sabi ni Ate Mimi, igala namin siya kahit konti para naman naman hindi siya masyadong kawawa. Oh well, advantage sa akin! Kaya GO! Sunggabin ang opportunity.

Ayun. Natapos ang conference. Punta kaming Bangkok. Kumain. Umuwi. hahaha

Siyempre nagkuwentuhan kami. Hahaha.

Sabi niya, mahilig siya sa Rock Music. Mahilig rin siya sa movies. Fave niya si Nicole Kidman. Nagtuturo siya ng swimming sa mga kids at gusto niya yun. Bunso siya at may dalawang ate. Haha. Baby daw siya sa kanila. Nagwork siya after graduation niya for three years as civil engineer. Ngayon, first year siya sa kanyang PhD. Sumasayaw siya pero hindi daw niya masyadong hilig yun. Mas gusto niya ang rock music at fave niya ang Rolling Stones. Oh diba, rakista! Though hindi daw siya marunong tumugtog ng kahit na anong musical instruments. hahaha. May tattoo si mama sa kaliwang braso.

Buong time namin sa Bangkok, nagchicikahan kami. Wala lang. Tungkol sa movies, ganun. Kung may napanood na raw akong Mexican movies. Sabi ko naman, tatlo pa lang yata, at pare-parehong si Gael ang bida. May binaggit pa siyang mga direktor at iba pang critically acclaimed na mga movies, di ko lang maalala kasi espanyol ito at hindi niya ma-english. hehe

Tanong pa niya, bakit daw ganun. Halos pareho ang history ng Mexico at Pilipinas, bakit hindi tayo nagsasalita ng espanyol. Naku, e di lumabas na ang mga PI 100 lectures ko. Ahaha. At ayun, may Intro to Mexico 101 na ni-lecture sa akin.

Hinintay niya ako lumabas ng CR kasi naiwan ko yung bag ko e paalis na kami sa resto. Tinanong din niya ako kelan ako babalik ng Pinas. Sabi ko, matagal pa. Reply niya, magbabakasyon daw siya sa Australia sa May. Ahahaha. Wala lang.

Gentleman si mama, kasi dun siya sa side na may mga kotse pumipwesto pag naglalakad kami. Pero, may konting akbay. Hmmm.. Nasesense niya yata na may gusto ako sa kanya. Tapos sabi niya, dapat daw sumayaw ako dun sa river cruise kasi sumayaw daw siya. HAhahahaha. Hay naku.

Ang saya niya kausap, actually. Akala ko nung una mahiyain si mama, mahiyain naman, pero machika. Sabi niya, nagtataka daw siya kung pano siya nakaka-english kasi hindi daw talaga siya madalas nag-e-english. Ahehe. I had a great time with him. It's just sad kasi uuwi na siya ng Mexico. Hehe. Pero keri lang. Kunyari si Cinderella na lang ako, Korean version nga lang. At siya si Sergio, ang bagong prince charming.

At ala-una ang curfew. Ahahahaha.

Wednesday, November 19, 2008

Grabe...



...ang gulo nating dalawa. Para tayong naglalaro ng taguan. Dati ako taya, ngayon ikaw naman! Kelan ba natin 'to tatantanan? Kelan mo ba kasi sasabihing gusto mo ako? O kaya, kelan mo sasabihin na hindi mo ako gusto?

E kelan ko rin naman kaya sasabihin sayo na gusto kita? Ang gulo.

Magkalinawan nga tayo.

Kelan naman kaya 'yun. Busy ka, busy ako. Kamusta naman. Pero ha, naa-appreciate ko naman ang pagtawag mo sa akin kahit busi-busy-han ka, at kahit alas-dose na ng gabi. Hindi ko lang trip minsan 'yung para mo akong kino-confront sa mga bagay-bagay na hindi ko maamin. Mauna ka kasing umamin, para masaya!!!

Asa pa ako!

Wag ka ring mag-alala, hindi naman ako galit sayo. Akala ko nga ikaw galit sa akin e. Hay naku, para talaga tayong tanga. Mas lalo na ako. Susulat-sulat ako dito sa blog ko para sayo di mo naman mababasa 'to, at kahit na mabasa mo hindi mo rin naman maiintindihan. Ahaha. At wala pa rin naman akong balak ipaintindi sayo e. Shy pa ako.

Or ayoko lang mabutata.

Baka nga naman kasi friends lang talaga turing mo sa akin, nag-iilusyon lang ako.

Anu ba yan, sa dami ng iilusyunin, ikaw pa. My gahd! Sabagay, marami-rami na rin daw naman ang nag-ilusyon sayo. Ewan ko ba bakit wala ka pa ring girlfriend ngayon. Naku ha, baka naman boyfriend gusto mo! Naku... linawin mo na agad!

Natutuwa ka lang ba sa kakulitan ko? O nagugulo ko na buhay mo? Ahahaha. Bahala ka, 'pag ako tinopak at naumpog na naman, pasensyahan tayo. Uuwi ako ng Pinas na magulo buhay mo!

Choz lang!


Friday, November 14, 2008

:-(

i like you so much it makes me sad

because you don't...

and you can't...

and you won't...



Tuesday, November 11, 2008

Wrong Spelling, Wrong!

Hay...

Balik na naman tayo sa hindi pagpapansinan. Nakakainis lang, hindi ka talaga namansin kanina. Pakiramdam ko tuloy ang laki-laki ng kasalanan ko sa'yo. Ikaw nga itong asyumero, kahit na totoo naman ang mga assumption mo madalas. Ayoko lang umamin kasi hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon mo. At sa palagay ko naman, karapatan ko naman 'yun. Ako ang magdedecide kung aamin ako o hindi. Kaya kung magalit ka man, bahala ka na. Wag mo man akong pansinin kapag nagkita tayo, wala na akong pakialam.

Nakakirita lang ang lahat ng nangyari. Sana hindi ka na lang tumawag. Sana hindi ka ganyan kaseryoso. Sana cool ka. Pero ewan ko na lang ngayon.

Ang hirap mong ispelengin. Hay naku.


Monday, October 27, 2008

One word from you and yet it hurts a lot

You said, "BYE" when I said hello.

Fine. You will hear nothing from me anymore. I got your point, YOU DON'T LIKE ME!!! So, I suggest you stop calling me.

You're making me hate you.

Sunday, October 26, 2008

Ayokong Lumagapak



"Can't take my mind off you..."  --Damien Rice, A Blower's Daughter

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung matutuwa dahil tinawagan mo ako ulit o malulungkot dahil alam ko na kahit anong mangyari hindi-hindi magiging tayo dahil sobra tayong magkaiba. At maaaring iba rin ang gusto mo, 'yung binanggit mo kanina na nagkataong malapit kong kaibigan.

Gusto ko sanang tumalon, at hayaang mahulog ang sarili ko sa'yo, bahala na kung sasaluhin mo o hindi, pero, tulad ng sabi mo noon, hindi na rin ako bata -- para isugal ang puso ko na masaktan sa taong alam kong hinding-hindi ako maaaring mahalin.

Kaya, iniiwasan kita, hangga't kaya ko, at hangga't ipinagkakaloob ng pagkakataon. Pero sa tuwing makikita kita iniisip ko na sana kahit konting pagkakataon ay ibigay mo sa akin, na sana pwedeng makalimutan mo muna na iba ako sa'yo at hayaan lang na mahalin kita. Pero, hindi naman ganun kasimple ang mga bagay-bagay.

Sa tuwing tatawag ka, tulad ng ginawa mo kanina, lagi't lagi akong nagugulat. Ginugulat mo ang mundo ko na parang ginusgusto pa lalong tumalon, pero mas lalo lamang ding isinasampal sa akin na HINDI talaga pwede.

Gusto kitang mahawakan, gusto kitang makitang nakangiti, gusto kita makausap, gusto kong marinig kang tumawa.

Pero... ayokong lumagapak.

Friday, October 10, 2008

Kangaragan, Katangahan, and everything else

Kung gusto mong makalimot, wag kang mag-inom. Subukan mong mag-cram para sa apat na exam habang nagma-marathon ng Heroes Season 1 hanggang 2. Sabayan mo ng study sessions a.k.a. kainan-tsikahan sessions kasama ang mga friendly-friends mo. At makipagkilala kina Lee, Lewis, Todaro at kung kani-kanino pang mga utaw na walang magawa sa kanilang buhay at nag-postulate ng mga kuning-kuning na teorya sa migrasyon, habang kumakanta ng "when the sun shine we'll shine together" habang ginagaya ang pag-pronounce ng Bangladeshi mong prof sa letter "s" (it goes a little something like this... "when the jan jyn we'll jyn jogeder..." ahahaha). Isama mo pa si Tchebycheff na ewan ko ba kung anong pumasok sa utak at nag-formulate ng probabilty of data inside and outside the interval of interest. Or makipag-friends sa scientific calculator mo at alamin kung nasaan ang ln at e dahil sigurado, kakailangin mo 'yan sa exam. Alalahanin mo rin ang algebra, baka mag-transpose ka ng formula, kahit na alam nating lahat na ang math mo noong college ay Math 1 lang. Deadma na lang. Magpanggap na magaling ka sa math. Magpanggap na nag-aaral ka. Magpanggap na si Suresh ang lalaking para sa'yo at kasama ka sa cast ng Heroes. Ganun lang. Happy ka na nun, i'm sure. And just hope na hindi siya mag-a-appear sa harapan mo or tatawag ulit para lang magtanong kung may kinalaman ka sa mga kuning-kuning ng boring niyang buhay.

Dahil kapag bigla na naman siyang nag-appear or nagtanong ng mga not-so-perfect question, baka masampal mo na siya at sabihin sa kanya, in a very lucid english (term ni prof. Amin) na:

"Hay naku, tatanga-tanga ka talaga. Oo na, ako yun. Pero sasabihin ko ba sa'yo yun kung ang tanong mo sa akin ay kung may kinalaman ako sa mga kuning-kuning na 'yan? Siyempre kung ako ang salarin, malamang hindi ko aaminin sa'yo over the phone. Hello?!! Mamaya niyan naka-speaker phone ka at nakikinig ang buong chenebarbar community, tapos bigla mo akong babastedin at sasabihin mo sa akin na, "I'm so sorry. I don't like you." Shet, ayokong mabasted ng miyembro ng society mo, lalo na kung over the phone. At kahit hindi sa telepono, ayoko pa rin 'no. Ano na lang magiging reputasyon ko dito, ang Pinay na binasted ng isang manhid at mukhang tuod na chenebarbar? Ang pangit nun ha. Hindi magandang description para sa presidente ng Filipino Student Community dito. Baka mapaaway pa ako niyan, paano na lang ang pag-maintain ng "diplomatic relations between countries". Hay naku 'no. Hindi ko feel! Pero alam mo, kung ang tanong ay "Is it you?", ay naku, malamang sumagot ako ng "Oo." e di tapos na sana problema mo, kung pinoproblema mo man. Pero paano mo 'yun maiintindihan e Filipino 'yung "oo"? Hay naku, bahala ka. Nandiyan na ang lahat ng clues, tatanga-tanga ka pa rin. Nandun na nga name ko, hindi mo pa rin ma-gets. Bahala ka na nga lang, tutal ang sabi mo naman e matanda ka na para sa mga ganyang laro e di wag na lang, as if naman naglalaro ako. At pwede ba, magka-age lang tayo, ibig sabihin matanda na rin ako? Maligo ka kaya?"

Pero paano mo ita-translate 'yun? Ang haba nun 'ne! And besides, hindi mo kailangang mag-explain. At kung mag-explain ka man, does it matter? Hindi ka pa rin naman niya gusto, at panggulo lang siya sa concentration mo sa studies (as if nag-aaral ka...) So, tantanan na lang ang mga kuning-kuning na ganyan dahil sabi nga nila, "WALANG FUTURE SA PADER!" E daig pa niya ang pader sa kamanhidan, lalo nang walang future! Ano ba 'yan!

So, mas mabuti na lang kung kalimutan siya. And I'm sure madali mo lang magagawa 'yun dahil praktisado ka naman sa ganyan. Normal nang tugtugin ang mga linyang "He doesn't like me!" Hindi na bumibenta sa takilya ang ganyang drama. Mag-comedy ka na lang, or action! Or kung gusto mo, magpapayat ka na lang para ilo-launch kita na sexy star... sa Patpong!!! Ahahaha! Ay, masisira naman ang reputasyon ng Patpong sa'yo, wag na lang. Action star ka na lang, mas bagay!

Or better yet, magsunog ka na lang ng kilay sa pag-aaral, or pwede ring i-omit na lang ang "sa pag-aaral". Magsunog ka na lang ng kilay kapag wala kang ginagawa. Tingnan natin kung pwede kang sumali sa cast ng Heroes, baka nagre-regenerate ang kilay mo!

Bongga diba? :D