Wednesday, November 19, 2008

Grabe...



...ang gulo nating dalawa. Para tayong naglalaro ng taguan. Dati ako taya, ngayon ikaw naman! Kelan ba natin 'to tatantanan? Kelan mo ba kasi sasabihing gusto mo ako? O kaya, kelan mo sasabihin na hindi mo ako gusto?

E kelan ko rin naman kaya sasabihin sayo na gusto kita? Ang gulo.

Magkalinawan nga tayo.

Kelan naman kaya 'yun. Busy ka, busy ako. Kamusta naman. Pero ha, naa-appreciate ko naman ang pagtawag mo sa akin kahit busi-busy-han ka, at kahit alas-dose na ng gabi. Hindi ko lang trip minsan 'yung para mo akong kino-confront sa mga bagay-bagay na hindi ko maamin. Mauna ka kasing umamin, para masaya!!!

Asa pa ako!

Wag ka ring mag-alala, hindi naman ako galit sayo. Akala ko nga ikaw galit sa akin e. Hay naku, para talaga tayong tanga. Mas lalo na ako. Susulat-sulat ako dito sa blog ko para sayo di mo naman mababasa 'to, at kahit na mabasa mo hindi mo rin naman maiintindihan. Ahaha. At wala pa rin naman akong balak ipaintindi sayo e. Shy pa ako.

Or ayoko lang mabutata.

Baka nga naman kasi friends lang talaga turing mo sa akin, nag-iilusyon lang ako.

Anu ba yan, sa dami ng iilusyunin, ikaw pa. My gahd! Sabagay, marami-rami na rin daw naman ang nag-ilusyon sayo. Ewan ko ba bakit wala ka pa ring girlfriend ngayon. Naku ha, baka naman boyfriend gusto mo! Naku... linawin mo na agad!

Natutuwa ka lang ba sa kakulitan ko? O nagugulo ko na buhay mo? Ahahaha. Bahala ka, 'pag ako tinopak at naumpog na naman, pasensyahan tayo. Uuwi ako ng Pinas na magulo buhay mo!

Choz lang!


14 comments:

  1. umamin ka na, d b? d nga lang sha shure.whaha :)

    ReplyDelete
  2. hehehe. di nya kasi maintindihan. inglesin mo kaya? hahaha

    ReplyDelete
  3. wala pa akong inaamin 'no! o baka ako na lang ang nag-iisip na hindi pa ako umaamin? hay naku, ang gulo! sumasakit ang ulo ko! Ahaha. :D

    ReplyDelete
  4. e kahit naman mag-english ako magulo pa rin kaming dalawa e. hehehe. labas daw kami one time... hehehe

    ReplyDelete
  5. For that, pakinggan mo ang kantang "Patintero" ng Bandang Shirley :)

    Their Multiply site...

    http://angbandangshirley.multiply.com/

    ReplyDelete
  6. nagmomoda si life partner! :p hehe.. magkalinawagan na nga kasi.. now na! as in!

    ReplyDelete
  7. Why not! Lavet! :D

    "...kung ika'y maaabutan, hinding-hindi ka bibitawan kasi kanina pa tayo naghahabulan..."

    Ahahaha

    ReplyDelete
  8. just like chasing pavements.

    hirap nyan.

    ReplyDelete
  9. well, mas mahirap nga yata kung magiging kami e... as in VERY COMPLICATED! masyado kaming magkaiba... ahehehe

    ReplyDelete
  10. malinaw naman sa akin na gusto ko siya e... hehehe... hindi ko nga alam lang kung malinaw sa kanya na gusto ko siya... ahahhaha

    ReplyDelete
  11. hay naku earl, ewan ko sayo! aahahaha... haranahin natin siya sa sabado! joke lang! wag pong seryosohin! :D

    ReplyDelete
  12. meron pero binura ko na kasi "dapat" di ko na siya gusto. tapos nakahanap ako ng grad pic niya sa net... ahahaha... para akong tanga!!!

    ReplyDelete