Calling everyone from AIT, Thailand, especially my beloved KABABAYANS!!
Sunday, February 8, 2009
Wednesday, February 4, 2009
Tuesday, February 3, 2009
Sleeping Beauty
Pagtulog ang pinakapaborito kong paraan ng pagtakas. Dito, malaya akong magmahal nang walang pag-aalinlangan. Walang pero-pero. Walang tanong-tanong.
Kung pwede lang sanang habang buhay na akong matulog, e di sana akin ka na.
Subalit, kasing lupit rin pala ito ng tadhana, dahil hanggang ngayon, gising pa rin ako.
_______________
Mas maganda talaga siya sa Tagalog - nanunuot sa damdamin. Choz. Ahehe

Tuesday, January 27, 2009
Poor Man's Pasta ala Ligay
Ahahaha. Kahirapan nga naman! Kung anu-ano ang naiimbentopara lang makakain ng matinong pagkain!
Love ko ang pasta, as in! Bago ako maging vegetarian, medyo aanga-anga pa ako dahil ang alam ko lang na pasta ay spaghetti. Ahaha. E simula nung nagvegetarian ako, kailangan makahanap ng ibang putahe. Kung anu-anong nilalahok sa sauce ng spaghetti para lang makakain ako.
Saktong napanood ko sa "Series of Unfortunate Events" na ang pinakasimpleng pasta ay ang "putanesca". Ayun, simula nun, ilang versions na ng putanesca ang naluto ko (note: walang iisang putahe kasi pacham ako, as in patsamba-tsamba.
Medyo bihira ka makatikim ng masarap na pasta dito sa thailand kasi hindi nila feel ang ganung pagkain. Tsaka kamamahal ng noodles na binibenta sa mga grocery stores, not to mention na ang cheese dito e parang bar ng ginto! Grabe!
May kaklase akong Italian last semester at nung last day ng class last semester e nagluto siya ng vegetarian pasta. Broccholi yung nilagay niya.
'Yun na 'yung last kong kain ng pasta... hanggang kanina! Ahahaha.
Since iniwan ni Kissy sa akin halos lahat ng mga gamit niya, pati mga pagkain e binigay niya sa akin. May naiwan siyang macaroni. Naisip ko, gawa ako ng pasta. Ang available lang naman dito e kamatis, at seaweed. So bumili ako kagabi ng kamatis at seaweed para maluto ko para sa lunch ko kanina. Usually, may mushroom, olives, anchovies ang putanesca. E since kamatis lang ang nandito, e di yun na lang. At para mareplace ang anchovies, seaweed na lang!
Ang cost ng putanesca na ito, 20baht. hehehe. 10 baht na kamatis (may natira pa kasi dalawang malaking piraso lang naman ang ginamit ko) at 10 baht na seaweed. Hehe.
Ayun, naisip ko: 'Yung macaroni, bigay lang sa akin, yung mantika rin, yung asin, yung paminta; yung kamatis 10 baht lang, yung seaweed 10 baht lang din. Parang pampulubi naman tong pagkain ko. Oh well, masarap naman so tawagin na lang natin siyang "Poor Man's Pasta", diba? Hehe
Love ko ang pasta, as in! Bago ako maging vegetarian, medyo aanga-anga pa ako dahil ang alam ko lang na pasta ay spaghetti. Ahaha. E simula nung nagvegetarian ako, kailangan makahanap ng ibang putahe. Kung anu-anong nilalahok sa sauce ng spaghetti para lang makakain ako.
Saktong napanood ko sa "Series of Unfortunate Events" na ang pinakasimpleng pasta ay ang "putanesca". Ayun, simula nun, ilang versions na ng putanesca ang naluto ko (note: walang iisang putahe kasi pacham ako, as in patsamba-tsamba.
Medyo bihira ka makatikim ng masarap na pasta dito sa thailand kasi hindi nila feel ang ganung pagkain. Tsaka kamamahal ng noodles na binibenta sa mga grocery stores, not to mention na ang cheese dito e parang bar ng ginto! Grabe!
May kaklase akong Italian last semester at nung last day ng class last semester e nagluto siya ng vegetarian pasta. Broccholi yung nilagay niya.
'Yun na 'yung last kong kain ng pasta... hanggang kanina! Ahahaha.
Ang cost ng putanesca na ito, 20baht. hehehe. 10 baht na kamatis (may natira pa kasi dalawang malaking piraso lang naman ang ginamit ko) at 10 baht na seaweed. Hehe.
Ayun, naisip ko: 'Yung macaroni, bigay lang sa akin, yung mantika rin, yung asin, yung paminta; yung kamatis 10 baht lang, yung seaweed 10 baht lang din. Parang pampulubi naman tong pagkain ko. Oh well, masarap naman so tawagin na lang natin siyang "Poor Man's Pasta", diba? Hehe
Labels:
ait,
blessings,
estudyante,
happy,
kahitano,
putanescagalore,
thailand,
xiaui
Tuesday, January 20, 2009
Foggy Morning
It's 8:15 in the morning pero eto ang itsura sa labas ng room ko. Bihira 'yan dito! Ahaha. Namiss ko tuloy ang Baguio! :D
Hate ko si Cinderella
Hate ko ang kuwento ni Cinderella.
Imagine, inaapi na siya't lahat wala pa rin siyang ginagawa para ipagtanggol man lang yung sarili niya pati karapatan niya.
Tapos, kelangan pa niyang mag-rely sa powers ni Fairy God Mother para lang ma-meet niya si Prince Charming! Haller? Pwede naman niyang takasan yung step-mom niyang walang-hiya at lumarga sa party. Kung hindi 'yun aanga-anga, naisip niya sana 'yung naisip ni Fairy God Mother. Or... dapat na-anticipate na niya na magpapaka-kontabida yung pamilya niyang hilaw. Hello naman, sa araw-araw ba namang ginagago siya nung pamilya niyang hilaw e hindi pa niya naisip na hindi pa nagsasawa 'yung mga 'yun sa pangbu-bully sa kanya? Gosh.
Tapos, ayan na nga. Kunyari nagmamagandang-loob itong si Fairy God Mother. Patitikimin siya ng chance, ng opportunities. Tapos, si Cinderella naman, ayun. Uber ang pagkailusyunada! Alam naman niyang ang kabilin-bilinan ay hanggang 12 midnight lang. Ay naku, Nag-enjoy. Anuveh! Hindi pa marunong mag-budget ng time. Anong oras ba siya dumating dun sa party ni Prince Charming? Ang tagal naman nilang nagsisinaw-sayaw dun. Wala bang curfew nun? Hay naku.
Pwede naman siyang hindi tumakbo. Ganun din naman itsura niya kahit walang powers ni Fairy God Mother. Lamang nga lang ng mga ilang paligo yung "photoshopped" version niya (kasi may powers nang kasama! Ganun!)
Hay naku.
Tapos, nung nagkatakasan na, forever lang siyang naghihintay na hindi bobito si Prince Charming at mahahanap siya. Hello?? Pano kung sadyang tatanga-tanga yung prince. E sa simula pa lang, tatanga-tanga na yun e.
Tsaka glass slippers??? Pwede bang ipangsayaw yun? Hindi ka kaya mabubog dun?
Kaya pwede ba, tantanan ang mga Cinderella story.* Never nagkatotoo 'yung mga ganun.
________________________
* Ang pagka-asar na ito is brought to you by this article.
hehehe

ako,
cinderella,
crashlife,
crushlife,
ewan,
katangahan,
kawirduhanko,
lovelife,
moda,
pusongdurog,
said,
xiaui
Monday, January 19, 2009
Crushed
"...even when the sun is shining, I can't avoid the lightning..."
Labels:
badtrip,
crashlife,
crushlife,
ewan,
katangahan,
pusongdurog,
xiaui
Sunday, January 18, 2009
Media Noche '08
December 31, 2008
Bangkok, Thailand
with Kissy, Ate Mimi, Pong and Ely.
Nagpunta kaming Bangkok nung new year's eve para kumain, makagala at para makapanood ng fireworks. After namin dito, nag-Mcdo kami tapos dun na kami inabutan ng midnight. Kinabukasan na namin nalaman na malapit lang pala sa pwesto namin yung sunog na nangyari sa Santika. Kaya pala marami kaming wang-wang na nadaanan nung pauwi kami.
Wednesday, January 14, 2009
Dalawang Bagay
May dalawang bagay akong ginawa ngayong araw na ito na tila ba nakapagpasaya sa akin, sa paraang alam kong hinding-hindi mauunawaan ng iba.
Una, yumakap ng mga stuffed toy.
Pangalawa, mag-soak ng paa sa mainit na tubig.
Gusto ko talaga ang mga stuffed toy kasi malambot, ang sarap yakapin. At sa isang tulad ko na ilag nang yumakap ng sinuman, sa stuffed toy ko binubuhos 'yung kagustuhan kong mangyakap (justification rin siguro ito kung bakit kailangang maraming unan sa kama ko, pero simula bata ako gusto kong maraming unan sa kama.) Though hindi ko mabili yung mga yun kasi mahal, okay na ako makakita or makayakap man lang ng mga stuffed toy. hehe
Ibang satisfaction naman ang nadudulot sa akin ng pagbababad ng paa sa mainit na tubig. Ang tagal kong na-deprieve sa habit kong 'to kasi walang lutuan sa dati kong bahay. Pero since pinaampon ni Kissy yung mga gamit niya sa akin habang wala pa siya dito, nagkaroon ako ng gamit at means para magawa ko ulit yung bagay na alam ko kapag hindi ko ginawa e sobrang hindi talaga ako mapapalagay.
Hayy... weird na kung weird, pero ito 'yung ilan sa mga bagay na nakakapagpakalma o nakakapagpasaya sa akin. Hehe... Lavet!

Tuesday, January 13, 2009
My New Room - N310A
Pagsapit ng January, sabi ng SAO kailangan ko na daw lumipat kasi palalayasin na ako sa temporary SV ko. Ang binigay nila, ito. Hindi pa masyado maayos kasi wala na ako pambili ng etchos. Ayun, third floor ito, kaya good luck sa akin sa pagpanik at pagpanaog ko. Hehe
Subscribe to:
Posts (Atom)