Tuesday, November 15, 2011

Di aamin.

"I am a bad case of imperfection."

Alam mo, nararamdaman kita. Nararamdaman ko kung gaano ka nasasaktan sa akin. At nasasaktan ako. Pero anong gagawin ko sa distansiyang pumapagitan sa atin? Traydor ang distansya at mapanlinlang ang panahon. Kung hindi natin tatanggapin ang sakit ngayon, baka hindi natin makayanan ang sakit sa kalaunan.

Kaya mas mabuti nang ngayon na lang.

Kung kailan hindi pa tayo pinagkakanlulo ng distansya at pinaglalaruan ng panahon.

Thursday, September 29, 2011

Lets Party

Since nobody reads multiply anymore coz it is so outdated, I'm gonna rant here like crazy!

Nah... Aksaya energy! Tulugan na lang! :P

Dahil wala akong mapagsulatang iba...

Tama naman ang kaibigan kong si Deo e. Isa akong malaking duwag. Magaling lang akong magsalita pero wala, kapag nandiyan na mas pinipili ko pa ring magtago o tumakas.

Hayyy...

Pinag-uusapan kasi namin kanina ang tungkol sa pag-ibig, bilang pareho kaming nababato sa aming mga ginagawa sa trabaho. Nasa Thailand pala siya at ako ay, well, basta nasa Pilipinas. Hehe. Hindi ko alam kung paano napunta ang usapan namin sa pag-ibig. Kasi ang alam ko, trabaho ang pinag-uusapan namin e. Pero 'yun, napunta na lang bigla ang usapan sa masalimuot na mundo ng pag-ibig. Madalas naman naming pag-usapan ang mga ganitong bagay pero kanina lang niya natumbok ang totoong estado ng aking pagkatao.

Ang sabi ko sa kanya, kanya-kanya namang kaduwagan 'yan. Sumang-ayon naman siya. Kung siya ang kinatatakutan ay ang pagkabaliw, ako ang kinatatakutan ko ay pag-ibig. Takot daw akong umibig. Takot daw akong tumalon. Nilalabanan ko daw sa tuwing dumarating ako sa puntong ganito.

Hindi ko rin alam bakit hindi na ako makasalita o makabawi sa kanyang sinabi dahil sa mga nakaraan naman naming usapan, lagi lang akong bumabalikwas kapag nako-corner na. Wala, kanina hindi na ako nakapanlaban pa at inamin ko na lang na duwag ako. Plus tawa, siyempre.

E ano naman ba naman pang gagawin kong pagtanggi e nakita na niya ang tunay kong kulay. Sabi ko na lang na huwag niyang ipagsasabi.

E bakit nga ba ako natatakot?

...

Hindi ko rin alam.

Siguro, tulad ng sabi ko sa kanya kanina, kakaunti na lang kasi ang natitirang tapang sa akin at kung lagi't lagi kong gagamitin at isusugal ang tapang na yun sa pagtalon, baka wala nang matira kung kailan kailangang-kailangan ko ng tapang na yun. Hindi rin naman dapat basta-bastang tumalon.

At totoo rin naman na hindi pa ulit ako bumabagsak sa napakatagal na pagkahulog na ito. Parang habang-buhay na lang yata akong mahuhulog, habang-buhay na lang akong matutuwa sa konsepto ng pag-ibig pero wala naman talagang totoong kinababagsakan, wala namang totoong minamahal.

O baka naman kasi ayaw ko naman talagang bumagsak. Dahil masakit yun. Pero nakakabato at nakakapikon na ang walang-katapusang pagkahulog na ito. Nagiging manhid na ako at baka sa oras na mahulog na ako ay hindi ko na mapansin dahil nasanay na lang ako sa pakiramdam nang laging nahuhulog na walang kinababagsakan.

Hindi ko alam.

Pero kung sakaling iibig akong muli, pwede naman kasing hindi ako mahulog diba? Pwede namang may magpapatigil lang sa walang-katapusang pagkahulog na ito.

Knight in Shining Armor?

So ang peg ko ay isang Damsel-in-Distress. Yuck, ayoko pa naman nun. Pero anong magagawa natin, minsan naghahanap lang tayo ng mala-Robin Padilla na sasagip sa atin mula sa saksakan nang tarik na bangin. Oh well...

Kung pang-leading lady lang siguro ang karakter ko, pwede. Pero hindi bagay sa akin yun e. Pang-extra o kontrabida lang ang karakter ko. At karaniwan sa mga istorya, dedma ang buong mundo kung anong mangyari sa mga extra at kontrabida.

Ako lang naman lagi ang nagkakagusto sa mga kontrabida at extra.

:(

Monday, August 22, 2011

Punto de Vista v.2




The clouds are like fairies dancing to the rhythm of the blowing wind. The sun lights up everything it kisses. Ah! Blue is blue and green is green indeed. All the colors stay true and lies are swept away by the waving sea.

This is such a pretty place.

Ikebana

A Peek of the Peak

Sundown

Saturday, August 6, 2011

Nag-aalangan

I was browsing through this blog today, hoping to finish deleting the whole thing.

I realized I've had too many of good memories here.

Now I don't want to erase this blog anymore... tsktsktsk

Wednesday, June 29, 2011

Yun lang.

"If it's a broken part, replace it. If it's a broken arm then brace it. If it's a broken heart then face it." --Details in the Fabric, Jason Mraz


Narealize ko lang na kapag tumatanda ka na pala, hindi mo na kinakatakutan ang mga bagay na dati mong kinakatakutan. Yun nga lang, may mga bagay rin na dating hindi mo kinakatakutan ang ngayo'y kinakatakutan mo na, nang bongga.

Tulad halimbawa ng rejection. Kung dati ayos lang mabasted ng makailang ulit kasi fresh pa naman ang puso mo, kaya mo pang i-take ang lahat ng sakit. Kasi alam mong sa kinabukasan, nagrerefresh lang ng kusa ang puso mo.

Kaya lang habang tumatagal, marami kang natutunan. Natututo kang lumaban sa sakit. natututo kang umiwas sa sakit. Natututo kang matakot sa sakit. Hanggang sa ayaw mo na sa sakit, dahil pwede namang hindi masaktan.

Yun nga lang, hindi ka naman pwedeng magmahal nang hindi sumusugal na masaktan.

Kaya mo pa bang magmahal?

Friday, June 24, 2011

Ayoko ng Ulan

Ayoko ng ulan. Dahil para akong nilulunod nito sa dagat ng kalungkutan.

Hindi ako marunong lumangoy. At hindi ako siguradong may sasagip sa akin o kung gusto nila akong sagipin. Ang iba'y para lang nakakita ng basurang tinatangay ng alon.

Walang gustong humawak ng basura. Walang gustong sumagip ng basura. Ang basura, tinatapon. Sinusunog. Hinahayaang matangay ng hangin. Ng tubig. Ng pagkaagnas. Ng paglimot.

Ayoko ng ulan. Dahil kaya ako nitong lunurin.

At walang sasagip sa akin.

:,(

Pwede bang umayaw na lang? 'Yung tipong isang araw hindi ka na gigising? Tutal parang walang silbi na rin naman ang lahat. Hindi ka rin naman nakikita. Wala ka rin lang namang matinong ginagawa. So bakit hindi ka na lang umayaw? O di kaya'y maglaho na lang? Tutal wala rin namang pagkakaiba kung nandito ka o wala.

Pwede bang umayaw na lang?

Wednesday, May 25, 2011

Manila Chronicles: Huwebes, MRT, at ang litanya tungkol sa pangit ng isang pasaherong nagmamaganda

Naririnig ko si Rebecca Black na kumakanta ng kanyang makabagbag-damdaming "Friday" kahit Huwebes pa lang ngayon. At hindi yan dahil natutuwa ako sa kanta. Nababadtrip ako kaya gusto kong gawing katatawanan ang kabadtripan ko. Ewan lang kung matawa ako.

Tulad ng araw-araw na kaganapan tuwing umaga, magbibiyahe ako galing bahay. Maghihintay ng jeep papuntang MRT. Aakyat ng hagdanan dahil hinaharangan nila ang escalator para daw sa "crowd control". Anong crowd control? Tsk. Pagdating sa may guard, inspeksyon, inspeksyon!  Malas na lang kung ang nasa harapan ay sandamukal ang dala o kaya e nakalimutang hindi pala pwedeng magdala ng softdrinks ng Mcdo sa loob ng tren. Kung susuwertehin, madali lang ang inspeksyon. Sisilip lang ang mga guards sa bag ko, so kahit may dala akong matulis na bagay ay hindi nila mapapansin dahil sa dami ng tao, kailangan nilang magmadali sa pag-iinspeksyon.

Buti na lang may tiket na ako. Kahit nasanay ako sa UP bilang Unibersidad ng Pila, hindi ko pa rin nagugustuhang pumila lalo na MRT na grabe ang ugali ng mga tao. At least sa UP, may decency ang mga tao sa pagpila. May hiya, at kahit kaya nilang i-argue ang maaari nilang gawing kabulastugan, mas pinipili pa rin ng mga taga-UP na sumunod sa pila dahil walang ibang paraan kundi yun! Haha! Sa MRT, wala rin namang ibang paraan pero bukod sa lahat na ng amoy ay maaamoy mo, sisiksikin ka pa rin kahit sa pila. Para namang may mababago kung maniniksik sila.

Hindi pa natatapos ang kalbaryo dun. Kahit makasakay ka na sa tren pagkaraan ng mahabang panahon, hindi ka pa rin makakahanda sa kung anong maaaring mangyari sa loob ng tren. Swerte mo na kung hindi masiraan ang tren. Kung may bait lang ang mga tren ng MRT, suki na sila ng Mental Hospital dahil lagi silang nasisiraan!

Sa Php15 binabayaran mo sa pagsakay sa MRT, ang katumbas lang nito ay ang kung anong tinatapakan ng paa mo. Hndi kasali ang espayong inuukopa ng iyong katawan, regardless of your size. Ang payat at ang mataba ay pareho lang. Dahil pagpasok ng tren, nawawala na ang konsepto ng espasyo. Sasabihin pa ng driver, "Maluwag pa po." Maluwag ka diyan!!! Kayo kaya ang maging pasahero!

Kung video game lang ang pagsakay sa MRT, dapat marami kang Lives, Energy at Weapons dahil hindi ka makaka-survive kung wala ka na nun! Survival of the fittest, survival of the makakapal, survival of the walang pakialam. At pagdating sa destinasyon, kailangan mo talagang magpasalamat na buhay ka pa.

Sa araw na ito, mukhang naubusan yata ako ng Energy at Weapon. Iisa na lang din yata ang Buhay ko. Delikado na. Tapos pagsakay ko ng jeep, may dalawang babaeng nagtsi-tsismisan tungkol sa kanilang lab(o)life. Haha. Tsismis. Pampadami ng Energy.

Ayon sa kuwento ng isa, may lebel daw ang kapangitan. May medyo pangit, bearable ang kapangitan, pangit, pangit na pangit, at nuknukan ng pangit. Ang lalaki na object ng kanilang pangungutya ay isa yatang manliligaw. At dahil nanliligaw, may date na naganap. Sa sobrang pangit daw ng lalaki, yung babaeng nagkukuwento ay lumayo nang makakita siya ng kakilala. Gusto ko pa sanang makinig sa kanilang kuwento kaya lang nung makita ko yung babaeng nagkukuwento, naubos lahat ng Energy ko sa sobrang hindi ko matanggap na pangitain. (Alam na!)

Kailangan kong mag-replenish ng Energy. Kasi bukas, Biyernes, uulit lang din ang ganitong pangyayari sa MRT. E ano naman kayang sidedish na kuwento ang mauulinigan ko? Hmmm...