Friday, December 28, 2007

To The People Who Made my Baguio Life "Lovelier"

Mga Baklush!

Kamusta na kayo? Alam ko, malapit na tayong magkita but I just can't help it. Namimiss ko kayo kaya may ganito akong kadramahan ngayon.

I just want to thank you for making my life lovelier. Hindi ko siguro ma-eendure ang mag-isang buhay sa Baguio kung wala kayo. Salamat sa lahat, sa walang-sawang pag-intindi ng kagagahan ko, sa mga kakornihan ko at sa tuwing lumilitaw si Ligay tuwing alas-12 ng gabi. Hehehe... Hindi ko alam kung hanggang saan ang ating kulitan sa Baguio pero alam ko na kahit hindi sa Baguio, magpapatuloy pa rin ang kulitan natin! Sana bago ako lumayas ng Baguio ay makasama ko pa kayo ng mas matagal pa. Namimiss ko na kayo agad, hindi pa man din ako naghahakot pababa. Haaayyy...

I'll have more kuwento when we all get back to Baguio. I miss you guys! Hindi ko mapigilang hindi ma-inlove sa inyo. Promise! :D

1 comment:

  1. "I miss you guys! Hindi ko mapigilang hindi ma-inlove sa inyo."--same here xiao!
    actually, may panahon pa naman upang pagdesisyunang huwag na munang lumisan. ;-)

    ReplyDelete