Wednesday, January 14, 2009

Dalawang Bagay

May dalawang bagay akong ginawa ngayong araw na ito na tila ba nakapagpasaya sa akin, sa paraang alam kong hinding-hindi mauunawaan ng iba.

Una, yumakap ng mga stuffed toy.

Pangalawa, mag-soak ng paa sa mainit na tubig.

Gusto ko talaga ang mga stuffed toy kasi malambot, ang sarap yakapin. At sa isang tulad ko na ilag nang yumakap ng sinuman, sa stuffed toy ko binubuhos 'yung kagustuhan kong mangyakap (justification rin siguro ito kung bakit kailangang maraming unan sa kama ko, pero simula bata ako gusto kong maraming unan sa kama.) Though hindi ko mabili yung mga yun kasi mahal, okay na ako makakita or makayakap man lang ng mga stuffed toy. hehe

Ibang satisfaction naman ang nadudulot sa akin ng pagbababad ng paa sa mainit na tubig. Ang tagal kong na-deprieve sa habit kong 'to kasi walang lutuan sa dati kong bahay. Pero since pinaampon ni Kissy yung mga gamit niya sa akin habang wala pa siya dito, nagkaroon ako ng gamit at means para magawa ko ulit yung bagay na alam ko kapag hindi ko ginawa e sobrang hindi talaga ako mapapalagay.

Hayy... weird na kung weird, pero ito 'yung ilan sa mga bagay na nakakapagpakalma o nakakapagpasaya sa akin. Hehe... Lavet!


2 comments:

  1. Pangalawa, mag-soak ng paa sa mainit na tubig.

    --oi namiss ko to! matagal ko ng hindi nagagalaw ang foot spa set sa bahay..namiss ko yung kwentuhan naten habang nagbabad sa mainit na tubig at tinatawanan si laurice...hehe

    ReplyDelete
  2. hahaha... namiss ko na rin yun bani... kita tayo pag-uwi ko ha! Tambay ulit! Ahaha

    ReplyDelete