Monday, June 8, 2009

Gusto kong magsulat...

Ilang buwan ko nang naiisip magsulat, at kanina lang, may bago na naman akong naisip. Kung susumahin, limang proyekto ang balak kong simulan. Naisip ko na ang konsepto, ang gusto kong atake, ang main tauhan, ang conflict (kung kailangan man ng conflict), at minsan pati ending. Maganda sana kaya lang...

... kapag isusulat ko na, nawawala na yung focus ko. Minsan, magpo-pop-up yung mga immediate na gagawin (tulad ng Thesis Proposal na hindi ko pa rin masimulan) or madalas, tinatamaan ng katamaran, nawiwili sa facebook, kay Hyun Joong, etc...

Pakiramdam ko sasabog na utak ko sa sobrang frustration. Para bang yung pakiramdam ng in-love na hindi maibulalas, yung parang natatae na ayaw lumabas...

Waaaaaahhh...

Gusto kong magsulat!!!


No comments:

Post a Comment