Tuesday, November 30, 2010

Adik

"Adik sa'yo..."
Kaadikan lang, nagmamanifest tuloy sa panaginip! haha

Lately, I've been watching Korean dramas and movies of Jang Geun Suk, mula "You're Beautiful" na minarathon ko sa Laguna dahil sira ang cable, hanggang sa "Beethoven Virus" at "Baby and I". Ngayon, inaabangan ko lagi, kahit ang hirap kasi walang nag-o-online stream ng may english subtitle, ang "Mary Stayed Out All Night"/ "Marry Me, Mary", bagong drama ni Geun Suk-a! Hehe

Sa sobrang kaadikan, ayun. Napanaginipan ko tuloy siya kagabi! Haha. Ganito yung panaginip:

Setting: Bahay namin sa Laguna. Maraming tao, hindi ko naiintindihan mga sinasabi ng iba. Inassume ko Koreano sinasabi nila, although di ako sigurado! Hahaha! Busy daw ako sa kung anong ginagawa ko: may paglulutong nagaganap, pag-aasikaso sa bisita. Ewan din kung anong okasyon, basta maraming tao.

Sa pagmamadali ko daw, bigla akong may nakabunggong tao. Natumba. So tinulungan ko daw. Alam mo yung scene sa mga pelikula na magmi-meet yung bidang guy at bidang girl, ganyan, na medyo cheesy ang effect, ganun! Sabi ko kanya, "Are you okay?" Sagot niya sa akin, "I'm Jang Geun Suk."

Hahahahahaha!!! Laftrip!!!

Sagot ko pa sa kanya, "I know, I know." At natatawa daw ako, na medyo nagpapacute!!!

Hahaha! Adik lang!


:P




Friday, November 26, 2010

Bad Day

Dapat walang tao ngayon sa bahay. Uuwi si Lau sa Mindanao, gagala si Sheli sa Palawan, at ako, dapat sana ay nasa Caramoan na ako ngayon. Pero Wednesday pa lang, alam ko na na hindi ako matutuloy dahil may biglang nag-set ng appointment, na obviously, mas priority kaysa sa gala-galore ko sa Caramoan.

So, from zero to one dapat ang drama. Ako ang maiiwan sa bahay buong weekend - magkukulong, mag-e-emo, matutulog, magpapakalunod sa mga series at movies ni Geun Suk.

Umalis si Lau mga 2am, tulog na ako. Si Sheli dapat mga 5am ang alis. Nagpaalam ako before ako pumasok sa kwarto kasi ang alam ko dapat wala na akong aabutan paggising ko kinabukasan. Alas-7 ako nagising, kasi may appointment ng 10am. Paglabas ko ng kwarto, nagulat ako kasi bumungad sa akin si Sheli. Late na daw siya nagising. 9am ang flight niya. Dali-dali naman siyang nag-ayos at maya-maya'y umalis na rin.

So ang appointment ko ay 10am. Hopeful akong pumunta dun, umaasa sa isang magandang balita na maaari kong iuwi bilang pampasaya habang nag-iisa sa bahay. Well, it turned out okay, as in okay lang. Yun nga lang, wala pa ring kasiguraguhan. Hanging pa rin ako. And for the longest time pinipilit ko lang talagang maging hopeful kahit magkabila na ang sampal sa akin na parang hindi naman ako kailangan dito sa Manila. I actually felt like a piece of crap.

Pag-uwi ko, akala ko ako lang ang medyo masama ang naging araw. Yun pala, si Sheli hindi nakaabot sa flight niya until she decided not to go Palawan anymore. Nalate siya ng mga 2 minutes lang. Sa tingin ko talaga kailangan niya ng bakasyon na'to. She's not feeling okay for the past days and this trip could have been a good remedy for her sadness. So medyo pati ako nalungkot na rin for her. Umuwi siya ng bahay, natulog.

Si Lau, natuloy sa Mindanao. Nagtext siya nung nasa bahay na ako, nandun na daw siya. Natuloy nga siya sa pag-uwi, walang aberya. Pero, malungkot pa rin kasi kaya naman siya biglang umuwi kasi namatay na yung lola niya na last week lang e malakas pa. :(

Nakakalungkot. Nakakaasar. Bad trip ang araw.

Nang magising si Sheli, nagkayayaan kaming kumain, pantanggal ng :( . After kumain, naglakad-lakad kami sa UP, para makapag-isip, magmuni-muni, at para maalis ang bad sa araw.

Sunday, May 2, 2010

Mga Natutunan ko sa UP

Sabi nila mahirap pumasok ng UP. Sa totoo lang, mas mahirap manatili at lumabas ng may dangal (at nasa tamang katinuan, haha.)

1. Hindi titigil ang mundo dahil lang puro kamalasan ang nangyayari sa'yo. Tuloy ang exam kahit di ka nakapag-aral. Hindi nababago ang deadline ng papers kahit na na-corrupt ang files mo. Hindi ka hihintayin ng prof mo kahit na muntik ka nang masagaan ng pison, lalo na kung may lakad siya.

2. Walang maling sagot sa magaling magpalusot.

3. Lahat ay may ibig sabihin. Ang "oo" ay hindi lang oo, ang "hindi" ay hindi lang hindi. Ang pula ay hindi pula dahil lang pula ito. Nakakabingi ang katahimikan. Nakakapipi ang kaingayan.

4. Kung may gusot, may plantsa! Kung hindi makaya ng plantsa, style yun! Haha

(to be continued...)

Tuesday, April 27, 2010

ANGAS

Kamusta na! Gulay, ang tagal ko nang hindi nabisita ang multiply ko. Pasensya. Kasalanan ito ng Facebook at Twitter! Harhar.

So, ano namang dahilan at biglang parang naalala ko ang multiply ko? Kung tao lang 'to malamang laking tampo na nito sa akin. Ikaw ba naman ang dedmahin ng matagal na panahon, ewan ko lang kung di ka magtampo. Tapos biglang magpapakita at magkukuwento na lang nang walang kung anong paumanhin or anything? Gosh! At kung tao lang din ang multiply, magsosorry na ako, as in now na! Mag-e-explain kung bakit ganun at aasa na maintindihan ang mga palusot ko. At tutuloy lang sa kuwento ko... hehehe

Miane! Nag-koreano?

Anyway, ayun. So huling buwan ko na dito sa AIT. Malamang, huling buwan ko na rin sa Thailand, though hindi pa rin talaga ako sigurado. Ang dami kong gustong gawin pero lahat ng 'yun ay depende sa kalakaran ng buhay. Pero ibang kuwento yun e. Bago ko pa yun problemahin, tesis muna ang problema ko ngayon, at ang lahat ng kaakibat nitong isyu na wala lang talaga akong magagawa. Gusto ko lang mag-angas, maglabas ng sama ng loob, magbasag ng bote at mag-amok ng away! hahaha. War freak!

Tulad malamang ng pakiramdam ng multiply site ko pagkatapos kong dedmahin ng ilang panahon, ganun din ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng pakiramdam ng dinededma. Yung para bang napipilitan ka lang pansinin kasi ipinagsiksikan mo ang sarili mo at wala siyang magawa kasi responsibilidad ka niya, pero sa totoo lang, hindi ka niya talaga gusto (hindi nga niya maalala pangalan mo) at kung hindi dahil sa responsibilidad niya sa'yo, isa ka lang maliit na... 'speck' sa kanyang masalimuot na mundo! Oh well, speck ka pa rin actually.

Hindi ako buntis ha! hahaha. Pero parang ganun din. Nasa proseso ka ng pagluluwal ng isang idea at ang tanging hinihiniling mo ay ang presensya at sapat na pansin ng taong dapat ay tutulong sa'yo dahil, sabihin na nating, siya ang nag-cultivate sa idea mo na 'yun. At sa mga kritikal na panahong ganito, sapat na pahanon lang at pag-aaturga ang nais mo. Hindi naman sobra-sobrang atensyon (dahil nakakaumay 'yon), 'yong sapat lang para hindi ka naman madepres nang bongga. Pero dahil ang dami n'yong nakalinyang magluluwal ng iba-ibang idea, medyo hindi ka na napapansin, dahil hindi ka naman papansin, at mukhang hindi mo naman kailangan ng pansin, dahil sabihin na natin, kaya mo namang iluwal 'yan ng mag-isa. E kung totoong panganganak lang 'to, pwede bang manganak mag-isa? Helo? Loner? Miserable? Over ha!

Pero parang ganun pa rin. Ang pangit ng feeling. Parang nakakawala ng confidence. Nakakadepres.

O baka dahil metal cancerian-leonine monkey cusp ako kaya ganun? (Ano ulit?) Yung gustong napapansin pero hindi nagpapansin. Labo! At dahil hindi napapansin, nag-iinarte.

O baka sadyang narerepres lang ang totoo kong ugali, yung pasaway, na ayaw magpasakop sa kahit na anong autoridad? So, parang hindi talaga komportable dahil hindi sanay magpasakop.

O baka naman mas malalim pa dito ang dahilan, yung tipong mala-Bonifacio-Aguinaldo issue, ganun? O baka mala-Donya Victorina? O mala-Erap lang, na kapag humarap ang idea ko sa salamin e lalamunin na lang bigla at nag-poof!

Ewan. Basta 'yun. Nagugulumihanan, nangangarag, naiirita. Haaaayyyyy...Ang dami kong problema sa buhay, wala namang kuwenta. Hay naku. Hayaan na nga lang. Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ganyan talaga ang buhay. Unfair at nakakapikon.

Oh well, papel! *sigh*

Wednesday, February 24, 2010

Pulang Buwan

1

Redtag Day sa Queendom X. Walang sinomang nakakalat sa kalye.Walang tambay sa mga kanto, walang nag-iingay, at walang anumang establisimientong bukas. Ang lahat ay nakakanlong sa kani-kanilang bubungan, nagpapalipas ng tatlo hanggang anim na araw kung kailan tatanggalin ang Redtag sa pintuan ng bawat bahay.

Inaasahan na ito ng mga tao sa Queendom X, ngunit minsan naaabutan pa rin silang hindi handa. Mapapatigil na lamang silang bigla sa kanilang ginagawa at bahala-na-si-Batman ang nagiging drama nila. Pero siyempre, wala si Batman dito at hindi nila 'yun kilala.

Walang fixed na araw ang Redtag Day. Ang alam lang nila, buwan-buwan nagkakaroon ng Redtag Day, at sa araw na dumating ito, umaasa sila na maayos ang mood ng apat na diwatang namumuno sa Queendom X. Ngunit sa mga nakaraang linggo, alam nilang lahat na hindi magiging maganda ang mga susunod na araw. Dahil bukod sa Redtag Day ngayon, ito ang araw na magsisimula ang katapusan ng Pulang Buwan.

Magiging madugo ang lahat.

...to be continued.

_____________________________
*bwahahahaha

Tuesday, February 23, 2010

Emo-dium 101

...at ginulat mo na naman ako na parang multong pabigla-biglang sumusulpot sa harapan ko. Haharurot na sana ang puso ko pero bigla-bigla lang ding magpepreno kasi may nakabantay nga pala sa'yo. Asa pa ako. :'( *charoz*

Monday, February 22, 2010

Friday, February 12, 2010

Xiaui was here!

In my almost two years of stay here in Thailand, I stayed in three different student accommodations.


The first one was in SV66 B1. SV stands for Student Village, 66 means you're far from the gate, and B means you're on the second floor. I remember, I literally had to drag myself to this dorm with all the 20-kilo baggage I have. It's too far from the classrooms, too far from the gates, too far from almost everything. Hehehe. But I stayed here from August until December 2008. What I liked here though, were the natural sunlight and breeze, and the Pinoy-style morning chaos, three other Pinays were living next door. It's as if I never left home. 


After SV66B1, I transferred to N310A. If SV66 was far, dorm N was even farther... from Gate 1, but it was closer to Gate 2, laundry at dorm X or Y, Kissy's, Donna's, and to my crush (he used to live in front of my dorm). This room is better. I can sing as loudly as I want to and no one seemed to care. But this room is on the third floor, has no refrigerator, and gets over heated during noon, especially summer afternoons. I stayed here from January until September 2009 and endured my summer days pretending to do my thesis proposal.


Then before going home for my data collection, my new room assignment was given. It's relatively smaller than my first two rooms. Plus points for this room are: it is near the grocery, Hom Krun (a coffee shop), ATM, classrooms, gate, etc.,; it is air-conditioned, has kitchen, and the bathroom is all mine! It's on the fifth floor though but I don't really care! Hehehe... The view isn't great here but I can always go out for a walk, hoping not to bump into my adviser. Hehehe. This is where I am spending the rest of days here as a student.


Thursday, February 11, 2010

Mr. and Mrs. Gray*


Siya ang ka-Valentine ko. Bwahaha. *adik*

* Gabriel Gray is Sylar's real name in Heroes, played by Zachary Quinto. I <3 him na. :) Hehehe



Courtesy of faceinhole.com