Monday, June 18, 2007

Ang Tipo kong Lalaki

Malabo ang konsepto ko ng "Ideal" na lalaki... Pero so far, eto ang mga naging crush ko ('yung pwede kong i-reveal.. hehehe)

1. Leonardo Di Caprio. Nahumaling ako sa karakter niya sa "Romeo and Juliet" at sa "The Man in the Iron Mask"; natulala sa "The Beach"; at mabighani sa isa niyang movie na ang kanyang karakter ay ang manunulat na si Arthur Rimbaud (nakalimutan ko na kasi ang title nun.)

2. Jonathan Brandis. Crush ko siya since high school, naloloka kaming dalawa ni Ails tuwing napapanood namin siya sa SeaQuest. Payat siya dun, at siguro nung bata pa ako ay gusto ko ng payatot! Hehehe...Sadly, nagpakamatay siya. Walang nakaaalam kung bakit. Noong narinig ko ang balitang 'yun, nalungkot talaga ako. Wala lang. Nalungkot lang, siyempre. Nakasabit pa rin sa kwarto ko ang poster niya. Hehehe, ganun ako kahumaling sa kanya dati.

3. Hyun Bin. Hahaha, cute kasi siya, maliit ang mata. 'Yun lang. Napanood ko siya sa "My Lovely Kim Sam Soon" at sa sobrang nakakatawa ng palabas na 'yun, ayun, natuwa rin ako sa kanya. Sabi ko kay Lau dati, "naiinlove na ako sa kanya..." Kamusta naman 'yun??? Siempre, cheverlou lang 'yun! Charoz!

 

4. Dennis Trillo. Sige nga, sabihin n'yo sa akin, sino naman ang hiindi nagkaka-crush kay papa Dennis diba?

5. Ping Medina. There is something in him na nakakatuwa. Mukha akong timang kagabi, kasi nasa All Star K siya, at tuwing kakanta siya, natatawa talaga ako. Magaling rin kasing aktor ito at mahusay magsulat.

6. Yamashita Tomohisa. Gosh, kung may ipapaclone ako, isa siya dun. Ang cute ng smile niya, promise. At ang katawan, hmmm... yummy. Magaling pang magsinayaw. Kamusta naman 'yun! Hehehe... Una ko siyang napanood sa Jdorama na "Nobuta wo Produce" at mas nahumaling sa "Kurosagi". Gwapo niya... hihihi

 

7. Kim Rae Won. Ang pinakabago sa aking listahan. Ayaw ko sa kanya dati dahil sa series niyang "Attic Cat" pero ngayon sa "Which Star ar you From" like ko na siya, lalo na kapag ngumingisi na siya... kainis. :D Kamukha ko daw siya, sabi sa myheritage.com. hehehe

 

 

 

'Yun lang muna. Hindi ko na maalala 'yung iba e, sa dami ba naman nila. Hehehe... 'Yung iba din, secret. Hindi pwedeng sabihin. :D

6 comments:

  1. hahahaha alam mo kung payat ka as in kasing payat ni Aneng, tapos ginaya mo yung buhok niya...hahaha magkamukha kayo...yun eh kung papayat ka :p

    ReplyDelete
  2. e pano kung pumayat ako??? hahahaha text kita pag pumayat na ako...hahahaha

    ReplyDelete
  3. sayang nga si jonathan brandis xiaui. si leo type ko pa din hanggang ngayon. sya na lang pag-asa ko kasi taken na si brad ni angelina e type ko sila together so wala ako balak agawin si brad pitt sa kanya. hahaha as if hindi ako taken. :D

    ReplyDelete
  4. hahaha... akala ko as if magkakatuluyan kayo! hahahaha

    ReplyDelete
  5. oo na, pero NOON yun. AKO = NGAYON. :P

    ReplyDelete
  6. ahahahahaha!!! Oo na! Ikaw na! Ikaw na si Song Hye Kyo! Hahaha :) Peace!

    ReplyDelete