Friday, June 8, 2007

Kamusta naman ang Bida natin?




Eto ang bida natin. Ilusyunada 'yan paminsan-minsan. Ngayon, nag-iilusyon siya na in love siya sa mga panahong ito. Bunsod 'yan ng tatlong gabing pagpupuyat para matapos ang "Which Star ar You From?". Nagugutuhan niya ngayon si Kim Rae Won pero hindi rin naman niya sobrang gusto dahil may iba siyang gusto, si Yamashita Tomohisa. Sa kakapanood niya ng "Which Star are You From?", napansin niyang parang kamukha niya si Kim Rae Won. Kamusta naman 'yun? Sabi sa inyo e, ilusyunada itong bida natin. Minsan, feeling niya na kamukaha niya si Zhang Ziyi. Pero hindi naman siya ang nakaisip noon, nabuo ang ganoong pag-iisip dahil sa myheritage.com. At ang bida naman natin ay naniwala lang.

Noong bata siya, madalas niyang naiimagine na isa siyang prinsesa. kukunin niya ang kaniyang kumot at ibabalabal sa kanyang katawan at magpapanggap na isang prinsesa. Hindi naman siya naghihintay ng prisipe kasi mas gusto niyang siya ang nahahanap ng prinsipe. Para mas maraming pagpipilian.


Madalas siyang baliw at wala sa sarili. Obsess siya sa buwan at hanggang ngayon, pinipilit niyang magkapakpak upang makatungtong man lang sa kanyang buwan. C'mon! hehehe

3 comments:

  1. trulala! mas ok kung ikaw hanap ng prinsipe para mas madaming choices. wag ka magstay lang sa isang tabi para maghintay sa iyong "Knight in shinign armor". di na uso yun. hehehe :D

    ReplyDelete
  2. mas mahirap maghintay kasya maghanap 'no!!! Hehehe

    ReplyDelete
  3. true! kaya dalidalian mo na dear! :D

    ReplyDelete