Saturday, January 29, 2011

Ligay is dead.

Nagtuturo ako ng Kritisismong Pampanitikan dati at gustong-gusto kong ituro ang subject na yun. Anything goes kasi. I mean, syempre nandun yung basics, theories and all, pero marami na kasing paraan ng pagbasa ng panitikan at nakakatuwang marinig mga opinyon ng mga estudyante sa kung anu-anong texto na itatapon mo sa kanila (and of course, fun lang ang klase para ma-appreciate nila ang panitikang Filipino.)

So binigyan ko sila ng exercise, paper actually. Kailangan nilang basahin ang isang tula at gagawa sila ng papel tungkol dun: paano ang pagkakabasa nila sa tula. Bahala sila kung paano nila yun babasahin o kung anong teorya ang gagamitin nilang gabay.

Ang binigay kong materyal ay yung luma kong tula, yung MULTO. Hindi naman ako nag-expect ng sobrang bonggang kritik mula sa tula na yun. Gusto ko lang makita pano nila babasahin yun at dun na ako kukuha ng paraan pano ko ipapaliwanag sa kanila ang mga anik-anik na kailangan nilang malaman.

So yun na. Initial reaction nila nung binigay ko yung tula, "Ang drama naman nito Ma'am. Sino si Ligay?" E hindi ako nag-disclose ng info kung sino yung author, kung sino si Ligay. Kasi nga kapag nalaman nilang ako ang nagsulat nun, malamang bobolahin lang nila ako sa kanilang mga mabubulaklak na mga pananalita tapos madadala naman ako kasi, wala, pariwara lang talaga ang utak ko sa mga ganyan. hahaha.

Pagdating ng pasahan ng papel at nang tsinetsekan ko na, may mga lumabas na politikal daw ang tema ng tula, tungkol sa kalayaan, at kung anu-ano pang echos (at siyempre may nagsabi rin na walang kakwenta-kwenta ang tula na yun. Dont worry, pumasa naman siya sa klase ko pero may bahagi sa akin na gusto ko siyang ingudngud. hahaha.) Syempre bilang ako ang nagsulat nun, natatawa ako sa mga pagbasa nila dahil hello, wala namang bahid ng politikal echos ang utak ko nung sinusulat ko yun, pero in fair, pwede rin. Mahabang talastasan nga lang. Pwede ring mga kalayaan and all, pero ang puno't dulo lang nun e ang pag-e-emo ko at hindi ko naman yun masabi dahil "the author is dead" daw. Labas ang aking pagiging author ng tula sa pagkakataon yun. Kaya, keri lang.

Pero wag ka. Habang natatawa na nga ako dahil sobrang hindi ko inexpect na ganun nila yun babasahin, may isang kagimbal-gimbal na pagkabasa ang aking natagpuan. Natigilan ako at nasabi sa aking sarili na, "Kilala ba ako nito? Bakit niya alam?" Sabay tawa na nagulat na lahat ng tao sa faculty room. Parang ganito ang sabi niya:

"Ang tulang ito ay tungkol sa isang taong naghahanap ng kalayaan sa isang lipunang mapanupil. Pumipiglas siya subalit sa tuwing kanyang susubukan ay bumabalik pa rin siya sa katotohanang hindi siya matatanggap ng lipunan. Bakla si Ligay."

HAHAHAHAHAHA.

Next class namin, bitbit ko na yung result ng paper nila. Bungad na bati ko sa kanila ay:

"Ako si Ligay."

Isang segundong katahimikan at napuno ang silid ng iba't ibang tono ng sigaw, na parang yun na ang katapusan ng kanilang buhay. Haha.

4 comments:

  1. bwahahahahahaaa... may like button ba dito? hahahahahahaa....hahahaha

    ReplyDelete
  2. hahaha, adik ang tawa mo... hahahaha

    ReplyDelete
  3. i laveeeet!!!! ^_________^ gusto ko na tuloy mag cross over sa kabilang side ate shawi... :P

    ReplyDelete
  4. Wag!!! Wag kang sasama!!! Wag mo kaming iwan, Sheli!!! NOOOOOOOO!!!! Hahaha :)

    ReplyDelete