Thursday, January 20, 2011

Manila Chronicles: Faint

Last Friday, one of those typical Fridays. Bangag mga tao, mukhang zombie, agit na sumasakay ng jeep, bus, mrt.

Isa lang din naman ako sa mga bangag na mga tao kasi morning person ako, morning natutulog! :P So sa kabangagan, dun na ako napasakay sa pinakahuling bahagi ng tren, sa mga guys habang nagwowonder kung mag-i-intervene si kupido at dito niya isusulat ang aking kuwentong pag-ibig na alam nating lahat na sa pelikula lang naman nangyayari (Sabi nga ni KC, "it's not like the movies at all." hehe)

At syempre, hindi na uso ang gentleman ngayon. So tatayo ka lang din sa mrt habang nakikipagsiksikan. Pero in fairness, hindi ka naman susuntukin nung mga yun kung medyo nagpapasaway ka. Hindi katulad dun sa girls' section na parang mga amazonang susugod sa gera yung mga girls with all the matching stilettos and hand bags to go with the amazona look. Terrifying!!! Hahaha.

So yun na nga. Parang good mood yung mga guys, walang commotion na nagbabadya. May kumakanta pa nga e, at medyo feel na feel niya! Gusto ko siyang lingunin kung cute siya, kaya lang baka maamoy ko kilikili niya kaya wag na lang! Haha. Yuck!

At habang may mga ganyang tumatakbo sa utak ko, biglang may kakaibang nangyayari. May lalaking umupo na lang bigla sa sahig, malapit pa naman siya sa pinto. Una kong naisip, "Ah baka napagod lang siya kakatayo." Pero naisip ko rin, logical ba yun? Parang weird. Oo, napapagod din naman ang mga guys pero hindi naman sila mabilis mapagod. Naisip ko rin na baka may dumating sa kanyang masamang balita at hindi niya nakayanan. Yung tipong nakipagbreak sa kanya ang gurlfrend niya, sa text hindi man lang tumawag, tapos bukas na kasal nila, ganyan! Haha. So devastated siya. Feel ko naman yun talaga ang dahilan.

Maya-maya, sinandal na siya nung mga kalapit niya. Pinagpapawisan ng bongga si Kuya (actually mukhang bata siya sa akin, hehehe.) at namumutla. Maya-maya pa, ayun na! Nag-collapse na siya. Kamusta naman. Sabi namin, magsignal na sa driver para maitigil yung tren. E biglang nagkamalay na siya, at parang bumubulong dun sa tumutulong sa kanya na wag na at okey lang siya. Pinaupo na lang siya para hindi na siya mas mahilo pa.

Hindi namin tuloy alam gagawin. Naisip ko baka nagugutom lang si Kuya. Mukhang mag-aaplay kasi siya ng trabaho (all black ang outfit, may dalang folders, cute... :D) tapos dahil kakamadali nakalimutan na niyang kumain. O baka kaya siya naghahanap ng trabaho kasi malapit nang manganak yung misis niya (may nakita kasi akong ring pero nasa kanang ringfinger e, hindi ko alam, san ba dapat nakalagay yun sa left o sa right?), problemado, nakalimutan nang kumain. O baka napuyat...

Gusto ko sana siyang tanungin kung okey lang siya (obviously hindi siya okey) at i-offer yung oatmeal cookie na dala ko (ako na ang may baon sa laki kong 'to! Hehe :P) pero before pa lumabas ang mga salitang dapat itatanong ko to show my concern, biglang nag-auto-editing ako. Yung sasabihin ko sanang "Okey ka lang?" ay muntik ko nang maibulalas in KOREAN. Kamusta naman yun. Baka mas lalo siyang mahilo kaka-figure out ano yung sinasabi ko! Haha. Buti na lang may nagbigay sa kanya ng mentos, medyo nahimasmasan siya.

Eventually, bumalik na sa kanya-kanyang buhay yung mga tao. Kanya-kanyang baba sa mga destinasyon. At sa tuwing may bumababa, lagi siyang nagpapasalamat. Parehong Taft kami bumaba, pero feeling ko hindi talaga siya dun bababa. Paglabas namin ng tren, nag-thank you siya sa akin. 

Saka ko na lang siya natanong kung okey na siya. Okey naman daw siya.

Pero di ko nabigay yung oatmeal cookie. Buong maghapon ko tuloy iniisip pano kung mahilo na naman siya, kasalanan ko ba yun kasi hindi ko binigay yung oatmeal cookie ko. :(

7 comments:

  1. sa tanong mo... sa left nilalagay ang "WELDING RING" bwahaha..

    at kung mahihilo man sya, hindi mo na yun kasalanan... kasalanan na yun ng taong makakasabay niya:)

    ReplyDelete
  2. e pag sa right, may meaning ba yun? hehe

    ReplyDelete
  3. meron... ibig sabihin non meron syang pambili ng singsing or may nag regalo sa kanya.. o di kaya mahilig lang sya sa bling2.

    ReplyDelete
  4. ibig sabihin nun, showbiz xa at gusto nyang mapag usapan. para kung sino mang makakita sa kanya ay mapapaisip kung may asawa na xa o may nagregalo sa kanya o mahilig lang xa sa bling2x. hehehehehe. ^_^

    ReplyDelete
  5. grabe ka naman, nahilo na nga yung tao e... haha!

    ReplyDelete
  6. Ako na ang kontrabida! Bwahahahaha!
    hehe.. The good thing is that he has this grateful spirit w/c most people dont have. Sana talaga it won't happen to him again. May God bless him, whoever he is. ^_^

    ReplyDelete
  7. sumeryoso naman! haha. Kung may vertigo siya, mauulit ulit yun! Tulad ko! Wahaha! In fair, di na ako masyado inaatake lately. :D

    ReplyDelete