Wednesday, January 26, 2011

Manila Chronicles: Kape

"Would someone care to classify
Of broken hearts and twisted minds
So I can find someone to rely on..."


Gusto ko lang maglakad. Gusto ko lang magkape (hindi kasi pwede ang alak.) Gusto ko lang palipasin ang gabi.

Tambay sa kapihan. Usap-usap tungkol sa mga bagay na karaniwan namang hindi napag-uusapan. Nais sanang simulan ang isang makabagbag-damdaming pagninilay-nilay subalit nauwi na lang sa mga adik na bagay. Tumawa. Natuwa. Nakalimot kahit papaano. Uuwi pa ring mabigat ang kalooban pero ayos na lang kesa mag-emo mag-isa sa bahay.

Sa kabilang kapihan, may lalaki at babae na nag-uusap. Nakaupo si lalaki. Malungkot. Nanlulumo. Walang pagkikibit-balikat na umalis ang babae. Naiwan si lalaking nakaupo, ang mga kamay ay sinasalo ang ulo. Pinapahid ang walang prenong paglabas ng kanyang emosyon. Lumuluha. Hindi yata sapat ang kape.

4 comments:

  1. "Walang pagkikibit-balikat na umalis ang babae. Naiwan si lalaking nakaupo, ang mga kamay ay sinasalo ang ulo. Pinapahid ang walang prenong paglabas ng kanyang emosyon. Lumuluha."

    *clap clap* galing! ikaw na ang Tagalog!!!! kelan ako makakasulat ng ganito? waaaah...

    ReplyDelete
  2. hindi pa ako emo eh. motivation = 0.

    ReplyDelete
  3. magkaparehas ba ang motibasyon at inspirasyon?

    ReplyDelete