Friday, December 28, 2007

To The People Who Made my Baguio Life "Lovelier"

Mga Baklush!

Kamusta na kayo? Alam ko, malapit na tayong magkita but I just can't help it. Namimiss ko kayo kaya may ganito akong kadramahan ngayon.

I just want to thank you for making my life lovelier. Hindi ko siguro ma-eendure ang mag-isang buhay sa Baguio kung wala kayo. Salamat sa lahat, sa walang-sawang pag-intindi ng kagagahan ko, sa mga kakornihan ko at sa tuwing lumilitaw si Ligay tuwing alas-12 ng gabi. Hehehe... Hindi ko alam kung hanggang saan ang ating kulitan sa Baguio pero alam ko na kahit hindi sa Baguio, magpapatuloy pa rin ang kulitan natin! Sana bago ako lumayas ng Baguio ay makasama ko pa kayo ng mas matagal pa. Namimiss ko na kayo agad, hindi pa man din ako naghahakot pababa. Haaayyy...

I'll have more kuwento when we all get back to Baguio. I miss you guys! Hindi ko mapigilang hindi ma-inlove sa inyo. Promise! :D

Paskong Pasiklab 07




Wala nang Paskong Pasiklab sa Commonwealth pero sa UP Baguio, Pasiklab ang Pasko lalo na dahil sa CAC people. I love you guys! Miss ko na kayo!

(Note: Hindi ko alam kung anong pinaggagawa ko dito, pero ang alam ko nag-enjoy ako! Ahehehe!)

pictures grabbed from different people.

Monday, December 17, 2007

Good Morning Xiaui!




Isang umaga, ginising ako ng kaluskusan at bulungan ng dalawang makukulit na stuffed toy. Aba, at pinapakialaman ang MacBook. Biruin n'yo ba namang magpicture-picture! Grabe! Ahehehe...

Saturday, December 15, 2007

Videoke Piece - Take Me I'll Follow

Sa tuwing may videoke night/day kami, hinding-hindi ito mawawala sa playlist. I so love this song. Hehehe :D


Tired of feeling all by myself
Being so different
From everyone else
Somehow you knew
I needed your help
Be my friend forever
I never found
My star in the night
Filling my dream was
Far from my sight
You came along and
I saw the light
We'll be friends forever

I can't face the
Thought of you leaving
So take me along
I swear I'll be strong
(If/when) you take me
Wherever you go
I wanna learn the things
That you know
Now that you
Made me believe
I want you to take me
'Cause I long to be able
To see the things
That you see
know that whatever you do
I'll follow you

Somebody must have
Sent you to me
What do I have
You could possibly need
All I can give is my guarantee
We'll be friends forever

Teach me more in
Each passing hour
By your side
I know I won't cower
Is it true that
You have the power
To capture this moment in time

Take me wherever you go
I wanna learn the things
That you know
Now that you made me believe
I want you to take me
'Cause I long to be able
To see the things
That you see
Know that
Whatever you do
I'll follow you

 

Thursday, December 13, 2007

Narcisang Kulot (As in Kulot na Narcisistic!)




"Kapag wala ka talagang magawa, ang dami mong nagagawa."

Mag-isa lang kasi ako sa bahay kagabi. Nasa Bontoc sina Arjay at Amer at si Marifi ay umuwi na ng Pangasinan to prepare for her trip to Holland! Kaya ako, imbis na maglinis ng bahay, ay nagpakulot. Ayun. Nag-inarte ang lola n'yo kaya puro mukha ko ang nandito. Pasensya na po! Blog ko po 'to. Ahehehe

Loliboy

"Loliboy you stay on my mind
Fulfill my fantasies
I think about you all the time
I see you in my dreams
Loliboy not a day goes by
Without my fantasies
I think about you all the time
I see you in my dreams"

Ahahaha...


Me and Mac




Pasensya na, banidosa lang!

13/12/07

Wednesday, December 12, 2007

Ang Wrinkles Ko

May mga tao talaga na hindi ko kayang sikmurain. Stubborn pa naman ako, sobra! Kung gusto ko, gusto ko. At kung ayaw ko, ayoko talaga. Pero pwede naman akong kausapin ng matino e, 'yung harap-harapan. Pwede ring magbago isip ko... WAG LANG TALAGA AKONG TATARAYAN, kasi hindi ako pinapalamon ng mga mahihilig magtaray!!! Kahit pa sino ka, wala akong pakialam.

Ewan ko ba, feeling ko talaga matatanggal ako sa trabaho dahil dito. :D A, ewan. Naiirita ako. Yun lang. Buti sana kung NAPAKAGANDA! 'Yun lang. Pasensya na po.

Tuesday, December 11, 2007

Masaya Ako sa Araw na Ito

Kung sakaling hanggang dito lang ang lahat, wala akong pagsisihan at panghihinayangan. Nahanap na kita, iyon ang mahalaga. At kung pagkakaibigan lang ang kaya, masaya na ako.

Salamat sa ngiting inilalatag mo sa mukha ko. At salamat sa Kanya na nagbigay ng pagkakataong ito.

Monday, December 10, 2007

Naudi Ka Ngay

"The world is made for people to find each other."

Ang tagal kitang hinanap. Halos araw-araw, hinihintay ko ang pagkakataong mahanap ka sa kung saan-saang mundo. Baka sakaling mapagbigyan ako, kahit huling pagkakataon.

Nang mahanap ka, pinagbigyan ako ng ilang beses na pagtatagpo. Pero ito ang masaklap na katotohanan... nahuli na ako at kahit ilang beses kong pagdugtungin ang ating mundo, hindi na kita pwedeng angkinin.

Nakakaiyak naman.

Laui sa Baguio wid VV

Sa wakas, binisita na rin ako ni Lau dito sa Baguio. Saktong concert rin ng Verses and Voices kaya para na naman kaming "groupie". This is the 2nd time na nag-concert ang Verses and Voices sa Baguio. Kung dati isa si Arjay sa namamangha sa Baguio, ngayon siya na ang Tourist Guide.



After nilang mag-concert, nag-dinner kami, dinala ko sila sa Brod Pitt. Sinigang na belly ng bangus at Dining-deng ang inorder ko. Sarap!



Tapos nag-ukay kami habang nangangatog si Lau sa lamig ng gabi sa Baguio.



Feels like the old times, Lau. Hehe. Sana kasama rin sina Ubani 'no?



At siyempre, kung may nakakita sa aming mga estudyante, lalo na yung mga may crush kay arjay, ayy, isyu na naman ito. Wag kayong mag-alala, he's all yours sa murang halaga! Ahahaha, ibugaw daw ba ang kaibigan? hehehe



Hindi na ako sumama sa kanila sa Camp John Hay. Inihatid ko na kasi si Lau sa bus terminal e. May appointment kasi, asar. Pinuntahan ko na lang sila sa 50's Diner para mag-lunch. At 2pm, umalis na sila, at balik trabaho na naman kami ni Arjay sa school.



Laui, gala tayo ulit next time, habang nandito pa ako sa Baguio. At sa Verses and Voices, next time ulit! Sana hindi n'yo na kasama si K. Ahahaha. See you guys soon!

Monday, December 3, 2007

Closure

Mabilis lumimot ang panahon…

Hinding-hindi mo pwedeng pagkatiwalaan ang espasyo at panahon. Minsan, magkakuntsaba pa ang dalawang ‘yan. Parang partners in crime na kapag gumawa ng krimen, malinis, walang sabit, absuwelto, at ang pinakamalala sa lahat, wala kang kawala sa sakit.

May na-realize lang ako noong nakaraang linggo – wala akong maaasahan sa mga bagay na hindi lamang espasyo at panahon ang pumapagitan, kundi pati sa mga bagay na hindi umiral at walang planong umiral. At kailangan kong matutunang lumimot, gaya ng paglimot ng panahon sa nangyayari sa sinoman.

Madalas nating sabihing mahirap ang paglimot. Oo, mahirap naman talaga lalo na kung pinipilit nating huwag kalimutan ang mga sinasabi nating dapat kalimutan. Minsan, pinapahirapan lang natin ang ating mga sarili dahil mas masaya tayo sa pananatili ng alaala, o kung hindi man masaya ay takot tayong harapin ang buhay na may nakalimutan. Mas gusto nating ngumawa kapag wala nang magawa at pakiramdam natin ay nababawasan na ang ating pagiging tao, dahil kapag nasasaktan tayo, pakiramdam natin ay buo ang pagkatao natin. Mas gusto nating alalahanin ang mga masasakit, para umasa lang din sa maaaring maghilom nito. Baliw lang talaga tayong lahat. O pwedeng ako lang.

Sige, ako na lang.

Sakit ko ito e. Sobrang umaasa sa panahon at himala – may magugustuhang tao at kung hindi pwede ngayon, baka pwede bukas. Kinokontra naman madalas ng panahon at realidad – kung hindi pwede ngayon, malamang hindi pa rin pwede bukas, asa pa. Kung minsan, pinaglalaruan ng panahon at distansya – hindi na mga pwede, lalayo pa. Minsan, pinagsakluban pa ng langit at lupa, panahon at distansya at pinagkaitan ng himala – ito ang meron ngayon, wag nang umasa pa sa bukas. Pero kahit ganyan, wala, asa pa rin nang asa hanggang itambad na lang sa harapan ko ang walang kasing pait na realidad – HINDI NIYA AKO GUSTO. At kahit ilang beses ko pang pagbali-baliktarin, hindi maaaring lumabo ang katotohanang ito. Makokontento na lang ako sa mga pagbabaka-sakali, hanggang sa mismong ako ay lamunin ng espasyo at panahon, makakalimot pero hindi makakaligtas sa sakit.

Sana lang madaling lumimot, o kaya’y madaling bumitaw sa mga pagbabaka-sakali, o sa pag-asa sa hinaharap. Pero hindi e. Mapanlinlang nga naman kasi talaga ang panahon. Walang sinasanto, maging kahapon man ‘yan, ngayon, o bukas. Mahirap bitawan ang nakaraan, mahirap harapin ang ngayon, at nakakatakot ang maaaring mangyari bukas. Sinong hindi mababaliw sa ganitong sistema? Dagdagan mo pa ng espasyo – mapakonti o maparami, masama. Hindi mo matantya-tantya kung kailan sakto ang espasyo. Malalaman mo na lang na masama kung sobrang dami na pala, o sobrang layo na niya. At madalas, huli na ang lahat para solusyunan pa dahil, nakipagkuntsabahan na ang espasyo sa panahon, at nagtampo na ang himala, at hindi na kayo mahagilap ng pagkakataon.

Masaklap at masakit, pero ito ang mga bagay na kailangan kong harapin ngayon. O tanggapin? Kaysa pahabain ko pa ang panlilinlang ng espasyo at panahon, harapin ko na lang ang katotohanan na wala akong mapapala sa mga pinanghahawakan ko, dahil unang-una sa lahat, hindi ko man lang naman nahawakan ang mga ito.


Disyembre 4, 2007
Baguio City

Saturday, December 1, 2007

Verses and Voices' Concert

Start:     Dec 8, '07
Location:     Mountain Provinces Mission, Navy Base Road, Baguio City

ASAR KA!!!

Anak ng tokwa!!!
Pinaglalaruan mo ba ako?
Shit!

Don't make me hate you... please.

Buwan XI

Sinusubukan kitang habulin
Gabi-gabi;
Nagbabaka-sakaling
Maawa ang langit
Na pareho nating nilalatagan,
Mapagbigyan akong
Masilayan ka,
Bago ako umalis.

Naninikluhod ako sa langit,
Araw-araw;
Habang ika'y kumikinang,
At ako'y naghihintay
Sa gabi;
Nagbabaka-sakaling
Makalabas habang nakalatag pa
Ang sinag mo sa langit,
Upang masilayan ka
Bago ka umalis.

Nakikiusap ako sa langit,
sa bawat pagdaan mo,
sa bawat paglisan ko,
Na masulyapan ako ng mata mo,
At makita mo ang pagtingin ko.

1 Disyembre 07

LSS

Bagong kantang aaralin ko...

 

WHEN YOU'RE GONE
Avril Lavigne

Intro Piano:

e|---------------------------------10-|-------------------|
B|--7/8-----7/8-----7/8-----7/8-------|----------8-7------|
G|------(b9)------(b9)------(b9)------(b9)----|---7---7-------7---|
D|------------------------------------|-----7-----------7-|

G                D            C
I always needed time on my own
                  Am                      D     
I'd never thought I need you there when I cried
        G              D                C
And the days feel like years when I'm alone
                     Am                    D
In the bed where you lie is made upon your side


C                      
When you walk away
G
I count the steps that you take
C                                     D
Do you see how much I need you right now?


            C         G             D              
When you're gone the pieces of my heart are missing you
            C         G             D
When you're gone the face I came to know is missing too
            C                 G              D                Am          F
When you're gone the words I need to hear to always get me through the day
            D
and make it ok

I miss you


e|---------------------------------10-|-------------------|
B|--7/8-----7/8-----7/8-----7/8-------|----------8-7------|
G|------(b9)------(b9)------(b9)------(b9)----|---7---7-------7---|
D|------------------------------------|-----7-----------7-|


   G                 D      C
I never felt this way before
                  Am               D
Everything that I do reminds me of you
G                               D             C
And the clothes your left the lyin' of the floor
                        Am        
And the smell just like you
                           D
I love the things that you do


C                      
When you walk away
G
I count the steps that you take
C                                     D
Do you see how much I need you right now?


            C         G             D              
When you're gone the pieces of my heart are missing you
            C         G             D
When you're gone the face I came to know is missing too
            C                 G              D                Am          F
When you're gone the words I need to hear to always get me through the day
            D
and make it ok

I miss you


Am                         C         F
We were made of each other I keep forever
           G
I know we were yeah yeah
Am
All I ever wanted was for you to know
C
Everything I do I give my heart and soul
F                                                  G  D
I can heardly breathe I need to feel you hear with me yeah


            C         G             D              
When you're gone the pieces of my heart are missing you
            C         G             D
When you're gone the face I came to know is missing too
            C                 G              D                Am          F
When you're gone the words I need to hear to always get me through the day
            D
and make it ok

I miss you

_____________
Chords Source: http://www.megachords.com/guitar/music/92486/when-youre-gone.htm

Thursday, November 29, 2007

Wala

Wala.
Wala.
Wala.

Wala talaga.

O sadyang, wala lang.

Ewan.
Wala e,
Ganun talaga.
Laging wala.

Kaya,
Wala na lang.
Para wala.
Wala.

Sagada Trip: The Cave, The People, The Life




Sagada Trip: Yoghurt Breakfast




Sagada Trip: Unang Salta




Last na 'to, Please!!!

Kahit nagkakagulo na sa Makati dahil sa kudeta (daw... di pa ako sigurado kasi hindi pa ako nakakapakinig ng balita, at dahil brown out sa bahay kanina), para akong baliw na kinakabahan nang makita ko ang kanyang mahiwagang larawan. Oo, baliw na kung baliw, pero wala akong pakialam. Siyam na taon ko siyang hindi nakita at ngayon ko na lamang din nakita ang itsura niya dahil nga sa larawan sa friendster.

Medyo mataba na siya kaysa sa dati, at inaamin ko, medyo hindi na siya kasinggwapo tulad ng inaasahan ko. Pero natutuwa pa rin ako't kahit papaano'y nasilayan ko kung anong itsura niya ngayon.

Magkikita kami sa Disyembre, sana, dahil kasal ng pinsan niya na kakaklase ko noong highschool, at reunion din ng batch namin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Siguro dahil sa sobrang tagal na ng huli naming pagkikita. O dahil sadyang siya lang ang taong nagpapakaba sa akin. (shit, ang korni ko!!!)

Alam kong malaki ang kagagahan na ginawa ko dati. Hindi ko ginawa ang dapat sana'y ginawa ko noon. Napakaraming pagkakataon ang pinalampas ko, para makasama siya at makausap. Masyado kasi akong nahiya, iniwasan siya, dinedma na tila ba hindi kami magkakilala. Oh well, dahil lang yun sa simpleng rason -- kinakabahan talaga ako, speechless, at may nginig ng tuhod effect pang kasama!

Pinalampas ko ang pagkakataong magkausap kami pagkatapos ng dalawang taong hindi pagkikita. Dalawang monobloock chairs lang ang pumapagitan sa amin. Bumalik pa siya mula sa labas, umupo na halos magkatabi kami. Naghintay. At naghintay. At ako, nanginginig malapit sa kanya, naghihintay din na magsalita siya. Kahit isang "hi" man lang, o simpleng pagbati, o kaya "huy"... pero wala. Walang natinag sa aming dalawa.

Pinalampas ko rin ang pagkakataong makausap siya nang binigay ko ang imbitasyon para sa kaarawan ko. Tinitigan niya lamang ako. At tumitig lang din ako sa kanya. Hanggang sa nangatog ang tuhod ko. At hindi ko na siya nakausap nang matino.

Pinalampas ko rin ang pagkakataong halikan niya ako, kahit sa pisngi. Pinalampas ko ang pagkakataong makipagkuwentuhan sa kanya, kahit isang gabi.

Pagkatapos nang maraming pagpapalampas na ito, hindi ko na siya nakita. At hanggang ngayon a maasa na muli ko siyang makita.

Madalas ko siyang mapanaginipan sa mga panahong pre-occupied ang utak ko sa ibang mga bagay, o tao. Sumusulpot siya sa panaginip ko, nagpapsaya, at minsan'y nagsasabing "Wag kang mag-alala, love naman kita e."

Kung sana lang ay pareho kami ng nararamdaman.

Sana naman mapagbigyan kami (o ako lang?) ng pagkakataon, kahit huli na, na magkasama, makapagkuwentuhan, magtawanan, magkulitan, tulad ng dati. At bahala na kung may girlfriend siya, o kung hindi niya ako gusto, o kung hindi ko na siya gusto.

Pagkatapos, lulubayan ko na ang pagnanasang ito. Sana lang mapagbigyan ako, kahit last na 'to.

Sunday, November 18, 2007

Untitled #1

Kung langit ang ating hangganan
Hindi tayo mauubusan ng liliparan
Halughugin natin ang buong kalawakan
Hanggang wala nang kalawakang pumapagitan.

Lisan natin ang hangganan ng lupa't langit
Lumipad palayo sa mundong mapanlupig
Simulan ang paglaya ng isip,
Subukan nating lumikha ng himig.

Kung iilan ang salitang kayang bigkasin
at ang imahe ay bibihira kung dumating
wag kang mangamba't iyong silipin
baka nakakadena lamang at napapaalipin.

Igalaw ang naparalisang mata
Iindak ang nawawalang paa
Humayo tayo't magpakasaya
Itanghal natin ang ating mga tula.

Nobyembre 17, 2007
Baguio City

Friday, November 16, 2007

Litanya ng Isang Dukha

Sino ba ang nagsabing
tatlong beses dapat kakain sa isang araw?
Isa lang ang kaya ko --
Konting kanin, konting ulam
Tipid-tipid pa dahil kailangang
may matira,
Para sa alagang daga,
at ipis,
at butiki.

Sino ba ang nagsabing
araw-araw dapat nagpapalit ng damit?
Isa lang ang damit ko -
Nanlilimahid na shorts, nanalilimahid na t-shirt
Tiis-tiis sa amoy na nanikit sa katawan
dahil bukas,
titiising muli ang amoy ko,
na para ng aso,
at pusa,
at ihi ng daga.

Sino ba ang nagsabing
minu-minuto ninyo akong tingnan,
at tingnan lamang?
Dadaanan,
Susulyapan,
Lalagpasan,
Na parang walang nakita,
Na parang walang nangyari,
Na parang walang silbi.
At makikita ko ang aking sarili
Sa pahayagang
Nagpapainit sa aking gabi.

Nobyembre 16, 2007

Sunday, November 11, 2007

Sembreak Chronicles

SEMBREAK- panahong pinakahihintay ng mga estudyante. Noong nasa kolehiyo ako, ito ang pinakamasayang panahon dahil walang klase, walang exam, walang iniisip, pero wala ring baon. Ngayong guro na rin akong, isa ganoon pa rin ang "feel" ng sembreak dahil kung noong estudyante ako ay nangangarag ako at sembreak lang ang tanging pahinga, mas lalo na ngayon. Bakit? Dahil pagkatapos mangarag ng mga estudyante ko sa kanilang final exam at final papers (note: plural) ay ako naman ang mangangarag sa pagtse-check ng kanilang mga kapapelan.

Ngayong Oktubre, hindi lamang sa pagmumukmok sa bahay ang inatupag ko. Bukod sa panonood pa rin ng Anime at kung ano-anong pelikula sa cable, ito ang mga pinagkaabalahan ko sa loob lamang ng dalawang linggo.

VOLUNTEER KAMI!
Masarap ang pakiramdam kapag nakatulong. Bata pa lang ako ay iminulat na nina Lola at Mama ang mata namin (magpipinsan) sa pagtulong sa kapwa na walang hinihinginh kapalit. Noong nasa kolehiyo, ang org kong AMiCUS ay madalas magdaos ng Medical Mission sa kung saan-saan, maging pagbibigay ng libreng tutor sa mga batang nangangailangan ng dagdag na pagtuon sa kanilang pagkatuto.

Hanggang ngayon ay hilig ko talaga ng mga ganitong gawain. Kaya naman noong pumayag si Dean Calinawagan na sasama ako sa Departamento ng Komonikasyon sa kanilang Campus Journalism Workshop ay na-excite talaga ako. Sina Amer, Arjay, Dazzie at Marifi ang nagsipagturo at ako, ako lang naman ang DAKILANG documentor.


Sa mga lugar na nakasama ako bilang "taga-piktyur" ay naramdaman ko ang dedikasyon ng mga gurong ito sa kanilang trabaho at sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga kababayan. Kahit pagod na pagod na sa kasasalita ay hindi nila iniinda. Saludo talaga ako sa mga 'to.


Sobra ko ring na-enjoy ang pagiging documentor. Ang hilig ko rin sa sining ang nagbibigay ng "fuel" sa akin para sumama, magbuhat ng sandamukal na gamit, maglakad ng malayo, etc. At hindi ko pinagsisihan ang pagsama ko.


Bukod sa mga ito, nakakatuwang makihalubilo sa mga batang makukulit at bibo. Sabi nila, kung nasasaktan ka daw at ang iyong puso ay hindi alam kung paano kakayaning ngumiti, makipag-usap ka daw sa isang bata at gagaan ang iyong kalooban. Totoo 'yon! At sa mga pakikisalamuha namin sa kanila, maging kami'y maraming natutunan.

LABOY SESSION


Alangan namang mawala ang laboy, siyemre hindi. Pingad, Mt. Province ang destinasyon ngayong oktubre.

Napakaganda ng natural na ilaw sa lugar na ito. Ang gandang magpiktyur-piktyur! Hindi na kailangan ng flash. :D


Sa tatlong araw ng workshop, hindi pa kami nakagala pero isang katanghaliang tapat ay hinatak kami ni Maam Irene sa Viewdeck para makita ang nakatambad na kagandahan ng kalikasan.

Pagkatapos ng workshop, dumeretso kami sa Sagada para doon i-celebrate ang 25th birthday ni Amer. Sa Sagada:


Naghintay ng alas-12 para sa birthday ni Amer habang patong-patong ang damit,



Nag-agahan sa Yoghurt House,




Nag-caving sa Sumaging Cave,


Tumingin sa Hanging Coffins,


Sinorpresa si Amer ng banana cake,


Sumigaw sa Echo Valley,


At kumain ng Lemon Pie.


INDELIBLE INK
Pag-uwi ko sa amin, akala ko tatambay lang ako tulad ng ginagawa ko dati pero hindi. Dahil sa kinailangan kong rumaket ng pamasahe pabalik ng Baguio at dahil ayoko na ring mag-iniyak dahil sa galit sa mga pesteng @#$%&@#$%#, minabuti ko na lang na mag-serve sa baranggay election sa amin.

Bilang Third member, ako ang naglalagay ng "indelible ink" sa mga bumuboto. Maraming ayaw magpalagay, as if makakalusot sila sa akin. Sabi ko na lang sa kanila, patunay 'yan na isa kayong mahusay na mamamayan ng Pilipinas. Hindi ko nga lang alam kung pinaniwalaan nila ako.

UNDAS
Hindi kami natuloy ni Aileen na magkita dahil uber busy siya sa nalalapit na Milagrosa something sa amin. Saglit lang din ako sa pantyong (tawag sa sementeryo sa amin). Hindi rin nagsidatingan ang iba naming pinsan. Ang mga pinsan ko lang na nandoon ay mga lalaki at busy sa kanilang mga girlfriend. Ako, naiwan sa bahay, lumalamon ng suman na gawa ni Mama habang nagpapakasawa sa Anime.


Ayun. Pagdating ng Nobyembre 4, biyaheng Baguio na naman ako. Balik pagtuturo, at iindahin ang semestreng ng pamumulubi. Pero, keri lang naman. Sabi nga ni Arjay, "kelan naman tayo hindi naghirap?" Ngiti na lang, dahil sa Summer, mas mahabang paglalakbay ang magaganap. :D

Nature's Beauties


Kahit ika'y bato at ako'y kakulay ng iyong kaanyuan.

Isang paglalakbay patungo kung saan kitang-kita si Beauty, at iba pang kagandahan ng kalikasan (op kors, kasama kami dun 'no!)

Saturday, November 10, 2007

LSPC 96 Batch Reunion

Start:     Dec 30, '07
We will be having our batch reunion this coming dec 30. Pls make yourself available and your contribution as well...hehhehehe....

venue:-----(wala pa...to follow pa)

contribution: 200 (pero i know you can afford to give more)

tshirt: kanya-kanya daw bigay ng white tshirt..

CONTACT PERSONS:
theresa serrano - 09194759726

sa ASC wala pa... so dapat may mag organize din sa atin one from siniloan other from pangil...(nde daw pwede si ethel kasi kakapanganak pa lang niya) mag volunteer na kayo mga singles out there...

ethel de leon-nebre
(09209211663 or 09228921663)

Friday, November 9, 2007

Laboy Session: Pingad, Mt. Province


Opening program ng Campus Journalism Workshop with elementary and Highschool Students sa Pingad National High School, Mt. Province.

Kuha ni Amer

Three-day Workshop ng Campus Journalism sa Pingad, Mt. Province. My task was to document the event. At habang nagsasalita ang mga speakers na sina Amer, Arjay, Dazzie at Marifi, ako ay nagpapakaligayang makiniig sa video camera at digital camera ng kolehiyo. Sa sobrang close namin, mukhang magpapalit na ako ng career... hahaha... or magpapalit ng departamento! Wahahahaha!!!

Ang Laboy na Hindi ako Nilubayan ni Rizal (Part 2)




Hayan, ito ang part 2 ng mga pics namin noong nasa Abra at Vigan kami. Wala kaming ginawa kundi mag-picture. :D Kaya eto, sandamukal ang pics! Salamat sa mga kuha at pamumudmod ng copy ng pics ni Amer! mwah!!! :D

Lipat-Bahay

Start:     Nov 12, '07
Location:     Baguio City
Mula Aurora Hill patungong Phil-Am! Yeh!!!

Thursday, October 25, 2007

Conquering the Cave: Xiaui's Sagada Adventure

Start:     Oct 23, '07
End:     Oct 24, '07
Location:     Sagada, Mt. Province

Leaving Baguio: Hakutan Session

Start:     Apr 20, '08
Location:     from Baguio to Manila to Laguna
"Leaving Las Vegas ang drama mo tonight!"

Babaunin ko ang isang baul na nilalamnan ng sandamakmak na alaala.

Wednesday, October 24, 2007

I HATE UP BAGUIO

I HATE UP BAGUIO...

Hindi ang trabaho...

Hindi ang mga estudyante...

Hindi ang mga kapwa guro...

Kundi ang SISTEMANG BULOK

Mas BULOK pa sa naaagnas na bangkay!!!

At oo, galit ako.

...

'Yun lang.

Tuesday, October 23, 2007

Takas na pag-internet

Saktong 8:05pm
Oktubre 23, 2007
nandito ako sa Sagada

Marami akong chika pagbalik namin ng Baguio at kapag natapos na kaming magsubmit ng grades!!! Waaahhhh!!! Oh well, oh well, masaya, masaya, masaya! Hihihihihi.... San kaya ang susunod kong eskapo?


Thursday, October 18, 2007

Good Morning

Time Check: 2:15 am

Nandito pa kami sa lugar kung saan hindi na kami dapat nandito. Grabe. Kahapon pa ako 6am gising, nagchechek ng papel. Natapos ko naman na ang lahat ng papel sa PI 100. 'Yung isang major ko na lang ang babaunin ko sa Mt. Province dahil hindi na siya kaya ng powers ko ngayon. Gusto ko na ngang mag-break down ngayon e, pero hindi pwede dahil lalaboy pa ako bukas. Wish ko lang kaya pa ng katawan ko hanggang sa makababa ako sa Laguna.

Tapos bibiyahe pa kami bukas ng ala-una ng hapon. O diba, ang saya-saya ng buhay ko! My gulay. Gusto ko nang matulog. Sana may internet sa Mt. Province para makapagpasa ako ng grades. Haayy...

zzzzzzzzzzzzzz....

Sun and Moon

you are sunlight and I moon
joined by the gods of fortune
midnight and high noon
sharing the sky
we have been blessed, you and I
you are here like a mystery
I'm from a world that's so different
from all that you are
how in the light of one night
did we come so far?
outside day starts to dawn
your moon still floats on high
the birds awake
the stars shine too
my hands still shake
I reach for you
and we meet in the sky!
you are sunlight and I moon
joined here
bright'ning the sky
with the flame
of love
made of
sunlight
moonlight
tomorrow will be the full moon
I can bring friends to bless our room
with paper unicorns and perfume
if you want me to
unicorns? sure. . .

Anino sa WWW

Sabi ni Marfeal kani-kanina lang, ang tula ko daw na "Anino" ay nakapost sa http://viith.sdachurch-ph.net/2007/10/17/anino/

Bisitahin n'yo kasi nandun nga 'yung tula ko na binasa sa ESTRAGEL 3 last February. Ang saya-saya naman. Again, to God be the Glory.

Wednesday, October 17, 2007

Halloween Fever


or better yet, mangkukulam look. Ahahaha

SM Baguio, 14oct07
Photo by Jahryll

Thanks Jahryll for the pics. Love it!!!

Tuesday, October 16, 2007

House Hunting Part I

"Bahay kubo, kahit munti..."

Sa totoo lang, parang wala na akong bahay ngayon. Kundi lang super bait ni Kuya sa pagbibigay niya ng extension sa akin hanggang friday, naku, camping sa Session Road siguro ang aabutin ko. Hanggang noong 15 na lang kasi ang bayad namin sa bahay. Hindi na kami nagbayad kasi aalis na rin naman kami. Ang problema, hanggang ngayon ay wala pa rin kaming makitang bagong lilipatan.

Kahapon ng hapon, habang papalubog ang araw (dahil ito lang ang oras na maisisingit namin ang paghahanap ng bahay dahil ngarag season na naman sa dami ng papel na kailangang tsekan), ay naglibot kami ni Amer paghahanap ng bahay na may apat na kuwarto, hindi masyadong malayo, at walang aso sa paligid! And of course, hindi naman eksaherado sa mahal.

Unang destinasyon, Pacdal. May lugar dun na magaganda ang mga bahay, pero puro transient lang e. Tapos lakad pa ulit kami. Nakaabot yata kami sa Maria Basa. Pagdating namin dun, may nakita kaming nakapaskil na "HOUSE FOR RENT". So, mega tanong kami. Si Ate na napagtanungan namin, medyo galit yata kung sumagot, pero hindi naman pala. Naiirita lang siguro sa amin kasi hindi namin siya ma-gets. Sabi niya kasi, "Dun sa kalyeng 'yun." Ayy, 'day, maraming kalye, ano? Hanggang sa nagkalinawan na rin. Sabi niya, "Akala n'yo pababa, pero pataas 'yan." E, pataas naman pala talaga ito. Hanapin daw namin si Jacinta Bukneg. My golly. Naghagilap ang mga utaw, walang nakitang Jacinta Bukneg. Muntik pa kaming kagatin ng aso. Ayy, gudluk. Ayun, may isa pa kaming nakita kaya lang two rooms lang e.

Ang huling destinasyon namin kahapon ay sa... (dyaran!!!!) sa Pinsao Pilot. Hindi ko naman alam na ang lokasyon pala ng lugar na ito ay sa "pagitan ng langit at lupa". Ahahahaha... Tuktok ito ng bundok. Hanep sa adventure, kamusta naman. Nakakaloka 'yung lugar kasi pakiramdam ko wala ako sa Pilipinas. Pwedeng-pwedeng pag-shooting-an ng isang Korean movie, pero pekeng Korea pala. Ahahaha... Tuktok nga kasi talaga ito ng bundok (pwedeng-pwedeng tamaan ng kidlat, mga atez... hehehehe). In fairness, maayos naman 'yung lugar pero kasi, mas malayo pa siya dun sa bahay namin ngayon sa Aurora Hill.

Ayun, wala pa rin kaming nahahanap na bahay hanggang ngayon. Bukas ulit. At sana may makita na kami dahil kung hindi kami makakita bago matapos ang Oktubre, ayy, humanda na ang mga manong sa Session dahil magkakaroon sila ng bagong kalye-mate. Ahehehe.

Wag naman sana.

Tambay sa Laguna, unless may magyaya

Start:     Oct 26, '07
End:     Nov 3, '07
Location:     Siniloan, Laguna
O, ails! pino-post ko na sked ko. Sakaling nasa Laguna ka sa mga panahong ito, ayun, nandun lang ako. See yah!!!

Si Pagong at Si Matsing




Kasama sa final exam ng mga estudyante ko ang creative chenes ng "Si Pagong at si Matsing", para makabawi naman sila sa bagsak-bagsakang grades nila sa exam. 'Yung mga kinuhanan ko ay ilan sa mga ipinasa nila. Ahahaha. Natuwa naman ako kay Kams dahil sa pagdadala niya kay Mat ('yung matsing!) Wish ko lang pumasa ang mga aligagang ito ano! Ahehehe

Cheryl Marie's Wedding

Start:     Dec 23, '07
Location:     Fernwood, QC
Kasal ni Che. Sana makita ko doon si Bernie para matapos na ang kahibangan kong ito... CHAROZ! :D

May Magpapasakal, este, MagpapaKASAL pala...Ahehe

Start:     Oct 29, '07
Location:     UP Diliman

Friday, October 12, 2007

Pasiklaban 07

Start:     Dec 21, '07
Location:     UP Baguio

Laboy Session: CJW sa Mt. Province

Start:     Oct 19, '07
End:     Oct 22, '07
Location:     Mt. Province
Ihanda ang camera, at simulan na muli ang pagmomoda!

Tuesday, October 9, 2007

Samu't Saring Kiorvs

Napaka-convenient ng salitang "chorva, chenes, chenelyn" at ang recent, "kiorvs". Kung wala ang salitang iyan, siguro mawiwindang ako sa pagsasabi ng mga bagay na, either walang katumbas na salita, o hindi masambit ng aking abang dila. :D

***

Badtrip + malungkot ako ngayong araw na ito. Hindi ko alam kung bakit pero sabi ni Sir Isko, mukhang alam na niya ang dahilan. Pero deny-to-death ang lola n'yo. Hehehe... Siguro nga dahil sa mga kiorvs sa tabi-tabi na hindi ko alam kung paano i-chorva. Hahaha... At sa sobrang badtrip at lungkot ko, inilibot ako ni Sir Isko dun sa may oble. Parang ang layo e ang lapit lang naman nun sa faculty room. May nabuo kaming teorya tungkol sa aking kiorvs mula sa aming paglalakad. Sabi namin, baka kaya ganito ang pakiramdam ko ay dahil sa nararamdaman kong nakukulong ako. Ayoko kasi talaga ng ganoong pakiramdam. At since mabilis rin akong mabato, hindi ako pwede sa monotonong buhay, ayoko ng routinary na gawain. Ayun. After naming maglalakad-lakad, medyo nabawasan ang aking kabadtripan. Medyo lang pero siyempre hindi 'yun tuluyang mawawala kasi...


***

Kahapon, Lunes 'yun, nag-videoke kami nina Arjay at Isko. At natawa kami bigla kasi naisip namin na masyadong makabagbag damdamin ang aming mga napiling kanta. Sabi namin, ang pamagat ng concert series namin na iyon ay "Mga Pag-ibig na may Kaakibat na Tandang-Pananong, at Sandamakmak na Tandang-Padamdam"... At ayun, na-LSS kami ni Isko sa kanta ni Arjay "If we had an exchange of hearts..."


***

May mga kantang laman ng playlist ko sa utak lately at ito ang mga 'yon:

"Hindi mahanap sa lupa ang pag-asa
Nakikiusap sa buwan...
Himala, kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala?"

"Anong nadarama tuwing nakikita kang dumarating?
Tuliro! Di malaman ang gagawin.
At wala nang ibang makapipigil sa akin
At wala nang ibang nakapagbabago ng aking isip sa'yo"

"How can something so wrong feels so right all along,
Catch me, I'm falling for you
And it's wrong for me to feel this way
And I don't know what to do without you..."

"If we fall in love, maybe we'll sing this song as one
If we fall in love, we can right a better song than this"

"You are my sweetest downfall
I loved you first, I loved you first
Beneath the sheets of paper lies my truth
I have to go, I have to go..."

"Eto na naman ako sa aking kabaliwan
Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
Ngunit hindi hihindian ng tulad kong natuto nang
Magpalipad ng saranggola sa ulan"


***

Ayun... sandamakmak ang papel na tsinetsekan ko at may gana pa akong maggaganire, kamusta naman 'yun. Hay naku. Sana matapos na ang semestreng ito, at sana makagala na ako sa iba pang lupain ng Pilipinas bago pa maibenta ni Gloria ang lahat ng ito. At sana rin, may magandang mangyari sa buhay ko sa mga susunod na araw/buwan/taon.

***

May ilang kasal akong kailangan puntahan ngayong taon. At sana makita ko man lamang si Bernie bago matapos ang 2007. Sana wala pa siyang asawa/girlfriend/boyfriend... ahahaha... At gagawin ko na ang mga bagay na dapat sana'y dati ko pa ginawa. Hehehe

***

Knock-knock!

Who's there?

Dec.25, 2006

Who?

"Last Christmas, I gave you my heart..."

Knock-knock!

Who's there?

Dec. 26, 2006

Who?

"...but the very next day, you gave it away..."

Knock-knock!

Who's there?

Dec. 25, 2007

Who?

"...this year, to save me from tears, i'll give it to someone special..."

Ahahahahaha

***

'Yun na lang muna! Ang haba na nito e... Ahehehe... :D

Saturday, October 6, 2007

DIGITAL NA NGA SI KARMI MARTIN

Sabi ni Arjay, makakarma din daw ako sa ginawa kong pambibiro sa kanya dati. Masamang biro naman kasi 'yung ginawa namin sa kanya. And true enough, nakarma na nga ako, kanina lang.

Isang araw kasi na nananahimik ang buhay ko, nagtext si Tita Nonie sa akin. May friend daw siya na may pamangkin, nasa PMA. Hintayin ko daw ang text ng pamangkin ng friend niya at kilatisin ko daw. At dahil nagwo-worry ang buong pamilya ko sa lovelife ko, kung kani-kanino nila ako inirereto, concerned lang naman sila.

Sa totoo, hindi talaga ako mahilig mang-entertain ng mga ganito e since pamangkin siya ng friend ng Tita ko, hindi ako pwedeng magtaray. So nagtext na nga si Mr. PMA, na sa totoo e kapitan na. Knowing my beautiful self, alam kong walang patutunguhan ito dahil unang-una, hindi ako bilib sa mga militar. Magkaiba kami ng pinaniniwalaang ideolohiya. E since pamangkin nga siya ng friend ng Tita ko, hindi ko siya pwedeng basta taray-tarayan. Nakakainis. So mega entertain naman ako, kahit unang text pa lang niya e alam ko na na mababato lang ako sa taong ito. Kasi naman, kung kilala n'yo ang mga crush ko, medyo may mga kawirduhang taglay, may something, may excitement, may "twist" ang kwento, ang karakter, ganun... E sa kanya, na se-sense ko na boring na tao ito. Plus, 30 plus na siya. E ang paniniwala ko, kapag lalaki ka at umabot ka sa 30 na wala pang asawa o kaya girlfriend, either malaki ang problema mo sa personalidad o kaya e hindi ka kagwapuhan, na nagiging pathetic ka.

Ayun, so dahil sa hindi nga ako makapagsungit at makapagtaray plus i gave some space to the "benefit of the doubt", inentertain ko naman ng maayos ang taong ito sa text. At dapat last week pa kami magkikita kasi naa-agit na nga akong malaman kung may itsura ba o kahit karakter na lang. Hindi natuloy (buti na lang!!!) kasi bumaba ako. Tapos ayun, pagbalik ko dito, sabi niya magkita daw kami ng Monday. E para magkahusgahan na rin, pumayag ang lola nyo, pero hesitant ako.

Tapos kanina, nag-lunch kami ni Mangrovs sa SM. Bigla siyang nagtext, nagtatanong kung nasaan ako. E hindi ako sinungaling, well, madalas hindi ako sinungaling, sinabi ko nasa SM ako. At hinanting ako. Ayun, nakita ko siya, at naku!!! Naku na lang ang sasabihin ko.

To cut the long pang-ookray short, hindi ko siya type. At kahit naman hindi kami in good terms ng tatay ko e masasabi ko naman na mas mukha pang binata ang tatay ko kaysa sa kanya. Sorry, i'm just being honest. Tama ang lahat ng hinala ko. Buti na lang talaga at kasama ko si Mangrovs kanina, may maganda akong alibi. Sabi ko may pupuntahan kami, which is actually true.

Now the problem is, may Monday pang naka-schedule!!! SHET!!! Hindi ko alam ang gagawin kong alibi kasi alam niyang sa UP ako nagtuturo. Naisip kong magpalit ng number (or better yet, bumili ng bagong phone with matching bagong sim), o kaya e magpanggap na may boyfriend na ako (ang problema, sinong pwedeng hatakin? or pwedeng tumutoo, hehehe), o kaya e busy ako (na totoo rin naman), o kaya e sabihin ko na lang na LESBIANA ako para matigil na ang kung anumang achuchuchu. Sabi ni Amer, sabihin ko daw na may emergency na kiorvs sa Batad. Ahahaha... Hindi ko na alam. Sabi ni Tita, wag daw akong masyadong maging harsh kasi KAPITAN ito ng MILITAR!!! Baka i-salvage ako!!! Harharhar!!!

Hay naku, karma nga naman. At feeling ko, marami pang parating na karma. Kainis!!! E bakit ba, kaysa naman magpaasa ako o kaya e pilitin ko ang sarili ko sa mga bagay (o tao) na hindi ko gusto 'no? Haller!!!

So ayun. I still don't know what to do. Pero isa lang ang sigurado, hindi ako sisipot sa Lunes. 300 plus papers pa ang kailangan kong tsekan 'no plus 150 na "Pagong at Matsing". At tsaka, may iba akong date. mag-iimbento ako ng gagawin. Punyemas naman o. Hehehe

Thursday, October 4, 2007

Espasyo


"After every word you need space."
-- Of That Space Where You Do Not Know by Gemino Abad

Wednesday, October 3, 2007

CRUSH(ED)

Gusto n'yo bang masulyapan ang crushlife ko? Eto, magsawa kayo. Walang pattern 'yan. Baliw kasi ako. Hahaha

Crush#1. Wala akong crush no.1, as in 'yung una sa listahan. Kasi 'yung posisyong ito ay nakalaan para sa taong magtatangkang magkagusto sa baliw na tulad ko, tapos gusto ko rin. Hehehe... Kaya wala pang crush#1.

Crush#2. Crush ko siya since highschool at almost 10 years ko na siyang hindi nakikita though sa loob ng mahabang panahon na ito e lagi siyang bumibisita sa panaginip ko. Hindi ko alam kung nasaan na siya pero siya lang kasi 'yung crush ko na nanginig ako e. Hehehe.. Sabi ni Ails, "super delisyoso" daw si crush#1. Actually, totoo 'yun. Naaalala ko 'yung pang-ee-SB (as in Simpleng Banat) ko noong highschool sa kanya. Hahaha, tuwing Applied Research namin (meaning paggagamas ng sandamakmak na damo), lagi akong pumupuwesto dun sa pwede ko siyang makita. E lagi siyang walang shirt kapag naggagamas... Damn!!! Ang ganda ng katawan! Nakakaloka siya kapag hinahagod niya yung malambot niyang buhok... hehehe... hindi nga lang siya matangkad.

Crush#3. Tawagin natin siyang Mission Impossible 1. Hindi naman niya kamukha si Tom Cruise pero hindi rin naman nahuhuli ang kanyang itsura. Pinaka-recent ko siyang crush at sa lahat ng may kakilala sa kanya, batok ang abot ko sa tuwing ikinukuwento ko ang pagkacrush ko sa kanya. Kasi hindi pwede e, kaya nga mission impossible diba? Hehehe... Bakit ko siya crush? Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Ahahahaha... Mahilig lang siguro akong "tumawid sa mga impossibilities" hehehehe.. cute siya e, tapos mahusay na tao, mabait... hahaha... napakageneric... (with matching background music "Eto na naman ako sa aking kabaliwan...") Hehehe

Crush#4. Siya si Mission Impossible 2, kasi tulad ni MI1, hindi rin pwede. May kagwapuhan din siyang taglay, kahit minsan ang kapal na ng face niya. Ahahaha... Makulit siya. At mahilig ako sa makukulit na tao. Pero hanggang dun lang kasi di rin pwede. Makakasuhan ako, cradle snatching! Hahahaha

Crush#5. Barbeque naman ang tawag ko sa kanya. Hindi tulad ni MI2, hindi siya masyadong imposible. Magaling tumugtog ng gitara, magaling ding kumanta. Madalas kaming magpalitan ng nakakatawang messages, dati, pero busy yata ngayon. Hindi ko na rin siya masyadong nakakahuntahan at nakikita. Kaya bumaba siya sa listahan. Tapos, naasar din pala ako sa kanya kasi may tinext siya sa akin na nakakapikon. Nauso daw ang "Love is blind" dahil sa akin!!! Nakakainis! Hmp.

Crush#6. Si Lui. Ahahaha... muntik ko nang makalimutan. Orgmate ko siya sa AMiCUS at kasama din sa church at sa Sulok ('yung prod grup namin sa Manila). May picture siya dito. Makulit din siyang bata, super, at napakadaldal, my golly!!! Ang daming baong kuwento, hindi nauubusan. Kaya lang, bata. At saka may crush 'yung friend ko sa kanya e, mukhang nagkakamabutihan na nga sila e. Ahehehe

Crush#7. Si Lolliboy. Hahahaha. Actually, hindi masyado. Hindi masyadong stricking ang beauty. Mukha pang hindi naliligo. Peace!!! Na-curios lang ako kung sino siya. Nung nalaman ko, 10 seconds ko siyang crush tapos after nun, hindi na. Ahahaha

Mga Dati kong Crush

Knight of the Moonlight. Hahahaha... ito ang tawag niya sa sarili niya dati! Kamusta naman! For a time, naging super friend ko siya, Bestfriend pa nga yung tawag ko dati e. Pero dati 'yun. Nagpapalitan kami dati ng sulat hanggang sa nagkaproblema (ako, kasi na-inlove ang lolah mo sa kanya pero inlove siya sa iba.) ayun, may asawa na siya ngayon at abay ako sa kasal niya. Hahaha

Guitar Man. Sexy ang pangalan ng gitara niya. Hindi siya gwapo pero sa hindi ko maintindihang dahilan, napakaraming nahumaling sa taong ito. Mabait daw kasi. Magaling tumugtog ng gitara at piano. 'Yun nga lang, kapag kumanta na siya, tagaktak ang pawis kasi may stage-fright ang lolo nyo! Hahaha.

Ang Amo ni Ycrat. Hahaha. Gaga lang talaga ako. Mahilig sa mga artist kunyari. FA siya e. Matanda sa akin, pero mas pasaway. Gusto niya 'yung pinsan ko pero ayaw ng pinsan ko sa kanya. Ikakasal na rin siya. Ahahahaha...

Jumong... Hehehe... Kamukha niya si Jumong, promise! Crush ko nung highschool, kaklase ko. Matagal din 'yun, mga 4 years pero yung barkada ko yung gusto niya e (ewan ko lang kung hanggang ngayon... hehehehe) Ayun. Mabait ito, sinasaway niya ako kapag nalalasing na ako at nakikipag-away sa mga kainuman tungkol sa "social injustice" at "social inequality"... hahaha

Mr. Tall, Dark, and Handsome. Siya kung crush kong kamukha ni Richard Gomez, pero hindi ko alam ang kanyang name at hindi kami nagkaroon ng time na magkakilala though laging nagtatagpo ang aming mga mata sa tuwing nagkakatagpo kami sa Diliman.

Ayun, marami pa sila pero pagod na akong mag-type. Saka na 'yung iba. Hehehe

Monday, October 1, 2007

PINTUAN



Tinopak kami nina Amer at Arjay habang nasa Vigan noong Setyembre 24. May naisip na konspeto si Direk Arjay at ginawa kaming modelo. Gamit ang celfone ni Amer, ito ang naging resulta. May iba ring nabuong kuwento si Amer sa kanyang blog.

Another version on Anik-Anik, Atbp.... hehehe

Friday, September 28, 2007

Ang Laboy na Hindi ako Nilubayan ni Rizal (Part 1)




Boogsh!!!

"Eyes that do not cry, do not see."

Madalas daw akong tumawid sa pagitan ng walang kasiguraduhan at walang katuturan. Ninanamnam ko ang bawat saglit na sinusuong ko ang manipis na lubid ng aking pinipiling tawiran, umaasa na hindi ako mahuhulog sa kawalan.

Madalas rin naman akong madulas, at sa kakulitan, lalambitin pa rin hanggang sa maglapnos na ang kamay sa pagkapit. Kapag hindi ko na kaya, magpapahulog na lang ako. Kawalan ang kinahahantungan, habang panahong nakalutang sa hindi mawaring kalawakan na walang katapusan.

Kung sakalaing makahanap ng kababagsakan, at ng panibagong tatawirin, pareho pa rin ang tinatahak kong daan. At 'yun ang hindi ko maintindihan. Siguro, baliw na lang talaga ako. Sa totoo lang, hindi ko alan kung alin ang mas masakit - ang tumawid sa lubid ng walang-kasiguraduhan at katuturan, o malaglag sa kawalang walang katapusan, o ang lumagapak mula sa kawalang akala mong walang katapusan pero meron pala. O 'yung hindi pagtawid dahil natatakot na lang? Ewan.

O baka naman kaya 'yun ang hilig kong tawirin ay dahil sa alam kong walang-kasiguruhan, para kung sakaling malaglag, hindi masyadong masakit, at para hindi ko lunurin ang sarili sa pag-iisip ng mga what ifs.

Syemay-syopaw na buhay naman o! :D
Sensya na, drama mode lang! Ahehehe

Wirdo ba...

WEIRD
Hanson

Isn't it weird? Isn't it strange?
Even though we're just two strangers on this runaway train.
We're both trying to find a place in the sun.
We've lived in the shadows, but doesn't everyone.
Isn't it strange how we all feel a little bit weird sometimes?
Isn't it hard standing in the rain?
You're on the verge of going crazy and your heart's in pain
No one can hear though you're screaming so loud.
You feel like you're all alone in a faceless crowd.
Isn't it strange how we all get a little bit weird sometimes?
Sitting on the side, waiting for a sign, hoping that my luck will change.
Reaching for a hand that can understand, someone who feels the same.
When you live in a cookie cutter world being different is a sin.
So you don't stand out and you don't fit in.
Weird.

Wednesday, September 26, 2007

Realisasyon ng Isang Pasaway na Bata (At Ako po 'Yun)

"Behold what manner of love the Father has given unto us."

Malalim ang pinag-uugatan ng aking kalungkutan. Hindi lamang siya dahil wala akong karelasyon ngayon, hindi lamang dahil malayo ako sa pamilya ko, hindi lamang dahil walang kasiguraduhan ang buhay ko dito sa UPB, kundi dahil sa ang layo-layo ko na sa Bestfriend ko.

Hindi ko binalak kahit sa hinagap na dito ako sa Baguio mapapadpad. Bago ako mapunta dito, nasa bingit ako ng kamatayan at pagkabuhay. Madali lamang mamatay noon. Isang bitiw ko lang sa lubid na nagdudugtong sa akin at sa aking hininga ay kamatayan na ang kaabbagsakan ko. Pero may kumakapit sa akin, at kahit pakiramdam ko na bibitaw na ako ay Siya ang humahawak, para lang masiguradong hindi ako mahuhulog.

Then Baguio came. It was the opportunity I've been waiting. Sinagot niya ang problema ko sa career, sa lovelife at sa iba pang anik-anik ng buhay ko. Kelangan ko kasi ng time noon nang panibagong buhay.

Noong nandito na ako, akala ko matatagalan kong nasa tabi Niya ako at paglilingkuran Siya. Pero nagkamali ako. Ang hindi ko paglingon at pagiging busy ko ang unang naging dahilan ng aking paglayo. Nagsimula sa pag-attend ng class ng 530-7pm every friday hanggang sa isang buwan na akong hindi nakakasimba ngayon. When you do things on a constant basis, without even knowing it, it becomes a habit. At hindi ko na makontrol ang sarili ko ngayon.

Tapos nagsimula nang magpatong-patong ang lahat. Ang labo ng status ko sa UPB, nababato ako, wala akong magawang matino, nabibitin ang lahat ng trabaho, nagsusungit ako kahit wala naman sa lugar, at ang taas-taas ng self-pity ko ngayon. Parang pakiramdam ko, wala akong kuwentang tao, at dahil wala akong kwenta, wala rin akong pwedeng sandalan. Alam ko namang mali 'yun pero 'yun ang nararamdaman ko kaya ibinabaon ko ang sarili sa pagtulog, palakwatsa at pagkain, na akala ko maiibsan ang nararamdaman kong kalungkutan. Pero hindi naman.

Then, just today, nagkahuntahan kami ni Zadel sa YM. Sinabi niya sa akin na binasa niya ang tula kong "Anino" sa Sabbath School presentation sa Thailand. At nabless ang mga tao. Bigla akong naiyak kasi, may silbi rin naman pala ako, and probably this is my calling. Besides, God gave me this talent so that I can be of service to Him. Lagi ko kasing naiiisip na hindi ko naman naibabalik sa Kanya ang lahat ng binibigay Niyang blessings sa akin. Napaka-ingrata ko pa madalas kasi lagi akong humihingi at nagtatampo sa Kanya. Dahil sa ibinalita ni Zadel sa akin, parang kahit papaano ay nabubuhayan ako ng loob, at kahit sa pamamagitan ng tula ko ay nakakatulong ako sa Kanyang gawain. Shocks.

I should renew my relationship with Him. Baka nagpapakapasaway lang ako. Pero grateful ako kasi kahit ganito katigas ang ulo ko, hindi pa rin Siya nagsasawa sa akin.

Anino
ni Ligay

Nakita ko ang anino mo kagabi,
Naghihintay
Habang halukipkip ko sa aking dibdib
ang kalungkutan ng pag-iisa.
Anong ginagawa mo,” pabulong kong tanong.
Sasamahan kita,” ang wika mo,
Sabay upo malapit sa sulok na kinauupuan ko.
Hindi kita sinulyapan,
Ni hindi kita inimikan,
Subalit nakita ko ang anino mo buong gabi –
Sinamahan mo ako.

Nakita ko ang anino mo kagabi,
Nagmamasid
Habang naliligaw ang paa ko
sa hindi maapuhap na kasiguruhan.
Anong ginagawa mo,” tanong ko sa iyo.
Alam ko ang daan, hindi ka maliligaw,” sagot mo,
sabay turo sa daan na dapat kong lakaran.
Hindi kita tiningnan,
Ni hindi kita inimikan,
Subalit nakita ko ang anino mo buong gabi –
Sinabayan mo akong maglakbay.

Nakita ko ang anino mo kagabi,
Lumuluha
Habang pilit kong tinatahak
ang nakalululang bangin ng kapahamakan.
Anong ginagawa mo,” singhal ko pa sa iyo.
Ililigtas kita,” iyan ang sinambit mo,
Sabay yakap ng buong higpit sa nanginginig kong katawan.
Hindi kita nilingon,
Ni hindi kita inimikan,
Subalit nakita ko ang anino mo buong gabi –
Sinagip mo ako sa pagkakamali.

Nakita ko ang anino mo kagabi,
Umaasa
Habang patuloy ang pagpupumiglas ko
na makawala sa iyong hawak.
Anong ginagawa mo,” sumbat ko
Sabay tambad sa mata ko ng liwanag,
tumatagos sa butas ng palad mo.
Nilingon kita,
Nahiya akong magsalita.
Ngumiti ka
At ang sabi mo'y
Anak, mahal kasi kita.”

Pebrero 7, 2007
Baguio City

Tuesday, September 25, 2007

Blue-Bored




Sa sobrang boredome, kulang na lang ay magpagulong-gulong ako mula sa Upper Session hanggang Palengke.

Bored ako. Lahat na nang pwedeng pagkalibangan ay ginawa ko -- videoke with friends, blog the whole day, surf the net, watch films, etc. Pati pagitan ng impossibilities sinusubukan kong tawirin, para lang gamutin ang letseng boredome na nararamdaman ko.

When I'm bored, I know I am sad. Kino-convince ko lang minsan ang sarili ko na bored ako pero sa totoo, malungkot talaga ako. Do I have a reason? Or I'm just making it up as well just to keep me from feeling bored? Damn... nanghihina na reasoning powers ko.

Ewan. Masaya naman ako noong weekend kasi naglakbay ako with my co-faculty up north. Kaya lang, parang after the fun, I felt... sad...

Damn... parang ganito 'yung nararamdaman ko. Parang may gusto akong bilhin na bagay pero hindi siya for sale. As in HINDI siya for sale!!! So what I did was stare at it for the longest time until such time na na-realize ko, hinding-hindi ko siya mabibili. Damn!!! Badtrip diba? And the worst part, hindi talaga siya "IT". Diba mas badtrip 'yun??? Diba???
Hay... But that's not the whole reason why I'm sad. It's just a part of it.

Parang ganito. What if 'yung akala kong gusto kong bilhin ay di ko pala gusto? O diba, ang laki ng problema ko kasi gumagawa ako ng problema na hindi dapat problemahin. Shit.

______________
* Pasensya na sa dami ng mura dito sa entry na ito. I will not make any excuse. Alam ko bad 'yun.

picture reposted from http://texasladywolf.imeem.com/photo/KPtE74l7OQ/

Monday, September 17, 2007

My Bestfriends' Wedding




July 23, 2006. Last year, 26th Birthday ko at kasal ng dalawang kaibigan ko. Hay naku, sa dinami-rami ng date sa kalendaryo, birthday ko pa talaga ang napili. Hehehe... Pero okey na rin at least libre handa. Hehehe...
Bakit "My Bestfriends' Wedding" ang title nito? Hahahaha... Secret!

Buhay Kolehiyo: Balara Chronicles


Ito ang setting ng kahindik-hindik na horror story sa sangka-UP-han - #16 L. Wood St., Balara Filters, QC. Dito madalas magmulto ang lagalag na kaluluwa ng mga estudyanteng hindi nagkaroon ng sapat na perang pangrenta ng matinong bahay. Hahaha... Madalas ding gamitin ang bahay na ito para sa pelikula... yung mga pinapasabog. Hahahaha

Buhay Kolehiyo: Ifugao 2002




May 2002. After graduation, sumama ako sa Med and Dental Mission ng AMiCUS UPD at UPM sa Ifugao. Hindi pa uso digital camera noon kaya 'yung mga pix namin, hindi ko alam kung saan hahagilapin. Pero, magandang experience ito (e.g., si lau wid bungal na aleng magpapabunot daw ng ngipin, ang "5 minutes na lang" na litanya ng mga nakakasalubong namin sa bundok kapag tinatanong namin kung malayo pa ba ang lalakarin namin sa bundok, ang "ang saya ng summer" na isinisigaw namin sa sobrang saya, at marami pang iba). Gusto ko ulit bumalik ng Ifugao. Hehehe

Thursday, September 13, 2007

Si Sir Isko at ang MacBook




Pagkatapos naming magpiyesta sa picture gamit ang Macbook, si Sir Isko naman.

Sunday, September 9, 2007

PenPen de Sarapen




Isang monday na walang pasok, nagliwaliw ang dalawang taong walang magawa sa buhay. Ang destinasyon: PENPEN. Masarap naman ang pagkain kaya lang hindi ko nakita si PING MEDINA! hehehe, keri lang, marami pa namang ibang pagkakataon. Salamat sa mabait na batang nanlibre ha! :D

Kung Friday at may Bagong Laptop




Iba nga naman ang nagagawa ng bagong MacBook!!! Kung sakaling nawawalan na kayo ng galang sa amin, hahahaha... deadma lang. Picture-picture!!!
Note: The pretty Macbook isn't mine. Sana makabili na ako this year or next year...

Wednesday, September 5, 2007

Mother's 58th Birthday

Start:     Sep 11, '07
Location:     Siniloan, Laguna

Nginig Factor

"Miss Gagamba..."
"Ahm, Macagba po 'yun, hindi Gagamba."

Iilang bagay lang ang nagpapanginig sa akin. Kung natatakot ako at kung kinakabahan.

Iisang beses pa lang nanginig ang tuhod ko nang dahil sa crush. Nagdidistribute ako ng invitation para sa debut ko noon, mga 1998 'yun (oo na, matanda na ako, shet! hehe). Invited ang crush ko sa debut ko, of course. So pagpunta namin ni Aileen sa bahay niya, inentertain naman niya kami pero sa hindi ko maintindihang dahilan, may ilang minuto siyang nakatitig sa akin. E palaban ako. Tititigan mo ako, tititigan din kita. So titigan kami. Sabi ko sa sarili ko, tingnan natin kung sinong matatalo. E ako ang natalo kasi sa sobrang gwapo niya, tapos nakatitig pa siya sa akin, nanginig na ang tuhod ko. Para akong mahihimatay. Buti na lang kasama ko si Aileen at si Joop, kundi naku. Isang malaking kahihiyan. Siya lang ang nag-iisang crush ko na nagpanginig talaga sa akin. Wala nang iba.

Sunod na rason sa aking panginginig ay ang pagkatakot. Well, marami akong kinatatakutan na bagay sa mundo pero hindi 'yun dahilan para manginig ako. Ang hindi ko talaga ma-take ay ang presence ng gagamba kahit na lumaki akong kaulayaw ang mga alagang gagamba ng kapatid ko. At kagabi, ang kahindik-hindik na pangyayari. Habang nananahimik ako sa aking bahay, may gagambang bumisita sa bahay ko. Hindi ko alam paano siya nakapasok, sarado lahat ng pasukan sa bahay. At hindi lang siya basta gagamba, isa siyang malaking gagamba, kulay itim, at mabalahibo. Parang may puti pa siya sa likod. Shemay talaga. At siyempre, nagtatarang ang lola n'yo. Hindi ko alam kung anong gagawin. Napaiyak na ako sa sobrang takot. Habang sumaklolo ang mga kapitbahay ko, nanginginig ako sa isang tabing pinagmamasdan kung magtatagumpay sila sa pagkuha sa napakalaking gagambang naligaw sa bahay ko. Grabe, ayoko ng ganun.

May naalala rin akong isa pang katulad na pangyayari, hindi gagamba pero ahas. Nasa Heizer St., Balara kami noon. Saktong nag-aaway yata kami noon ng dati kong "kaibigan". Emote nang emote ang lola n'yo maya-maya'y may sumisilip na ulo ng ahas. Ayun, tatarang ulit ang lola n'yo. Nagbati tuloy kami. Ahehehe...

Ayun. So sa sinumang gustong magpanginig ulit sa akin, pwede ba, sana wag gagamba ang rason. Sana kasing-gwapo ka ni ___ at titigan mo rin ako tulad ng pagtitig ni ___ sa akin para manginig ako sa kilig. Ahahaha... :D

Tuesday, September 4, 2007

Monday, September 3, 2007

Kalabog: Isang Kuwentong Baliw

"Kung kaya mong isugal na hindi masaktan sa iyong pagtalon, sige lang, pero kung hindi ka sigurado, pag-isipan mo muna. Mataas 'yan." --Xiaui, habang nakikipagtalo kay Ligay

Baliw-baliwan na naman si Ligay. Nakatakas na naman mula sa kanyang mga bantay. Tumakbo siyang tila wala nang bukas. Umakyat siya sa tuktok ng pinakamataas na gusaling kanyang nakikita. Gusto niyang maramdaman ang hanging umiihip ng malakas sa tuktok ng gusali. Tumingala siya sa kalangitan, sinipat ang langit na nagmamasid sa kanyang kabaliwan.

"Ang saya-saya naman, nararamdaman ko ang hangin, nakikita ko ang langit. Tao pa rin ako!"

Pagkatapos ng kanyang pagkamangha sa hangin at langit, napayuko siya sa ibaba. Isang kabaliwan ang kanyang naisip...

"Tumalon kaya ako? Hmmm..."

Gustong-gusto niyang maramdamang may pakiramdam pa siya. Hindi sapat ang pagkaakit sa langit at pagyakap ng hangin. Kailangan niyang maramdamang nakakaramdam pa siya. At ano pa nga ba ang pinakamagandang paraan upang makaramdam kundi ang pagtalon mula sa pinakamataas na gusali.

"Gaga ka talaga!" Isang antipatikang tinig ang kanyang narinig.

"Ikaw na naman, bakit ka nandito? Sinusundan mo ako 'no... Siguro may crush ka sa akin," wika ni Ligay na animo'y nang-aasar.

"Ay, gaga nga. Paano naman ako magkakagusto sa isang baliw na tulad mo, tsaka, di tayo talo," sabi ni Xiaui with the badidang accent.

"E bakit ka nga nandito? At may palipad-lipad ka pang nalaman diyan. In fairness, ang ganda ng pakpak mo ha. kulay pink! S'an mo 'yan binili?"

"Ay talaga, nagagandahan ka sa pakpak ko? Libre lang 'to e. Nakuha ko lang sa pagtalon ko nung isang araw."

"Wow, tumalon ka rin? Saan?

"D'yan lang sa kabilang kanto. May lumang building doon, e sa katangahan, medyo nadulas. Ayun, napatalon ng wala sa oras."

"A... so katangahan lang pala 'yan. Kailangan bang tanga ka muna bago ka magkapakpak?"

"Actually, depende. May nakausap kasi akong tanga rin pero hindi siya nagkapakpak. Hindi kasi siya lumagapak e. Nasabit sa poste, ayun. Nasagip ng bumbero."

"Ay, ang corny naman nun."

"Gusto mo rin ba?"

"Ahmm.. hindi  ko alam e.  Ang tanging gusto ko lang ay tumalon. Ang tagal ko na kasing hindi tumatalon e."

"Ay, kamusta naman 'yun. Hindi pwedeng ganyan lang. Kasi kapag tumalon ka, lalagapak ka. UNLESS... magbounce ka sa sobrang katabaan mo. Hehehe... Masakit 'yan. Kaya mo na ba?"

"Ha? Gaano kasakit? Mapipilayan, sasabog ang utak, luluwa ang baga... ano?"

"Ahh... ganito... Kung ganito kataas, naku, hindi mo rin mararamdaman ang sakit kasi pagkalaglag mo, patay ka na. Matutuwa ka lang sa sobrang excitement ng proseso ng pagkalaglag. Pero kapag lumagapak ka na, as in super lagapak, wala ka nang mararamdaman kasi mamamatay ka na. Tapos after a few seconds, dyaraaaannnnn!!! May pakpak ka na. Marami kang colors na pagpipilian," wika ni Xiaui habag lumilipad-lipad at paikot-ikot kay Ligay, nagmamaganda sa kanyang pakpak na pink.

"Parang ang gusto ko lang 'yung malaglag. Wala na akong pakialam kung mamamatay ba ako o hindi. Pero parang masayang magkalasog-lasog muna 'yung katawan mo, o kaya sumabog ang utak mo habang nalalaglag ka, o kaya e binabaril ka habang nalalaglag tapos biglang uulan, malakas na malakas na ulan pero hindi babaha. At pagkalaglag mo, mangingisay ka muna tapos sasagasaan ka ng 10-wheeler truck tapos makikita mo ang crush mong may kayakap na iba. Tsaka ka pa lang mamamatay." ani Ligay sa pagkabilis-bilis na pananalita, umangat tuloy ang sarili niya sa lupa.

"Ay, baliw ka na nga. Ikaw ang bahala. Gusto mo ba talagang tumalon? Sigurado ka?"

"Hindi ko alam. Ayoko naman ng pink na pakpak. Gusto ko brown para ipis. Hahaha."

"Bahala ka. Sasabayan na lang kita kung sakaling tumalon ka na para hindi naman lonely ang iyong pagbagsak. Ang sweet ko 'no?

Nag-isip si Ligay. Mataimtim na pag-iisip. Sinubukan niyang iangat ang kaliwa niyang paa, nais pakawalan sa lupang naghihintay ng kanyang pagkabagsak. Natakot. Napaluha. Naalala ang huling beses na tinangka niyang tumalon.

"E hindi naman ako magkakapakpak pag tumalon ako e. Babalik lang din ako sa mental. Sasabihin nilang baliw ako, at pipiliting patinuin. Tingnan mo, inaabangan na nila ako sa baba. Ilipad mo na lang ako sa ibang mataas na gusali. Baka sakaling hindi na nila ako masundan."

"Sige, pero siguraduhin mong tatalon ka kasi baka ibagsak lang kita sa pagkainis ko sa'yo. Ayusin mo ang utak mo."

"Pano ko kaya aayusin e baliw nga ako diba?"

"Ewan ko sa'yo basta magdecide ka na. Ang labo mo kasi e."

At nagpatuloy ang kanilang pagtatalo habang lumilipad sila gamit ang pink na pakpak ni Xiaui. Tinahak nila ang papalubog na araw, naghahanap ng mataas na gusaling pwedeng talunin ng nababaliw na si Ligay.