Monday, October 27, 2008

One word from you and yet it hurts a lot

You said, "BYE" when I said hello.

Fine. You will hear nothing from me anymore. I got your point, YOU DON'T LIKE ME!!! So, I suggest you stop calling me.

You're making me hate you.

Sunday, October 26, 2008

Ayokong Lumagapak



"Can't take my mind off you..."  --Damien Rice, A Blower's Daughter

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung matutuwa dahil tinawagan mo ako ulit o malulungkot dahil alam ko na kahit anong mangyari hindi-hindi magiging tayo dahil sobra tayong magkaiba. At maaaring iba rin ang gusto mo, 'yung binanggit mo kanina na nagkataong malapit kong kaibigan.

Gusto ko sanang tumalon, at hayaang mahulog ang sarili ko sa'yo, bahala na kung sasaluhin mo o hindi, pero, tulad ng sabi mo noon, hindi na rin ako bata -- para isugal ang puso ko na masaktan sa taong alam kong hinding-hindi ako maaaring mahalin.

Kaya, iniiwasan kita, hangga't kaya ko, at hangga't ipinagkakaloob ng pagkakataon. Pero sa tuwing makikita kita iniisip ko na sana kahit konting pagkakataon ay ibigay mo sa akin, na sana pwedeng makalimutan mo muna na iba ako sa'yo at hayaan lang na mahalin kita. Pero, hindi naman ganun kasimple ang mga bagay-bagay.

Sa tuwing tatawag ka, tulad ng ginawa mo kanina, lagi't lagi akong nagugulat. Ginugulat mo ang mundo ko na parang ginusgusto pa lalong tumalon, pero mas lalo lamang ding isinasampal sa akin na HINDI talaga pwede.

Gusto kitang mahawakan, gusto kitang makitang nakangiti, gusto kita makausap, gusto kong marinig kang tumawa.

Pero... ayokong lumagapak.

Food Fair

Start:     Nov 22, '08
End:     Nov 26, '08
Pagkain from all over the world. Hmmm... Patay na naman dieta ko nito. Sana lang masarap food nila, at sana maligo naman silang lahat! Ahahaha

Career Fair

Start:     Nov 14, '08
Location:     AIT, Pathum Thani, Thailand

AIT-TU-NSTDA sports day

Start:     Oct 31, '08 12:30p
Location:     Dito lang sa AIT, Pathum Thani, Thailand
Ayun, sports day daw. Yun lang. As if kasali ako. ahahaha...

Thursday, October 23, 2008

MidTerm Gaga

"Cramming is bad for your health."

Noong midterms week, lagi akong umaga natutulog, mga ganitong oras, hindi dahil nag-aral ako ng mabuti kundi dahil kailangan kong madaliin at tapusin ang pag-aaral para sa exam kinabukasan. Cramming - ang sakit ng karamihan sa mga UPian.

Si Arjay, ang pinakabonggang crammer na nakilala ko. Walang tatalo sa kanya sa pagka-aligaga sa tuwing nagka-cram. Pero hindi 'yun ang dahilan bakit nasabi kong pinakabongga si Arjay pagdating sa pagka-cram. Kasi, nagka-cram na nga siya, lumulusot pa rin. Flying colors ang mga grades, perfect ang mga presentation... mga ganun ba. Well, halos lahat ng UPian na kakilala ko ganyan, lumalabas ang tunay na anyo kapag nasa binggit na ng kung anuman. Parang hindi nasisiyahan kung walang challenge, kung walang adrelanine rush, parang ganun. And yes, ganun din ako. Hindi nga lang madalas makalusot. Ahehehe.

Before nag-midterm exam dito, kung anu-ano ang pinaggagawa ko -- may pagpapa-cute, may panonood ng Heroes, may pagbababad sa kainan, sa kung saan-saan kasi may hinahanap na kung sino... mga ganun bang walang kapararakang bagay, habang kinakabahan na malapit na ang exam.

Dumating ang exam week, ayy!!! Hayan na, naloka na si bakla. Inuumaga sa pag-aaral (na may kasamang kuwentuhan, kainan, etc. samahan mo pa ng conversation sa mga PSEUDO-CONFRONTATIONAL na tao). Natatakot ako na baka hindi ko mapasa 'yung exams ko. Pero, sa awa ni Lord, ayun nakapasa naman. Though disappointed ako sa tatlong exam (lalo na dun sa isa kasi naka-A si Barbie!!! Shit!) Ayun. Noong wednesday, lumabas na 'yung grades namin for the midterms and here's my grade:

Photobucket

Surprisingly, I got two As and three B+. Wala akong B, lalo na C. Ang galing-galing ni Lord! Nakakatawa pa 'yung isang A ko kasi second ako sa highest sa exam. Ahaha, natatawa ako kasi hindi ako nag-aral sa subject na 'yun. At hindi ako architect or civil engineer (Urban Housing kasi yung subject). Funny but I'm thankful for that.

Kailangan ko pang magpursige kasi hindi pa tapos ang laban, midterms pa lang yan, may finals pa at mukhang mas madugo ang finals. Tsk tsk tsk. (Buti na lang nahabol ko na yung Heroes, paisa-isa na lang ang nood ko ng episode.) So, para maiwasan ang kangaragan sa finals, at para maging maganda ang FINAL GRADE, tatantanan ko na ang cramming...

Oh well...

Thursday, October 16, 2008

Ako

Parang walang silbi ang lahat -- walang kulay ang langit, hindi humuhuni ang mga ibon, hindi nakababasa ang ulan, at ang araw, nasusunog ka na'y hindi mo pa rin nararamdaman.

Nababato ka lang ba o nahihibang ka na?

Saturday, October 11, 2008

I miss...

...doing nothing

...pinoy tv

...paksiw na bangus

...bodhi

...my bed

...bitchy and ding

...ukay-ukay

...good shoes

...my friends

...my mom

Curious ka ba...




...kung ano ang pinaggagagawa ng mga Pinoy sa AIT? Well, wala naman masyado.



FILA Welcome Party for New Students

Photobucket


Photobucket


Donna's Bday Bash

Photobucket


Puyatan sa SERD Computer Lab

Photobucket


Ching's Bday Bash

Photobucket

Friday, October 10, 2008

AITSU Welcome Show

Start:     Oct 25, '08
Location:     AIT, Khlong Luang, Pathumthani, Thailand
Patalbugan ng mga Nasyon at FoS sa AIT. In other words, magkakalat na naman ako!!! Oh my!!!

Fieldtrip ulit ED79.04

Start:     Oct 15, '08
Dr. Now's class. Sana hindi na babuyan... ahehehe

Kangaragan, Katangahan, and everything else

Kung gusto mong makalimot, wag kang mag-inom. Subukan mong mag-cram para sa apat na exam habang nagma-marathon ng Heroes Season 1 hanggang 2. Sabayan mo ng study sessions a.k.a. kainan-tsikahan sessions kasama ang mga friendly-friends mo. At makipagkilala kina Lee, Lewis, Todaro at kung kani-kanino pang mga utaw na walang magawa sa kanilang buhay at nag-postulate ng mga kuning-kuning na teorya sa migrasyon, habang kumakanta ng "when the sun shine we'll shine together" habang ginagaya ang pag-pronounce ng Bangladeshi mong prof sa letter "s" (it goes a little something like this... "when the jan jyn we'll jyn jogeder..." ahahaha). Isama mo pa si Tchebycheff na ewan ko ba kung anong pumasok sa utak at nag-formulate ng probabilty of data inside and outside the interval of interest. Or makipag-friends sa scientific calculator mo at alamin kung nasaan ang ln at e dahil sigurado, kakailangin mo 'yan sa exam. Alalahanin mo rin ang algebra, baka mag-transpose ka ng formula, kahit na alam nating lahat na ang math mo noong college ay Math 1 lang. Deadma na lang. Magpanggap na magaling ka sa math. Magpanggap na nag-aaral ka. Magpanggap na si Suresh ang lalaking para sa'yo at kasama ka sa cast ng Heroes. Ganun lang. Happy ka na nun, i'm sure. And just hope na hindi siya mag-a-appear sa harapan mo or tatawag ulit para lang magtanong kung may kinalaman ka sa mga kuning-kuning ng boring niyang buhay.

Dahil kapag bigla na naman siyang nag-appear or nagtanong ng mga not-so-perfect question, baka masampal mo na siya at sabihin sa kanya, in a very lucid english (term ni prof. Amin) na:

"Hay naku, tatanga-tanga ka talaga. Oo na, ako yun. Pero sasabihin ko ba sa'yo yun kung ang tanong mo sa akin ay kung may kinalaman ako sa mga kuning-kuning na 'yan? Siyempre kung ako ang salarin, malamang hindi ko aaminin sa'yo over the phone. Hello?!! Mamaya niyan naka-speaker phone ka at nakikinig ang buong chenebarbar community, tapos bigla mo akong babastedin at sasabihin mo sa akin na, "I'm so sorry. I don't like you." Shet, ayokong mabasted ng miyembro ng society mo, lalo na kung over the phone. At kahit hindi sa telepono, ayoko pa rin 'no. Ano na lang magiging reputasyon ko dito, ang Pinay na binasted ng isang manhid at mukhang tuod na chenebarbar? Ang pangit nun ha. Hindi magandang description para sa presidente ng Filipino Student Community dito. Baka mapaaway pa ako niyan, paano na lang ang pag-maintain ng "diplomatic relations between countries". Hay naku 'no. Hindi ko feel! Pero alam mo, kung ang tanong ay "Is it you?", ay naku, malamang sumagot ako ng "Oo." e di tapos na sana problema mo, kung pinoproblema mo man. Pero paano mo 'yun maiintindihan e Filipino 'yung "oo"? Hay naku, bahala ka. Nandiyan na ang lahat ng clues, tatanga-tanga ka pa rin. Nandun na nga name ko, hindi mo pa rin ma-gets. Bahala ka na nga lang, tutal ang sabi mo naman e matanda ka na para sa mga ganyang laro e di wag na lang, as if naman naglalaro ako. At pwede ba, magka-age lang tayo, ibig sabihin matanda na rin ako? Maligo ka kaya?"

Pero paano mo ita-translate 'yun? Ang haba nun 'ne! And besides, hindi mo kailangang mag-explain. At kung mag-explain ka man, does it matter? Hindi ka pa rin naman niya gusto, at panggulo lang siya sa concentration mo sa studies (as if nag-aaral ka...) So, tantanan na lang ang mga kuning-kuning na ganyan dahil sabi nga nila, "WALANG FUTURE SA PADER!" E daig pa niya ang pader sa kamanhidan, lalo nang walang future! Ano ba 'yan!

So, mas mabuti na lang kung kalimutan siya. And I'm sure madali mo lang magagawa 'yun dahil praktisado ka naman sa ganyan. Normal nang tugtugin ang mga linyang "He doesn't like me!" Hindi na bumibenta sa takilya ang ganyang drama. Mag-comedy ka na lang, or action! Or kung gusto mo, magpapayat ka na lang para ilo-launch kita na sexy star... sa Patpong!!! Ahahaha! Ay, masisira naman ang reputasyon ng Patpong sa'yo, wag na lang. Action star ka na lang, mas bagay!

Or better yet, magsunog ka na lang ng kilay sa pag-aaral, or pwede ring i-omit na lang ang "sa pag-aaral". Magsunog ka na lang ng kilay kapag wala kang ginagawa. Tingnan natin kung pwede kang sumali sa cast ng Heroes, baka nagre-regenerate ang kilay mo!

Bongga diba? :D

Thursday, October 9, 2008

Tanned

Kainis. Noong dating ko dito, medyo maputi pa ako. Dalawang buwan pa lang ang nakalilipas, para na akong nagbabad sa beach, to think na hindi pa ako nagpupunta sa beach. Hay naku, paano na lang kung magbeach pa ako, e di nognog na labas ko. Hay. Tapos wala akong tan line, hmp.

Ang init naman kasi dito, tapos ang layo pa ng dorm ko. Hmmm... pagbalik ko ng Pinas, nogrita na ulit ako. Shet. Hmp.

Sunday, October 5, 2008

Roses have Thorns

"...when you're sure you've had enough of this life, well hang on..." --everybody hurts, REM

Remember the reason why you're here, and don't lose focus.

Conquer the world. Show the world what you are capable of. Make them tremble. All the pain these people caused you will become your fuel, your driving force to continue fighting. And that same fuel will be the one to put them to their destruction.

You're not Xiaui for nothing.

_________
* No one can hurt me if I don't allow it. I will not cry for any man again.

Wednesday, October 1, 2008

May Ganoong Moment Pala

I can't believe this. Namayat din naman pala ako kahit minsan e. Kung hindi ko pa nakita 'yung pinost ni Dux sa multiply niya (AMiCUS Alumni Homecoming 2003), hindi ko marerealize na namayat din naman pala ako... tingnan n'yo 'to:

Di ba naman? Hindi ako makapaniwala na naging ganyan ako kapayat! Pwede naman pala ma-achieve 'yung ganyan e... Ahahaha... try ko nga ulit. :D

(At siyempre, kasama talaga si erwin sa picture... ahahaha!!! Wala lang...)