Sunday, January 30, 2011

Emoticon #1

Kung ang love ay katumbas ng pagbili, ayoko ng tiangge or sale. Ayoko kasing nakikipag-agawan. Gusto ko kung akin, akin lang. Hindi naman kailangang made-to-order na walang katulad. Ayos lang ang may katulad, wag lang yung binili ko ang pag-iinteresan o kaya hihiramin. Selfish kasi ako e, ayokong may ka-share.

Ang Pagdadalaga ni Papa P

Thanks to ANC at sa kanilang mga news-recaps, nakasilip ako sa pagdadalaga ni Papa P sa The Buzz.

Apparently, umamin na si Papa P na sila nga daw ni Mareng KC at matagal na yata sila. (Sa lahat ng pag-deny nyo and all, hindi ko talaga ma-gets bakit may ganitong aminang nagaganap. Ang siyowbizzz!!! Haha!) Sa totoo lang, wala naman akong kebs kung sino man maging jowa ni Papa P. Nakakatawa lang ang kanyang reaction habang inaamin niya ang kanyang pag-ibig kay KC. Kinikilig si 'Day na para bang first time niya mainlab. Kulang na lang ay tumili siya sa kilig na nararamdaman niya.

Haay. He's so... (hindi ko na lang tatapusin ang sentence, baka sugurin ako ng mga fans ni Papa P... hehehe)

Yun lang ang chika ko for today, at talagang kailangan kong i-blog. Haha. Ang Negatron ko kasi. 

Manila Chronicles: Calm


Minsan
sa
isang
linggo,
kalmado
ka.

Minsan
lang.

Kape and other drugs




We were supposed to watch "Love and Other Drugs" e super late na, ayun kape na lang. :)

Saturday, January 29, 2011

LSS sa Maginhawa: Turn it off, NOW!

I heart Hayley. :)

Natalie, ur scaring me!!! hahaha

Ligay is dead.

Nagtuturo ako ng Kritisismong Pampanitikan dati at gustong-gusto kong ituro ang subject na yun. Anything goes kasi. I mean, syempre nandun yung basics, theories and all, pero marami na kasing paraan ng pagbasa ng panitikan at nakakatuwang marinig mga opinyon ng mga estudyante sa kung anu-anong texto na itatapon mo sa kanila (and of course, fun lang ang klase para ma-appreciate nila ang panitikang Filipino.)

So binigyan ko sila ng exercise, paper actually. Kailangan nilang basahin ang isang tula at gagawa sila ng papel tungkol dun: paano ang pagkakabasa nila sa tula. Bahala sila kung paano nila yun babasahin o kung anong teorya ang gagamitin nilang gabay.

Ang binigay kong materyal ay yung luma kong tula, yung MULTO. Hindi naman ako nag-expect ng sobrang bonggang kritik mula sa tula na yun. Gusto ko lang makita pano nila babasahin yun at dun na ako kukuha ng paraan pano ko ipapaliwanag sa kanila ang mga anik-anik na kailangan nilang malaman.

So yun na. Initial reaction nila nung binigay ko yung tula, "Ang drama naman nito Ma'am. Sino si Ligay?" E hindi ako nag-disclose ng info kung sino yung author, kung sino si Ligay. Kasi nga kapag nalaman nilang ako ang nagsulat nun, malamang bobolahin lang nila ako sa kanilang mga mabubulaklak na mga pananalita tapos madadala naman ako kasi, wala, pariwara lang talaga ang utak ko sa mga ganyan. hahaha.

Pagdating ng pasahan ng papel at nang tsinetsekan ko na, may mga lumabas na politikal daw ang tema ng tula, tungkol sa kalayaan, at kung anu-ano pang echos (at siyempre may nagsabi rin na walang kakwenta-kwenta ang tula na yun. Dont worry, pumasa naman siya sa klase ko pero may bahagi sa akin na gusto ko siyang ingudngud. hahaha.) Syempre bilang ako ang nagsulat nun, natatawa ako sa mga pagbasa nila dahil hello, wala namang bahid ng politikal echos ang utak ko nung sinusulat ko yun, pero in fair, pwede rin. Mahabang talastasan nga lang. Pwede ring mga kalayaan and all, pero ang puno't dulo lang nun e ang pag-e-emo ko at hindi ko naman yun masabi dahil "the author is dead" daw. Labas ang aking pagiging author ng tula sa pagkakataon yun. Kaya, keri lang.

Pero wag ka. Habang natatawa na nga ako dahil sobrang hindi ko inexpect na ganun nila yun babasahin, may isang kagimbal-gimbal na pagkabasa ang aking natagpuan. Natigilan ako at nasabi sa aking sarili na, "Kilala ba ako nito? Bakit niya alam?" Sabay tawa na nagulat na lahat ng tao sa faculty room. Parang ganito ang sabi niya:

"Ang tulang ito ay tungkol sa isang taong naghahanap ng kalayaan sa isang lipunang mapanupil. Pumipiglas siya subalit sa tuwing kanyang susubukan ay bumabalik pa rin siya sa katotohanang hindi siya matatanggap ng lipunan. Bakla si Ligay."

HAHAHAHAHAHA.

Next class namin, bitbit ko na yung result ng paper nila. Bungad na bati ko sa kanila ay:

"Ako si Ligay."

Isang segundong katahimikan at napuno ang silid ng iba't ibang tono ng sigaw, na parang yun na ang katapusan ng kanilang buhay. Haha.

Friday, January 28, 2011

Sunday, Emo Sunday




Manila Bay Sunset
Sabayang Emo
Kanya-kanyang Emo

The last sunset daw ng 20s ni Grets, dahil two days ago was her 30th. Thus the sunset emo-trip by the bay. Yun lang, kanya-kanyang emo! Hehe.

With Sheli (The Geek Emo), Grets (The Emo Bday Girl), Vinz (The Rockin' Emo Photographer), Lau (The Emo-ticon), Arjay (Si Direk Emo). At siyempre kasama ako, The Emo. :)

Emo vs Jejemon

Alin mas trip nyo?

Emo
 
 3

Jejemon
 
 0

Wala. Yuck pareho.
 
 1

Pareho. Bcoz I am both. :P
 
 0

Ang pinakamatinding tanong ng taon:

Hahaha 

Thursday, January 27, 2011

OA

May kakanin na sikat sa amin sa pangalang OA. Meron siyang niyog, malagkit, asukal tapos idi-deepfry... ayun, OA sa ingredients. Haha.

Sa mga ganitong panahon, parang naririnig kong tumatawag yung nagtitinda, "OA, OA, OA kayo jan!!!" tapos tatapat siya sa bahay namin hanggang sa makulitan kaming lahat at bumili ng kanyang OA.

Hindi ako kumakain nun. Kung kakain man, tipong once a year, or kung may bisita na pamangkin, friends, etc. Iba kasi dating sa akin nung pagkain. Masarap naman siya, mabigat nga lang sa tiyan kasi malagkit na giniling with niyog at nilublob sa asukal.

So parang nararamdaman ko lang na pinatatamaan ako ng pangalan ng pagkain (OA talaga!), sukdulan na raw ang kaartehan ko sa buhay. Parang walang bukas kung magmoda. At kung malalaman ang dahilan, mapapatahimik ka na lang sabay tingin sa akin ng masama. Kasi wala naman (dapat) kapararakan. OA lang talaga. Alam mo yung exaggerated version of myself, redundant na kasi exaggeration na ako to begin with! Hahaha.

Ayun. So kadiri na. Tama na. kapag nasobrahan sa OA, either sasakit lalamunan dahil sa tamis or... magpapakawala ng sama ng loob sa kubeta.


Turn It Off

I scraped my knees while I was praying and found a demon in my safest haven. Seems like it's getting harder to believe in anything than just to get lost in all my selfish thoughts.

I wanna know what it'd be like to find perfection in my pride, to see nothing in the light. I'll turn it off, in all my spite. In all my spite, I'll turn it off.

And the worst part is, before it gets any better, we're headed for a cliff. And in the free fall I will realize I'm better off when I hit the bottom.

The tragedy, it seems unending. I'm watching everyone I looked up to break and bending. We're taking shortcuts and false solutions just to come out the hero.

Well, I can see behind the curtain. I can see it now. The wheels are cranking, turning. It's all wrong, the way we're working towards a goal that's non-existent. It's not existent, but we just keep believing.

--Paramore

Repost: Itakas Mo Ako

Itakas Mo Ako

Itakas mo ako
doon sa hindi kailangan
ng pakiramdam,
kung saan kaya kong
iwanan ang puso ko
na nakabilad sa araw
hanggang tuluyang manuyo't
mawalan ng saysay.

Ilayo mo ako
doon sa hindi tanaw
ng paningin ng tao,
kung saan kaya kong
maghubad at maglantad
ng katauhang naghihintay
ng pagkaagnas.

At iyong gamutin
ang namamalirong kong isip
mula sa latigo ng panahon,
hanggang ito'y maghilom
at muli akong makapagtanim
ng binhi ng katapangan.

Alisin mo ang langib
na dulot ng kapighatian,
dahil hanggang taglay ko
ang bahid ng lagim,
hinding-hindi sisibol
ang inaasahan kong kasagutan.


Sharon Feliza Ann P. Macagba
Abril 17, 2007
Baguio City

.

Turn to the light. Don't be frightened of the shadows it creates.

Wednesday, January 26, 2011

Chicken

Hindi ko alam ang ibig sabihin ngayon ng tulog, o ang pangangailangan ng mas mahabang oras dahil buong 24oras mahigit, gising ako. Emo trip + kape = insomnia. May mga salita kasing gustong lumabas mula sa utak ko na hindi magawang maibulalas. Maaring dahil natatakot o sadyang hindi pa kayang pakawalan. Ewan. Pero kagabi, kinailangan kong iiyak, ilabas lahat ng kayang ilabas dahil kung hindi, ang pangit ng pakiramdam. Natakot nga lang akong sabihin ang dapat kong sabihin, isulat ang dapat isulat kaya wala pa rin. Balak kong magtago para wala na lang, makalimutan ko na lang na kailangan ko palang ilabas yun. Pero... overdue na yun e. Kung itlog yun, manok na ngayon. At kung hindi ko pa ilalabas yun, ako na ang lalamunin ng mga manok sa dibdib ko o baka mangitlog na ako.

Baka bukas, pwede na. Sana lang hindi na ako maduwag.
The starry night
Anne Sexton

That does not keep me from having a terrible need of -shall I say the word- religion. Then I go out at night to paint the stars.
- Vincent Van Gogh, in a letter to his brother


The town does not exist except where one black-haired tree slips
up like drowned woman into the hot sky.
The town is silent. The night boils with eleven stars.
Oh starry starry night! This is how
I want to die.

It moves. They are all alive.
Even the moon bulges in its orange irons
To push children, like a god, from its eye.
The old unseen serpent swallows up the stars.
Oh starry starry night! This is how
I want to die:

into that rushing beast of the night,
sucked up by that great dragon, to split
from my life with no flag,
no belly,
no cry.

Before Sunrise

Daydream delusion,
limousine eyelash.
Oh baby with your pretty face,
Drop a tear in my wineglass.
Look at those big eyes.
See what you mean to me:
Sweet-cakes and milkshakes.
I’m a delusion angel.
I’m a fantasy parade.
I want you to know what I think.
Don’t want you to guess anymore.
You have no idea where I came from.
We have no idea where we’re going.
Lodged in life,
Like branches in a river,
Flowing downstream,
Caught in the current.
I’ll carry you.
You’ll carry me.
That’s how it could be.
Don’t you know me?
Don’t you know me by now?

– Before Sunrise

Manila Chronicles: Kape

"Would someone care to classify
Of broken hearts and twisted minds
So I can find someone to rely on..."


Gusto ko lang maglakad. Gusto ko lang magkape (hindi kasi pwede ang alak.) Gusto ko lang palipasin ang gabi.

Tambay sa kapihan. Usap-usap tungkol sa mga bagay na karaniwan namang hindi napag-uusapan. Nais sanang simulan ang isang makabagbag-damdaming pagninilay-nilay subalit nauwi na lang sa mga adik na bagay. Tumawa. Natuwa. Nakalimot kahit papaano. Uuwi pa ring mabigat ang kalooban pero ayos na lang kesa mag-emo mag-isa sa bahay.

Sa kabilang kapihan, may lalaki at babae na nag-uusap. Nakaupo si lalaki. Malungkot. Nanlulumo. Walang pagkikibit-balikat na umalis ang babae. Naiwan si lalaking nakaupo, ang mga kamay ay sinasalo ang ulo. Pinapahid ang walang prenong paglabas ng kanyang emosyon. Lumuluha. Hindi yata sapat ang kape.

Tuesday, January 25, 2011

Manila Chronicles: WTF!

What the hell is happening to the world? Seriously. Mas maiintindihan ko pa yung mga nanghoholdap kasi walang pangkain, kaysa sa nambobomba dahil lang trip nila. ANO BANG PROBLEMA N'YO? Injustice? Inequality? Discrimination? Walang magawa? Hindi ba lahat naman tayo apektado niyan? Kung yan problema n'yo, mag-emo na lang kayo! Oo nga. Lahat tayo gusto ng mas maayos na buhay, maayos na sistema ng pamumuhay, mas may silbi... pero naman!!! Alam nyo ba kung anong problemang kinakaharap ng mga tao na yan pero nananatili pa rin silang lumalaban kahit mahirap, kahit pa sabihin mong walang kakwenta-kwenta ang existence nila dahil napapaloob sila sa isang sistemang mapanupil. At least sila, pinipilit mabuhay dahil umaasa na sa darating na panahon, masosolusyunan ang mga bagay na tila walang solusyon. And besides, wala naman kayong karapatang kunin ang buhay nila. Kung magpapakamatay sila, say, tatalon sa building, iinom ng lason, maglalaslas ng pulso at kung anu-ano pang kaemuhan e choice nila yun. At least pinili nila yun. Hindi yung ganyan na sa isang iglap, wala na! Deds na! Pati pangarap ng ibang tao sa kanila, maaaring pati pangarap ng bayan para sa kanila.

Hay naku, badtrip kayo.

Traffic tuloy.


*Disclaimer: My deepest sympathies to the victims of the bombing incident at EDSA yesterday and to their families. My thoughts may not have been pure, but my sympathies are.

Monday, January 24, 2011

Emo-dium 101

Remembering is difficult when you did everything in your power to forget.

Emo

"Saksak puso, tulo ang dugo..."

May dalang lungkot daw ang bawat pagpatak ng ulan. Kaya kung sandamakmak ang ulan na bumubuhos, yun na! Emo day na!!! Yeh! :D

***

"I can emo all day..." sabi ko sa aking mga friends habang hinahamon to do an emo-marathon! hahaha! Well, based on my track record, I can emo for months!!! Hahahaha :P Pero ika nga ni Arjay, "Not kewl!" :P

***

"Are we gonna be like this for the rest of our lives -- hungry and broken-hearted?" Haha. Masamang kumbinasyon -- gutom at emo! Nakakamatay yun! Kaya, kain na tayo para hindi mag-emo! :)

***

"I need a steerer..." --Sheli, The Queen of Emo!!! Hahaha, kulang na lang ay makapal na eyeliner at yun, emong-emo na ang dating. :) Advice ko sayo, kalugin mo na lang! :D

***

"Ibalik mo ang piso ko." --Lau, para sa taong dinededma siya sa text. Hahaha.

***

"Ayoko sa FEU, AU, NU, CEU, MCU, DLSU, PCU, ADMU... Gusto ko SAU." --parang hindi yata ito dapat nandito. Korni ngay! (Natawa naman...)

***

"Love your heart, don't cry it out for someone who doesn't even know your real name." Nga naman, may point siya dun. Tingnan mo sina Romeo and Juliet, after nilang mainlababo sa isa't isa saka nila malalaman na hindi pala sila dapat nainlab. "My only love sprung from my only hate! Too early seen unknown, & known too late!" O diba! Panalo sa kaemohan si Shakespeare! Hihi

***

And to end this post, here's an emo tula about the rain... for you, and you, all of you! Hahaha, adik! Enjoy!

***

Kung ang Ulan

Kung ang ulan
ay lasong nakakamatay,
ako ay lalabas,
ako ay nganganga;
lalagukin ang bawat patak
mula sa nangangapal na ulap;
unti-unting dadaloy sa bawat ugat ng aking katawan.
Mamamanhid.
Mawawalan ng pakiramdam.
Di na masasaktan.
Kung ang ulan
ay punyal na papatay sa akin,
ako ay lalabas,
ako ay nganganga;
nanamnamin ang pagtarak
ng daang-libong punyal sa aking lalamunan.
Ang dugong kulay pighating mistulang sumabog na bulkan,
lalaya,
dadaloy.
Paaabutin ko sa iyong paanan.
Ang kulay ng aking dugo,
Habang panahon mong iiyakan.

O kay sarap ng ulan!


Ligay
6 Mayo, 2001
Siniloan, Laguna

Friday, January 21, 2011

A Fish Tale: Bubu and Mumu


Magjowa daw sila :)

Meet our new housemates: Bubu and Mumu.

Wala pang sand at decorations yung kanilang crib, di pa kami nakakabili. Pero sabi ni Sheli, ilagay na lang daw namin ang kanyang baong Boracay Sand. Hehe.



Thursday, January 20, 2011

Manila Chronicles: Faint

Last Friday, one of those typical Fridays. Bangag mga tao, mukhang zombie, agit na sumasakay ng jeep, bus, mrt.

Isa lang din naman ako sa mga bangag na mga tao kasi morning person ako, morning natutulog! :P So sa kabangagan, dun na ako napasakay sa pinakahuling bahagi ng tren, sa mga guys habang nagwowonder kung mag-i-intervene si kupido at dito niya isusulat ang aking kuwentong pag-ibig na alam nating lahat na sa pelikula lang naman nangyayari (Sabi nga ni KC, "it's not like the movies at all." hehe)

At syempre, hindi na uso ang gentleman ngayon. So tatayo ka lang din sa mrt habang nakikipagsiksikan. Pero in fairness, hindi ka naman susuntukin nung mga yun kung medyo nagpapasaway ka. Hindi katulad dun sa girls' section na parang mga amazonang susugod sa gera yung mga girls with all the matching stilettos and hand bags to go with the amazona look. Terrifying!!! Hahaha.

So yun na nga. Parang good mood yung mga guys, walang commotion na nagbabadya. May kumakanta pa nga e, at medyo feel na feel niya! Gusto ko siyang lingunin kung cute siya, kaya lang baka maamoy ko kilikili niya kaya wag na lang! Haha. Yuck!

At habang may mga ganyang tumatakbo sa utak ko, biglang may kakaibang nangyayari. May lalaking umupo na lang bigla sa sahig, malapit pa naman siya sa pinto. Una kong naisip, "Ah baka napagod lang siya kakatayo." Pero naisip ko rin, logical ba yun? Parang weird. Oo, napapagod din naman ang mga guys pero hindi naman sila mabilis mapagod. Naisip ko rin na baka may dumating sa kanyang masamang balita at hindi niya nakayanan. Yung tipong nakipagbreak sa kanya ang gurlfrend niya, sa text hindi man lang tumawag, tapos bukas na kasal nila, ganyan! Haha. So devastated siya. Feel ko naman yun talaga ang dahilan.

Maya-maya, sinandal na siya nung mga kalapit niya. Pinagpapawisan ng bongga si Kuya (actually mukhang bata siya sa akin, hehehe.) at namumutla. Maya-maya pa, ayun na! Nag-collapse na siya. Kamusta naman. Sabi namin, magsignal na sa driver para maitigil yung tren. E biglang nagkamalay na siya, at parang bumubulong dun sa tumutulong sa kanya na wag na at okey lang siya. Pinaupo na lang siya para hindi na siya mas mahilo pa.

Hindi namin tuloy alam gagawin. Naisip ko baka nagugutom lang si Kuya. Mukhang mag-aaplay kasi siya ng trabaho (all black ang outfit, may dalang folders, cute... :D) tapos dahil kakamadali nakalimutan na niyang kumain. O baka kaya siya naghahanap ng trabaho kasi malapit nang manganak yung misis niya (may nakita kasi akong ring pero nasa kanang ringfinger e, hindi ko alam, san ba dapat nakalagay yun sa left o sa right?), problemado, nakalimutan nang kumain. O baka napuyat...

Gusto ko sana siyang tanungin kung okey lang siya (obviously hindi siya okey) at i-offer yung oatmeal cookie na dala ko (ako na ang may baon sa laki kong 'to! Hehe :P) pero before pa lumabas ang mga salitang dapat itatanong ko to show my concern, biglang nag-auto-editing ako. Yung sasabihin ko sanang "Okey ka lang?" ay muntik ko nang maibulalas in KOREAN. Kamusta naman yun. Baka mas lalo siyang mahilo kaka-figure out ano yung sinasabi ko! Haha. Buti na lang may nagbigay sa kanya ng mentos, medyo nahimasmasan siya.

Eventually, bumalik na sa kanya-kanyang buhay yung mga tao. Kanya-kanyang baba sa mga destinasyon. At sa tuwing may bumababa, lagi siyang nagpapasalamat. Parehong Taft kami bumaba, pero feeling ko hindi talaga siya dun bababa. Paglabas namin ng tren, nag-thank you siya sa akin. 

Saka ko na lang siya natanong kung okey na siya. Okey naman daw siya.

Pero di ko nabigay yung oatmeal cookie. Buong maghapon ko tuloy iniisip pano kung mahilo na naman siya, kasalanan ko ba yun kasi hindi ko binigay yung oatmeal cookie ko. :(

Teorya at Praxis :P




Kelangan ng Urban Planning sa Cityville. Seryosong bagay 'to! hahaha

Wednesday, January 19, 2011

Umagang Kay Ganda: Angas Version

Nagmomoda ang radyo. Tumitilaok na ang celphone. Umaga na naman, ayoko pang bumangon.

Makikipaghabulan na naman sa oras mamaya. Makikipagsiksikan sa MRT na parang daga. Magpapanggap na naiidlip kesa makipagkaibigan sa tuktok ng kalapit. Magpapalipas ng gutom sa dami ng ginagawa.

Ang silay ng araw, sa bintana na lang nakikita. Ang patak ng ulan, hindi na maalala. Ang ulap, hangin, tiririt ng maya at kung anu-ano pa, wala. Sa dyaryo na lang nakikita ang ulap, sa mga tao na lang nararamdaman ang hangin. Ang huni ng maya, ilusyon. Utak lang yun na nagsusumigaw nang "Tama na".

Kape ang kaulayaw maghapo't magdamag. Kape ang sandalan kapag nananamlay. Kape ang kausap kapag tumatakas. Kape ang dumadaloy sa buong katawan- malapot, matapang, walang asukal.

Lulubugan na lang ng araw kakahintay ng masasakyan. Pag-uwi ng bahay, plakda! Wala nang ibang magawa.

Hay buhay.

Umaga na naman. Ayoko nang bumangon.

Tuesday, January 18, 2011

Hot and Spicy

"Lalalalalalalashing..."

Posers! Haha.

E para lang din naman kaming lashing. Sama ng araw. Balak ko sanang laklakin 'yung mga DON'T-DRINK-OR-I'LL-KICK-YOU drinks sa cupboard e. Naudlot lang ang aking masamang balakin dahil dinantnan ko si Sheli. Hahaha. So instead of getting drunk at the middle of the week, I grabbed Sheli's guitar and started strumming Parokya's Sampip. Sabi ni Pol, sa tuwing tinutugtog ko yung kanta na yun, alam na niyang badtrip ako. Kahit hindi na daw ako magsalita.

Nakikanta na rin si Sheli. Playlist namin: Harana, Victor Would, Sabihin, Bad Romance, We are the Champions, Kiss the Rain, Love of my Life, Bohemian Rhapsody, Himala... Paumanhin na lang sa mga kapitbahay namin dahil sa aming kaingayan. Para kaming mga lasing na naka-isang case na ng red horse at sinisipa na ng bongga.

Habang tumutugtog ako (read: NAGWAWALA), nagluto si Sheli ng hapunan kasi tinamad na kaming lumabas. Guess what's our ulam: tunang saksakan ng anghang. Parang pulutan lang. Ayun, di kami masyado nakakain. Adik kasi. At ayun, nilantakan na lang ang Hot and Spicy Sugo. Hot and Spicy pa rin. :P

Hahaha.

Lesson: Pwedeng malasing kahit walang ispiritu ng alak. Imahinasyon lang, pwede na. :P

Mapanglaw

The stars look so lonely tonight.

Or is it just me?

Monday, January 17, 2011

Biyahero

Start:     Mar 6, '11
End:     Mar 13, '11
Location:     PAC
Produced by Pasay Adventist Church (PAC) and Sa Isang Sulok ng Bilog na Mesa Productions (SULOK)

Friday, January 14, 2011

Manila Chronicles: Broken

Nung sa Anik-anik, Atbp ako nagsusulat ng mga angas ko sa buhay (blog), meron ako dun na portion about my Baguio escapades, yung BAGUIO BLUES. When I went back to the lowlands, I abandoned the blog and thus the end of Baguio Blues. Fastforward mga ilang years, plus Zuckerberg's insane idea, I forgot all about Anik-anik kung saan nag-uumapaw ang kadaldalan ko sa mundo. 'Yung tipong bawat mangyari sa akin sa Baguio ay documented dun. Actually, pati nga yung sighting ko kay Grimace (haha, first time ko siya makita bilang mascot! Hehehe) nakalagay pa dun. :)

Ngayong ginagalugad ko ang Maynila sa halos araw-araw, at sa mga nakakatawa, nakakamangha, nakakalurking nasasaksihan ko, mukhang may bagong "segment" akong masusulat! Pasensya na kung sa pagbasa nyo e makita nyo ang sarili nyo dahil minsan, tsismosa lang din talaga ako!

:)


THE MORNING AND THE BROKEN


630 ng umaga ang alis ko sa bahay. Dito magsisimula ang pakikipagsapalaran ko sa Concrete Jungle where 'local' dreams are made of, hehe Maynila lang kasi hindi New York! :) Bagong gising ang mga tao, bagong ligo. Fresh na fresh, handang-handang makipagsapalaran sa masalimuot na syudad ng Maynila.

Hindi pa masyadong nagsusumigaw ang araw, hindi pa gaanong mainit. Wala pang bahid ng hirap at sakit. Dapat.

Pagsakay ko ng jeep sa Philcoa papuntang MRT, dun ako napaupo sa may likod ng katabi ng driver. Punuan na kasi, at alam mo naman ang mga Pinoy. Ayaw na ayaw nila ng hassle. Ayaw nila ma-hassle mag-abot ng bayad. Ayaw nila ma-hassle tumuwad pagbaba ng jeep. hihi. So yun na nga. Paglingon ko sa tinatahak na daan ng jeep, biglang napatitig ang mata ko sa ibang bagay - celphone. Actually, hindi sa brand ng celphone kundi sa tinetext sa celphone na yun. Eto ang nabasa ko:

"Joseph, so hindi mo talaga ako papansinin? Sige, bahala ka. Basta magkita tayo sa Makati mamaya. Mamamatay na ako!!!"

Naloka naman ako sa nabasa ko. Initial reaction ko, "Naku, broken hearted si 'Day." Tapos bigla kong tiningnan yung itsura nung nagtetext, alam mo na para maintindihan mo ang mga bagay-bagay (anu daw?) tsaka para makisimpatya na rin, just in case magkasalubong kami sa daan. haha. So ang ineexpect ko e babae, ganyan, kasi si Joseph ang katext niya diba? But no! Sinipat-sipat ko pa sa salamin, baka naman kasi mali lang ang interpretasyon ko sa mga bagay-bagay. E pagtingala niya, ayyyy, si 'Day!!!

Ayun. In fairness, nafeel ko naman ang kanyang pain. Inaabangan niya talaga ang reply ni Joseph sa kanya. Pero hindi siya nireplayan ni Joseph, sa span ng ilang minutes. Ayun, nagtext na lang siya ulit:

"Seph, ano ba! Magreply ka naman. Hindi na ako makatulog sa nangyayaring ito!"

Hahaha. Tawang-tawa ako, hindi dahil sa nangyayari sa kanya kundi sa pinaggagagawa kong pangingialam sa buhay ng may buhay! Kaloka!

Ayun. Pareho kaming bumaba sa MRT-QAve. Ako, papuntang Taft. I bet siya, papuntang Makati. Kasi nga imi-meet niya si Seph!

Sana lang e nag-reply na nga si Seph sa kanya. :P