Monday, November 23, 2009
It's the thought that counts
Last Saturday evening, kumain kami ng dinner ng friend kong si Vera somewhere in SM Baguio. Siyempre, magkaiba inorder namin. Chika-chika habang hinihintay ang food (habang nakita ko pa si Atty. Crush ulit). Nang dumating ang food, ang order ni Vera ang inilagay sa tapat ko, at ang order ko ang nilagay sa tapat ni Vera. Ang nakakatawa dun, medyo marami yung order ni Vera, maraming food sa plate. Yung sa akin, iisang putahe lang tapos maliit pa yung lalagyan. Diba naman? So ibig sabihin nasa itsura ko ang lalafang ng marami??? hahahahahahaha Oh well, hindi ko naman masisi si Ading Crew dahil ang diperensya ng katawan namin ni Vera ay medyo may kalakihan!
Ang moral lesson of the story: MAGPAPAYAT KA NA XIAUI DAHIL ANG TABA-TABA MO NA, AND IT SURE SHOWS! hehehe
Fine!
Friday, November 20, 2009
Baguio Blues
Ilang metrong alikabok na ang iyong nalanghap? Ilang kalye na ang iyong nalakad? Hindi pa tayo tapos sa ating paggagalugad, kaya bagong laso na lang muna ang sa'yo'y alay.
Malamig na panahon.
Mag-isang paglalakbay.
Walang makausap.
Walang makasama.
Mag-isa.
Daan-daang tao.
Dumaraan.
Dinaraanan.
Nakayuko.
Nakatingala.
Mabungo ma'y wala pa rin salita.
Ang buhay ng isa,
nangatog sa lamig
mag-isa.
Thursday, November 19, 2009
Bloopers
And the funnier thing pa, the name I said was the exact antonym of his surname, something like i said bukas and it was really sara. Something like that. Di ba nakakahiya?
Wednesday, November 18, 2009
Explanasyon kung bakit walang nagaganap sa blog ko
May dalawang bagay kung bakit hindi makapag-blog ang isang tao: una, wala siyang iba-blog kasi boring/ monotonous ang buhay niya, yung tipong sa lahat ng umaga, tanghali, hapon at gabi ay pare-pareho lang ang nagaganap; at pangalawa, sobrang daming nagaganap i.e., masaya, malungkot, busy, etc., na wala nang oras para man lang bumisita sa blog o di kaya'y hindi maisilid sa mga salita ang nagaganap. Sa kadalasan, parehong buntong-hininga lang ang nagagawa sa parehong sitwasyon. Isang buntong-hininga na uber-lalim ng pinaghuhugutan pero walang magawa kundi iyon, at indahin ang kung ano mang nagaganap sa buhay-buhay, at mag-intay na sa tamang panahon ay makakasulat muli at ang nangangalawang na blog ay unti-unting nawawalan ng kalawang.
Sana lang hindi pa nabubulok. heheheh
Tuesday, October 6, 2009
Restless, as usual
Excuses kung titingnan. Siguro nga. Kaya rin siguro hindi ako mapakali. Kasi sa kabila ng pagiging sugapa ko sa excitement, e isa rin akong dakilang duwag, at tamad. Masamang kombinasyon, diba?
Pati utak ko, nababalisa na ng sobra-sobra.
Haaayyyy...
Monday, August 31, 2009
Nagsusumixteen Series: Dalawang Segundong Ligalig
"Nandiyan ka naman,
tinutukso-tukso ang aking puso..."
Akala ko'y tapos na ang seryeng ito. Akala ko'y hindi na kita makikitang muli. Akala ko'y hindi na muling matatagpo ang ating mga landas. Subalit mali ako, tulad ng lahat ng akala sa mundo.
Isang lingon at dalawang segundo ng pagkakadaupang-palad. Wala na namang salitang nabigkas sa'yo. Pagkatapos lingunin, dali-dali akong nagpatay-malisya -- na hindi kita nakita, at hindi mo siya kasama.
Dahil kahit sa panahong ito'y wala pa rin akong lakas ng loob na lapitan at kausapin ka.
Dahil hanggang ngayon, kasama mo pa rin siya.
Wednesday, August 26, 2009
Raket, anyone? (Seryoso po) ASAP
I need some assistance kasi para sa thesis ko. ASAP. as in uber-ASAP.
PM me if you're interested.
Salamat,
Xiaui
Saturday, August 22, 2009
Visitaciones ni FVR
August 20, nakipagkulitan si FVR sa mga Pinoy sa AIT. He was in Thailand for the 50th Anniversary of AIT. Namigay din siya ng mga tobacco. hehehe
Friday, August 7, 2009
Nabobits akong bigla
At ang word na 'yun ay.... dyarrrrraaaaaannnnnnnn!!!
"Taga-"
... as in "Taga-saan ka? Taga-Laguna." hahaha! Mahalagang concept yan sa thesis ko kaya kelangan kong malaman kung anong tawag diyan kasi ieexplain ko siya dapat. Hehehe, nag-email na tuloy ako sa friend kong Language teacher. E since impatient ako at nagkukumahog nga ako, ay nagsearch na ako sa net, kasi asa pa ako sa library namin dito na makahanap ako ng Filipino Grammar book diba. And then napunta ako sa site na 'to: PinoyExchange.com. Forum siya actually na ang thread topic ay "You're and Your", how Pinoys make mistakes sa paggamit ng dalawang words na 'yan, hanggang sa dumating na rin sa topic ng Filipino grammar, like use ng "ng" ant "nang", difference ng pang-uri at pang-abay, mga ganung tipo ba. Katuwa siya, really kasi mga pinoy yung nagpapalitan ng opinyon, hindi lang sa Filipino language pero kung paano natin gamitin yung English. Natutuwa naman ako, kasi malaking bahagi ng identidad natin bilang Filipino yung wika.
Tulad ng term natin na "Taga-". Sabi dun sa nakita kong source sa net, "Taga-" daw is a noun-forming prefix meaning 'a native of' or 'coming from'. Diba kapag sinabi mong "Taga-Laguna ako", most likely kaakibat niya yung ethno-linguistic background mo. Meaning kung "taga-Laguna" ka, malamang Tagalog ka at dun ang hometown mo. (I still have to research kung tama ito sa lahat ng pagkakataon o hindi, sa tingin ko hindi sa lahat ng pagkakataon kasi pwedeng Bisaya ka na taga-Baguio, yung ganun ba! hehehe).
Ayun. That's the preview of the 20% of my thesis topic. Hahaha... Pero nawindang talaga ko diyan sa word na yan ha. Pero buti na lang naliwanagan na ako, at least dun kung anong tawag sa kanya. Pero dun sa konteksto niya at mga kaakibat niyang kaetchosan na mahalaga sa thesis topic ko, hindi ko pa rin masyado magets! haaayyyy...
Yun lang. ☺☺☺
Thursday, August 6, 2009
Wednesday, July 29, 2009
Once an outcast, always an outcast
Simula na ng Self-Talk ko:
Ganito lang 'yan e: either you are a total loser or probably you just like being different. Something like, deadma ka sa presence ng iba kaya feel mo outcast ka, or you like hanging out with people like you, na mahilig ding magkulong sa sarili niyang mundo.
Or, loser ka lang talaga! More like a clanging cymbal! (try mo mag-love, baka 'yun lang 'yun!)
Kung anuman 'yan, deadmahin ang feeling na 'yan dahil hindi 'yan healthy. Kung deadma sila, e di deadma ka rin, hello! Sila lang ba tao sa mundo? And for the longest time na nabuhay ka sa mundo and you didn't feel that miserable naman, walang sense to make angas about this. You can't please everybody, at siguro nga'y huli nang itanim ang konsepto ng "community" sa utak ng mga tao, even if they profess it. Laos na daw kasi ang "Bayanihan" dahil ang mga bayani, namamatay! Hay naku! Ewan!
End ng Self-Talk ko.
Hindi ko maintindihan ang sinulat ko. Sabi ko na e, 'pag angas talaga, walang kinapupuntahan.
Back to work! Chow!
Ang bagong "Boy" sa buhay ko!
Nahihimatay ako sa smirk niya, as in, at sa mata niyang, ahmmm, koreano! hahahaha! Alam ko bakit ko siya gusto pero di ko sasabihin dito. Hulaan n'yo na lang! Haha! At dahil super like ko siya now, here's "Lollipop" for you guys! Hihihi
Hihihihi
Wednesday, July 22, 2009
Buknoy and Me
Break from proposal writing... almost on the brink of nervous breakdown, hahahaha! Halata naman sa pics e! Echoz!
Saturday, July 18, 2009
Diet = Die + t
Namamarian ako kaninang gabi sa Watsons ng mga anik-anik ko, when suddenly this Thai saleslady approached me. She was speaking in Thai of course, I said "Sorry, I don't understand." Then she started speaking in English... you know what she said? Eto ang bonggang-bongga niyang sinabi:
"This product is for slimming..."
Nagpanting ang tenga ko 'ne, pero ngiti lang ang lola mo sabay sabi, "No, thank you," sabay alis.
Grabe, ouch 'yun ha! Grabe naman 'tong mga Thai na 'to. Por que't slim sila! If I know, hindi sila kumakain! Hahaha, bitter? Haha! Ganun na ba ako kataba?
*mahabang pause*
*mahabang pause ulit*
Hahaha! Sige na nga, magdiet na nga ulit at mag-exercise! Kainis naman! Di na nga ako kumakain e... (echoz!)
Azar talaga! Hehe
Thursday, July 16, 2009
July air + Joni Mitchell = Pre-bday syndrome
“Tears and fears and feeling proud
To say I love you right out loud.
Dreams and schemes and circus crowds,
I’ve looked at life that way…”
The past 28 years was like a melodramatic script in an experimental indie production struggling for recognition. Haha! Struggling, like everyone else, to be of use, live with purpose, so that when the end comes, I can at least say I have my happy ending. But how would one say “I have lived my life…”?
Read more at Dusty Typewriter
Tuesday, July 14, 2009
Wednesday, July 1, 2009
Na-A(H1N1) si Buknoy, at iba pang Kabalbalan
Ang taas na ng stress level ko dahil proposal, nadagdagan pa ng nagloloko kong laptop... hayyy...
Isang linggo na siyang wala sa katinuan at kahit nagreformat na ako, ganun pa rin siya. Mamaya, pupunta na naman ako sa technician. Nakakapagod ha. At naiinis na akong i-anticipate kung anong mangyayari sa laptop ko. Haaayy...
----
Sabi dun sa advisory ng campus, mag-ingat daw kasi may mga A(H1N1)-like cases daw dito. Oh my... Ayoko ng ganun...
---
July na. Kamusta naman ang mahiwaga kong proposal? Ayun, mahiwaga pa rin. Hahaha... Kumplikado ang mga bagay-bagay. Kailangan ko na lang tapusin para matapos na. Nakakaloka na ito. Bahala na si Batman...
---
I'm into Korean-pop lately, and I am totally amazed with the fact na opening act ang Wonder Girls sa Jonas Brothers US Tour. Hahaha... According to my sources, ni-ask daw ang WG na sila ang maging opening act sa buong US Tour ng Jonas Bro. Hehe... At si Sandara, haha, ayunn, umieksena sa K-Pop as member ng group na 2NE1... Wala lang.
At siyempre, si Hyunjoong ko, ayun, nasa HK ngayon and he's looking good, nakarecover na yata sa kapaguran niya from Boys Over Flowers. Hehehe...
---
Since my lappy isn't in its perfect condition, I had to ask a friend to lend me his extra lappy... and his external HD so I can save my files from my lappy before it was reformatted. Gosh, buti na lang. Hahaha... I was hoping he would lend me his macbook but I think it was too much... hihihi...
---
I need to go library-hopping because the collection in our library isn't that good especially when it comes to sociological stuff. Namiss ko tuloy ang UP Main Lib, kahit ganun yun! At least they have a copy of Benedict Anderson's "Imagined Communities" which I badly need for my thesis proposal. I have a copy nun pero naiwan ko sa Pinas. Hay...
---
Almost 5am na, i better sleep na. Hahaha. Need to go to the IT center pa later. Damn, Hindi ko magets bakit ganito ako magsalita/ magsulat at bakit wa-wents lahat ng sinulat ko ditrakels. Sensya na, parang utot lang daw kasi yan -- kung hindi ilalabas, nakakamatay! kaya go sa pag-utot!
----
Pooooot! Hehehe
Chow!
Monday, June 29, 2009
Tuesday is "Khun-sumisyon" Day
I don't like waking up early because it's torture for me, but since TUESDAY is the cleaning day for my room, I have no choice but to always get out of the bed, leave my room and roam around the campus half-asleep. And today, my friends, is Tuesday.
I don't despise the fact that someone is cleaning my room, infact I am certainly grateful for that. Yet, sometimes, I wish I never have to get up just because someone has to change my beddings. I mean, I can do that on my own, I can even clean my own room. I just don't want to be disturbed especially if sleeping is concerned.
Look, I have a difficult time sleeping. Sometimes, I am up for 48 hours before I can really feel sleepy. When I feel that, I dont hesitate, I sleep. And I dont want to be disturbed. So if someone wakes me up when I am in the middle of my dreamland adventure, that is absolutely irritating. But I don't blame the Khuns. They're just doing their jobs, so dedicated that they even miskaten me for a pillow once and they just threw all the stuff on my head bringing me entirely to my senses. They said sorry, so it was okay. But that really hurt. After that incident, my Tuesdays were never the same as before.
I just wished my dorm's cleaning schedule isn't morning. Or probably, I wish my insomnia will be cured soon so that I won't have to be so irritable all the time, Tuesdays specially.
P.S. I don't leave my room without taking a bath and bringing some baht. hehehe
Monday, June 15, 2009
Moda 2
Kahit kailan ay hindi mo maikakahon ang malayang pag-iisip -- gumuhit ka ng pakpak para maabot ang langit!
Sunday, June 14, 2009
Moda
Ayokong maniwalang kathang-isip lamang ang kalayaan, na parang langit na abot-kamay ngunit kahit gaano kataas ang iyong pagtingkayad, hinding-hindi mo malalasap.
Monday, June 8, 2009
Gusto kong magsulat...
... kapag isusulat ko na, nawawala na yung focus ko. Minsan, magpo-pop-up yung mga immediate na gagawin (tulad ng Thesis Proposal na hindi ko pa rin masimulan) or madalas, tinatamaan ng katamaran, nawiwili sa facebook, kay Hyun Joong, etc...
Pakiramdam ko sasabog na utak ko sa sobrang frustration. Para bang yung pakiramdam ng in-love na hindi maibulalas, yung parang natatae na ayaw lumabas...
Waaaaaahhh...
Gusto kong magsulat!!!
Friday, June 5, 2009
The Charms of Pinoys
In a recent international convention of coffee-producing nations, the Philippine delegation was trying to come up with a credible statement, to prove that the country has indeed contributed something significant to the coffee world.
It was time for the presentations.
The Colombian delegate boasted: "We have the best coffee beans, bar none!"
The Japanese representative humbly reported: "Japan has refined coffee production to make people enjoy coffee more."
The American delegate trumpeted: "America has the best and the most number of brands of regular and instant coffee, supported by the most modern means of production."
Then the head of the RP delegation stood up and declared proudly: "The Philippines invented the two-hour coffee break!"
Proud to be a Filipino.
Photo grabbed from http://www.baguio-city.net/2008/03/cordillera-coffee-review.html
Thursday, June 4, 2009
Yankumi is Back!!!
This movie is set for July 2009 in Japan! "Shun Oguri, Yuma Ishigaki, and Hiroki Narimiya will reprise their roles from the first season, and Kazuya Kamenashi, Mocomichi Hayami, Teppei Koike, and Keisuke Koide return from the second season. The film will focus primarily on students seen in the last season, as played by Haruma Miura (Ren Kazama), Yuuya Takaki (Yamato Ogata), and YÅ«ta Tamamori of the Johnny’s Jr. idol group Kis-My-Ft2." (source: http://nylesor.wordpress.com/2009/05/31/gokusen-the-movies-trailer-streamed-online/)
Yes, kasama si Uchiyama-kun (Shun Oguri) tsaka si Kame (si Shuuji sa Nobuta wo Produce! Hehe)
Gokusen the movie official site: (only for those who can understand Japanese) http://gokusen-movie.jp/index.html
Wednesday, June 3, 2009
Ganito ako magsenti ngayon...
AND IF THE HEART CANNOT LOVE
Jose Garcia Villa
And if the heart can not love
death can not cure it nor sleep
no splendor of wound the heart
had no sound
Bloom has escaped it and
birth the miraculous flower
and music and speech leave
it unbewitched
God it can not spell nor sun
nor lover the beautiful word
and it has no sound no sound
nor wound
Tuesday, June 2, 2009
Yamapi on GMA 7
Naloka ako bigla! Tagal ko nang sinasabi sa isang friend ko sa GMA 'yung NOBUTA, way back 2005 pa yata yun! And after a long wait, DAMN!!! Kung kelan wala pa ako sa Pinas!!! haha
Napanood ko naman na 'yang dalawang 'yan! Super love ko lang talaga si Yamapi at yung NOBUTA kaya ganito ako ka-excited! May espesyal na lugar sa buhay ko 'yang NOBUTA na 'yan e, di ba Lau, kaya ganun! Hehehe
Well, yun lang! Naexcite lang ako. Anu ba yan, late kasi sa balita! hehehe
PS. LOVE KO PA RIN SI YAMAPI KAHIT MAY HYUN JOONG NA AKO!!! Hahaha
*gaga*
PS ulit: http://hallyudorama.com/jdoramas-soon-on-gma-7/#more-1470
Friday, May 29, 2009
Sa wakas...
ni Kuya!!!
at ang puso ko'y tumalon, pero delayed reaction! Nakasampung hakbang na ako saka ko na-realize na binati pala niya ako at bigla akong napabulalas ng "YES!"
Haha... Yun lang. Hihihi
Tuesday, May 26, 2009
Happy Eating
When there are million reasons to celebrate, eating good food with crazy people should not be missed. :
These pictures were taken from Ting and P'Jo's Thesis Defense, FILA Farewell Party for Graduating Students, and their Surprise Pre-Graduation Dinner (nasurprise sila kasi bigla lang kaming sumulpot ni Ching!) Hehe
Today is their Graduation Day. Congrats!
Thursday, May 21, 2009
Anong gagawin mo kung wala ka ng gagawin?
1) Maglinis ng kuwarto: Dahil sa dami ng ginawa mo noong nakaraang buwan, mukha nang landfill ang kuwarto mo. Baka gusto mong linisin para hindi ka naman magmukhang nakatira sa Payatas!
2) Magsauli ng mga overdue na libro: 'Day, hindi lang Php2.00 ang bayad sa overdue book dito. Tandaan, 5 Baht isang araw per libro ang bayad. Sa tingin mo, marami kang pambayad? Wala kang pambayad!!! Purita ka bakla!
3) Maglaba ng damit: Bisitahin ang closet, hija! Wala ka nang madamit, kahit pantulog man lang! Maglaba ka kaya 'no?
4) Basahin ang mga nakatenggang babasahin: Bibili-bili ka ng libro, hindi mo naman binabasa! May mga dinownload ka pa, simulan mo na!
5) Magsawa kakapanood ng Korean drama: Go sa Korean Pop Culture!!! Bonggang-bongga ang Boys Over Flowers! Siguraduhin mo lang na tatapusin mo muna 'yan bago ka maghanap ng iba pang gig ni Kim Hyun Joong kasi 'day, madi-disappoint ka sa kanyang acting abilities. Oh well, singer/dancer naman kasi siya to begin with kaya palampasin na muna natin ang expressionless face niya sa Boys Over Flowers. Pero aminin, nakakahimatay ang smiling face niya!
6) Ma-inlove kay Kim Hyun Joong: Hayan! Sa sobrang wala kang magawa, at walang pwedeng mas realistikong chorvahin diyan sa lugar mo, mag-ilusyon ka na lang. Mabilis naman ang internet! hahaha!!! Ulit-ulitin ang episodes 9-38 ng We Got Married kung saan ka nainlove kay Kim Hyun Joong, tapos hanapin mo pa lahat ng gigs niya, pati yung mukha pa siyang ulaga at maaliw sa katotohanang para siyang mantika kung matulog, at cute siya kapag naka-clip!!! Ilusyunin mong ikaw si Hwang Bo na tinatawag niyang Buin (wife), na ganun ka kaganda at ka-witty (Hindi naman nila alam!) at pangarapin na nagda-date sila ng palihim! Haha! Tapos, kung hindi ka pa masiyahan, galugarin mo ang WWW sa lahat ng impormasyon kung ano na ang pinaggagagawa ni Kim Hyun Joong ngayon... Yah, whatever! Oo na, alam mo na na may bago siyang commercial at taga-endorse siya ng Dynamic Kin (Coca-Cola product). Ewan ko sa'yo!
7) Magpractice ng "Nobody" dance step: "Nobody, nobody but you... nobody, nobody but you..." Haha
8) Magdownload ng mga Kris Allen songs at magpa-party sa kanyang pagkapanalo: 'Yun lang, sama ako sa party! Haha! Go Kris Allen! Sana nga lang wala pa siyang asawa diba? hmpf.
9) Ubusin ang lahat ng pwedeng panoorin: Magtira ka naman, isa-isa lang! Mahaba pa ang mga araw! Haha!
10) Gawin ang layout ng blog-gag ni Arjax: Ayan! May matino kang magagawa! Go!
11) Gumising sa katotohanan: MAY THESIS PROPOSAL KA PA INENG, UMAYOS KA!!!
Pero since napagod ka daw, sige na nga! Hahayaan muna kita, pero after ng week na'to hindi na pwede ang papetik-petik!
Wednesday, May 20, 2009
No updates
...kasi tinatamad pa ako. Tulog muna ako ng mas matagal! hehehe. Na-deprive ako ng tulog ng bonggang-bongga e. :D Updates coming soon.
Sunday, April 26, 2009
ED 79.16 Final Exam
Start: | May 11, '09 09:00a |
End: | May 11, '09 12:00p |
Location: | E108, AIT, Thailand |
(Last time ko na rin na makikita si Unno... huhuhu)
ED 79.14 Final Exam
Start: | May 4, '09 1:00p |
End: | May 4, '09 4:00p |
Location: | ET109, AIT, Thailand |
Abby in Thailand
I had to see her during her visit in Thailand because this girl rocks! Hehe... Sensya na Abby, uber-busy ako nung dumating ka. :D
Ashes
March 23, 2009, Ratchaburi, Thailand. Libing ni Dr. Nowee. First time kong makasaksi ng Buddhist Funeral. Halos week-long 'yung ceremony, last day na ako nakapunta, nung iki-cremate na siya. We were there since 11am until 5pm. We left AIT at 8am, so medyo may kalayuan 'yung lugar.
Behind the colorful facade of this Thai Temple, sadness was overwhelming. Even the brightness of the sun cannot outshine the loneliness of the ones who cared for her.
I will really miss you, Dr. Nowee.
Ano nga kaya, 'no?
I know for a fact that the name Arjay Arellano isn't the most unique name in the world, so this could be anybody with the same name as my friend. Nakakatawa lang isipin kung "Arjay Arellano" na kakilala ko nga itong tinutukoy niya. Haha.
sabi sa blog:
"the name of the guy is arjay arellano and yes i love him from the start…mula palang po ng makita ko ang lalaking ito minahal ko na..."
Diba naman? Sinong hindi maku-curious. Eto pa:
"pro wag k 1yr ako niligawan nito oh laban k???hehe.. but you know what we never had a formal break up and its really hard for me to move on right after the relationship."
Hmmm... this was written in August 2007. If this is my friend Arjay, then he's keeping secrets from me (like hello, of course he has his secrets! haha) and wait, hindi naman niya one year niligawan yung ex niya? Haha... pero tuloy natin...
"i love him so much that every time i got to think about him i dont care where am i dahil i usually burst out.. my tears never stop falling for him. until now i never got the chance of talking to him..."
Naisip ko lang. I doubt kun si Arjay nga na friend ko ang tinutukoy dito. Hindi ganito magsulat yung ex nya, at yung mga nagustuhan niya, hindi ganito kababaw magsulat... unless, niko-conceal niya ang totoo niyang identity. haha.Pasensya na. Nasobrahan na yata ako ng kakapanood ng Veronica Mars kaya ganito. Pero, nagtataka pa rin ako, sino kayang "Arjay Arellano" ang tinutukoy nito at sino kaya 'tong nagsulat nito? hehe
Saturday, April 25, 2009
Hinga muna
Ang tagal ko nang hindi nakapag-multiply! huhuhuhuhu... pero wag nang magreklamo dahil konting panahon na lang ang kailangan kong gugulin sa pagpapaka-busy dahil malapit na ang FINALS!!! grabe na 'to!
Pero bago mag-celebrate ang kagandahan ko, my gulay, sandmakmak na kangaragan muna. Halos natapos ko na ang karamihan sa mga requirements, konting hinga pa at ayos na ang buto-buto. Kaya lang, sobrang taas na ng stress-level ko, umaatake-to-the-max ang allergies ko, walis-tambo look na ang hairlaloo ko, kungfu panda na ang eyebags ko, at ang room, mukha ng landfill. My gulay! Hay, buti na lang nakatakas ako ngayong gabi, este, madaling araw pala, para makabisita sa blogey kow.
Hay... back to kangaragan! Chow!
Friday, April 10, 2009
Tongue Twister
"Sa
lahat
ng
salitang
pinagbubuhol-buhol,
sa 'yo
lamang
talaga
ako
nabubulol."
choz!
Tuesday, April 7, 2009
Guess Who
Images grabbed from
http://www.imdb.com/media/rm1691260160/ch0001439 and
http://www.virginmedia.com/movies/galleries/previews/star-trek-cast.php?ssid=3
Friday, April 3, 2009
Nagsusumixteen Series: Self-Talk
Today, you were actually given that rare chance to smile at him yet you chose to be a wimp.
Sunday, March 29, 2009
Nagsusumixteen Series: Si Manong Kuya
nang makita ko ang likuran mo...
Hindi naging kumpleto ang nakaraang linggo ko kasi wala ka. Nalaman ko na lang, nag-China ka pala. Hindi tuloy kita nakita noong Martes at Biyernes. Isang linggo kong inabangan ang pagbalik mo, gabi-gabing dumaraan sa tapat ng dorm mo, nagbabakasaling may masisinagan akong ilaw sa kuwarto mo, pero hanggang kagabi, hindi pa rin kita nakikita.
Pero kanina, habang tulog akong nagbibisikleta papunta sa silid-aklatan, nakita ko ang likod mo, naglalakad sa may di kalayuan. Tila bang tumalon, tumakbo, at nadapa ang puso ko nang makita ko ang likuran mo. Nandito ka na ulit! Ang saya-saya naman! Kailangan ko na lang maghagilap ng sapat na lakas ng loob para man lang makatingin sa'yo ng deretso, at kung kakayanin pang makangiti sa'yo, para na akong biniyayaan ng super powers nun.
Martes na bukas. Kita-kita tayo sa klase. Hihihi. Bigla akong na-excite!
Saturday, March 28, 2009
It's a Miracle!
Haha! Sorry. I'm just justifying the exaggeration of my reaction towards my academic life. Hehe. Nataranta lang ako, nagimbal at nagising sa katotohanan.
Para wala nang paligoy-ligoy pa, sasabihin ko na kung anong nangyari. Ganito:
- Mababa pa rin ang nakuha ko dun sa pinangangambahan kong subject, pero hindi naman siya kababaan na tipong patatalsikin na ako dito sa AIT. Kaya pa naman siyang bawiin kahit next highest grade na lang (but I'm still aiming for an A! Lord, help me!)
- Kumbaga sa battery, Triple A ako. Hehe. Yun. :) Pero nangangahulugan din 'yun na kailangan kong magtino pa kasi midterms pa lang 'yun. There's still a big chance na bumaba pa 'yun kapag nagpabaya ako. More pressure! My gulay!
- Isa sa mga subjects ko ay walang grade kasi wala daw pagbabasihan, sabi ni Dadi Seyj. Hehe. Kasi naman, one credit lang yun tapos 5points pa lang yung assignments na binigay niya. Well, Research Design yun so ang mahalaga dun ay ang Thesis Proposal at the end of the semester.
Speaking of thesis proposal, I need to finish my thesis proposal as soon as possible, and I have to defend it as early as may, dahil by June/July, I should be going back to Baguio to do my data gathering and my internship.
So there. Isang buwan na lang at Finals na naman! At nape-pressure na akong lalo! Natatae na ako sa pressure. Haha
Well, I can say, it's still good to feel low sometimes kasi you get to realize that you have to try your best in everything and you cannot survive without God's grace! Nababatukan ang mga papetik-petik! Kaya ayun!
Kung sa ANTM pa 'to, sasabihin ni Tyra sa akin, "You're still running towards becoming America's Next Top Model!" Sabay fierce-look... and pout!
Haha.
To my dearest Pangga!
BONGGANG-BONGGA ka ngayong araw na ito dahil ARAW mo ngayon!
Songkran
Start: | Apr 13, '09 |
End: | Apr 15, '09 |
Location: | Thailand |
Earth Hour
Start: | Mar 28, '09 8:30p |
End: | Mar 28, '09 9:30p |
Location: | Earth |
Turn off your lights for an hour, from 8:30 pm to 9:30 pm (local time).
Visit the Earth Hour Site at http://www.earthhour.org/home/
Wednesday, March 25, 2009
Anik-anik, Atbp., muling nagbabalik!
Tuesday, March 24, 2009
Hindi ako makapaniwala
Ipagdarasal ko na sana mabigyan ng katarungan ang iyong paglisan. Badtrip e, ang dami mo pang pwedeng gawin.
VJ, salamat sa pagkakadaupang-palad!
Sunday, March 22, 2009
Khok Charoen, Lopburi
Here are some of the snap shots of our trip to Khok Charoen, Lopburi Porvince, Thailand for the Gender Analysis and Gender Responsive Development Planning class under Dr. Kyoko.
Thursday, March 19, 2009
Capital T
Siguro, hudyat na ito na kailangan ko nang umuwi. O kung sa termino pa ng mga galit sa akin at nag-iisip na ilusyunada ako, panahon na para lumibel ako sa dapat kong kalagyan.
Nabagsak ko ang isa sa mga exam ko, at yun pa lang ang resultang nakukuha ko sa ngayon. Nangangamba ako na pare-pareho ang kalalabasan ng apat ko pang exam dahil, una, tanga naman talaga ako; pangalawa, pareho lang ang takbo ng utak ko simula ng una hanggang huling exam.
Pagod na ako sa totoo lang, pagod na akong makipaghabulan sa mga gusto kong abutin. Huling pagkakataon na ito at anong ginawa ko? Hindi ko alam kung hindi ko lang talaga kaya o nawawala na naman ako sa konsentrasyon?
Sasabihin siguro ng mga galit sa akin, "HINDI MO KASI TALAGA KAYA, ILUSYUNADA KA KASI!" Putang-ama n'yo! At least ako, sinusubukan kong habuli at abutin yung mga gusto ko kahit minsan e suntok sa buwan talaga! Kung ano mang kahinaan meron ako, pinipilit kong i-overcome yun! Nakakapagod na kaya! At oo, ilusyunada ako, kasi ayokong nagsesettle sa ganito lang.
Nakakapagod na lang talaga.
Masyado na akong matanda para sa mga kapalpakan! Pero eto na naman ako, pumapalpak pa rin ng bonggang-bongga! At lagi't laging may repurcussions ang mga bonggang-bongga kong kapalpakan, i.e., hindi na ako makakatuloy mag PhD kasi kamusta naman ang grade ko, diba?
Ngayon, hindi ko alam kung titigilan ko na 'tong habulan na 'to o mas lalo lang akong tatakbo kahit wala na akong lakas. Pero kasi, baka naman hindi na ako kasali sa habulan e takbo pa rin ako ng takbo? Diba katangahan 'yun?
O baka tanga lang talaga ako?
Tuesday, March 17, 2009
I will miss you, Dr. Nowee
Life is so short to realize you're missing half of it.
This morning, a phone call from Nur, my Indonesian classmate, woke me up. "Dr. Nowarat died this morning."
I didn't want to believe what I just heard.
It's not like I didn't know this is going to happen. She's been sick since last semester. She was confined to the hospital for months and she only returned during the finals. She was one of the nicest professors I've ever met, not to mention that I really admire her intelligence. She was teaching Nanotechnology here in AIT plus Environmental Engineering subjects. She was an Applied Physics graduate from Mahidol University here in Thailand and she continued her graduate and postgraduate studies in the US. She was my academic adviser. We were never really that close but since she has that refreshing personality, I've always liked her. Our last conversation was during the registration period and before she took her leave this semester.
But even though we already knew her passing will eventually happen, I didn't realize it'll be this soon. Maybe I was expecting a miracle, that her life will be extended just for a couple of months... or years. She was still young and she still had so many things to do. But as what they always say, you'll never know when your time is up.
I didn't know her well enough so I cannot say she wasted her life for unimportant things. Her work was probably her most valued possession, and maybe she had so many plans to improve the quality of life of many. But then, what's the use of all these when you don't have the strength to even lift a pen? She took her work so seriously that maybe she forgot to take care of herself.
I am sometimes like that. Sleeping really late and even being awake for 48 hours straight just to finish a requirement for school, not eating on time, eating unhealthy food, etc... and for what?
We only live once, and we have to use it to the fullest and most meaningful way possible. But since our lives are relatively shorter compared to our plans and dreams, it's better to try to prolong our lives, or at least not try to shorten it, so that we can at least achieve half of the things that we intend to accomplish before the last straw of breath leaves our frail human body.
And maybe the thought that our lives are not entirely ours, probably we can have that sense of responsibility not to waste what was entrusted to us. We are accountable to the way we live our lives.
I am going to miss you, Dr. Nowee.
Monday, March 16, 2009
Reflection
Bundat, while sleeping in one corner of his 'crib' (aquarium).
*This is a raw pic. I did not edit this in photoshop.
Saturday, February 21, 2009
Visiting Chachoengsao
Five-day fieldwork in Chachoengsao Province for our UEM Workshop class this semester. At the end of the semester, we are expected to draft an urban revitalization plan for Muang Chachoengsao, the most urbanized municipality in the province.
On the first day (15Feb), we went around the tourist-spots in the Province. We went to Wat Sothorn, Baan Mai Market, Bang Khla, and others. The next days were mainly for business, but of course, we still managed to find some time to fool around. hehehe
Thursday, February 19, 2009
ED 79.10 Fieldwork
Start: | Feb 15, '09 |
End: | Feb 19, '09 |
Location: | Chachoengsao Province, Thailand |